Pagkababa Ng taxi ay agad akong lumigid at tinungo Ang back gate. Isang maliit lang iyon na gate na kasya lang Ang tao. Naglakad na ako papasok. Malapit na ako sa back door Ng Cuisine nang mapahinto sa paglalakad. May nauulinigan akong mga tinig, may nag-uusap. Hindi na Muna ako natuloy sa paglakad at napagdesisyunang makinig na muna. Hindi man sa nakikiusyuso ako, pero may pakiramdam akong parang may mali. Tinig iyon ng dalawa sa mga tauhan ko.
"Pero, Ma'am.. Natatakot po ako. Paano kung malaman nila..?"
"Malalaman..?"
Napahigit ako Ng hininga. Tinig iyon ni Melba, Ang kahera. Ang Isang tinig ay Hindi ko pa masyado kilala dahil hindi naman lahat ng mga tauhan ko ay araw-araw kong kausap. Hinugot ko Ang cellphone sa likurang bulsa Ng pantalon at pinindot Ang record. Instinct ko Ang nagtulak sa akin para gawin iyon. Kung may anomalya mang nangyayari sa Cuisine, malalaman ko. Ang record ay siyang magiging katibayan laban sa mga ito. Pero kung ito man ay sa pagitan lang nilang dalawa ng kasama nito, ay hindi ako makikialam, Ang mahalaga sa akin, gawin nila Ng maayos Ang kanilang trabaho.
Lumapit ako Ng kaunti para mas Lalo Kong marinig at mairecord. Sa kinatatayuan ko, Hindi mahahalatang may tao, dahil medyo tago. At siguro naman, Hindi alam ng mga tauhan ko na may daanan dito, dahil ako lang Ang nakakaalam nito. Dito ako dumadaan kung gusto kong pumuslit mula sa opisina na Hindi dumadaan sa entrance/exit ng restaurant.
"Ricky, hinding-hindi nila Yan malalaman kung walang magsasabi.."
Mahina pero mariing Sabi ni Melba.
"So, si Ricky pala Ang kausap Niya.." bulong ko.
"Pero, Ma'am.. Nakukunsensiya Po ako.."
"Kunsensiya..? Hoy.. Huwag ka ngang ganyan.? Dati mo na tong ginagawa, kaya bakit ka makokonsensiya.?"
"Ang bait ni Michelle para gawan ng ganun.."
Napataas Ang dalawang kilay ko sa narinig.
"Michelle..? Anong kinalaman nila sa nangyari kay Michelle.."
Napakuyom Ang palad ko. Umigting Ang panga ko.
"Mabait..? Sa palagay mo ba, mabait talaga iyon o nagbabait-baitan lang..?"
"Pero, Ma'am..---"
" Hay naku, Ricky.. Ilang tauhan na Dito Ang napaalis Ng dahil sa ginawa mo..--"
"Inutusan mo Po ako..--"
"Okay.. pero sa nangyari Kay Michelle, deserve Niya iyon. Dahil ayokong may kaagaw ako.."
"Kaagaw..?"
"Oo.. Dahil kabago-bago Niya pa lang Dito, halos lahat, sa kanya tumitingin.. Nabaling Ang atensiyon nilang lahat sa lintik na babaeng iyon.. Pati ba Naman Ang lalaking gusto ko, parang makukuha na Rin Niya Ang atensiyon niyon.. Siguro nga, pati Ikaw, ha, Ricky, nagkakagusto na Rin sa babaeng iyon.."
"Maganda Naman Po Siya. Sobrang ganda. Kaya Hindi maikakailang may magkakagusto sa kanya.."
"See.. Pati Ikaw, nadala sa karisma Ng babaeng iyon... Ahh, Basta.. Bahala kayong magkagusto sa babaeng iyon, Ang akin lang, hindi Niya makukuha Ang lalaking gusto ko.. Buti nga sa kanya iyon.."
"Pero naospital Siya at nabalian.."
"Buti nga sa kanya.. Pasalamat Siya at iyon lang Ang natamo Niya.. At nang maisipan niyang mag resign sa trabaho Niya Dito.. Dahil ayoko ng Makita Ang pagmumukha Ng lintik na iyon.."
"Hindi ka ba naaawa..?"
"Bakit ako maaawa..? hah.! Sana nga nauntog pa Ang ulo nun para Naman mas may rason na hindi na iyon makakapagtrabaho dito.."
"Lahat na lang Ng Bago ginagawan mo Ng masama.."
"Hindi Naman lahat.. Pili lang Naman. Iyong mga taong alam ko at pakiramdam ko eh kaagaw ko, sila lang Naman Ang pinupuntirya ko.. Kilala mo ako Ricky, ayokong malamangan.."
"Tama ka.. Kilalang-kilala nga kita.."
"Kaya sa susunod, kapag bumalik pa Dito Yung lintik na babaeng iyon, ayusin mo na Ang pagtatrabaho mo, at Ng maitsapuwera Siya agad agad.. Hindi iyong mababalian lang at maoospital.."
"Melba.."
"Hayan na Naman tayo.. Kapag nandito sa trabaho, huwag na huwag mo akong tatawagin sa pangalan ko lang.. Dapat Ma'am..!! Naiintindihan mo ba ako..?"
"Opo.."
"O Siya, sige na, Oras na para bumalik ka sa trabaho mo.."
Narinig ko Ang mga yabag Ng papalayong tao. Saka isang marahas na pagpawala Ng hangin.
"Michelle, ayokong maagaw mo sa akin Ang taong gusto ko.. Kung Hindi ka pa madadala sa nangyari ngayon sa'yo, sa susunod, sisiguraduhin Kong mawawala ka na talaga sa landas ko..!"
May galit at mariing sabi ni Melba. Saka ko narinig ang tunog ng takong ng sapatos nito na papalayo sa lugar.
Matapos maioff Ang recorder, agad Kong ibinulsa Ang cellphone. Mahigpit Kong naikuyom Ang mga palad. Hindi na maganda Ang nangyayari. Base sa tinig nito, may pagbabanta siya kay Michelle. At iyon ang hindi pwedeng mangyari.
"Sabi ko na nga ba, Hindi aksidente Ang pagkakadulas at pagbagsak Niya.. Kailangan ko Ng Kumilos.."
Umigting Ang mga panga ko. Ramdam ko ang pag-init ng dugo ko. Parang gusto ko Ng manapak ng tao. Sumandal ako sa pader. Ipinikit Ang mata, at kinokontrol Ang sarili.
"Relax, Frank.. Hindi nila dapat Malaman agad na alam mo na ang kanilang ginawa.."
Nakailang beses pa na buntong-hininga Ang ginawa ko Bago sumilip. at nang masigurado na Wala na talagang tao, Saka ako lumusot sa maliit na pintuan at dali-daling tinungo Ang pintuan papasok sa aking opisina.
Pangatlong araw ko na sa ospital na iyon. Gusto ko na talaga lumabas kaso ayaw pa ako palabasin Ng doktor. May bali Ang paa ko ayon Dito na Nakita sa xray. Kailangan ko pa ng agarang gamutan. At ibinilin daw ako ng kaibigan Niya sa kanya. Nagtataka lang ako kung sino'ng kaibigan Ang tinutukoy nito.
Sa ngayon, andito na ako sa suite room. Mag-isa lang akong pasyente Dito. Inilipat ako Dito ayon na Rin sa kagustuhan Ng kaibigan nito. Tinatanong ko nga pero ayaw Naman akong sagutin. Sabi Niya ay Hindi ko na daw kailangan pang Malaman kung sino Ang kaibigan Niya. Naawa daw Kasi ito sa kalagayan ko Ng minsang mag-ikot ito sa ospital. Kasama Ng ilang kasamahan ko sa ward, sabay kami inilipat pero sa magkaibang silid. Dahil mainit daw Ang silid na pinaglagyan sa Amin. Tama nga Naman Siya, mainit nga doon, maalinsangan.
Gusto ko lang Naman Malaman Ang pangalan Ng kaibigan na tinutukoy ni dok para magpasalamat. Pero ayaw Naman sabihin sa Amin. Malaki Ang pasasalamat ko sa taong iyon dahil binigyan Niya ako Ng panibago at maaliwalas na kwarto, malayo sa maingay at Amoy gamot na ward na iyon. Amin ko naman na Hindi talaga ako nakakatulog Ng maayos dahil sa mga kasama ko sa room na iyon. Marami na nga kaming pasyente, dagdagan pa Ng mga bantay nito na Tig dalawa pa. Kaya tuloy, ramdam talaga Ang init sa kwartong iyon. Nagkibit balikat lang ito sa tuwing tatanungin ko. At Ang bilin daw sa akin, magpagaling lang ako, Masaya na Siya. Kaya di na ko nagpumilit pa.
Ang suite room na ito, napakaganda. Air-conditioned. Parang nasa kwarto lang ako sa Bahay. Maya't Maya Ang pasok Ng mga nurse. Todo bantay din Ang mga ito. Palagi akong tinatanong kung may iba pa ba akong nararamdaman sa katawan ko. Kung may masakit pa ba o Wala na. May maliit na flat screen tv sa gilid. Hindi ko lang binuksan. Isa pa, Hindi Naman Kasi ako mahilig manood Ng tv. May sarili ding dining table Ang kwartong iyon, pandalawahan nga lang, malaking comfort room, may sofa na para matulugan siguro Ng taga bantay, at isang mahabang upuan. Muli Kong pinasadahan Ng tingin Ang loob Ng kwartong iyon. Hindi ko mapigilan na mamangha. Kahit lumaki ako sa maykayang pamilya, at nakaranas Ng marangyang pamumuhay, pagdating sa mga kagamitan at pagsasaayos Ng mga gamit sa ibang kwarto o Bahay, namamangha pa Rin ako.
Natuon ang pansin ko sa cellphone ko, tumutunog iyon. Kinapa ko iyon sa ilalim Ng aking unan at tiningnan kung sino Ang tumatawag.
"Si Trina.." naibulong ko.
Agad ko iyong sinagot.
"Hello..?"
"Michelle..!"
"Trina.. Napatawag ka.?"
"Ahhmm.. Oo, para sabihin sana na hindi ako makakapunta diyan Mamaya. May emergency lang Kasi eh.."
"Ganun ba..?"
Bigla akong nalungkot. Pero hindi ko iyon ipinahalata.
"Pero huwag Kang mag-alala, Kasi may pupunta Naman diyan Mamaya.."
" Sino..?"
"Ah Basta, may pupunta lang diyan Mamaya.."
Nalito na tuloy ako. Nagtanong sa sarili.
"Sino Naman kaya..?"
"Hay naku, sige na, sabihin mo na sa akin.."
Pangungulit ko. Pero Hanggang sa natapos Ang pag-uusap namin ay hindi talaga nito binanggit kung sino Ang makakasama ko Dito Mamaya. Nagtagal din Ng ilang minuto Ang pag-uusap naming magkaibigan. Gusto ko pa sana Siya makausap kaya lang, tapos na Ang break time at mag-aayos pa siya. Dahil magha-halfday lang Siya. Uuwi Siya sa kanila for emergency purpose.
"Ayos lang Naman sa akin Ang mag-isa. Dahil palagi Namang pumapasok Ang nurse Dito. Iyon nga lang, kailangan ko Ng kasama sa tuwing magliligo o mag half bath dahil mahirap nga maglakad.."
Gayunpaman ay hihintayin ko kung sino Ang makakasama ko Dito Mamaya.
Sa ngayon, upang hindi ma-bored, kinuha ko Ang bag sa gilid Ng hospital bed, at dinukot Mula roon Ang Isang Hindi gaano kakapal na kwaderno. Binuklat ko iyon sa pahinang may nakalagay na na lapis. Sa papel, may naka-guhit. Isang mukha.
Napangiti ako. Ang mukha na iyon ay Ang taong naging inspirasyon ko Mula Ng masilayan ko Siya. Hindi na talaga nawaglit sa isipan ko Ang sobrang gwapong mukha Ng lalaking iyon. Ang lalaking nagpapatibok Ng puso ko. Masasabi ko talagang ang 'love at first sight' ay totoo. Dahil magiging ipokrita na ako kung hindi ko aaminin sa sarili ko na nahulog Ang loob ko sa kanya sa unang pagkikita pa lang namin. Sa tuwing nakakasalubong ko Siya sa Cuisine, kinikilig talaga ako. Simula nung unang kita ko sa kanya, nagsimula Ang lihim Kong pagtingin. Kahit sino namang babae magkakagusto dun eh. Hindi lang sa kagwapuhan kundi sa taglay nitong kayamanan. Pero Hindi ako naghahabol sa Pera ha.
Sa totoo lang, maliban sa mga magulang ko, ay Siya din Ang Isa sa mga Kinasasabikan kong Makita.
Tiningnan ko Ng mabuti Ang nasa larawan. Sobrang gwapo talaga, Mabuti na lang at marunong akong gumuhit, kaya naiguguhit ko Ang mga gusto ko.
"Hay.. Kailan kaya ulit kita makikita..? Nakabalik ka na kaya Dito..? Alam mo na kaya Ang nangyari sa akin..? Alam mo, hinihintay ko talaga palagi Ang pagdating mo tuwing Umaga sa Cuisine. At kapag Nakita na kita, sobra Naman akong kinikilig.. Magiging ayos na Yan Ang Araw ko. Oh di ba, lalo akong sumisigla kapag nakikita kita.. Kaya lang, natatakot Naman ako at nahihiya na sa ihin sa'yo Ang nararamdaman ko. Baka mawalan ako Ng trabaho.. Alam mo, kahit masungit ka, kahit suplado ka, pero love na love pa Rin kita na halimaw ka.."
Itinapat ko sa dibdib Ang kwaderno at tumingala sa kisame. Tumitig doon pero nasa ibang Lugar Ang utak ko, gumagala. Malungkot akong napabuntong-hininga.
"Ikaw na lagi Ang laman Ng isipan ko. Itinitibok ng puso ko. Pati sa panaginip ay nandun ka din. Pero, Hanggang tingin na nga lang ba ako..?"
Muli Kong tiningnan Ang guhit na mukha.
"O di kaya, mamahalin mo Rin ba ako, Frank..? Isang hamak lang ako na taga silbi sa kainan mo, mapapansin mo kaya..? O di kaya'y Hanggang pangarap na lang kita..?"
Napabuntong hininga ako. Agad na Inilapag Ang kwaderno sa maliit na pabilog na mesa at kinuha Ang lapis. Guguhit na Lang ako Bago pa ako mag break down Dito. Nang sa gayun ay Hindi ako mabagot at tuluyang malungkot. Pwede ding pampalipas Oras.