“OWN BY HOT MAFIA BOSS”
(Not for young, suitable for reader‘s R18+)
??????? 4: Plano
____
Pagkatapos ko makuha ang pera, kaagad rin ako tumungo ulit sa hospital. But this time, hinatid niya ako ulit dito sa hospital.
‟Maraming salamat talaga Knight apaka— ” naputol ang sasabihin ko dahil—
‟Wag kang magpasalamat Stella, may kapalit yan.” usal nito saakin.
Tumango ako sakanya, ‟Pero kahit na, tinulungan mo pa rin ako.”
‟Ako na bahala sa mga gastusin Stella.” dagdag pa nito.
May dala itong prutas at pagkain. Para daw sa nanay ko.
‟Knight salama—”
‟Wag ka na nga muna sabi magpasalamat. May kapalit ang lahat ng ito Stella. s**t!”
Napatahimik ng wala sa oras. Alam ko naman na may kapalit ang lahat pero nagpapasalamat pa rin ako kase tinulungan niya ako. Punyeta!
____
‟Papa!”
‟Kuya, si Knight nga pala. Magsisimula na akong magtrabaho sa‘kanya after ng operasyon ni nanay. Siya ang magiging boss ko.” pagpapakilala ko kay Knight kila papa at kuya.
‟Wow! Stella...” kinindatan ako ni kuya pero hinde ko na iyon pinansin.
‟Ahm, ako nga pala ang papa ni Stella. Nasisiyahan akong makikilala ka iho.” saad ni papa kay Knight sabay nakipagkamay rin.
Sumunod na din makipagkamay si kuya. Mabait pala ‘tong knight na ‘to.
‟Ganun din po ako papa ni Stella.” marespetong saad nito, ‟May dala po akong prutas at pagkain para sa nanay ni Stella.”
Inabot nito kay papa ang prutas at pagkain na nakalagay sa basket.
‟Sige na muna Stella. May importante akong lalakarin, pwede ba makuha number mo? Itetext na lang kita.” saad nito saakin. Kaagad ko rin dinukot ang phone ko mula sa bulsa ko saka sunod sunod kong binanggit ang mga numero ng phone ko habang pinophone book nito mula sa cellphone niya.
‟Itext mo lang ako pag may kailangan ka. Excited pa naman ako sa napag-usapan natin Stella. ” nakangiting sambit sabay nagpuppy eyes.
Sh*t!
‟Sige po sir Knight.”
___
Knight‘s Point Of View
Sa wakas malapit na rin kita ulit matikman, my darling.
Sisiguraduhin ko, kapag maulit ang nagyare saatin hinde na ako gagamit ng cond*m. Para naman may resulta ang lahat, at pagkatapos magiging akin ka na.
Kumindat pa ako kay Stella, bago ako umalis.