“OWN BY HOT MAFIA BOSS”
(Not for young, suitable for reader‘s R18+)
______
??????? 5: Thank You
—[Stella‘s Point Of View]—
~
Nagising ako ng maaga sa hospital, nagulat na lamang ako na nandito na pala si Knight at kausap nito ang doctor ni nanay.
Knight?
‟Good morning darling,” nakangiting sambit nito saakin.
‟Knight a-ano ginagawa m-mo d-dito?” utal ko rito. Paano naman kase nakakagulat bigla bigla siyang naparito.
‟Hinde mo pala nabasa messages ko sayo?” tanong nito. Umiling naman ako para kunin ang phone ko na nakalagay sa bed ng hospital.
Maraming siyang message na hinde ko pa nabubungkal at hinde ko pa nababasa.
‟Sorry Knight...”
‟Please Knight, wag na wag kang magbibigkas ng salita dito tungkol sa napag-usapan natin. Baka magkagulo pa dito.” kabadong sabi ko dito. Ayoko ng malaman nila papa, nanay at kuya ang napag-usapan namin ni Knight, baka magkagulo pa.
‟Don‘t worry Stella. Walang makakaalam sa napag-usapan natin na kahit sino.” sambit nito sabay kindat. s**t! Puro kindat?
‟Ihahanda mo na sarili mo Stella. Matitikman na kita sa wakas hahaha.” dagdag pa nito sabay tawa pa.
Nagbayad na ako ng pera sa doctor para sa operasyon ni nanay. Nakatakda ang operasyon ni nanay sa susunod na linggo.
~
—[two week later]—
Matagumpay na naisagawa at natapos na ang operasyon ni nanay, isang malaking pasasalamat ko ito kay Knight. Kung hinde dahil sa kanya, siguro wala na sa tabi ko si nanay.
‟Knight salamat sa tulong mo ah. ” sabi ko rito habang nasa tabi ako nito na nakatayo kami. Sila nanay, papa at kuya ay nasa sasakyan na.
Paalis na kase kami ng hospital.
‟Paulit ulit Stella. Ang lahat ng tulong ko ay may kapalit,” saglit pa itong tumigin mula ulo ko hanggang paa.
‟Salamat pa rin sa tulong hehe.”
‟Siguro naman, pwede na nating gawin yong napag-usapan natin Stella?” saad nito na kinatahimik ko ng saglit.
‟Ba‘t ka natahimik? Uurong ka ba?” dagdag pa nito.
‟A-Ahh h-hinde k-kailan b-ba K-Knight?” pautal utal kong sabi.
‟Bukas para naman makapahinga yang katawan mo, kase papagurin kita sa isang buong gabi at araw araw gabi-gabi.” nakangiting sambit nito.
‟Susunduin kita bukas, para ipaalam kita sa mga magulang mo.” dagdag pa nito.
Napatango-tango ako ng wala sa oras.
‟Sige Knight, b-bukas. ”
‟Okay deal!”
~
‟Bukas para naman makapahinga yang katawan mo, kase papagurin kita sa isang buong gabi at araw araw gabi-gabi.” hinde mawala‘y sa isipan ko ang binanggit niyang linyang iyan.
Shit!
Tama ba ‘to?