Chapter 8

1672 Words
Tatlong katok ang muling narinig ni Nice. Kanina pa iyon. Akala niya ay sa kabilang bahay iyon kaya hindi niya pinapansin. Pero ng muling maulit ay nakumpirma niyang sa pinto niya may kumakatok. Nagtatakang tinungo niya ang pinto. Wala siyang inaasahang bisita o package ngayong araw pero binuksan pa rin niya iyon. Natigilan siya ng bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Weeyam. Hindi niya mapigilang hindi ito suyurin ng tingin. She realized how much she missed this man. It’s been a week since they last saw each other. Ginawa talaga niya ang lahat para hindi sila magkita. Nagpalit rin siya ng sim card para hindi na siya nito ma-contact. Hindi niya itinapon ang dating sim card dahil naroon ang halos lahat ng mga importanteng contact niya, nakatago lang iyon. Ayaw niya lang kasing makita ang mga ipinapadalang text messages ni Weeyam dahil baka hindi niya mapangatawanan ang pag-iwas rito. Parte ng moving-on process niya. Akala niya ay tumigil na ang binata dahil dalawang araw na niyang hindi ito nakikita sa labas ng apartment tuwing umaga kaya hindi niya mapigilang magtaka kung ano ang ginagawa nito roon ngayon. Mukha rin itong kulang sa tulog at tila pagod na pagod pero hindi nakabawas iyon sa kagwapuhan nito. Nakita niyang titig na titig rin ito sa mukha niya. Nang magtama ang mga mata nila ay hindi na niya napigilan ang puso niyang umarangkada na naman sa pagtambol. Gusto niyang matawa. Parang nasasanay na nga siya roon e. Dahil kahit na isipin lang niya si Weeyam ay ganoon na ganoon agad ang reaksiyon ng puso niya. Hindi niya alam kung gaano sila katagal na nakatayo lang roon at nagtititigan ng magsalita ito. “Hindi mo ba ako papapasukin?” “Ha?” wala sa sariling sagot niya. Masyadong tutok ang utak niya sa pagtitig rito kaya hindi niya naintindihan agad ang sinabi nito. Nang ulitin ni Weeyam ang tanong ay wala pa rin sa sariling tumabi siya para paraanin ang lalaki. Sinundan niya ito hanggang makaupo sa sofa na nasa sala. Napatingin siya sa kamay nitong may dalang plastic ng isang kilalang restaurant. Ipinatong nito iyon sa maliit na mesang nasa harap ng kinauupuan nila saka tumingin sa kanya. “Iniiwasan mo ba ako?” naghihinanakit na tanong nito sa kanya. Iniiwas niya ang mga mata bago sumagot. “H-hindi. Bakit mo naman nasabi yan?” “Wala kang pwesto sa lying department, your bad at it” bahaw itong tumawa. Napayuko siya. “Bakit mo ako iniiwasan Nice, may nagawa ba akong mali? Kung meron sabihin mo para malaman ko! Hindi iyong bigla-bigla mo nalang akong iiwasan ng ganoon. Dammit! I was so worried, hindi ko alam kung anong ginawa ko at ayaw mo na akong makita. Hindi ako makatulog kakaisip kung bakit? Nahihirapan akong magfocus sa trabaho ko dahil lagi kitang naiisip. Gusto na kitang kausapan noong nakaraang araw pa pero kailangan ako sa resort kaya umuwi muna ako ng Bulacan. Pagkatapos kong maayos ang issue roon ay agad akong bumalik rito. Please tell me, what wrong so I can fix it. Please!” napatulala si Nice ng makitang halos lumuhod na sa harap niya ang binata. Pakiramdam niya kapag mali ang isinagot niya rito ay tuluyan na itong magbe-break down. Ramdam niya ang paghihirap nito. Dahil sa lahat ng sinabi ito,lahat iyon ay naradaman rin niya sa loob ng ilang araw. Nang hindi pa rin siya sumagod ay lumapit ito saka lumuhod sa harap niya. “Nahihirapan ako sa ganito. You don’t know how much I miss you the past few days” mahinang sabi nito habang nakatingin sa kanya. Nakita niya ang sinseridad sa mata nito. She was overwhelm by the emotion she is now seeing in his eyes-pain, suffering, longing, passion and…….love? Hindi siya maaring magkamali. Pero baka nagkamali lang siya ng basa? How can he love her? Hindi ba’t laro lang para rito ang lahat? He can’t be inlove... Naramdaman niyang hinawakan nito ang dalawa niyang kamay. Nang muli siyang tumingin rito ay nakita niya ang lungkot at sakit sa mga mata nito. Pero naroon pa rin ang pagmamahal. Hinalikan nito ang likod ng palad niya. Kusa siyang napapikit ng maramdaman ang mainit at malambot nitong mga labi sa ibabaw ng balat niya. Mabilis pa sa segundong tumulay sa bawat himaymay ng katawan niya ang init na nagmula sa mga labi nito. Hindi niya ikakaila na gusto niya ang pakiramdam niyon. Gustong-gusto. “Weeyam….” “Please love, don’t shut me out. I beg you. I love you.” putol nito sa dapat na sasabihan niya. When she heard that three magic word, alam niyang talo na siya, kahit ano pa ang gawin niyang pagpipigil sa sarili ay darating at darating ang araw na kakainin niya ang pangako sa sariling hinding-hindi na siya magmamahal pang muli. Tumayo siya mula sa kinauupuan at hinila ang binata. Masuyo siyang ngumiti rito. “I’m not mad Weeyam. May mga bagay lang akong inasikaso nitong nakaraang mga araw. I’m sorry if you feel that I’m shutting you out.” “Oh God! Thank you!” bulong nito na parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Nagulat pa siya ng bigla siya nitong yakapin ng mahigpit. She stir a moment before able to hug him back. They remain in that position for a couple of minutes. Being hold around his arms make her feel she’s home and secured at the same time. Sa ngayon hahayaan niya ang sariling namnamin ang init na hatid ng yakap nito. Sa ilang araw na nagdaan na pinilit niya ang sariling kalimutan ang binata ay napatunayan niyang kahit ipukpok niya ang ulo sa pader para lang mawala ito sa isip niya ay lalo naman iyong nagsusumiksik at pabalik-balik. “Alright, saan mo gusto kumain?” malawak ang ngiting tanong ni Weeyam kay Nice ng makaupo ito ng maayos. Sinundo niya ang dalaga sa opisina para makapag-dinner sila ng sabay. “Ikaw na ang bahala basta nakakabusog, go ako” nakapikit ng isinandal ni Nice ang ulo sa headrest ng sasakyan. “Tired?” masuyong hinawakan ni Weeyam ang nakakunot-noong noo ng dalaga bago iyon maingat na hinilot. “Yeah.” “We can cancel our dinner tonight para makapagpahinga kana!” nag-aalala niyang sabi. Kitang-kita kasi niya ang pagod sa mukha ng dalaga. Ito ang pangatlong beses na lalabas sila matapos niyang puntahan sa bahay nito noong isang linggo. Kahit hindi nito aminin ay alam niyang iniwasan nga siya nito noong nakaraan. He already think the possibility why she did that pero hindi naman siya nakaka-sigurado. He just hope and pray that it is what he think it is. Matapos ang scene nila noong linggo ay nag-stay siya sa bahay ng dalaga. Sabay silang kumain nang dala niyang pananghalian na parang walang nangyari. Alam niyang nagulat ang dalaga sa biglaang pagtatapat ng nararamdaman niya pero wala na siyang magagawa pa roon. Nasabi na niya. Masyado kasi siyang natakot na maari itong mawala sa tabi niya kaya hindi na niya mapigilan ang sariling sabihin rito ang totoo niyang nararamdam. Wala mang katugon ang damdamin niya sa ngayon ay hindi siya susuko hangga’t hindi niya naririnig mula sa mga labi nito na mahal rin siya ng dalaga. Patience is a virtue, ika nga. Base sa ipinapakita ng dalaga sa kanya ay alam niyang unti-unti na niyang napasok ang puso nito. Ano pa ba ang ilang linggo o buwan na pag-iintay para makuha niya ng tuluyan ang puso nito. Even if it takes a year, he don’t care. And when that happened, he will be the most happiest man alive on earth. “Pero paano iyong reservation mo?” “Walang namang problema iyon. I can cancel it.” “Pero gutom na ako, paniguradong ikaw rin. Mas matakaw ka sa akin e.” Napatawa siya sa sinabi ng dalaga. “Mag-take-out nalang tayo” sabi niya bago iminaniobra ang sasakyan. “Sleep. I’ll just wake you up when we get home, okey?” nang makita niyang tumango ang dalaga ay hinayaan na niyang makapagpahinga ito. Naghanap siya ng restaurant na maaring bilhan ng dinner nila. Nang makakita ay saglit niyang iniwan ang natutulog na dalaga matapos masiguradong naka-lock ng maayos ang sasakyan. Mahirap na! Nang makuha ang order ay agad siyang bumalik sa sasakyan. Matapos makapag-park ng sasakyan sa harap ng apartment ni Nice ay maingat na kinuha niya ang bag nito at hinagilap ang susi roon bago binuksan ang pinto ng bahay at bumalik ng sasakyan. He doesn’t have the heart to wake her up lalo na’t kita niya ang pagod sa mukha nito kaya binuhat nalang niya ang dalaga at maingat na ibinaba sa sofa. Nang masigurong comportable na ito ay saka niya binalikan ang take-out dinner nila na naiwan sa kotse at dumiritso ng kusina para iayos ang mga pagkain. He canceled his reservation after he prepared the table then go back to the