Chapter 4

1724 Words
"Nakakainis talaga..!" Nanggigigil na tinusok Ng tinidor Ang hotdog na nasa pinggan. Pinaikot-ikot Ng ilang sandali bago itinaas sa ere. Pinukol ng matalim na tingin saka biglang inilagay sa bibig at may Galit na kinagat iyon. Habang ngumunguya ay lumalakbay ang isip. "Sino ba Kasi iyon..! Ni hindi ko man lang nakita Ang pagmumukha Ng lalaking iyon.. Ang kapal Ng mukha ha.. Halikan ba naman ako..!" Muling ipinatong Ang tinidor sa pinggan. Saka tumayo at kinuha Ang larawan nilang magpamilya sa aparador. Muling naupo sa kinauupuan at ipinatong Ang larawan sa mesa kaharap Niya. "Alam niyo ba Ma..Pa.. nakakainis..! Naiinis ako sa lalaking nakabangga.. Este nakaharap ko sa restroom na iyon. Hamakin niyo Po, ni Hindi ko Siya Kilala, ni Hindi ko Siya nobyo, pero hinalikan Po Niya ako...!!" Muling kinuha Ang tinidor at isinubo Ang hotdog. "Ang virgin lips ko, Ma..Pa.. kinawawa lang Ng lalaking iyon.. Ang kapaaaal kapal talaga Ng pagmumukha Niya.. Haaayyy..." Saka nangalumbaba sa harap Ng larawan. "Ninakawan Niya Po ako Ng halik.. pero Ma..Pa.. nasampal ko din siya..." Tumawa Ng mag-isa.. Mahina lang, baka marinig sa labas at baka kung ano Ang isipin dahil nag-iisa lang ako Dito sa loob Ng kwarto ko. "Eh, di ba, Ma..Pa.. okay lang iyon. Nakaganti din ako.. Hhhmmm.. Ang kupal na iyon.. pasalamat Siya, hindi ko Siya napagmasdan Ng mabuti... Kaya lang ho, na-destruct na ako eh.. Kainis Kasi ah.. Sa sobrang pagmamadali ko para makaalis sa Lugar na iyon, naiwan ko pa Ang envelope ko. Kaya ayun, di na ko nakapaghanap Ng ibang mapagtatrabahuhan. Dumiretso uwi na Lang ako kanina.. Haaayyy naku..." Tumayo ako at dinampot Ang larawan sa mesa at ibinalik sa kinalalagyan nito. "Bukas Po, mag-iisip ako Ng dahilan kung papano ko makukuha Yung envelope ko..." "Kung bal an ko lang gid nga matabo ato, Wala na Tani ko nagsulod didto muh.. Haaay.. ambot dulang gid.." Saka hinarap Ang di kalakihang salamin na nakadikit sa dingding. "Ti, Michelle, kita mo na. Ay ambot na lang gid sa imo ah.. Lantawa bala, ti ano himoon mo para makuha mo tong nabilin mo..??" Nakapameywang na kinausap Ang sarili. Oo nga pala, laking ilongga ako. Probinsiyana. Dumayo lang sa maynila para lumayo sa Lugar na nagbigay Ng sobrang lungkot sa aking Buhay. "Abe mo bala.. Kahuluya gid tana.. Ayyy.. " Naglakad patungo sa kama at naupo sa gilid niyon. Nalilito Ang isip kung ano na nga ba Ang gagawin para makuha Ang naiwang gamit doon sa kainan. Hanggang sa pagtulog ay laman pa Rin Ng isip Ang bagay na iyon. "Ma....!! Ano to..?" Sunod-sunod na mga putok Ng baril Ang narinig ko galing sa labas. Nagsigawan na Ang mga tao sa paligid. Nagpanic. Ang iba ay nagtatakbuhan na, di alam kung saan patungo. May nag-iiyakan na, may humihingi Ng saklolo. Nakita ko Ang Ina ilang pulgada lang Ang layo Mula sa kinatatayuan ko. Patakbo ko siyang nilapitan. Sa paligid, kita sa mga mukha Ng mga taong naroon Ang takot at kabiglaanan sa mga nangyayari. "Ma... Ano to..?" Muli Kong tanong sa aking Ina. Nanginginig ito at di makagalaw. Hinawakan ko siya. Akma ko siyang hihilahin palapit sa akin nang bigla itong natumba, hawak Ang dibdib nito, at di ko man lang napansin nung una, lumabas Ang dugo Mula Dito. Natakot ako, nanginig Ang buong katawan ko. Sobrang takot. "haahhh! Ma..!!" Napasigaw ako. Napahakbang ako palayo sa aking Ina. Nakatingin lang Siya sa akin at Hindi makapagsalita. "Mamaaaaa..!! Mamaaaaa!! Di ko na mapigilan Ang pag-iyak. Patuloy ako sa pag-iyak. Sunod-sunod na mga putok Ng baril pa Rin Ang maririnig sa paligid. Sigawan, hiyawan, at iyak Ng mga taong naroon. Di ko alam kung ano Ang nangyayari. Dahil sa takot at panginginig Ng katawan, napaluhod na Lang ako. Pag-iyak na lang Ang tanging magagawa ko. Biglang may humatak sa akin, kaya napatayo ako at nadala Ng kung sinumang tao na iyon papunta sa gilid. Doon sa pagitan Ng mga nakasementong pader, sa likod Ng mayayabong na Puno Ng mga bulaklak. Tinakpan Ang bibig ko. "Shhhhh.. Di ka maghibi. Hindi ka maggahod... Para Hindi ka nila Makita diri.. Hindi ka gid maggawas samtang Wala pa sang mga pulis.. Kaintindi..?" Tiningnan ko siya. Hindi ko makilala dahil may takip Ang mukha nito. Tanging mata lang nito Ang makikita. Pinigil ko Ang pag-iyak. "Ano Ang nagakatabo..? Ngaa may mga lupok..?" "Sshhhh... Damo bandido Ang nag-abot. Sila Ang nagapalupok kag nagapamusil sa palibot.. Kaya, Hindi ka gid maggawas diri para Hindi ka madamay ha.." Tumango lang ako. Niyakap Muna Niya ako Bago umalis. Patuloy na naririnig Ang mga putok Ng baril sa paligid. Takot na takot na tinakpan ko Ang dalawang tainga para di masyadong marinig Ang ingay Ng mga putok. At mariing ipinikit Ang mga mata. Biglang sumakit Ang dibdib ko. Di ako makahinga. Sunod-sunod na paghinga Ang ginawa ko. Parang di ko na kaya. Hawak Ang dibdib, napasandal ako sa pader. "Mamaaa... Papaaaa..." Saka ipinikit Ang mga mata. Naramdaman Kong may mga kamay na humahawak sa katawan ko. May pumipisil sa mga palad ko. Hanggang sa pagtapik Ng sinuman sa balikat ko. Marahan Kong iminulat Ang mga mata. Inilibot Ang paningin. Nakaoxygen na pala ako. At maraming nakapaligid sa akin. "Dok, bugtaw na Siya...!" Dinig kong Sabi ng Isang nurse sa tabi ko. Kinuha nito Ang pansin Ng Isang doktor sa di kalayuan. "Oy, mayad Kay bugtaw na Siya.." Sabi Ng Isa. "Gani man.. Abe ko, pati Siya, napatay man.. Nakikinig lang ako sa pag-uusap Ng mga nurse sa paligid ko. "Mayad lang Gani Kay nalipong lang Siya..." "Oo man Gani.. Kag Isa pa, mayad Kay Wala gid Siya naigo sang bala.. Grabe gid Ang natabo kagab I.. Ginpangrakrakan gid tana sang mga bandido Ang mga tawo.. haayyyy..." "Oo, kag kalain gid sang mga itsura sang iban nga nagkalaigo ka bala. Makangiridlis..!!" "Haay.. ambot na lang.. Makalolooy sa ila lantawon..." Muli Kong ipinikit Ang mga mata. Sumagi agad sa isip ko Ang nangyari kagabi. Tuluyang tumulo Ang mga luha ko. "Muh na ni Siya Ang survivor sa natabo kagab I?" Narinig Kong tanong Ng Isang lalaki. "Oo, dok." Sagot Ng Isang nurse. Naramdaman ko Ang pagtapik nito sa balikat ko. "Ineng..." Tawag nito sa akin. Marahan Kong iminulat Ang mga mata. Tingin diretso sa mga mata Ng doktor. "Ineng, may iban ka pa ba nga ginabatyag sa lawas mo..?" Nanatiling Tikom Ang bibig ko. Lumuluha lang ako. Binalingan nito Ang mga nurse. "Bantayan ninyo Siya ha. Basi Hindi pa Niya gusto maghambal sa subong. Ang oxygen Niya, itsek Niyo pirmi. Ang BP Niya, kag iban pa. Kag bantayan Niyo basi Makakita kamo sign nga may trauma Siya. Ihambal Niyo dayon sa akon.." Tumango Ang mga nurse. "Yes, Dok." Ang masayang pagtitipon na iyon, kung saan naimbitahan kaming mag-anak, ay nauwi sa Isang malagim na trahedya. Nasa kasagsagan Ng kasayahan Ang lahat Ng taong naroon, nang bigla na lang paulanan Ng bala ng mga bandido. Marami Ang namatay, kasama Ang mga magulang ko. Dalawang Araw matapos akong maospital ay lumabas na ako. Kahit ayaw pa Ng mga doktor na umestima sa akin na palabasin ako, nagpumilit talaga ako. Dahil gustong-gusto ko Ng Makita at mayakap Ang mga magulang ko. Pagdating sa punerarya, nakahilera Ang mga kabaong doon, laman Ang mga taong nasawi sa trahedya. Bata, matanda, at mayroon pang mga sanggol. Kasama doon Ang bagong kasal. Di maipaliwanag Ang aking nararamdaman. Sobrang sakit sa dibdib at awa sa mga nasawi. Sobrang poot at Galit sa mga bandido na siyang dahilan Ng pagkawala Ng mga Buhay ng mga biktima. Sa lahat ng mga taong naroon, iilan lamang sa kanila Ang naka survive. Nagkaroon Ng manhunt operation Ang mga kasundalohan at kapulisan kasama Ang lahat Ng sangay ng pangkapayapaang puwersa ng gobyerno, laban sa mga bandido. May ilang nadakip at napatay sa grupo Ng mga bandido. Gayunpaman, Hindi iyon naging kabawasan sa sakit na idinulot Ng mga ito sa pagkawala Ng mga magulang ko at ng mga naging biktima. Ibinurol Ng ilang Araw Ang mga magulang ko Bago nilibing. Maraming nakiramay, at nagdalamhati sa nangyari. Ang mga tauhan namin, Hindi ako iniwan hanggat Hindi natapos Ang lahat. Pagkatapos ng libing, nagsialisan na Ang iba naming mga tauhan. May mangilan-ngilang nagpaiwan. Nagpalipas Muna ako Ng Ilan pang Araw sa mansiyon, Bago nagdesisyong ipagbili iyon. Masakit man sa akin na pakawalan iyon, na siyang tanging pamana Ng aking mga magulang, ay Wala akong magagawa. Matapos maipagbili Ang mansiyon at ilang ari-arian, binigyan ko Ng huling sahod at pasalamat Ang lahat Ng mga tauhan namin at katulong. Binayaran Ang lahat Ng mga naiwang bayarin, Saka nagpasyang Iwan na Ang Lugar. Habang inilibot Ang paningin sa buong kabahayan, nalungkot ako. "Tani... Atipanon kamo sang bag o nga tag-iya parehas sang pag-atipan sa Inyo sang buhi pa Ang akon nga mga ginikanan.. " Hinawakan bawat muwebles at kasangkapan na naroon. "Tani.. Indi kamo pagpabay-an.." May luha sa mga mata na isinarado Ang pintuan. Hila Ang malaking maleta, tinugpa Ang malaking gate. Isang sulyap pa Ang muli Kong ginawa Bago sumakay sa naghihintay Ng tricycle sa labasan. Nagpahatid ako sa sementeryo. Dinalaw ko Ang puntod Ng mga magulang. Doon, muli akong lumuha. Luha ng paghihinagpis, lungkot, dalamhati, at pag-iisa. Dahil sa nangyari, biglang gumuho Ang lahat sa akin. Mga pangarap ko kasama Ang mga magulang ko, mga masasayang Plano sa Buhay, at inaasam-asam na tagumpay. Lahat ay nawala, at biglang nagbago Ang lahat sa akin. Nanatili ako doon Ng ilang sandali Bago nagpaalam sa mga magulang. Ngayon, haharapin ko Ang buhay Ng mag-isa. Walang kasama, walang karamay, Walang kaagapay. Gusto Kong makalimot at makalayo sa Lugar na iyon. Lugar na nagdulot Ng sobrang takot at pangamba sa akin para sa Buhay ko. Galit at poot sa dibdib dahil sa pagkawala Ng mga magulang ko. Haharapin ko Ang bagong mundo. "Mamaaaa... Papaaaa..." Napabalikwas ako at agad napabangon. Kinapa ko Ang mga mata. May mga luha. Ang pisngi ko, basa din. Ibig Sabihin, umiiyak ako habang tulog. Bigla akong nalungkot. Napanaginipan ko naman Ang mga magulang ko. Nilingon ko Ang litrato sa aparador. "Mama.. Papa.." Bumaba ako sa katre at tinungo Ang larawan. Kinuha at idinikit sa dibdib, Saka ipinikit Ang mga mata. "Nami-miss ko na talaga kayo.. Sobra-sobra.. Bantayan Niyo lang Po ako ha..Mahal na mahal ko Po kayo.. " Dinampian Ng halik Ang litrato Saka muling ibinalik sa aparador. Pagtingin sa relo at malamang alas otso na pala Ng Umaga, naghanda na ako para mag almusal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD