Nagmamadaling ini-lock ni Nice ang pintuan ng apartment. Ng tingnan niya ang oras ay halos patakbo niyang nilakad ang susunod na kanto kung saan siya mag-aabang ng sasakyan papuntang SM North. Kung bakit naman kasi ngayon pa siya na-late ng gising at kung bakit hindi rin gumana ang alarm clock na nasa bedside table niya. Mukhang sira na ata. Saka na niya iyon papalitan kapag may free time siya pero sa ngayon ay kailangan niyang magmadali.
Gusto kasi ng client niyang doon na lamang sila magkita dahil may kikitain rin daw ito roon. Wala siyang magagawa kundi pagbigyan ito dahil kung sakaling ma-close niya ang deal na iyon ay sampung sasakyan agad ang kukunin nito sa kanya na gagamitin raw nito bilang delivery van ng gulay sa farm na bagong bili nito somewhere in Visayas. Pag-nagkataon, ito ang pinakamalaking sales niya para sa taong iyon at ayaw niyang palagpasin ang pagkakataon.
Pero dahil sa lintik na orasan niya mukhang mapuprunada ang commission na pinakaaasam-asam niya.
Napatigil si Nice nang may marinig na busina mula sa kanyang likuran. Nagliwanag ang kanyang mukha ng mabungaran ang sasakyan ni Weeyam. Mabilis na lumapit siya at binuksan ang pinto sa passenger side. Nang makasakay ay agad niyang ikinabit ang seatbelt.
Nang hindi pa umuusad ang sasakyan ay kunot-noong tumingin siya sa binata. Gusto niyang matawa ng makita na para itong namatanda habang nakatingin sa kanya. Parang hindi ito makapaniwala na naroon siya at nakaupo sa tabi nito. Mahina niyang sinampal ang kanang pisngi nito.
“Woah! This is new. Please tell me I’m not dreaming!” sabi nito habang tinatapik-tapik ang sariling pisngi.
“Nope.”
“Okay!” sabi nito saka bumaling sa harap ng manibela pero muling natigilan at hinarap siya.
“Wait. Your not my Nice. Kung sino ka man, inuutasan kitang umalis diyan sa katawan ni bebelove!” hinawakan pa nito ang rosary na nakasabit sa rearview mirror ng sasakyan. Nakaextend naman ang kanang kamay nito malapit sa kanya na animo nagtataboy ng masamang espirito.
Hindi na niya napigilang matawa. Pilit bina-balewala ang kilig na nais umusbong sa itinawag nito sa kanya. “Para kang baliw Weeyam. Tigilan mo na iyan. Mali-late na ako. Sa SM North tayo, bilis” tinampal niya ang kamay nitong malapit sa kanya.
Nang umusad ang sasakyan ay umayos na rin siya ng upo.
“You can’t blame me. Sa loob ng ilang linggong paghatid-sundo ko sa iyo. Ito ang unang beses na walang pilitang nangyari.” Siya naman ang napabuntong-hininga. Tama nga naman ito. Lagi silang nagkakasagutan ni Weeyam kapag pinipilit siya nitong ihatid-sundo. Sa huli walang siyang nagagawa dahil inaabot sila ng siyam-siyam. At dahil nasayang ang time niya sa pakikipagtalo mapipilitan rin siyang sumakay rito sa huli. Sa totoo lang napapagod na rin siyang makipagtalo. “Ano nga palang gagawin mo roon?” nagtatakang tanong nito. Mabilis niyang ipinaliwanag rito ang dahilan.
Nang makarating ay agad siyang nagpasalamat at umibis ng sasakyan bago pinuntahan ang lugar kung saan makikipagkita ang kliyente niya.
Maluwang ang ngiti ni Nice habang naglalakad palabas ng mall, doon na lang siya mag-aantay ng taxi papuntang opisina. She closed the deal. At kapag nagustuhan raw ni Mr. Reyman ang unang sampung unit ay muli itong bibili sa kanya.
