Chapter 15

1839 Words
Saktong Isang linggo matapos akong makalabas sa ospital nang payagan na akong magtrabaho. Maayos na Rin Naman Ang pakiramdam ko. Hindi na namamaga Ang paa ko, pero pinag-iingat pa Rin ako Ng doktor na huwag lang masyado maglalakad o pagurin Ang paa para Hindi na mamaga ulit. Matapos makaligo ay agad Kong inayos Ang gamit. Isinuot ko na Ang uniform namin. Napangiti ako nang Makita sa salamin Ang repleksiyon ko. Dalawang linggo din akong Hindi nakapagtrabaho at natambay lang sa inuupahan ko habang nagpapagaling, kaya nanumbalik Ang kulay ko. Sinipat ko munang mabuti sa salamin Ang mukha at Ang balat ko, baka namumutla lang ako, pero Hindi eh. Unti-unting nanumbalik Ang dati kong kulay. Umalis ako sa harap Ng salamin at kinuha Ang nakakuwadrong larawan namin Ng mga magulang ko. Sumilay Ang ngiti sa aking mga labi. "Mama, Papa.. Maobra Naman ako liwat. Ayo na akon tiil, kag ginsugtan na ako nga mag obra sang amo ko. Lipay gid ko.." "Pero Indi Niyo bal an kung ano Ang mas makahatag kalipay sa akon. Kag kung ngaa nga excited ako mag-obra. Kay Makita ko na Naman Siya. Ang tawo nga nagustuhan ko. Pero daw Hindi na matawag Nga gusto lang eh.. Daw palangga ko na..?" Dahil sa naisip ay kinilig pa ako. Saka muling nag-isip. "Siya, palangga ko.. Gusto ko Makita Siya pirmi.. Gusto ko ipakita sa iya nga palangga ko Siya.. Gusto ko ipabalo sa iya Ang ginabatyag ko.. Pero nahadlok ako.. Nahuya ako.. Kag Ang pamangkot gid sa utok ko, palanggaon man ayhan Niya ako..?" Isang malalim na buntong hininga Ang pinakawalan ko. "Haaayyy... Amo gid ni Ang kabuhi ba nuh.. Kis a, masadya. Pero kis a, mapait man.. Di ba, Ma.. Pa..?" Itinapat ko sa dibdib Ang larawan at ipinikit Ang mga mata. "Kung ari lang kamo sa tupad ko, mas sobra Ang kalipay nga mabatyagan ko.." Pinigilan Kong huwag maluha upang maturuan Ang sarili na makontrol Ang damdamin ko. Ilang beses na buntong-hininga Ang ginawa ko Bago iminulat Ang mga mata. Ikinurap-kurap upang Hindi matuloy Ang pagtubig Ng mga mata. Ipinatong na muli Ang litrato sa aparador. "Bye, Mama kag Papa.. Maobra ko anay ha.. Diri lang kamo nga duwa.. Love you.." Binalingan ko Ang bag na nasa lamesita at binitbit na iyon palabas ng kwarto. Pagkababa sa unang palapag, nagkasalubong kami Ng may-ari Ng paupahan na iyon, na si Aling Marita, Isa na siyang senior citizen pero malakas pa. "Oy, Michelle.. Magaling ka na ba? Okay na ba iyang paa mo..?" Tumango ako. at nginitian Siya. "Aling Marita, opo.. Okay na Po ako.. eto nga oh, tinawagan na Po nila ako na pwede na daw ako magtrabaho ulit. Pinayagan na ako Ng boss namin.." "Naku, mabuti Naman.. Naku, anak, mag-ingat ka na sa susunod ha.. At tingnan mo Ng mabuti Ang nilalakaran mo para Hindi ka na madulas at matumba.." "Ay, okay po. Tatandaan ko Po, Aling Marita.. Maraming salamat Po.." "O Siya, anak, humayo ka na.." "Sige Po.." Bago tumalikod ay kumaway pa ako sa kanya Saka ipinagpatuloy Ang paglalakad. Pagdating sa harapan Ng Cuisine, Hindi na Muna ako pumasok. Napaaga ako Ng dalawampung minuto sa dapat na Oras Ng pagpasok Ng mga empleyado. Nasa kabilang kalye ako kaya medyo hindi kita Ang kinatatayuan ko. Hindi sa nagdadalawang isip ako na pumasok, kundi ay gusto ko lang magmasid Muna kung sino sino na ba Ang nasa loob, at kung sino pa ba Ang darating. Nakikita ko sa clear glass na dingding na marami Rami na Ang nasa loob. "Dumating na Kaya Siya..?" Ang tinutukoy ko ay Ang boss namun, si Sir Frank. Hindi ko Nakita Ang kotse nito sa parking area sa harapan Ng Cuisine. Kaya, malamang, Wala pa ito. "Ay, oo nga pala.." Natampal ko Ang noo. "Nasa bakasyon pa pala iyon. Umuwi sa kanila dahil pinapauwi