Kakaparada pa lang Ng kotse sa harap Ng condominium building kung saan naroon Ang unit ni Frank. Kasama ko si Simon at nag insist itong ihatid ako doon. Alas singko y medya na pala. Hindi ko namalayan Ang paglipas Ng Oras dahil nawili ako sa ginawa namin. Matapos Kasi naming mag lunch kanina ay niyaya Niya akong manood Ng sine. Napakaganda Ng pelikulang pinapanood namin kaya nawala sa isip ko Ang magbantay sa Oras. Wala Naman akong natanggap na tawag o mensahe galing Kay Frank. Naging magiliw si Simon, at talagang makikita Ang saya sa mukha nito. Iyon Ang muli naming pagkikita Mula noong una kaming nagkasabay sa taxi pauwi. Kinuha nito Ang Numero Ng phone ko, at madalas Niya akong pagdalhan Ng mga mensahe. Minsan, nire replyan ko Siya, pero kadalasan ay binabasa ko na lang Lalo na at mga q