Lucky me.
Nang tumunog ang phone ay kaagad niyang sinagot. Baka panibagong client dahil unregistered number iyon pero nangunot ang noo niya ng ma-boses-an niyang si Weeyam ang sa kabilang linya. Paano nito nalaman ang number niya? Tinanong lang ng lalaki kung tapos na siya at nang sabihin niyang katatapos lang ay tinanong naman nito ang location niya. Nang masabi kung nasaan siya ay agad nitong ibinaba ang tawag bago pa man siya makapagtanong kung bakit.
Muntik na siyang mapasigaw ng bigla na lang may kumapit sa kamay niya at hinili siya pabalik sa loob ng mall. Pero kaagad ding kumalma ang kanyang sistema ng malanghap ang pamilyar na pabangong iyon. Nang lingunin niya ang kanyang abductor ay napaikot na lang ang kanyang mga mata.
“Hindi mo naman kailangang manghila ng basta-basta!” naiinis na sita ni Nice kay Weeyam ng makaalis ang waiter na kumuha ng order nila. Matapos nitong manghila ay dinala siya ng huli sa isang restaurant sa loob ng mall.
“Sorry naman bebelove, gutom na gutom na kasi ako. Hindi pa ako nag-aagahan kaya gusto kong makarating agad rito” nagkakamot sa ulong sabi nito.
“Bakit hindi ka kumain kanina pagkarating natin rito? At saka bakit nandito ka pa?”
“Gusto ko kasing sabay tayo kumain.” pagpapa-cute nitong sabi.
Naitirik niya ang mga mata. Kung hindi niya gagawin iyon ay baka makutusan niya ng wala sa oras ang lalaking ito. “O, tapos ngayon mag-iinarte kang gutom ka? Pwede ka naman dumaan sandali sa isa sa mga coffe shop rito at magkape para at least may laman iyang tiyan mo. Baka kapag nagka-ulcer ka maging kasalanan ko pa!”
Lumapad ang ngiti ng hudyo. “That sweet! Hindi ko alam na nag-aalala ka rin pala sa akin.”
“Hindi ako nag-aalala sa iyo” mataray na sabi niya. Hindi niya aaminin dahil hindi naman talaga siya nag-aalala sa binata.
Ows?
“Really?” he teasingly said. “Bakit pakiramdam ko ganoon? Baka mamaya ma-inlove kana sa akin niyan. Pero okey lang, you don’t need to worry when you fall in love with me, because I will assure you that I am just here to catch you.” sabi nito saka kumindat sa kanya.
Isang nakamamatay na irap ang ibingay niya sa binata. “You wish.” Tumawa lang ito. Lihim siyang napabuntong-hininga. Kahit naman anong sabihin niya rito ay tanging ngiti at tawa lang ang lagi nitong sagot. Kaya nga ngayon pa lang bantay-sarado na si Nice sa puso niya para huwag mahulog sa lalaki gaya ng sabi nito. Kung kina-kailangan niyang i-bartolina iyon ay gagawin niya just to secure her heart from another painful heartbreak.
Si Weeyam kasi ang klase ng taong hindi mahirap mahalin. Kahit na gaano ito kayabang at kahangin ay sigurado siyang hindi nito hahayaang masaktan at laging nitong poprotektahan ang babaeng pipiliin nitong mahalin. Napaka-swerte naman ng babaeng iyon,naisip ni Nice.
Pero bakit sa kaibuturan ng puso niya ay inaasam niyang sana siya ang babaeng iyon.
Stop! Pigil niya sa sarili. Hindi dapat siya nag-iisip ng ganoong klase ng bagay. Hindi niya kailangan ng lalaking katulad ni Weeyam na magpapasaya sa kanya dahil masaya na siya sa buhay niya. Period.
Kinabukasan ay maagang umalis ng bahay si Nice. Sinigurado niyang hindi siya maaabutan ni Weeyam. Gusto na niyang iwasan ang binata. Kagabi bago siya natulog ay bumalik sa isip niya ang mga panahong kasama niya ang lalaki. At hindi niya maiwasang kabahan sa isang realisasyong dumating sa kanya.
She was starting to like Weeyam.
Sa tagal na binantayan niya ang sarili sa ganoong pagkakataon ay hindi agad niya napansin na unti-unti na palang tinitibag ni Weeyam ang mga pader na pinaghirapan niyang itayo para protektahan ang sarili.
At ang labis niyang pinangagambahan ay hindi siya sigurado kong totoo ba ang nararamdam ni Weeyan para sa kanya.
Dahil aminin man niya o hindi ay nasasaktan siya kapag naiisip niyang malaki ang posibilidad na nilapitan lang siya ng binata dahil ibinuyo ito sa kanya ng mga kaibigan, and maybe she was a challenge to him because she was a man-hater like what her friends told him, and he was up for the challenge.
Maghapon niyang itinutok ang sarili sa trabaho. Pinatay rin niya ang cellphone dahil maaring tumawag ang lalaki sa kanya.
Kinagabihan ay pinauna niyang umuwi ang mga kaibigan. Nagdahilan siya na marami pa siyang gagawin na hindi na maaring ipagpabukas. Gagawin niya ang lahat para mawala sa landas niya si Weeyam. Gagawin niya habang kaya pa niya. Hanggang napipigilan pa niya ang sariling tuluyang mahulog rito.
Pagod na pagod ang kanyang pakiramdam nang makarating sa bahay, parang ang dami niyang ginawa pero maghapon lang naman siyang nakaupo sa opisina. Matapos makapagpalit ng damit ay agad siyang humiga sa kama para matulog pero nakalipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin siya makaramdam ng antok.
Naiinis na bumangon si Nice at tumutok ang paningin sa cellphone na nasa ibabaw ng mini-table sa tabi ng higaan kaya nagpasya siyang kunin at buksan iyon.
Sunod-sunod na text ang dumating. Nang tingnan niya kung kanino galing ang mga iyon ay biglang sumikdo ang puso niya ng mabasa ang pangalan ni Weeyam. Una niyang binasa ang text ng kapatid. Nangangaumsta lang ito at muling ipinaalala ang kasal nito dalawang linggo mula ng araw na iyon. Matapos niyang ma-replay-an iyon ay ibinaba niya ang phone at nagpasya ng matulog.
Pero ng ipikit niya ang mga mata ay para namang tukso na bumalik sa kanya ang imahe ng pangalan ni Weeyam sa phone message niya. Matapos ang ilang minutong pakikipag-dibate kong babasahin o hindi ang text ay nanalo ang kanyang curiosity.
Pigil-hiningang hinintay niyang mabuksan ang minsahe nito sa kanya. At nang mabasa iyon ay agad siyang nagsisi. Bigla na lang kasing parang may mga kabayong nag-rambulan sa dibdib niya. Sa sobrang lakas ng t***k niyon ay siguradong maririnig kung sakaling may katabi siya ng mga oras na iyon . Muli niyang binasa ang mga text nito.
Good morning Bebelove, hindi na kita naabutan sa bahay mo kaninang umaga, bakit hindi mo ako inantay? Nakakatampo ka :(
Hey, reply ka naman?
Bakit nakapatay ang phone mo? I can’t call you.
It’s lunch time, kumain kana ba?
May problema ba? Bakit hindi ka nagrereply?
Susunduin kita mamayang uwian ha? Kain tayo sa labas, my treat!
Bebelove?
If this is your way for me to miss you? Ok you win. I miss you so much already :). Reply kana please?
Parang napapasong nabitawan ni Nice ang cellphone. Muli siyang humiga. Paano niya pangangatawan ang pag-iwas at pagkalimot sa binata kung hindi naman siya nito titigilan? Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang pusong ayaw pa ring tumigil sa pag-iingay. Hinawakan niya ang tapat ng puso.
Calm down heart, it’s not worth it. ini-lock ni Nice ang pintuan ng apartment. Ng tingnan niya ang oras ay halos patakbo niyang nilakad ang susunod na kanto kung saan siya mag-aabang ng sasakyan papuntang SM North. Kung bakit naman kasi ngayon pa siya na-late ng gising at kung bakit hindi rin gumana ang alarm clock na nasa bedside table niya. Mukhang sira na ata. Saka na niya iyon papalitan kapag may free time siya pero sa ngayon ay kailangan niyang magmadali.
Gusto kasi ng client niyang doon na lamang sila magkita dahil may kikitain rin daw ito roon. Wala siyang magagawa kundi pagbigyan ito dahil kung sakaling ma-close niya ang deal na iyon ay sampung sasakyan agad ang kukunin nito sa kanya na gagamitin raw nito bilang delivery van ng gulay sa farm na bagong bili nito somewhere in Visayas. Pag-nagkataon, ito ang pinakamalaking sales niya para sa taong iyon at ayaw niyang palagpasin ang pagkakataon.
Pero dahil sa lintik na orasan niya mukhang mapuprunada ang commission na pinakaaasam-asam niya.
Napatigil si Nice nang may marinig na busina mula sa kanyang likuran. Nagliwanag ang kanyang mukha ng mabungaran ang sasakyan ni Weeyam. Mabilis na lumapit siya at binuksan ang pinto sa passenger side. Nang makasakay ay agad niyang ikinabit ang seatbelt.
Nang hindi pa umuusad ang sasakyan ay kunot-noong tumingin siya sa binata. Gusto niyang matawa ng makita na para itong namatanda habang nakatingin sa kanya. Parang hindi ito makapaniwala na naroon siya at nakaupo sa tabi nito. Mahina niyang sinampal ang kanang pisngi nito.
“Woah! This is new. Please tell me I’m not dreaming!” sabi nito habang tinatapik-tapik ang sariling pisngi.
“Nope.”
“Okay!” sabi nito saka bumaling sa harap ng manibela pero muling natigilan at hinarap siya.
“Wait. Your not my Nice. Kung sino ka man, inuutasan kitang umalis diyan sa katawan ni bebelove!” hinawakan pa nito ang rosary na nakasabit sa rearview mirror ng sasakyan. Nakaextend naman ang kanang kamay nito malapit sa kanya na animo nagtataboy ng masamang espirito.
Hindi na niya napigilang matawa. Pilit bina-balewala ang kilig na nais umusbong sa itinawag nito sa kanya. “Para kang baliw Weeyam. Tigilan mo na iyan. Mali-late na ako. Sa SM North tayo, bilis” tinampal niya ang kamay nitong malapit sa kanya.
Nang umusad ang sasakyan ay umayos na rin siya ng upo.
“You can’t blame me. Sa loob ng ilang linggong paghatid-sundo ko sa iyo. Ito ang unang beses na walang pilitang nangyari.” Siya naman ang napabuntong-hininga. Tama nga naman ito. Lagi silang nagkakasagutan ni Weeyam kapag pinipilit siya nitong ihatid-sundo. Sa huli walang siyang nagagawa dahil inaabot sila ng siyam-siyam. At dahil nasayang ang time niya sa pakikipagtalo mapipilitan rin siyang sumakay rito sa huli. Sa totoo lang napapagod na rin siyang makipagtalo.
“Ano nga palang gagawin mo roon?” nagtatakang tanong nito. Mabilis niyang ipinaliwanag rito ang dahilan.
Nang makarating ay agad siyang nagpasalamat at umibis ng sasakyan bago pinuntahan ang lugar kung saan makikipagkita ang kliyente niya.
Maluwang ang ngiti ni Nice habang naglalakad palabas ng mall, doon na lang siya mag-aantay ng taxi papuntang opisina. She closed the deal. At kapag nagustuhan raw ni Mr. Reyman ang unang sampung unit ay muli itong bibili sa kanya.