living room. Gi-gising-in na sana niya si Nice pero nagbago ang isip niya ng matitigan ito. Umupo siya sa sahig para makita ng mabuti ang mukha ng dalaga bago maingat na inalis ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa maamong mukha nito. He smiled. Something warm spread through his heart as he look to her beautiful face while peacefully sleeping. He felt proud because only him has given an opportunity to see this side of her. Kabaligtaran ng ugali nito kapag gising. Kahit kasi mas malapit na sila sa isa’t-isa ay hindi pa rin siya nakakatakas sa mga oras na lumalabas ang pagiging maldita ng dalaga. Pero kumpara noong una silang magkakilala, hindi na ganoon ka-harsh ang mga banat nito sa kanya. Napalunok siya ng kumibot ang mga labi nito. He instantly felt hard on that simple act from her. Gustuhin man niyang halikan ang babae ay grabing pagpipigil ang ginawa niya. Pumasok na rin sa isip niyang nakawan ito ng halik pero ayaw niyang sumugal. Baka bigla itong magising at mahuli siya sa akto. Ayaw niyang ng dahil lang doon ay mawala ang tiwala ni Nice sa kanya at tuluyan siyang layuan. Kaya pinagkasya na lang niyang haplusin ang mabibintog at makinis nitong pisngi. He chuckled when Nice slap his hand away from her face. Muli niyang hinawakan ang pisngi nito pero ganoon ulit ang ginawa ng huli. Hindi na tuloy niya napigilang pisilin ang ilong nito. Nanggigigil siya. At dahil doon ay nagising ito. “Good morning, bebelove!” nakangiti niyang bati rito. Nanlalaki ang matang mabilis itong bumangon at agad na tumingin sa bintana na nasa likod niya. Nang muli itong tumingin sa kanya ay nakasimangot na ang dalaga. “Dinner’s ready, lets go?” natatawang sabi niya rito saka ito iginaya papuntang dining area na ilang hakbang lang ang layo sa sala. “Hindi mo ba alam ang kasabihang, “magbiro ka sa lasing wag lang sa bagong gising?” nakasimangot itong umupo. “Hindi e” nakangising sabi niya saka umupo sa upuang kaharap nito. “Puwes ngayong alam muna, tandaan mo iyan! At dahil pinainit mo ang ulo ko, ipagtimpla mo ako ng juice, bilis?” ipinaypay pa nito ang kamay sa harap niya na anyong pinapaalis siya. Tatawa-tawang tumayo si Weeyam upang magtimpla ng juice. “Hindi naman ako makakahindi sa iyo, bebelove!” Matapos magtimpla ng juice at sariling kape ay bumalik na siya sa mesa. “Hindi nga pala kita maihahatid simula bukas” umpisa niya. “Ganon?” dismayadong tanong nito. “Yeah. Kailangan kong pumunta ng Singapore, may kailangan akong ayusin roon. Utos ni Dad kaya hindi ako pwedeng tumanggi kahit ayaw ko sana dahil malulungkot ka at mamimiss mo ako masyado.” “Wow! Lakas ng confident ah, saan mo nakuha iyan?” “Hindi mo pa aminin, e kanina lang mukha kang pinagbaksakan ng langit at lupa dahil aalis ako.” “Grabi talagang yabang mo, ano? Hindi ako dismayado dahil mamimiss kita kundi dahil walang akong sasakyan papasok sa trabaho. Ang mahal pa naman na ng taxi ngayon. Ang laki ng naititipid ko kapag may driver ako” nakangising sabi nito. Nawala ang ngiti sa mga labi niya. “What the-” “Wag kasing masyadong feelingero. Ayan tuloy napapahiya ka!” saka tumawa ng nakakaloka ang dalaga. “Tsk.” Hindi mapigilan ni Weeyam na makaramdam ng kasiyahan habang tinitingnan niya ang dalaga. He felt so proud to see her happy. Nailalabas na nito ang ganoong side sa kanya. “Kailan pala ang balik mo?” mamaya ay tanong ng dalaga. Napangisi siya. “Bakit mamimiss mo ako?” Sinamaan siya nito ng tingin. “You wished. Syempre para alam ko kung kailan ko makukuha ang mga pasalubong ko.” Napasimangot siya. “Hindi mo ako sugar daddy!” Tawa lang ang isinagot ng dalaga sa sinabi niya saka ito nagpatuloy ng pagkain. Napapangiting ipinagpatuloy na rin niya ang pagkain. Lalo siyang ginanahan sa tunog ng tawa nito. Ah, everything about this lady is pretty amazing and he will never get bored whenever he’s with her. At habang tumatagal ay lalo niyang nararamdamang palalim ng palalim ang pagmamahal na nararamdaman niya sa dalaga. And he can’t wait to share his life to this beautiful yet simply girl in front of him. Waking up every morning seeing her and sleep at night where her face is the last thing he will see before he close his eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD