MAGMULA ng magkaayos kaming dalawa ay nawala na ang awkwardness sa pagitan namin nito. Palagi pa rin kaming nag-aaway tulad dati pero sa mga mabababaw na dahilan na. Tyaka ko lang narealize na masaya rin pala itong masama kahit na noon ay hindi ko matagalan ang makasama siya ng matagal na iisang lugar dahil sa pagkamuhi. Naupo ito sa tabi ko. May inilabas ito sa bulsa niya na maliit na electric fan at ihiharap sa akin. "Do you want me to buy you drinks?" Pinigilan ko ang mapangiti. Ngayon ko lang naapreacite ang mga sweet gesture nito. Paano akong hindi masasanay rito kung kahit na ilang beses kaming mag-away ay princess treatment pa rin ang trato niya sa akin. His not as bad as I thought. Umiling ako. "Bumalik ka na sa mga team mates mo. Mamaya mapagalitan ka pa ng couch niyo," pangta

