Chapter 18

1915 Words
Kanina pa ako pabiling biling sa higaan. Di talaga ako dalawin Ng antok. Bumangon ako at lumabas Ng kwarto. Diretso sa bar counter. Kinuha Ang paborito kong wine at Ang wine glass, Saka umupo sa naroong upuan. Nagsalin Ng wine sa baso at agad tinungga Ang laman niyon. Nagsalin ulit Ng panibago. Tiningnan ko lang Muna Ang baso at ginalaw galaw Ng paikot. Kaya Ang laman niyon ay gumalaw din Ng paikot ikot. Habang pinagmamasdan ko Ang wine sa loob Ng baso, nagbalik tanaw ako sa nangyari kaninang Umaga. Pagdating sa parking lot sa harap Ng Cuisine, agad akong bumaba Ng kotse. Lakad diretso sa entrance. Pagpasok ko, agad nakuha Ang pansin ko Ng babaeng nakatayo sa di kalayuan sa kinatatayuan ko. "Michelle.." Pagka sambit Ng pangalan nito ay para bang may telekinesis ito. Bigla itong lumingon sa akin. Nagtama Ang aming mga paningin. Ilang Araw ko din siyang Hindi Nakita. Gusto ko siyang yakapin Ng mga panahong iyon dahil na miss ko Siya. Natutuwa akong Makita Siya muli. Pero pinigilan ko Ang sarili. Nang Hindi pa siya bumibitaw sa pagkatitig sa akin. Nagkunwari akong inilibot Ang tingin sa paligid. Ang mga service crew ay nasa kanya kanya Ng pwesto at nag aantay Ng mga kostumer na papasok. Parehong nakatingin silang lahat sa akin. Lumunok Muna ako Bago nagpatuloy sa paglalakad. Tinahak ko Ang Daan papunta Kay Michelle. Ayun, nakatingin pa Rin Siya sa akin. Huminto ako sa harap Niya, at tumikhim kung kaya napakurap ito. Nasamyo ko Ang pabango nito. Alam Kong Hindi iyon mamahalin pero ayos naman Ang bango. Pwede na Rin. "Come to my office.." Iyon lang Ang sinabi ko at Dali Dali akong pumunta Ng opisina. Pagkapasok sa loob Ng opisina ay agad ko iyong isinara. Saka mabilis na nagbuga Ng hangin. Sumandal panandali sa pinto. "Kainis..!! Ano ba tong nararamdaman ko..? Gusto ko siyang yakapin pero di ko magawa.. Gusto Kong mapalapit sa kanya pero di ko Rin magawa.. Nasa harapan ko na pero ewan.. Natotorpe ba ako..? O sadyang Hindi ko lang talaga masabi Ang nararamdaman ko..?" Sinabunutan ko Ang sarili. "Aarrggh..! Frank.. Frank.. Ano na ba nangyayari sa iyo..? Nato torpe ka na Naman sa iisang babae.. Gusto mo lang ba Siya ingatan..? O may iba pang dahilan..?" Pati tuloy ako nalilito na. Marahas akong napabuga Ng hangin. Nagpakawala ng sunod sunod na buntong hininga. Pagkatapos ay tinungo ang mesa at umupo. Tila Wala sa sariling nangalumbaba. "Kapag wala sa harapan ko o malayo sa tingin ko, Hinahanap hanap ko. Pero kapag kaharap ko na, Hindi Naman ako makapagsalita. Mas gusto ko lang siyang titigan. Nang Malaman ko Ang nangyari sa kanya, masyado akong nag alala. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita siyang nasasaktan. Masaya din ako sa tuwing nakikitang nakangiti Siya.. Nanggigigil ako sa tuwing pinagmamasdan Siya.. Haaayy... Frank Matthew.. Are you inlove??!!" Malakas na tunog Ng doorbell Ang nakapukaw sa aking kamalayan. Naputol tuloy Ang aking pagbabalik tanaw sa nangyari kaninang Umaga. Kumunot Ang noo ko. "At sino namang ligaw na tao Ang may ganang mang istorbo sa akin sa dis Oras nitong Gabi..?" Tanong ko sa sarili. Pinasadahan ko Ang orasan na nasa dingding. Alas diyes y medya na. "Gabing Gabi na ah.." Nalilito man ay tinungo ko Ang pinto at Sumilip Muna sa naroong maliit na hole upang mapagsino Ang tao sa kabilang pinto. "Simon..?" Pagtatakang sambit ko sa pangalan Ng lalaking nasa harap Ng aking pintuan. Second cousin ko ito sa father's side. Halos magka edad lang kami. Kaya lang ay laking maynila na ito. Nakatayo ito pero sa paraan Ng pagkakatayo nito ay malalamang lasing na ito. Agad ko siyang pinagbuksan. Nakangisi ito at walang sabi sabing bigla na lang pumasok sa loob. Sinundan ko na lamang Siya Ng tanaw Hanggang sapitin nito Ang sofa at pabagsak na naupo doon. Kilala ko na ito at sanay na ako sa kanya. Kapag nagkaka Ganito ito, tiyak may problema. Ako lang Kasi Ang malalapitan Niya Dito dahil nasa probinsiya na lahat Ng pamilya Niya, umuwi at nag for good na doon, samantalang Siya ay nagpaiwan Dito sa maynila dahil Hindi Niya gustong ibenta Ang pad Niya. At nandito Rin Ang trabaho Niya na ayaw niyang iwanan. Wika nga Niya nang minsang tinanong ko kung bakit ayaw Niya sumunod sa probinsiya :" Nandito sa maynila Ang Pera.." May Tama nga Naman Siya, masarap mamuhay sa probinsiya pero nandito sa maynila Ang pinagtatrabahuhan Niya kung saan mabibigyan Siya Ng malaking sweldo na Hindi makikita sa probinsiya. Bumuntong hininga Muna ako Bago isinara Ang pinto. Nilapitan ko Siya at umupo sa single sofa kaharap Ng pinsan ko. Sa ngayon, nakasandal na ito at nakapatong Ang ulo sa sandalan, nakatingin lang sa kisame. "Tol.. Mukhang malakas na Ang Tama mo ah.." Gumalaw ito at umayos Ng upo. Nakatukod Ang dalawang siko sa mga tuhod. Ipinatong Ang baba sa dalawang nakakuyom na mga palad. At tila Wala sa sariling nagsalita. "Malakas talaga tol.." "Malakas o malalim..?" "Matindi tol.." "Anong matindi..? Matinding kalasingan..?" "Tol Naman.. Nakainom lang ako. Marami. Pero Hindi pa ako lasing.." "Sa lagay mo na Yan, Hindi ka pa lasing niyan..?" "Hindi..!" "Eh, Anong tawag mo sa kalagayan mo na Yan..?" "Nakainom nga lang ako, tol.." Nag hands up ako. Dahil Hindi pa rin Naman nito aamining lasing nga ito. "Okay.. okay.. So, Anong atin ngayon..? Bakit ka nambubulahaw Ng dis Oras Ng Gabi..?" Nambubulahaw? Sa katunayan nga ay Hindi pa Naman ako natutulog dahil ayaw nga din ako dalawin Ng antok. "Nambubulahaw agad, tol..? Eh, alam ko namang Hindi ka pa natutulog.." "Paano mo nalaman..?" "Hindi ba obvious..? Ayan o, umiinom ka din Ng alak.." Sabi nito sabay turo sa counter table kung saan nakapatong Ang bote Ng paborito kong wine at Ang baso na may lamang wine. Napa buntong hininga na Lang ako. "Wine lang Yan, tol.. Hindi Yan hard drink. Nagpapa- antok lang.." Nag wave lang ito at nag thumbs up. "Sakto pala Ang punta ko dito.." Sabi nito sabay tayo at pasuray suray na tinungo Ang counter. Tiningnan ko na lamang Siya dahil tiyak ayaw din nito na may aagapay Dito sa paglalakad. Ilang beses ko na iyan napatunayan. Naupo doon sa Isang silya. At agad nagsalin Ng wine sa Isa pang baso at mabilis na tinungga iyon. Tumayo na din ako at sinundan si Simon. Umupo ako sa kabilang silya. Dinampot Ang gamit Kong baso at tinungga na din iyon, said Ang laman. "So, Anong pag uusapan natin, kung meron man..? Kilala na kita, tol.. Hindi ka magkakaganyan kung Wala Kang malaking problema.." Mahina itong napatawa. "Kilala mo na nga talaga ako.. Tama ka..Matindi talaga Ang iniisip ko ngayon, tol..? Isang malaking problema.." "Anong problema na Naman iyan at gaano ba Yan kabigat na para bang hihiwalay na yang kaluluwa mo sa kalasingan mo.." "Tol Naman eh . Sabing nakainom nga lang ako.. Hindi ako lasing.." "Oo na.. Sige na, tol.. nakainom ka lang.. O Siya, sabihin mo na sa akin.. Kung ano ba yang bumabagabag sa iyo.. Kwento mo na, daliii... Makikinig ako.." "Yan Ang gusto ko sa iyo, tol, eh.." Sabi nito habang tinatapik tapik Ang balikat ko. "Nakikinig ka sa mga kwento ko.. Tanging Ikaw lang Ang nakikinig sa akin.. Wala Ng iba.. Mga magulang ko..? Naku, kahit kailan, Hindi Naman iyon nakikinig sa akin.. Mga kapatid ko..? May kanya kanyang buHay na mga iyon.. Wala na akong masabihan o di kaya ay mapagkwentuhan sa kanila.." Lihim akong napangiwi. "Andiyan na Naman Siya sa mga rants Niya sa pamilya Niya.." Kunsabagay, nasanay na ako Kay Simon na sa tuwing malalasing ito, unang bungad nito sa kwentuhan namin ay Ang pagpapalabas nito Ng sama Ng loob sa pamilya nito. Hinahayaan ko na lang siyang magsalita Ng magsalita dahil mapapagod din Naman ito. Pagkatapos niyan, change topic na Naman kami. Ilang minuto din itong nagsalita at naglabas Ng saloobin tungkol sa pamilya Niya. Tungga din ito Ng tungga Ng alak habang nagkukwento. Hinahayaan ko lang. Dahil kapag Hindi na nito kaya Ang kalasingan, natutulog lang Naman ito. Inakbayan Niya ako. "Pero, tol, Ang pinoproblema ko ngayon, ito.." Binalingan ko Siya. Nakaturo Ang kamay nito sa dibdib. "O, Anong problema Ng puso mo..? Inaatake ka ba..? May sakit ka sa puso..?" Sunod sunod na Tanong ko sa kanya. Umiling iling ito. "Hindi, tol.. Ano ka ba, Wala akong sakit sa puso.. Ang ibig Kong sabihin, may dinaramdam tong puso ko.." Agad Kong nakuha Ang punto nito. "Aahhhhh... huh.! So, in love ka..?" Tumango tango ito. "Pareho Naman pala tayo eh..Kaya nga ako Hindi makatulog dahil iniisip ko Siya.." Hindi ko na lang iyon naisatinig dahil imbes na Siya Ang magkuwento ay kukulitin pa ako nito Mamaya.. "Aba .! At sino namang maswerte na babae iyan..?" "Naku, tol.. Sobrang ganda.. Kapag Makita mo Siya, tiyak, mapapahanga ka talaga. At siguradong mapapa nganga ka.." "Talaga..?" "Oo Naman..! "Nakausap mo na ba Siya..?" Natahimik ito. Pinaglaruan Ang wine na nasa loob Ng baso. "Yan nga Ang problema ko eh.." "At bakit..?" "Gusto ko siyang kausapin pero di ko alam kung saan Siya pupuntahan.. Alam ko lang Ang pangalan Niya.. Haayy..." "Ganun..? O, eh, Anong problema dun?" "Tol, Naman.. Nabighani ako sa kanya.. Na starstruck.!! At palagay ko nga, love at first sight itong nararamdaman ko sa kanya.." Humagalpak ako Ng tawa dahil sa narinig. "Love at first sight..?! Simon, tol, sa panahon ngayon, naniniwala ka pa sa mga ganyan..?" "Oo Naman.. Naku, kapag Siya Makita mo, wag mong sabihin na ma love at first sight ka Rin sa kanya.. Mauupakan kita.." "Aba.. Oy, chill ka lang.. Ni hindi ko pa nga nakikita yang chicks mo eh.." Napatawa pa ako. "Tol, seryoso.. Matindi talaga nararamdaman ko sa kanya eh.." "O Siya, pangalan lang Ng babaeng iyon Ang alam mo. Wala Ng iba.." "Meron pa.." "Ano .?" "Cellphone number Niya.." "Ayan Naman pala eh..Ano pang pinoproblema mo..? eh pwede mo namang tanungin Yan kung saan Siya nagtatrabaho para mapuntahan mo.." "Wag kang mag alala, ti-next ko na.. Kanina pa habang papunta ako dito. Kaya lang, Hindi pa nagrereply eh.. Ang tagal nga eh, naghihintay pa Naman ako.. sabi Niya kanina, magrereply Siya. Kanina Kasi nung nakasabay ko Siya, palobat na cellphone niyon, kaya Sabi Niya, magrereply Siya kapag makapag charge na Siya.. Tagal na nga Ng paghihintay ko.." "O, eh baka Naman lobat pa.. kaya di pa nakakapag reply sa iyo..Hintayin mo lang.." "Siguro nga.. " Noon Naman tumunog Ang cellphone nito. Agad nitong hinugot sa bulsa Ang cellphone at tiningnan kung sino Ang nagpadala Ng mensahe. At bigla na lang lumapad Ang ngiti sa mga labi nito. Na tila ba abot Hanggang tainga. Pero namumungay na Ang mata nito. "Oh, Anong Sabi..?" "Tol!! Sa Cuisine daw Siya nagtatrabaho..!" "Cuisine..?? Sino doon..?" Dagsa Ng katanungan Ang isip ko. Nalito tuloy ako kung sino doon sa mga staff ko dahil marami Sila. "Tol, talaga.?." "Oo, iyon Ang Sabi Niya.." "Marami akong staff doon..Sino sa kanila.. Anong pangalan Niya .?" "Ah, Basta, Masaya na ako dahil alam ko na kung saan Siya pupuntahan.." Tumunog Naman Ang cellphone ko. May natanggap din akong mensahe. Napangiti ako. Nang akma Kong tatanungin ulit si Simon tungkol sa babaeng nagugustuhan nito, ay nakayubyob na ito sa mesa. Tulog at naghihilik pa. "Haaayyy.." Binuhat ko na lang Siya at maayos na inihiga sa sofa para makatulog na ito Ng mayos. Binalikan ko Ang iniinom kanina at tinungga Ang naiwang laman sa baso. Saka nagpasyang pumasok na sa kuwarto. Magpapahinga na din ako. May trabaho pa bukas. "Kung sino ka man, malalaman ko din Yan bukas.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD