Chapter 16

1547 Words
Pagka upo sa swivel chair ay agad ko iyong pinaikot paharap sa malaking monitor sa dingding. Kita Ang iba't Ibang anggulo na kuha ng mga camera sa buong kainan, labas at loob. Hawak Ang remote sa kamay, ni-zoom in ko ang kuha ng isang camera kung saan makikita ang mukha ng babaeng iyon. Sa ngayon, nakikita ko na maayos at magaling na Siya Mula sa pagkakaaksidente nito. Ay Hindi pala, Mula sa nangyaring sabwatan Ng dalawang kasamahan nito. Pinagplanuhan siyang saktan upang mapaalis na sa pagtatrabaho dito. At malinis na ginawa nila iyon upang maipalabas na aksidente Ang nangyari. Ngunit nagkamali Sila, dahil ako mismo Ang nakarinig sa kanilang usapan. Sa halip na sumbatan agad Sila ay ilang Araw pa akong nanahimik at nagpaimbestiga. Lahat Ng clue, itinuturo Sila. At para matapos na Ang lahat, hawak Ang naipong ebidensiya at impormasyon, di na ako nagpaligoy ligoy pa. Agad ko Silang ipinatawag at kinausap. Kinompronta tungkol sa kanilang ginawa. Nagturuan pa Ang dalawa, pero sa huli, pareho Silang nahaharap sa kaso. Bago ko Sila kinasuhan, inalam ko Muna Ang lahat Ng rason kung bakit nila nagawa iyon. Nabigla ako sa mga rason o mga dahilan na binitiwan Ng mga ito Lalo na ni Melba. Ayon Dito, nagawa lang Niya iyon dahil Sa pagmamahal Sa akin. Tabinging sumilay Ang ngiti sa aking labi nang maalala ko Ang pagpapaliwanag nito. "Huh.. Pagmamahal.. Anong klaseng pagmamahal iyon? Ang tindi Naman dahil nakaya niyang manakit Ng kapwa Niya tao para hindi lang Siya maagawan. Hindi na pagmamahal iyon. Tawag dun, kahangalan.. Napa agresibo Naman Niya at palaban.. pero sa ibang pamamaraan.. Napaka selfish.. Gusto niyang ariin Ang lahat. Kumuha pa Ng kakutsaba na siyang ginawang utusan. Matagal na pala nila iyon ginagawa Dito, pero ngayon ko lang talaga nalaman. Ang kawawang kakutsaba, dahil din sa pagmamahal Kay Melba, pikit matang sinusunod Ang mga gusto at iniuutos nito. Hindi din pagmamahal iyon. Tawag dun, katangahan. Alam niyang Mali na Ang ipinapagawa sa kanya pero sinusunod Niya pa Rin.. Mga walanghiya..!" Marahas na buntong hininga Ang pinakawalan ko at naikuyom Ang kamao habang nagbalik sa isipan ko Ang nangyari. Pagkatapos ko Silang kinausap na dalawa ay kinausap ko Ang lahat Ng empleyado ko. Tinanong kung ano Ang masasabi nila sa dalawa. Ang nangyari, imbes na pribadong pag-uusap ay naging open forum. Hindi man lahat, pero karamihan sa mga empleyado ay Hindi Sila nagustuhan at may kinikimkim na sama Ng loob dahil sa mga pinaggagawa Ng mga ito. Iyon lang din Ang unang pagkakataon na naglabas Ng mga hinaing Ang bawat empleyado. Lahat pala Sila ay nakatikim Ng kawalang hiyaan Nila Melba at Ricky. Hindi lang pala Sila, mas nagulat ako sa nalaman na Sila palang dalawa din Ang dahilan kung bakit nagsialisan noon Ang iba ko pang mga tauhan, Lalo na Ang mga baguhan. Nang dahil lang sa pagtingin sa akin ni Melba, ginawa nito Ang lahat para Hindi na makalapit sa akin Ang ibang babae. Kapag nalaman nito na may paghanga o pagtingin Ang Isang empleyado sa akin, ay agad niyang babantaan. Kapag Hindi nakinig sa pagbabanta ay sinasaktan na Ng mga ito. Patuloy na binu bully Hanggang sa magdesisyong mag resign na Lang sa trabaho. Noon, nagtataka talaga ako kung bakit nagsisialisan Ang mga tauhan ko. Madami akong Tanong sa isip o posibleng maging dahilan kung bakit nagsipag resign Ang mga ito. Iniisip ko na baka kulang Ang pasahod ko, datapwat naka above average rate Ang pasweldo ko. Hindi ko Sila binarat, at may nakalaan akong emergency funds para sa lahat Ng empleyado namin sa mga di inaasahang pangyayari tulad Ng nangyari Kay Michelle. Sagot Ng kompanya ko Ang lahat Ng gastos sa ospital Hanggang sa gumaling na ito. Basta nangyari Ang aksidente sa Oras Ng trabaho and within the premises. Iniisip ko Rin na baka ay Hindi nagustuhan Ng mga ito Ang trabaho at naisipang mag resign na Lang kesa magtagal pa sa trabaho. Nagbibigay din ako Ng komisyon sa lahat Ng magagaling na empleyado o iyong nagpapakita Ng magandang ihemplo sa kapwa empleyado. Noon, sumasakit talaga Ang ulo ko sa kaiisip sa kung saan pa ba ako nagkulang sa pagbigay Ng lahat Ng mga benepisyong matatanggap Ng aking mga empleyado. Ngayon, mystery solved. Sila Melba at Ricky pala Ang dahilan Ng lahat. Napasabunot ako sa buhok ko Ng mga panahong iyon. Tumaas talaga Ang presyon ko noon. Ramdam ko iyon dahil Sa uminit Ang ulo ko, nagpanting Ang taenga ko, at anumang Oras nun ay bubuga ako Ng apoy sa sobrang Galit. Gusto ko Silang pagsusuntukin pero nagpigil lang ako. Dahil ayokong manapak o makapanakit Ng tao. Pinairal ko pa Rin Ang pagiging kalmado kahit gigil na gigil ng manuntok ang mga kamao ko. Ipinag-utos ko sa mga guwardiya na dalhin sa presinto Ang dalawa. Tahimik lang Ang mga ito. Hindi Naman nagwala o nag ingay o nag eskandalo upang makakuha Ng atensiyon. Bagkus ay tahimik at nakayukong sumunod Ang mga ito sa mga iniuutos ko. Alam Kong sobrang hiya Ang nararamdaman Ng mga ito dahil nabulgar na Ang mga pinaggagawa Ng mga ito. Sa katunayan, naka detine na Sila sa presinto. Ang mga pamilya Ng mga ito ay lihim na nag apela na makipagkita sa akin upang makiusap na palabasin na lang Ang kanilang mahal sa buhay. Hindi ako pumayag. Sa Dami at laki Ng kasalanang ginawa Ng mga ito, bullying, attempted murder, multiple accounts of harassment, at attempted rape ni Ricky, ay mahihirapan Ang mga ito na makalabas Ng kulungan. Dapat na ipairal Ang batas upang hindi na maparesan Ang mga ito. Lahat Ng nangyari dito ay ipinag utos ko na ilihim Muna Kay Michelle. Sapagkat nasa ospital pa Siya noon at kahit pa noong nakalabas na Siya at nagpapagaling na sa tirahan nito. Ako lang Ang may karapatan na magsabi sa kanya Ng lahat. At iyon ay sinang ayunan Ng lahat Ng empleyado. Dahil nagbabala ako na Ang sinumang susuway sa ipinag uutos ko ay matatanggal sa trabaho. Kita Ang takot sa mukha Ng mga ito. Kahit ilang Araw na Ang nakalilipas ay Hindi ko na Rin narinig na mga usap-usapan Ng mga ito. Lahat ay Tikom Ang bibig sa nangyari. Mabuti Naman at sumunod Silang lahat. Hanggang sa nabalitaan Kong nagpaalam si Michelle na kung pupwede na ba itong magtrabaho. Pinapunta ko si Francine sa tinutuluyan nito upang kamustahin at kausapin. Upang tingnan na din Ang kalagayan nito kung handa o kaya na ba nitong magtrabaho. Nung narinig ko Ang report ni Francine, pinag aralan at pinag isipan ko pa munang mabuti kung ano Ang magiging desisyon ko. Kung papayag ba ako o hindi.. Pero sa huli, ay tumango din ako sa kagustuhan nito. Hinayaan ko na lang si Francine na siyang Tatawag Kay Michelle upang ipaalam Ang naging desisyon ko. Pero sa isip ko ay bumuo ako Ng ibang Plano. Dahil sa nangyari, ay Hindi talaga maiiwasan Ang pagkakaroon Ng selosan, inggitan, at pagkamuhi Ang bawat empleyado, kung kaya ay may nais akong gawin. Upang maprotektahan si Michelle sa iba pang empleyado ay may gusto akong ialok sa kanya. Kampante akong tatanggapin nito Ang iaalok ko. Pero may parte pa Rin Ng isip ko Ang Hindi kumbinsido. Kaya di ko maiwasang mag-isip. "Sana ay Hindi ako magkakamali.." Mabining mga katok Ang pumukaw sa malalim Kong pag-iisip. Napakurap ako. Nakatitig ako sa monitor pero Wala doon naka pokos Ang isip ko, kundi sa nakaraang nangyari. Pinindot ko Ang remote upang bumalik na Ang monitor sa dati. Napabuga ako Ng hangin Bago itinulak Ang swivel chair papuntang mesa. Inayos ko Muna Ang damit at pag-upo Saka tumikhim upang mawala Ang parang nagbara sa lalamunan. "Pasok..!" Unti-unting bumukas Ang pinto at iniluwa niyon si Michelle. Hindi man ako nakatingin sa kanya pero alam Kong Siya Ang pumasok. Mabagal itong naglakad papunta sa harap Ng mesa ko at tumayo Ng tuwid. "Go--good morning po, Sir.." Halata sa boses nito na kinakabahan ito. "Good morning.." Sabi ko habang hindi nakatingin sa ilang dokumento na nasa mesa. "Ahmm.. Sir, bakit Niyo Po ako pinatawag Dito..?" Pagkarinig ko ay umangat bigla Ang ulo ko. Nagtama Ang aming paningin. Nagkatitigan kaming dalawa. "Sabi ko na nga ba eh.. Hindi na dapat ako tititig sa kanya, ipagkakanulo lang ako Ng damdamin ko. Na-miss ko pa Naman Siya, ilang Araw na Hindi Nakita, at ngayon ay nasa harapan ko na.. Parang gusto Kong yakapin at halikan.. Nakakagigil na eh..Pero Hindi pa pwede.. Sa ngayon ay gusto ko Muna siyang protektahan.." Napakurap ako. Napalunok At parang balewala na ibinaba Ang tingin sa mga dokumento. Inayos ko Muna Bago nilagay sa gilid Ng mesa. Saka muling ibinalik Ang tingin sa kanya. "Maupo ka muna, may pag-uusapan tayo.." Sambit ko habang itinuturo Ang upuan sa harapan ng mesa. May pag-aalinlangan pa ito kung uupo pa ba o tatayo na lang. May ilang Segundo pa siguro itong nanatiling nakatayo Bago naisipang maupo sa upuan. "Ano pong pag-uusapan natin, Sir..?" "Masyado namang magalang.." Hinugot ko Ang Isang folder sa loob Ng drawer. Naihanda ko na iyon Bago pa Ang itinakdang Araw Ng pagbabalik nito sa trabaho. Ipinatong ko iyon sa harapan Niya. "Ayan, basahin mo Muna.." "Ano Po ito, Sir..?" "Basahin mo nang Malaman mo kung ano iyan.." Kinuha nito Ang folder at binuklat. "Hihintayin ko Ang iyong sagot.." Sumandal ako sa swivel chair. At pinagmasdan Ang magiging reaksiyon nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD