“OWN BY HOT MAFIA BOSS”
(Not for young, suitable for readers R18+)
??????? 6: Knight
____
—[Kinabukasan]—
Nagpaalam na ako kilala nanay, papa at kuya. Sabi ko babalik rin ako.
Nakasakay na ako sa mga oras na ito sa kotse ni Knight, nagtataka ako sa dinadaanan namin. Hinde ito yong direksyon papunta don sa bahay nila Knight?
‟Knight, h-hinde ba t-tayo naliligaw? Pagkakaalam ko hinde ito yong direksyon ah?” nauutal kong tanong ko dito habang katabi ko ito.
Napatingin ako sa salamin sa harapan ng kotse, at matalim ang mga titig nito saakin.
Baka naliligaw yong driver namin?
‟Relax darling,” sambit nito, ngumiti ito ng mapait.
Natatakot na ako sakanya, kakaiba ang kanyang mga ngiti.
‟Baka mali ang dinadaanan natin, Knight? Mali ata yong dinadaanan natin?” usal ko rito.
Umiling-iling ako sa bintana ng kotse, nasa kagubatan na kami? What the h*ll?
Sabi na nga eh naliligaw kami.
‟Bakit nasa kagubatan na tay—” naputol ang sasabihin ko ng himasin ni Knight ang kabilang binti ko.
Nanigas na rin ako sa kinauupuan ko. Nakaramdam na rin ako takot. Ano to?
Malayo layo na rin ang narating namin. Hanggang sa bumungad saamin ang napakalaking bahay na tila‘y isang palasyo.
Sobrang ganda ng view nito.
Wow? Ganda.
‟Welcome to my home Stella.” sambit nito saakin, di pa rin niya inaalis ang kamay nito sa binti ko s**t!
May bahay pa pala si Knight dito sa kagubatan?
Nagsimula na akong mag-isip ng masama. Mukhang may binabalak siya.
Huminto na rin ang sasakyan sa harapan ng napakalaking bahay na ito.
Maraming mga tauhan ang sumalubong kay Knight,
Nakakahiya.
‟Stella,” sambit ni Knight saka hinawakan ako nito sa kamay bago bumaba sa kotse.
Hinde ako makapaniwala, ngayon lang ako nakakita ng ganitong kaganda at kalaking bahay? s**t! Ang ganda.
‟Knight nakakahiya.” saad ko rito habang nakatayo kami sa harapan ng napakalaking bahay.
‟Wag kang mahiya, ako ang may-ari niyan walang makakaistorbo saatin.” saad nito saka hinawakan ako nito sa braso at naglakad papasok sa loob.
Marami itong mga tauhan na nakalinya,
May mga katulong na din nakatayo sa harapan ng pintuan,
‟Maligayang pagbabalik po boss,” sabay sabay nilang bati.
Napangiti rin ako,
Ang yaman pala ni Knight, grabe.
Buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng maganda at napakalaking bahay na para bang palasyo.
Nakakapagtaka naman, parang sagradong lugar ang bahay na ito.
Bakit sa kagubatan pa ito pinatayo? Mukhang pinaghandaan na ito ni Knight.