Chapter 2

1467 Words
Isang malakas na busina Ang nagpagising sa diwa ko. Tumihaya na muna ako habang nakapikit pa Ang mata. Inaantok pa ako. Gusto ko pang matulog ulit. Isang malakas na Naman na busina ng sasakyan Ang nagpabalikwas sa akin. Agad kong iminulat ang mga mata. Hinawi Ang kumot sa katawan at inis na bumangon. "Ano ba Yan.. Ang ingay..! Haaayyy..." Tiningnan ko Ang relo na suot. Alas otso y medya na pala. Saka ko naalala ang gagawin sa araw na iyon. "Oo nga pala.. Muntik ko na makalimutan..." Agad akong bumaba ng katre, kinuha ang naka-hanger na tuwalya sa dingding, at agad tinungo Ang banyo. Sa palapag na iyon, may sariling banyo doon. Iyon nga lang, nasa dulong bahagi ng nakahilerang kwarto. At swerte ko dahil katapat ko lang Ang banyo, kaya madali akong makapasok kapag gusto na magbanyo. Nataon namang Wala Ng gumagamit sa mga Oras na iyon kaya madali akong nakaligo. Pagbalik sa loob Ng kwarto ay agad akong nagbihis at nag-ayos. Sa labas na lang ako mag-aalmusal. Bagama't may mga gamit akong pangluto sa loob Ng kwarto, ay mas pinili ko na sa labas na kumain. Di na ako nagluto. Matapos makapaghanda ay isinukbit ko na Ang bag at lumabas Ng kwarto. Sa ibabang bahagi ng paupahan na iyon ay nakahilera ang ilang tindahan ng paninda at karenderya, kung kaya't di ko na kailangan pang lumayo para makakain. Nang makapag-almusal na, ay naglakad na ako. Magsisimula na akong maghanap Ng mapagtatrabahuhan. Ang layo na ng nilakad ko. Kanina pa ako naglalakad, naghahanap at pumapasok sa mga establisimiyento na may nakapaskil na 'Hiring'. Mag-aala una na pala ng hapon. Nakaramdam ako ng gutom kaya luminga-linga ako, bakasakaling may malapit na pwedeng makainan. Hayon nga, sa di kalayuan mula sa kinatatayuan ko, may kainan. Pero parang di matatawag na karenderya dahil mukhang pangmayaman. Walang choice kundi doon na lang Kumain dahil kumakalam na Ang sikmura ko. Tumawid ako sa kalsada, at tinungo Ang kainan. Pagdating sa tapat nito, tumingala ako. Binasa ang pangalan ng kainan. "Frank's cuisine... Hmmmm... sosyal ha.." Nagdalawang-isip pa ako kung papasok ba o hindi. Nagreklamo na Ang tiyan ko. Kaya pumasok na ako. Pagkapasok, sa pintuan pa lang, Ang bongga na. Magalang na bumati Ang guwardiya. May nakaantabay ding mga waitress na siyang nagbibigay ng menu sheet sa mga papasok. Todo ngiti ang mga ito. "Ay, bongga.." Sinalubong ako Ng Isang waitress at inabutan Ng menu sheet, tinanggap ko iyon. "Good afternoon po, ma'am, kakain po ba kayo o magmemerienda?" Magalang na bati nito. Kayganda Ng ngiti sa mga labi. Nginitian ko din siya. "Kakain po ako..." "Sige Po.. Dito Po tayo, Ma'am..." At iginiya Niya ko sa daan papunta sa isang pabilog na mesa. "Ma'am, feel free Po na tawagin ako o sinumang waitress Po Dito kung handa na Po kayo sa magiging order niyo po..." "Sige Po..." Umalis na ito kaya naupo na ako sa silya. Pagkaupo ay inilibot ko Ang tingin sa buong lugar. Namangha talaga ako. Nakakabilib ang mga disenyo at palamuti sa paligid. Para kang nasa ibang bansa. "Ang ganda Naman Dito..." Maganda ang ambiance. Napapangiting inilibot ko Ang paningin. Pinagmasdan Ang bawat sulok niyon. Marami-raming kostumer Ang naroon. Maraming kumakain. Ang iba ay mga foreigner, galing ibang bansa. "So, it means, masarap Ang pagkain dito.." Umayos ako Ng upo at itinuon ang pansin sa mga pagkaing nakalista sa menu sheet. Pinasadahan ko iyon at tiningnan Ng maigi Ang mga nakasulat at Ang presyo nito. Napaawang Ang bibig ko. "Anoo..? Grabe.. dolyar Naman pala Ang presyo ng pagkain dito.." Luminga-linga ako. Naisip kong lumabas na lang at maghanap Ng Ibang makakainan. Pero nagrereklamo na talaga Ang tiyan ko. Kaya, kinuha ko Ang pansin Ng waitress kanina. Pagkalapit nito, ay tinuro ko sa kanya Ang orders ko. Pagkatapos ay itiniklop nito Ang menu sheet at binitbit. "Pakihintay na lang Po Ng orders Niyo, Ma'am.. thank you po.." Napatango ako. Umalis na ito at tinungo ang counter. Ibinigay nito Ang maliit na papel na kinalalagyan ng orders ko. Pagkatapos ay binalikan ako at binigyan ng numero. Palatandaan iyon para sa orders ko. Kasunod niyon Ang Isa pang waiter na may dalang isang basong tubig at Isang maliit na bowl na may lamang salted peanut. Matapos maipatong iyon sa mesa ay umalis na Sila. Pinagmasdan ko ang mani. Kapagkuwa'y kumuha at kumain. "Wow ha... May paganito pa Sila sa mga kostumer...Sana all..." Habang naghihintay ay panaka-nakang sumusulyap ako sa paligid. Pinagmamasdan ang mga naroon, Lalo na sa counter. "Ayyy... Wala man lang hiring...Maganda sana Dito makapagtrabaho..." Air-conditioned kaya malamig Ang paligid. Napatingin ako sa labas. Tirik na tirik Ang araw kaya sobrang Init. Ang mga naglalakad ay gumagamit ng payong upang di mainitan. Ang iilan ay nakasilong lang sa mga pwede mapasilungan. Pero sa loob Ng kainan na iyon ay di alintana ang init Ng araw sapagkat malamig. Sa katunayan ay natuyo na ang pawis ko. Kanina, habang naglalakad ay pawisan ako. Ilang minuto na ako doon naghihintay ay di pa dumarating Ang inorder ko. Pero matiyaga pa Rin akong naghintay. Hanggang sa nakaramdam ako ng kakaiba. Naiihi ako. Ipinatong ko Ang dalang bag sa mesa at tumayo. Nilapitan ko Ang Isang waiter at tinanong kung saan banda Ang c.r nila. Matapos maituro sa akin, ay nagtungo na ako dun. Malapit na ako sa c.r nang mahulog ang cellphone ko. Yumuko ako para kuhanin ito. Pagkakuha ay naglakad ako ng nakayuko. Nakatuon Ang pansin ko sa cellphone na hawak habang pinupunasan ko ito. "Haayyst.. nahulog na naman... Clumsy mo talaga na babae, Michelle. Cellphone mo na nga Lang, di mo pa mahawakan Ng maayos.. kaya ayan tuloy, nahulog. Nag-crack pa... Haayyy.. Kunting hulog at gasgas, masisira na talaga to.." Wala sa loob na pinapagalitan Ang sarili. May napansin akong pinto kaya pumasok na lang ako na Hindi man lang tumitingin. Agad akong naupo sa bowl at umihi. Nakatuon pa Rin Ang pansin sa cellphone.. "Hmmmm..." Suminghot-singhot ako. "Ang bango naman dito..." Matapos umihi ay napapikit pa ako bago tumayo. Kinapa Ang zipper ng pantalon at isinara. Nilagay sa likurang bulsa ang cellphone Bago iminulat Ang mga mata. Ganun na lamang Ang pagkabigla ko nang sa pagmulat ko Ng mata ay mukha agad Ng Isang lalaki Ang Nakita ko. Napaawang Ang bibig ko at akma na akong sisigaw nang bigla na lang Niya akong hapitin sa batok at mariing hinalikan. Hindi ako nakagalaw saglit. At nang makahuma ay nagpumiglas ako. Pinipilit kong makawala sa lalaking iyon. Pero kahit Anong gawin Kong paghahampas Dito ay Hindi pa Rin ako pinapakawalan. Ang lakas at higpit ng pagkakahawak nito sa batok ko at Hindi ko mailayo-layo Ang mga labi ko mula dito. Sakop pa rin nito Ang mga labi ko. Tumigil na ako sa kakapiglas dahil napagod na ako. Ilang sandali pa nang maramdaman ko Ang unti-unting pagluwag sa paghawak nito sa batok ko. Doon ko na Siya tinulak bigla. Hingal man at habol Ang hininga ng bitawan nito, Hindi ko na Siya tiningnan pa Ng mabuti. Bigla ko siyang sinampal at walang lingon-lingon na tinalikuran ito. Paglabas ng c.r, bigla kong isinara Ang pinto. Napasandal ako at napahawak sa dibdib. Napapikit sandali habang pilit kinakalma Ang sarili. Grabe Ang kaba ko. Ang lakas Ng pagtibok Ng puso ko. Nang maramdaman Kong medyo okay na ako, marahan kong iminulat Ang mga mata. Napatingin ako sa paligid. Inilibot Ang tingin. Saka ko lang napagtanto na ibang pinto pala Ang napasok ko. Dahil Ang daan papuntang restroom ay sa kabila pala. Bigla akong nalito. Agad umayos Ng tayo at tiningnan Ang nakasulat sa pinto. "Private... No one is allowed to enter.." Napatakip ako sa bunganga ko. Nahigit Ang paghinga. "Oh, halaaa! Ano ba'ng nagawa ko..?" Napatampal ako sa noo. "Michelle... ibang c.r Ang napasukan mo.. Nakakahiya..." Agad akong napalingon sa paligid. Nang mapagtanto na walang nakakakita sa akin, ay agad kong nilisan Ang pintuang iyon. Diretso ako sa mesa at parang walang nangyari na umupo sa kinauupuan ko kanina. Di nagtagal ay inihain na Ang mga inorder ko. Binilisan ko na lang Ang pagkain at baka makita pa ako Ng kung sinumang lalaki na na-encounter ko kani-kanina lang. Matapos makapagbayad sa cashier ay agad na akong lumabas. Busog man ay parang sinisilaban Ang paa ko na umalis na sa Lugar na iyon. Naroon pa Rin Ang kaba sa dibdib ko at takot na Rin na baka namukhaan ako Ng lalaking iyon. Baka higantihan ako dahil sinampal ko Ng pagkalakas-lakas. "Hmmmphh.. Tama lang Yun sa kanya.. May kasalanan din Naman Siya ah.. Bakit bigla-bigla na lang Siya nanghalik...?? Wala Naman akong ginawang masama sa kanya.. Ni hindi ko nga Siya Kilala eh..." Pagkalabas sa pinto ay magalang na nagpasalamat Ang guwardiya. Nginitian ko na lang Siya. Matapos ding makapagsalamat ay agad na akong naglakad. Tumawid ako sa kalsada at tinugpa ang kabilang daan. Maghahanap na lang ulit ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD