Hawak Ang pisngi na sinampal, galit na ibinalibag ni Frank Ang pinto ng c.r. Tiim-bagang na naglakad patungo sa kusina, diretso sa opisina niya. Pagkaupo ay agad hinanap ng mata sa malaking screen na komukonekta sa lahat ng CCTV sa naturang lugar, labas at loob, ang babaeng iyon. Nakita nga niya.
"Hmmmm... Table 28 ha..."
Ini-zoom in Niya Ang camera. Na tanging ang babae lang na iyon Ang nasa malaking screen. Saka nakapameywang na pinagmasdan ang mukha nito. Diretso ang matalim na tingin sa mukha Ng babae na para bang kaharap lang Niya.
"Lakas ng loob na sampalin ako.. Siya na nga itong trespassing, siya pa may ganang magalit.."
Ibinalik ko na Muna sa dati Ang nasa malaking screen. Kita na ulit sa monitor Ang kuha Ng lahat Ng camera sa paligid. Buntong-hininga Ng ilang beses, Bago naupo sa swivel chair. Pinagsalikop Ang dalawang palad at ipinatong sa ibabaw Ng mesa.
"Sinampal nga ako siguro sa pag-aakalang may ibang gagawin ako sa kanya..."
I smirk.
"Sino ba Naman ang hindi magagawa iyon..? Mismong sa harapan ko pa umihi..? Ano ba'ng tingin Niya sa sarili Niya.. Siya na nga itong nagpakita Ng motibo.. Sino namang lalaki Ang makakatiis kapag nakakita Ng ganun..?"
Nagsalubong Ang kilay ko. Napahawak ako sa baba, at saglit naguluhan.
"Pero Teka... Papano Siya nakapasok doon..? Hindi ba Niya binasa Ang nakasulat sa labas.. o .. sadyang Tanga lang talaga Siya..?"
Ang nakakainis lang, sinampal Niya ako. Hawak Ang pisngi na muli Kong tinutukan Ang screen, direkta mismo sa bahagi Ng monitor kung saan makikita Ang babaeng nakaupo, kumakain, at siyang naging dahilan Ng init Ng ulo ko.
"May araw ka din.. Maliit Ang Mundo para Hindi tayo magkita ulit.. Hindi ko to makakalimutan.."
Mga katok sa pinto ang bigla kong narinig.
"Pasok..!"
Sabi ko na hindi inaalis Ang mata sa mukha ng babaeng iyon.
"Ahhmm.. sir, lost and found Po.."
Binalingan ko ang staff ko. Tiningnan Ang bitbit nito. Isang kulay asul na transparent envelope. May mga papel sa loob.
"Sige, ipatong mo lang dito sa mesa.."
Agad itong tumalima at lumabas na din pagkatapos. Kinuha ko Ang envelope at binuksan. Inisa-isang tingnan Ang mga papel na nasa loob. Pumukaw Ng pansin ko Ang naroong bio-data. Kinuha ko iyon at nang makita ay hilaw akong napangiti.
"Gotcha... Maliit nga Ang mundo.. Akalain mo ba namang maiwan mo Ang gamit mo.."
Tiningnan Ang nakasulat na pangalan.
"Michelle Adriano Palermo.. Hmmmm..."
Muling pinasadahan ang nakalagay sa bio-data at itinuon ang pansin sa 2x2 I'd picture na nakadikit doon.
"Naghahanap ka pala Ng trabaho.. Pero hindi nakatapos Ng kolehiyo.. Anong trabaho Ang mapapasukan mo..?"
Muling isinilid sa envelope Ang lahat Ng laman niyon at ipinatong sa ibabaw ng mesa.
"Babalik ka Rin.."
Saka bumuntong-hininga.
Sa katunayan, may sarili Naman akong comfort room sa loob Ng office ko. Iyon nga lang, ay may sira na kasalukuyang inaayos. Kaya nung nakaramdam Ng tawag Ng kalikasan, kinailangan ko pang lumabas ng office at pumunta sa private comfort room na katabi ng restrooms ng kainan. Kahit ayaw ko ay wala akong ibang mapagpipilian kesa Naman sumakit Ang pantog ko sa pagpipigil na umihi.
Nangalumbaba ako sa mesa. Muling binalikan sa isip Ang nangyari kanina. At habang naiisip iyon ay di ko napigilang ngumiti ganundin Ang mainis.
"Okay na sana eh. Natapos na ako sa pag-ihi. May kinuha lang ako sa gilid nang nagulat ako sa pagpasok ng isang babae. Nakayuko lang ito, nagsasalita mag-isa habang hawak Ang cellphone, na tila ba dismayado dahil sa kung ano man Ang nangyari dun. Binalak ko siyang abutin at sabihan sana na nagkamali Siya Ng napasukan nang bigla na lang itong nagbaba ng pantalon at umupo sa bowl. Akala ko ay makikita na Niya ako dahil humarap ito sa akin kaya lang, tsk..tsk..tsk.."
At umiling-iling Ang ulo.
"Nakapikit pala Ang puteekkk.. Kaya pano Niya ako makikita, Aber..? Haayyy na Lang talaga.. Pero di ko Naman talaga plinano na halikan Siya.. At talagang Wala sa isip ko iyon nuh... Nagawa ko lang iyon dahil pagdilat Ng mata nito, ang walanghiya talaga, sisigaw pa sana eh.. Kaya, no choice, halikan na Lang talaga. Kesa Naman mabulabog Ang buong kainan sa sigaw lang na iyon Ng babae. Maeeskandalo pa ako.. Kaya ginawa ko lang iyon para na rin maitago na may ganoong pangyayari doon... Haaayyy.. pero Ang sisteee... Sinampal pa ako... Kaya nakakainis..."
Muli akong napahawak sa pisngi. Alam Kong namumula pa iyon dahil ramdam ko pa Ang init. Hinimas-himas Ang parteng iyon. Nang sampalin Niya kanina, pakiramdam ko, biglang lumindol. Umikot talaga ang ulo ko. At bigla na itong umalis, ibinalibag pa ang pinto. Nagsampukan Ang mga ngipin ko, habang binabalikan sa alaala ang nangyari.
"Haayyy.. Bakit di Yun maalis sa isip ko.. kainis..!"
Inihilamos Ang mga palad sa mukha. Muling pinasadahan Ng tingin ang mukha Ng babae. Tiniyak na makakabisado Ang bawat detalye Ng mukhang iyon. Upang sa pagkikita sa susunod ay agad ko iyong makikilala.
"Maganda ka na sana eh, maldita nga lang.. pero masarap ang labi mo ha.."
Pagkasabi ay agad bumalik sa aking balintataw Ang labi nito.
"Malambot at mamula-mula. Parang inosente dahil nakaawang lang ito. Ni hindi marunong suklian Ang halik ko.."
Nagsalubong Ang aking kilay.
"Inosente, o sadyang nagpapaka inosente lang..? Sa panahon ngayon, marami na Ang ganyang klase na mga babae.. Sa una, Akala mo, mahinhin at parang di makabasag pinggan, pero nasa loob pala Ang kulo,. Itinatago para huwag mabisto... Haay.. Buhay nga Naman.."
Para mabaling sa iba Ang pansin, muling itinuon ang tingin sa malaking screen. Inisa-isa Ang kuha Ng bawat camera. Nagpalipas pa Ng ilang sandali bago hinarap Ang ilang mga papeles na kanina pa nakapatong sa mesa. Kumuha Ng Isa, binuklat, binasa, at pinag-aralan Ng mabuti. Nakailang pahina pa lang ako nang tumunog Ang telepono na nakapatong sa gawing kanan Ng mesa. Dinampot ko iyon at inilapit sa tainga.
"Hello..."
"Anak.."
Agad Kong nakilala ang boses Ng Ina.
"Ma..."
"Anak..."
"Ano Po iyon..?"
"Gusto lang kitang makausap..."
"Tungkol Po sa ano..?"
"Kailan pa ba uuwi dito..?"
"Bakit Po, Ma..?"
"Aba'y nami-miss ka na namin Ng Papa mo.. Wala ka bang balak kahit bakasyon lang..?"
"Eh.. Ma.. ano Kasi.."
"Ano ba Kasi idadahilan ko..?"
Nagulo tuloy Ang isip ko. Natahimik ako saglit habang nag-iisip Ng magandang idadahilan Kay Mama. Iyong tipong Hindi Siya magagalit o magtatampo.
"Ma, sa susunod Po, magbabakasyon Po ako diyan..."
"Lagi mo na lang yang sinasabi, Frank..."
"Ma..."
"Nakakatampo ka na eh.. Ikaw lang Ang anak namin, tapos Hindi mo kami dadalawin.."
Napakamot ako sa ulo. Umiiral na Naman si Mama.
"Haaayyy naku... okay.. Sa sabado Po, uuwi ako diyan.. "
"Talaga...?"
Biglang sumigla Ang boses nito. Kapagkuwa'y nagpaalam na ito matapos Ang ilang sandali Ng aming pag-uusap. Ibinaba ko na Ang aparato sa mesa.
Biglang pumasok sa isip ko ang kaibigang si Reniel. Bibili ako Ng ticket. Tama Rin namang makapag relax kahit papano. Kunsabagay, nami-miss ko na Rin Ang mga magulang ko. Makapag bonding naman sa kanila at huwag puro trabaho.
Nasasabi ko lang iyon, pero sa totoo lang, simula nung makapagtapos ako, at magretiro Ang Papa ko sa pamumuno Ng negosyo namin, sinalo ko na lahat Ang responsibilidad sa pagpapatakbo nito. Di Naman ako nagsisi sa propesyon na pinili ko, sapagkat iyon ay nakatulong sa akin upang mas mapaunlad ang negosyo.
Bago tuluyang makalabas ng opisina, dinampot ko ang envelope at binitbit. Pagdating sa counter, kinausap ko panandali Ang cashier at ibinilin Ang envelope. Tiyak hahanapin iyon ng may-ari. Tutal ay nairekord ko na Ang buong pangalan at address nito. Kung tutuusin ay kaya ko namang isauli iyon sa kanya dahil alam ko Ang Lugar na iyon, pero mas pinili kong pabalikin Ang babaeng iyon. Tingnan natin kung ano Ang magiging reaksiyon Niya kapag nalaman niyang ako Ang lalaking iyon.
Agad akong lumabas at tinungo Ang kinapaparadahan ng kotse. Saka pinaharurot iyon, tinugpa Ang Daan papunta sa pwesto Ng kaibigan.