Ng mga magulang nito.." Bigla kong nalungkot sa naalala. "Maka sana all na lang gid ta sini.. mayad pa Siya, buhi pa ginikanan Niya.." Bumuntong hininga ako. Agad na ipinilig Ang ulo at tumayo Ng tuwid. Naging seryoso at matigas Ang mukha. "Hay..! Ayoko na Muna maging malungkot ngayon. Dapat, positive lang.." Mahinang sinampal sampal ko Ang pisngi. "Michelle.. Dapat positive lang.. Iwaglit Muna Ang mga ala-ala na Yan. Trabaho muna para sa future.." Saka itinaas Ang nakakuyom na mga kamao. "Kaya ta ni ah.. Kag kayahon gid para di ta matigok sa aton obra. Kulba ka lang, maobra ko ya.. Aja..!!" Saka ilang beses na bumuntong hininga. Kinakabahan man ay kinokontrol Ang sarili. Iniayos Muna Ang sarili Bago tumawid sa kalsada papuntang Cuisine. Pagkapasok ko sa entrance ng Cuisine ay malapad na ngiti nina Trina at Francine Ang sumalubong sa akin. Napahawak ako sa dibdib. Nasiyahan talaga ako sa Nakita. Ang kaninang kaba ko ay unti-unting nawawala. "Welcome back, Chelle..!" Sigaw ni Trina, sabay takbo at yakap sa akin. Ganoon din si Francine. Nagyakapan kaming tatlo na Todo Ang ngiti sa mga labi. "Mabuti Naman at balik trabaho ka na.." Ani Francine. Pinakawalan din nila ako matapos Ang mahigpit nilang yakap. Kitang kita sa mga mata Ng mga ito Ang katuwaan sa aking pagbabalik, na animo'y ilang taon na nawalay sa isa't Isa, eh, parang dalawang linggo lang Naman. "Kamusta ka na..? Siguradong okay na iyang paa mo?" Tanong ni Francine. "Oo naman.. oh, kita Niyo, nakakapaglakad na ako Ng matuwid.." "At Hindi na paika Ika.." Biglang sabat ni Trina at pagkatapos ay naghalakhakan kaming tatlo. Nagpatuloy Ang aming masayang usapan Hanggang nakapasok na kami sa staff room. May iilan na doong nag-aayos. Pagkakita sa akin ay nagsilapitan Silang lahat at binati ako, kinamusta na din ako na may mga ngiti sa labi. Nakaramdam talaga ako Ng kasiyahan at ginhawa dahil napanatag Ang loob ko. "Akala ko, mag-iiba Ang Turing nila sa akin. Hindi Naman pala. Walang pinagbago..." Masaya talaga ako. "Guys.." Tawag ni Francine sa aming lahat. Agad kaming nagsilapitan sa kanya. Lahat nakatuon Ang pansin sa kanya. "Since kumpleto na Rin tayo, simulan na natin Ang ating morning routine. Sige, Trina, pangunahan mo na.." Tumahimik kaming lahat. Niyuko Ang mga ulo upang manalangin. Matapos manalangin, naghintay pa kami Ng iba pang sasabihin o paalala ni Francine. Ganun Ang routine namin bawat umaga araw araw. "Guys, paalala lang, mag ingat lagi sa pagtatrabaho. Maging magalang, mabait, at mahinahon sa bawat kostumer. Laging handa. Ugaliing maging alerto sa bawat tao. Sipagan at galingan pa Ang pagtatrabaho.. Iwasang maging tamad at pabaya. Dahil Ang tamad ay..?" "Pinapaalis sa pwesto..!" Sabayang pagsagot namin sa tanong nito. "Tama..!" Alam na namin Ang sagot niyon dahil araw araw na paalala iyon sa amin. "O, sige, magsiayos na kayo, may limang minuto na Lang tayo na natitira Bago buksan Ang entrance. Magmadali na kayo..." Tango na lang Ang naging sagot ng iilan at nagmadali na Ang mga ito na pumunta sa kani-kanilang pwesto. Tinungo ko na din Ang Lugar kung saan ako nakapwesto. Pagkarating roon ay agad Kong iginala Ang paningin. Nakita ko Ang mga kasamahan sa kani-kanilang pwesto na nakatayo. Hanggang sa natuon Ang mata ko sa counter. Nagtaka ako, dahil ibang mukha na ngayon Ang kahera. Muling inilibot ko Ang mata. At napagtanto kong may kulang sa aking kasamahan. Nakita ko si Francine na lumabas Mula sa staff room. Tinutugpa nito Ang Daan papunta sa akin pero sa iba ito nakatingin. Nang akma itong lalagpas sa akin ay kinuha ko Ang kanyang pansin. Huminto ito sa paglalakad at nilingon ako. "Chelle, may kailangan ka..?" Malumanay na pagtatanong nito..? "May itatanong sana ako sa iyo..? "ano iyon..?" "Nagtataka kasi ako.." Tiningnan ko Ang counter. "Bakit..? Tanong nito habang sinundan Ang tinatanaw ko. " Bakit kaya iba na Ang kahera natin ngayon..? At kulang ng isang waiter? Bakit, Hindi pa ba sila papasok.? eh, magbubukas na tayo, siguradong late na sila.." Tinapik Niya Ang kanang balikat ko at ngumiti. "Naku, Chelle, wag mo na isipin iyan.." "Pero, Frans, sayang Kasi Yung sasahurin nila kapag Hindi Sila makapagtrabaho.." "Talaga bang Sila pa Rin Ang iniisip mo..?" Manghang Tanong nito. "Oo Naman.. Siyempre, kasamahan natin Sila. Kaya dapat din natin Silang isipin.." "Hay naku, Ang masasabi ko lang sa'yo, ayusin Ang trabaho at mag-ingat sa paggalaw para Hindi na maulit Yung nangyari sa'yo, okay?.." Tumango ako. "At saka, hayaan mo na Sila. Malalaman mo Rin kung bakit Wala Sila Dito o kung bakit pinalitan na Sila.." "Ganun ba..?" "Oo... O Siya, punta Muna ako dun ha.. Tiyak darating na si Boss.." Biglang may pumitik sa dibdib ko. Napahawak tuloy ako Dito. "Si--si Boss.. Darating na..?" "Oo Naman.." "Di ba, nagbakasyon Siya. Ngayon ba Ang balik niya Dito..?" Pinitik ni Frans Ang noo ko kaya saglit akong napapikit. Pagtingin ko ulit sa kanya ay nakatawa na ito. "Toink..! Hay naku, Ikaw talaga, Dami mo pang Hindi alam.. Si Sir Frank, bumalik agad dito noong nabalitaan niyang naaksidente ka dito mismo sa loob ng Cuisine.." Napatutop ako sa bibig. "Talaga..?" "Oo Naman.." Luminga ito. "O Siya, speaking of, dumating na Siya. Sige na, umayos ka na diyan sa pwesto mo at magbubukas na tayo.." Tumingin ako sa labas, doon sa kaka park pa lang na kotse. Nakaramdam agad ako Ng kaba sa aking dibdib. Kinakabahan pero Masaya. Nakita ko siyang bumaba. Lihim akong kinilig at napangiti.. "Gosh.. Nakita ko na Naman Ang dream of my life.. Apaka gwapo talaga Niya..!!" Piping tili Ng utak Niya. Nakakahiya sumigaw dahil baka kung Anong masabi Ng ibang tao Dito. "Thank you, Lord.. Buo na ulit Ang Araw ko.. Andiyan na Ang lovidabs ko.. Aayyiiee.." Lihim man akong may pagtingin sa kanya, atleast, Masaya na ako kahit sa ganito lang, Basta lagi ko lang siyang nakikita. Pero siguro, mas Masaya kung mapapansin Niya ako o di kaya ay mabigyan Ng kahit kaunting atensiyon. Mas lalong lumakas Ang kaba sa dibdib ko nang Makita ko siyang papalapit sa akin. Titig na titig Ang mapang akit na mga mata nito, at lalong gumuwapo sa suot nitong hapit sa katawan na t-shirt at pantalong maong. Bakat Ang ma-muscle nitong balikat at braso. Alagang fitness gym. "Ang macho.. Sarap yakapin.." Huminto ito sa harap ko. Napipi ako, at di makapagsalita. Nakamata lang ako sa kanya. "Come to my office.." Malalim Ang boses nito, baritono at buo. Lalaking-lalaki talaga. Napakurap kurap ako nang pumitik Ang kamay nito sa mukha ko. Nahigit ko Ang paghinga ko. "Si--sir..?" "I said, come to my office.." Tumalikod na ito at patuloy na naglakad. Sinundan ko na lang Ng tanaw Ang likod nito. Isang kalabit sa tagiliran Ang naramdaman ko. Paglingon ko, si Frans pala. "Ano Yun..?" Tanong nito. "Ah.. eh.. pinapunta Niya ako sa office Niya eh.." Sambit ko sabay turo sa lalaki. "Ganun Naman pala eh.. ano pa Ang tinatayo tayo mo Dito..? sige na, sumunod ka na doon.." Sabi nito sabay tulak sa akin pero mahina lang. "Ano bang meron..?" "Baka kakausapin ka lang.." "Tungkol sa ano..?" Nagkibit balikat lang ito. At iminuwestrang pinapaalis na ako. kaya Wala akong magawa kundi Ang sumunod sa opisina ni Sir Frank. "Hay naku.. Ano kaya Ang sasabihin Niya sa akin..?" Napabuga na Lang ako Ng hangin habang naglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD