"A--A-- Assistant..??!!"
Manghang tanong ko Kay Sir Frank. Napaawang Ang mga labi ko at Namilog Ang mga mata ko dahil Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Napahawak ako sa dibdib. Hindi dahil kinakabahan ako kundi ay Hindi ko alam kung ano Ang mararamdaman ko. Nasisiyahan ako na nag-aalangan. Excited na ewan.
"Totoo ba to..?"
Tanong ko sa isip. Kinurot ko Ang balat ko dahil baka nananaginip lang ako.
"Ouch..!"
Nakaramdam ako Ng sakit kaya nasiguro Kong gising nga ako. Gising na gising at mulat na mulat Ang mga mata. Sadyang Hindi lang ako makapaniwala sa inaalok Ng amo ko sa akin. Ilang minuto din akong Hindi nakagalaw. Di ko alam kung ano Ang sasabihin ko.
Tumikhim Siya. Napatingin ako sa mga mata Niya. Wala man lang akong mabasa doon.
"Si, anong masasabi mo..?
Tanong Niya sa akin. Nakatitig lang Siya sa akin, naghihintay Ng magiging sagot ko sa alok nito.
"Ahhmm.. Sir, si-si-sigurado Po ba kayo Dito..?"
Naman. Nauutal ako ah.
"Bakit..?"
Umarko Ang kilay nito. Pinatong Ang mga siko Saka ipinagsalikop Ang dalawang mga palad sa ibabaw Ng mesa nito.
"Eh, Kasi, Sir.. Ahhmm.. alam niyo Naman Po na baguhan lang ako Dito. At saka, Hindi Po ako college graduate. Hindi ko Po alam Ang trabaho Ng Isang assistant Po.."
Tumango tango Siya.
"Yan ba Ang inaalala mo..?"
Tumango ako.
"O-opo.. Isa pa Po, baka kung ano Ang masabi Ng mga kasamahan ko Dito.."
Talaga Namang nag-aalala ako. Baka Kasi may magreklamo.
"Baka isipin nila, Sir, na nagsisipsip ako.."
"Bakit Naman nila iisipin iyon..?"
Nakita Kong kumunot Ang noo nito.
"Eh, sir, baguhan nga Po ako.. Sila, matagal na Dito. at saka, ngayon lang Po kayo kukuha Ng assistant.."
"Bawal bang kumuha Ng assistant..?"
"Hindi Naman Po..
Agad Kong sagot.
"O.. eh Hindi Naman pala.. So, ano ngayon Ang problema..?"
"Kasi nga Po..."
"Baguhan ka..?"
Agap nito sa sasabihin ko pa sana kaya itinikom ko na lang Ang bibig.
Bumuntong hininga ito.
"Michelle, Hindi Naman basehan Yan kung baguhan ka lang Dito o matagal ka Ng nagtatrabaho. May potential ka na Nakita ko para maging assistant ko. Ikaw Ang inalok ko at Hindi Ang ibang kasamahan mo. Kaya Wala Silang pakialam dahil ako mismo Ang nag alok sa iyo. Okay ba iyon..?"
Nag-aalangan pa talaga ako. At saka, Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang ako inalok ni Sir Frank na maging assistant niya.
"Hmmm.. Sir,.."
"Naghihintay ako Ng magiging sagot mo.."
Napangiwi ako.
"Sagot agad agad..? Hindi ba pwedeng pag isipan Muna..?"
Napalunok ako.
"Eh, Sir.. Pwede Po ba..."
"Pwedeng ano..?"
"Pwede Po bang pag isipan ko Po Muna..?"
"Pag isipan.? Bakit, ayaw mo ba..?"
Napa wave ako Ng mga kamay.
"Aayy.. Hindi Po.. Ang ibig ko pong sabihin, ahh.. Hindi sa ayaw ko, pero pag iisipan ko Po Muna kung tatanggapin ko Po ba o hindi.."
"Bakit pag iisipan mo pa..?"
Napakamot ako sa ulo. Andami namang Tanong nito eh.
"Kasi nga Po..."
"Baguhan ka..?"
"Sir Naman.. Hindi Po iyan Ang ibig ko Sabihin.."
Kainis ah.
"Teka, bakit ako maiinis..? Eh, inaalok na nga ako.. Andami nga lang Tanong.."
Napabuntong hininga ako.
"Ano pala..?"
"Iniisip ko Po kung magagampanan ko Po ba Ng maayos iyong inaalok Niyo Po sa aking trabaho. Eh, Wala pa Po akong experience sa pagtatrabaho Po. Ang pagiging waiter Po, ito Ang pinaka unang trabaho na napasukan ko. At nag-aalinlangan pa din Po ako kung makakaya ko ba na maging assistant Niyo Po.. Kasi, sa totoo lang, Sir, Hindi ko Po Kasi alam Ang ganyang trabaho.."
Napayuko ako. Nahihiya din. Totoo Ang sinabi ko. Na Hindi pa ako nakapag trabaho sa iba. Natahimik ito. Ewan ko ba kung nakatitig lang ba ito sa akin o ano, nakayuko Kasi ako kaya di ko Makita. Matagal itong nanahimik. Na curious tuloy ako, kaya inangat ko Ang aking ulo. Nakayuko din pala ito at nakatingin sa Isang folder. Parang may binabasa.
"Ay kaya pala natahimik.. Akala ko kung ano na.."
Pinagmasdan ko Siya. Kahit nakayuko, kita pa din Ang kagwapuhan nito. Makalaglag panty talaga Ang dating. Super hot. May biglang sumagi sa isip ko kaya umiling iling ako.
"Naku, Michelle.. wag Muna ngayon.. Oras Ng trabaho, kaya mag pokus lang.. Mamaya ka na magdi daydream..!!"
Saway ko sa isip.
Pero sa totoo lang, sino ba Naman Ang makakayang tingnan lang Ang Isang super duper hot at sexy hunk na nasa harapan mo. Ilang dipa na lang at maaabot mo na Siya. Kung ibang babae lang siguro nandito, kanina pa iyon lumingkis sa lalaking ito na parang sawa at ipagduldulan Ang katawan dito. Siguro, marami na itong napaiyak na mga babae, sa itsura pa lang nito, na habulin Ng mga babae. Siguro, marami na itong natikman o di kaya ay nahalikan, o di kaya'y---.. Ah Basta, Yun na Yun.
Ini imagine ko lang, PANO kaya kung tanggapin ko na lang Ang inaalok niya. Assistant.
"Kung magiging assistant niya ako, ibig bang sabihin nun ay palagi ko na siyang makakasama..? Palaging magkikita kami..? Palagi ko na siyang mamamasdan..? Siya lang Ang aasikasuhin ko..? Siya lang susundin ko..? kung nasaan Siya, nandoon din ako.. Dito lang ako uupo sa loob Ng opisina niya.. Ay wow!! magkakaroon ako nito Ng pagkakataon na matitigan Siya palagi.. May one and only dream boy.. Tiyak, gaganahan ako nito palaging papasok.. Sino ba Naman Ang Hindi, eh, Isang super duper poging lalaki Ang makikita ko palagi.. Tiyak, palaging buo Ang Araw ko nito.."
Kinilig ako sa naisip. Napangiti ako. Gusto Kong lumundag lundag at magsisigaw sa kilig pero nililihim ko lang. Ayokong gumawa Ng eksena sa harap nito. Baka kung ano pa Ang isipin.
"Kung amo, pirmi ko na Siya mataparan kung may laktan kami..? Dugang luyag ko ahhh..!!"
Piping sigaw Ng isip ko. Kinikilig talaga ako. Lihim na napangiti.
Bigla itong umangat Ng ulo kaya agad Kong binaling sa ibang direksiyon Ang mga mata ko.
"May sinabi ka ba..?"
Nanlaki Ang mga mata ko sabay tutop sa bibig.
"Oops.. Nagsalita ba ako..?"
Napakurap kurap ako.At unti unting ibinalik Ang tingin sa gwapong mukha nito. Wala talaga akong maipintas sa makinis na mukha nito, daig pa Ang babae.
"A--ako Po..?"
Tanong ko sa kanya sabay turo sa sarili ko.
"Oo.."
"Wa--wala Naman Po akong sinabi.."
"Sige, Michelle, mag maang maangan ka pa diyan. Mukha Kang ewan.."
Kastigo Ng isip ko.
"Akala ko may sinabi ka eh.."
"May narinig Po ba kayo, Sir..?"
Painosenteng Tanong ko, sabay kurot sa hita.
"Agay..."
Nakaramdam ako Ng sakit. So, ganito na ba ngayon, saktan ko na sarili ko?
"Lu--yag..?"
Sabi nito na nagtatanong Ang mukha.
Napanganga ako, pero saglit lang. Agad ko Namang itinikom Ang bibig.
"Yari na, che.. Ano ihambal mo.. Isip isip isip.. Dakpan ka gid karun..!!"
Salubong Ang mga kilay nito.
"Ahh.. Sir, ano Po,.."
Inilibot ko Ang tingin sa opisina. Nag-iisip Ng maidadahilan. Hanggang sa Nakita ko Ang Isang pot Ng tanim sa gilid. Agad ko iyon tinuro.
"Ahh.. Ano Po, Sir, iyon Po Ang ibig Kong sabihin.."
Agad nitong sinundan Ng tanaw Ang itinuro ko sa gawing likuran nito.
"Luya..?"
Sambit nito, pagkakita sa nakatanim doon.
"Opo .!"
Masigla Kong sagot. Agad na kinagat Ang pang ibabang labi. Binalingan din Niya ako agad.
Napangiti ako.
"Anong tungkol sa luya..?"
"Ahh..Kasi Po, napansin ko, Sir, na kailangan pong diligan.."
Agad akong naglakad papunta sa paso at pinagmasdan ito.
"Hmmm.. Hindi pa Naman Niya kailangan diligan. Pero, wala na akong ibang maisip na dahilan eh.."
Hinaplos ko Ang dahon Ng luya.
"Sorry, luya ha.. naidahilan tuloy kita.."
Agad Kong nilingon si Sir Frank.
"Ahmm.. Sir, saan Po ako pwedeng kumuha Ng tubig pandilig..?"
Hindi Niya ako sinagot bagkus ay itinuro nito Ang Isang nakapinid na pinto. Pinuntahan ko iyon at nang buksan ko ay Isa pala itong banyo.
"Hmmm.. so, may sariling banyo pala Ang opisina niya.. wow.. nice Naman.. Kunsabagay, dapat lang Naman na may sarili siyang banyo. Para Oras na gagamit Siya, Sya lang talaga Ang makakagamit. May privacy Siya.."
Inilibot ko Ang tingin sa buong banyo. Maganda at magara. Di man kalakihan pero mabango. Kumpleto din sa gamit. At may cabinet sa gilid. Due to curiosity, binuksan ko iyon. Tumambad sa aking mata Ang ilang piraso Ng mga damit na naka hanger. May tuxedo pa..
"Aba.. Mini closet pala ito."
Siguro, naliligo din Siya Dito, Kasi kumpleto sa gamit panligo eh.
Pagkakita sa tabo na nasa balde, agad Kong naalala Ang dahilan kung bakit ako nasa banyo ngayon.
"Hala.. Ang luya pala.."
Nataranta na ako sa pagkuha Ng tubig. Bitbit Ang tabo na may lamang tubig ay dahan dahan akong lumabas. Naglakad diretso sa paso na may luya at diniligan iyon. Pagkuwa'y ibinalik Ang tabo sa balde sa loob Ng banyo. Saka muling tumayo sa harapan ng mesa ni Sir Frank.
Nakayuko ito, nakatingin sa mga papeles. Nang mapansin siguro nito na nakatayo na ako sa harapan Niya ay umangat Ang ulo nito. Tiningnan ako.
"Pag-iisipan mo pa ba..?"
Agad na tanong nito sa akin.
"Pwede Po..?"
Tumango ito.
"Sige.. Hihintayin ko Ang sagot mo bukas.."
Natuwa ako. Napangiti ako.
"Opo, Sir..Sige Po, labas na ako.. Salamat Po.."
Tanging tango lang Ang naging sagot nito. Agad nitong ibinaba Ang tingin sa kanina pang binabasa. Kaya, nagpasya na akong lisanin Ang opisina nito. Pagkalabas sa pintuan ay malalim na buntong hininga Ang pinakawalan ko. Napasandal ako sa pintuan Ng ilang Segundo. Mariing ipinikit Ang mga mata at agad din namang iminulat iyon. Dinama ko Ang dibdib. Kahit kinikilig ako, pero di nawawala Ang kaba na nararamdaman ko kanina pa. Pilit ko lang binabalewala at hindi nagpapahalata sa harapan ni Sir Frank. Sunod sunod na pagtaas baba Ng dibdib Ang ginawa ko. At naglakad na papuntang area ko upang gampanan Ang trabaho ko bilang Isang waitress sa Cuisine. Paglabas ko Ng dining area ay marami na Ang kostumer kaya agad akong humarap sa mga ito. Sunod sunod Ang mga umorder sa akin. Agad akong naging abala sa mga kostumer kung kaya Dito na Muna Nabaling Ang atensiyon ko Ng Araw na iyon.