Chapter 19

1689 Words
Pangatlong Araw na Mula Ng bumalik ako sa trabaho. Hindi na pala waiter o service crew Ang trabaho ko sa Cuisine. Assistant na ako ni Sir Frank. Tinanggap ko na Ang inaalok niya sa aking trabaho. Pinayagan Niya akong gumamit Ng cellphone. Dahil ayon sa kanya, dapat palagi Kong dala Ang cellphone for emergencies, o may mga pagkakataon na kailangan Niya akong tawagan o makontak kapag nasa trabaho. Pabor din Naman iyon sa akin. Hindi lang pala ako Ang napromote. Pati Ang mga kaibigan ko na Sina Francine at Trina ay kapwa din napromote. Si Francine ay Isa na ding assistant sa kabilang branch. Ganun din si Trina. Pareho kaming tatlo Ng trabaho, pero sa magkakaibang branch. Pero kahit ganun, may koneksiyon pa Rin kami. Araw araw kaming nagpapalitan Ng mga mensahe. Kinakamusta bawat isa. At Masaya na kami sa ganun. Nalaman ko na Ang dahilan Ng Hindi na pagpasok nila Melba at Ricky. Pinatalsik na pala Ang mga ito ni Sir Frank. Hindi lang Basta pinatalsik, pinakulong pa. Dahil sa ginawa nilang dalawa sa akin kung kaya naospital ako at ilang Araw na Hindi nakapag trabaho. Ayon Kay Ricky, sinunod lang daw nito Ang utos ni Melba sa kanya. Dahil Akala Niya, aagawin ko si Sir Frank sa kanya. Natawa ako sa part na iyon nung sinabi na ni Sir Frank sa akin Ang dahilan. Nagalit Naman ako nung nalaman Kong Silang dalawa pala Ang dahilan Ng pagkaka aksidente ko. Pero napalitan Ng awa iyon Ng Malaman Kong pinakulong Sila ni Sir Frank. Para daw Hindi na maparesan. Na touched ako dun ah. Lihim na nagbunyi Ang loob ko nun. Pero Hindi ko pinahalata. Tunay ngang napakagaling bilang amo si Sir Frank, may malasakit at maalaga sa mga tauhan niya. Kaya nga, nadagdagan Ang paghanga ko sa kanya. Sa unang Araw, ko bilang assistant ni Sir, sobrang kabado talaga ako. Dahil Hindi ko alam kung ano Ang gagawin. But luckily, matiyaga Niya akong tinuruan. Fast learner Naman ako eh kaya nakukuha ko agad mga itinuturo Niya. Pero Ang mas nakakatulong sa akin upang magtrabaho Ng maayos, ay iyong isipin na Araw araw Kong makikita Ang guwapong mukha Ng crush ko! "Crush nga lang ba..?" Tanong ng utak ko. "Oo na, palagi ko na makikita Ang mukha Ng my love ko.." Naisambit Ng puso ko. "Talaga..?" "Siyempre.." "Baka kung saan ka dalhin niyang love mo ha.." "Aba! Nangangaral ka na ha.." "Oy, baka masaktan ka lang niyan.." "Masyado ka namang nega.." "Bakit, Hindi ba.?" "Bakit ako masasaktan, eh, Hindi ko pa nasusubukan..?" "Eh di Sabihin mo sa kanya.." "Natatakot ako eh.." "Bakit ka natatakot..?" "Baka Hindi Niya ako magustuhan.." "Bakit di ka Niya magustuhan..?" "Pangit ko Kasi.. At saka nahihiya akong magtapat eh.." "Bakit ka Naman mahihiya..?" "Eh paano kung, magtapat ako tapos malalaman ko pala na may mahal na siyang iba..?" "Eh di, diyan ka masasaktan.." "Grabe ka Naman.." "Subukan mo Ng Malaman mo Ang sagot Niya.." "Ano ka ba, nahihiya nga ako eh.. Okay na sa akin na nakikita ko Siya palagi. Hindi man sa palagi ko siyang nakakausap pero napagmamasdan ko Naman Siya kahit nasa mesa ko lang ako.. Eeyyyyy.. nakakakilig ano..?" "Kilig ngayon, iyak later.." "Masyado Kang nega.." "Basta, subukan mo lang magtapat.." "Ayoko na Muna.. Sa ngayon, Masaya na ako habang nagdi daydream.." "Nananaginip Ng gising.." "Bakit, bawal ba..?" "Hindi Naman.." "O, Yun Naman pala eh.." "Sigurado..?" "Oo.. Palagi akong nangangarap na Siya palagi Ang kasama ko.. Ayyy.. Di talaga ako magsasawang mahalin Siya.." "In your dreams.." "My love, my dream.. Ano ka ba, siyempre, Siya lang Ang mamahalin ko. Kesa Naman iba Ang makakasama ko sa dream ko, eh, Siya lang Naman Ang love of my life.." "Bahala ka.." "Suportahan mo na lang Kasi ako.." Aba! Nag uusap na din pala Ang utak at Ang puso? O sadyang Ganito lang talaga Ang nagagawa Ng taong in love? Kinakausap na Ang sarili? Haaayyy Buhay. "Ay buslot!!" "Anong bus--lot..?" "Haaahh..?" Sapo ang noo na napatingala ako. "Ayyy.. shish.." Nabangga ko Ang likod ni Sir Frank. Bigla Kasi itong tumigil sa paglalakad. Naroon kami ngayon sa loob Ng mall. Naglalakad papunta sa inaayos pang magiging branch Ng kainan doon. Magbubukas na ito sa katapusan nitong buwan kung kaya Todo ayos at checking Ang ginagawa dito. Napalingon ako sa paligid. Maraming tao. Napatingin ako sa harapan, mas maraming tao. "Michelle Naman Kasi, Hindi ka tumitingin Ng maayos sa dinadaanan mo.. Ayan tuloy nabangga ka.. Magpokus ka nga.." Saway ko sa sarili sabay tampal sa noo. Naghanap ako Ng maaaring isagot. "Ahh, Sir.. sabi ko Po, shoot!" "Anong shoot..?" Nakatalikod pa Rin ito sa akin kaya Hindi ko kita Ang mukha niya. Luminga linga ako. "Shoot.. baka Po may shooting kaya maraming tao, Sir.." Napapikit ako Ng mga mata sabay cross Ng mga daliri. "Sana Maniwala Siya.." "Siguro nga.." Napamulat ako Ng mga mata nang bigla ko na lang naramdaman Ang mabilis na pagyakap nito sa akin. Saka idinikit Niya ako sa pader. Namilog Ang mga mata ko sa naging akto nito. Itinukod nito Ang dalawang kamay sa pader upang magbigay Ng maliit na espasyo sa pagitan naming dalawa. Magkaharap kami. Nakayuko Siya kaya dama ko Ang paghinga Niya. "Ang bango naman.." Naka tuxedo Siya kung kaya nakatago ako sa dibdib Niya. Dama ko Rin Ang pagtibok Ng puso niya. "Michelle!!!... Sheeeeessshhhh..." Pakiramdam ko, parang lulundag Ang puso ko palabas sa sobrang kilig. Gusto Kong tumili pero Hindi ko magawa. Pagkakataon ko na mayakap Siya pero nag aalangan ako. Kinurot ko na lang ang balat para magising ako. Baka Kasi nananaginip na Naman ako. Pero nakaramdam ako Ng sakit kung kaya, alam Kong gising na gising nga ako at Hindi nananaginip lang. Gusto Kong tumingala pero natatakot na nahihiya ako. Ipinikit ko na lang Ang mata. At sa nararamdaman ko, kaming dalawa lang Ng mga panahong iyon. Wala akong ibang ingay na naririnig, kundi Ang mga t***k lang Ng aming puso. Pabango lang Niya Ang naaamoy ko, sa sobrang mahalimuyak nito, parang gusto ko na lang matulog Ng mahimbing. Haaayyy.. Ngayon lang ako nakaramdam nito. Ganito pala kasarap sa pakiramdam na maikulong sa bisig Ng taong mahal mo. Gumalaw Siya kaya bigla akong napamulat. Agad napatingala. Nakatingin pala Siya sa akin. Ang lapit Ng mga labi namin. Ilang dipa lang Ang layo. Kunting galaw nito, mahahalikan na ako. Ramdam ko na namula Ang pisngi ko. "Oh my.. Ang awkward..!!" Agad Kong iniba Ang direksiyon Ng mga mata. Puro itim Ang nakikita ko. Oo nga pala, tinabunan Niya ako Ng tuxedo Niya. Sinilip ko Ang kaganapan sa paligid. Marami pa ring tao nag uumpukan. May dumidikit pa sa Amin, nagtutulakan Sila kaya siguro gumalaw si Sir Frank kanina. Pero bilib ako ha, Ang lakas Naman ni Sir para Hindi lang ako masaktan. Lihim akong natuwa at siyempre, kinilig to the bones. "Napaka protective Naman pala Ng my loves ko na to.." Gusto ko siyang yakapin pero nagpipigil lang ako. Baka kung ano maisip nito eh. "Baka isipin nito, nananantsing ako.. Baka itulak pa ako palabas.." Kinagat ko na lang Ang pang ibabang labi. Bumalik ako sa pagkakasandal sa pader. Kahit nagkadikit kami pero may maliit na espasyo Naman kaya nakakagalaw pa Rin ako. "Ahhmm.. Sir.." "Hhmm..?" "Ayyy.. sarap talaga pakinggan Ng boses nito ah.." "Ah, okay lang Po ba kayo..?" May pag aalalang Tanong ko. Kasi, kanina pa Niya ako pinoprotektahan Mula sa mga tao. "Okay lang naman.. Ikaw..?" "Super duper okay pa sa alright..!!" Siyempre Hindi ko iyon sinabi. Nakakahiya kaya. "O-o-okay lang Naman Po.." "Ay, nauutal. umayos ka nga, Michelle.." Saway Ng utak ko. Mariin akong napapikit pagkuwa'y kinurap kurap Ang mata. "Nakakainis Naman Kasi eh.. Sino ba namang makakapagsalita Ng maayos kapag ganito?.." Magkalapit pa Rin kami ni Sir. Ilang minuto na kami na nasa ganoong posisyon, pero Hindi pa Rin umaalis Ang mga tao sa paligid. Alam Kong nangangawit na si Sir Frank. "Maan nga mga tawo ni ho.. Kadugay gid tana magharalin ah. Gainano tana ni Sila di man..?" Nangunot Ang noo ko Saka napabuntong hininga ako. Kahit pabor sa akin Ang Ganito dahil nabigyan ako Ng pagkakataong mas makalapit sa crush ko, pero sobrang tagal Naman nito. Sa isiping nangangawit na ito sa kakatayo at kaka puwersa sa pagharang para lang di Niya ako madaganan dahil sa pagsisiksikan Ng mga tao sa paligid. at para na Rin Hindi ako masuffocate. Naaawa na ako sa kanya. Nakakainis na. Napansin siguro nito Ang marahas Kong pagbuga Ng hangin. "Bakit..?" Napatingala ako. Un-aware na ilang dipa na lang Ang agwat Ng mga labi namin. "Eh, Sir, kanina pa yan Sila eh.. Ano bang ipinagsisiksikan nila diyan? May artista ba..?" Sa pagkakaalam ko, mag uumpukan at magsisiksikan Ang mga tao kung may nakikita Silang mga sikat na personalidad, tulad Ng mga artista, pulitiko, o di kaya ay tauhan ng gobyerno na namimigay Ng mga ayuda. "Tulad Ng sinabi mo, may shooting. Kaya, may mga artista.." Ahh.. nawala sa isip ko iyon ah. Wala sa sarili na napaawang Ang labi ko. Bigla Ang sigawan Ng mga tao at Lalo pang nagsiksikan Ang mga ito. Kaya bigla Ang pagdikit ni Sir Frank sa akin. Huli ko na napagtanto na nagdikit din Ang mga labi namin. Namilog talaga Ang mga mata ko sa Hindi inaasahang pangyayari na iyon. Hindi ko siya magawang itulak dahil patuloy sa pagsisiksikan Ang mga tao. Ilang Segundo lang Naman nagtagal ang paghihinang Ng mga labi namin pero pakiramdam ko Ang init init na Ng pisngi ko sa sobrang pula. Baka nga naging kamatis na eh. Bigla akong napayuko dahil hindi ko alam kung ano Ang gagawin o sasabihin. Lakas Ng kaba Ng dibdib ko. Grabe, Ang lakas talaga Ng pagtibok nito. Parang may kung ilang kabayo Ang nagtatatakbo sa loob. Noon ko naramdaman Ang unti unting pagluwag Ng mga tao. Nag-antay Muna ako Ng ilang sandali pa Bago mabilis na lumabas at tumalikod Kay Sir. "Ahmm, Sir.. Comfort room lang Po ako.." Pagkatapos ay patakbo kong tinungo Ang kinaroroonan Ng c.r. Ng mall. Hindi ko na inantay Ang tugon nito. Walang lingon lingon na tumakbo ako. Hawak Ang bag sa dibdib habang patuloy na tumatakbo. Buti na lang naka sapatos ako kaya madali lang tumakbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD