Napabalikwas ako sa sunod sunod na tunog Ng cellphone sa mesa. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Sa Dami Ng nakatumpok na mga folder sa harapan ko ay nakaramdam ako Ng pagod at gayundin ay antok. Naisip Kong magpahinga Muna saglit pero nakatulog pala ako. Naputol na Ang pagri ring nito. Tiningnan ko Ang oras sa relo. Alas sais y medya na. Gabi na pala. Tiningnan ko Ang mesa ni Michelle, bakante pa rin. Hindi pa ito bumabalik. Hihintayin ko na Lang siyang dumating para sabay na kaming umuwi sa condo. Umalis Kasi ito nitong hapon lang at sinabing may pupuntahan lang. Pinayagan ko Naman tutal ay bibihira lang itong magpaalam na may pupuntahan. Ni Hindi ko na Siya tinanong kung saan ito pupunta o sino Ang kasama. Binibigay ko pa Rin sa kanya Ang freedom Niya na makihalubilo sa ibang ta