Lucky me.
Nang tumunog ang phone ay kaagad niyang sinagot. Baka panibagong client dahil unregistered number iyon pero nangunot ang noo niya ng ma-boses-an niyang si Weeyam ang sa kabilang linya. Paano nito nalaman ang number niya? Tinanong lang ng lalaki kung tapos na siya at nang sabihin niyang katatapos lang ay tinanong naman nito ang location niya. Nang masabi kung nasaan siya ay agad nitong ibinaba ang tawag bago pa man siya makapagtanong kung bakit.
Muntik na siyang mapasigaw ng bigla na lang may kumapit sa kamay niya at hinili siya pabalik sa loob ng mall. Pero kaagad ding kumalma ang kanyang sistema ng malanghap ang pamilyar na pabangong iyon. Nang lingunin niya ang kanyang abductor ay napaikot na lang ang kanyang mga mata.
“Hindi mo naman kailangang manghila ng basta-basta!” naiinis na sita ni Nice kay Weeyam ng makaalis ang waiter na kumuha ng order nila. Matapos nitong manghila ay dinala siya ng huli sa isang restaurant sa loob ng mall.
“Sorry naman bebelove, gutom na gutom na kasi ako. Hindi pa ako nag-aagahan kaya gusto kong makarating agad rito” nagkakamot sa ulong sabi nito.
“Bakit hindi ka kumain kanina pagkarating natin rito? At saka bakit nandito ka pa?”
“Gusto ko kasing sabay tayo kumain.” pagpapa-cute nitong sabi.
Naitirik niya ang mga mata. Kung hindi niya gagawin iyon ay baka makutusan niya ng wala sa oras ang lalaking ito. “O, tapos ngayon mag-iinarte kang gutom ka? Pwede ka naman dumaan sandali sa isa sa mga coffe shop rito at magkape para at least may laman iyang tiyan mo. Baka kapag nagka-ulcer ka maging kasalanan ko pa!”
Lumapad ang ngiti ng hudyo. “That sweet! Hindi ko alam na nag-aalala ka rin pala sa akin.”
“Hindi ako nag-aalala sa iyo” mataray na sabi niya. Hindi niya aaminin dahil hindi naman talaga siya nag-aalala sa binata.
Ows?
“Really?” he teasingly said. “Bakit pakiramdam ko ganoon? Baka mamaya ma-inlove kana sa akin niyan. Pero okey lang, you don’t need to worry when you fall in love with me, because I will assure you that I am just here to catch you.” sabi nito saka kumindat sa kanya.
Isang nakamamatay na irap ang ibingay niya sa binata. “You wish.” Tumawa lang ito. Lihim siyang napabuntong-hininga. Kahit naman anong sabihin niya rito ay tanging ngiti at tawa lang ang lagi nitong sagot. Kaya nga ngayon pa lang bantay-sarado na si Nice sa puso niya para huwag mahulog sa lalaki gaya ng sabi nito. Kung kina-kailangan niyang i-bartolina iyon ay gagawin niya just to secure her heart from another painful heartbreak.
Si Weeyam kasi ang klase ng taong hindi mahirap mahalin. Kahit na gaano ito kayabang at kahangin ay sigurado siyang hindi nito hahayaang masaktan at laging nitong poprotektahan ang babaeng pipiliin nitong mahalin. Napaka-swerte naman ng babaeng iyon,naisip ni Nice.
Pero bakit sa kaibuturan ng puso niya ay inaasam niyang sana siya ang babaeng iyon.
Stop! Pigil niya sa sarili. Hindi dapat siya nag-iisip ng ganoong klase ng bagay. Hindi niya kailangan ng lalaking katulad ni Weeyam na magpapasaya sa kanya dahil masaya na siya sa buhay niya. Period.
Kinabukasan ay maagang umalis ng bahay si Nice. Sinigurado niyang hindi siya maaabutan ni Weeyam. Gusto na niyang iwasan ang binata. Kagabi bago siya natulog ay bumalik sa isip niya ang mga panahong kasama niya ang lalaki. At hindi niya maiwasang kabahan sa isang realisasyong dumating sa kanya.
She was starting to like Weeyam.
Sa tagal na binantayan niya ang sarili sa ganoong pagkakataon ay hindi agad niya napansin na unti-unti na palang tinitibag ni Weeyam ang mga pader na pinaghirapan niyang itayo para protektahan ang sarili.
At ang labis niyang pinangagambahan ay hindi siya sigurado kong totoo ba ang nararamdam ni Weeyan para sa kanya.
Dahil aminin man niya o hindi ay nasasaktan siya kapag naiisip niyang malaki ang posibilidad na nilapitan lang siya ng binata dahil ibinuyo ito sa kanya ng mga kaibigan, and maybe she was a challenge to him because she was a man-hater like what her friends told him, and he was up for the challenge.
Maghapon niyang itinutok ang sarili sa trabaho. Pinatay rin niya ang cellphone dahil maaring tumawag ang lalaki sa kanya.
Kinagabihan ay pinauna niyang umuwi ang mga kaibigan. Nagdahilan siya na marami pa siyang gagawin na hindi na maaring ipagpabukas. Gagawin niya ang lahat para mawala sa landas niya si Weeyam. Gagawin niya habang kaya pa niya. Hanggang napipigilan pa niya ang sariling tuluyang mahulog rito.
Pagod na pagod ang kanyang pakiramdam nang makarating sa bahay, parang ang dami niyang ginawa pero maghapon lang naman siyang nakaupo sa opisina. Matapos makapagpalit ng damit ay agad siyang humiga sa kama para matulog pero nakalipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin siya makaramdam ng antok.
Naiinis na bumangon si Nice at tumutok ang paningin sa cellphone na nasa ibabaw ng mini-table sa tabi ng higaan kaya nagpasya siyang kunin at buksan iyon.
Sunod-sunod na text ang dumating. Nang tingnan niya kung kanino galing ang mga iyon ay biglang sumikdo ang puso niya ng mabasa ang pangalan ni Weeyam. Una niyang binasa ang text ng kapatid. Nangangaumsta lang ito at muling ipinaalala ang kasal nito dalawang linggo mula ng araw na iyon. Matapos niyang ma-replay-an iyon ay ibinaba niya ang phone at nagpasya ng matulog.
Pero ng ipikit niya ang mga mata ay para namang tukso na bumalik sa kanya ang imahe ng pangalan ni Weeyam sa phone message niya. Matapos ang ilang minutong pakikipag-dibate kong babasahin o hindi ang text ay nanalo ang kanyang curiosity.
Pigil-hiningang hinintay niyang mabuksan ang minsahe nito sa kanya. At nang mabasa iyon ay agad siyang nagsisi. Bigla na lang kasing parang may mga kabayong nag-rambulan sa dibdib niya. Sa sobrang lakas ng t***k niyon ay siguradong maririnig kung sakaling may katabi siya ng mga oras na iyon . Muli niyang binasa ang mga text nito.
Good morning Bebelove, hindi na kita naabutan sa bahay mo kaninang umaga, bakit hindi mo ako inantay? Nakakatampo ka :(
Hey, reply ka naman?
Bakit nakapatay ang phone mo? I can’t call you.
It’s lunch time, kumain kana ba?
May problema ba? Bakit hindi ka nagrereply?
Susunduin kita mamayang uwian ha? Kain tayo sa labas, my treat!
Bebelove?
If this is your way for me to miss you? Ok you win. I miss you so much already :). Reply kana please?
Parang napapasong nabitawan ni Nice ang cellphone. Muli siyang humiga. Paano niya pangangatawan ang pag-iwas at pagkalimot sa binata kung hindi naman siya nito titigilan? Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang pusong ayaw pa ring tumigil sa pag-iingay. Hinawakan niya ang tapat ng puso.
Calm down heart, it’s not worth it.