THE MYSTERIOUS GIRL
Warning! This story is rated R; not appropriate for readers under 18 years of age; contains elements of violence, and s****l abuse.
Dark Hills – lugar ng mga hindi maipaliwanag na misteryo at mga bagay na hindi pangkaraniwan – mga bampira at werewolves o mga taong lobo. Hindi naman iba sa mga nakatira dito na magkalabang mortal ang mga bampira at taong lobo. Sa loob ng isang siglo ay naiipit ang mga pangkaraniwang nilalang sa away ng mga ito. Oo, may mga pangkaraniwang tao pa rin na naninirahan sa Dark Hills. Mga taong sanay na makakita ng hindi maipaliwanag na pangyayari. Isa na rito ang pamilya ni Elise.
Limang taon pa lamang si Elise nang kupkupin siya ng pamilyang Cruz. Maaga kasing namatay ang kaniyang mga magulang ayon sa mga ito. Ang pamilyang Cruz ang itinuturing na isa sa nirerespetong pamilya ng mga taong lobo sa silangan at sila rin ang itinuturing na pamilya ni Elise kahit pa basahan lamang ang trato nila sa kanya.
“Elise!” Sigaw ni Mark na iritang irita na at may hawak na baso ng tubig.
“Mark. Ikaw pala. Anong kailangan mo? May ipagagawa ka ba? Pasensya na ngayon pa lang kasi ako matutulog kay…” hindi na natapos ni Elise ang sasabihin nang hawakan ni Dale ang braso nito at hatakin palabas ng basement na nagsisilbing kwarto ni Elise.
“Halika ritong babae ka. Pinahihiya mo ako masyado sa mga kaibigan ko. Ayan! Tikman mo kung pagkain bang matino na matatawag iyang niluto mo kanina lang.” Mala-demonyong ngumingiti si Mark habang sinusubsob niya si Elise sa kaldero ng niluto nitong kalderetang baka.
“Mark! Tama na! Pasensya ka na! I-ito na, magluluto na lang ako ng bago. Huwag mo lang ako ulit sasaktan, maawa ka.” Pagmamakaawa ni Elise habang namimilipit sa sakit dahil may kainitan pa ang ulam na niluto niya. Nagpapasalamat na lang siya at hindi ito masyadong mainit. Hindi na niya kasi kakayanin pang madagdagan ang mga sugat at pasa sa mukha at katawan galling sa mga kapatid at magulang ni Mark.
“Palamunin ka na ngang hay*p ka, tatanga-tanga ka pa. Sige! Lumayas ka muna sa harap ko at baka hindi kita matantya.”
Tatayo na sana si Elise nang makita niyang tinatawanan siya sampu ng mga kaibigan ni Mark at makaramdam ng kahihiyan. Lalo siyang natigilan nang makita ang taong inspirasyon niya sa loob ng labinlimang taon na paninirahan sa masalimuot na bahay na iyon – si Dale, ang Alpha ng East Dark Hills.
Gwapo si Dale. Matangkad, matangos ang ilong, at matalino. Lagi pa itong nakaporma na parang bad boy na may leather jacket at tattoo sleeves na lalong bumabagay sa kanya lalo na sa tuwing makikita niya itong walang pang-itaas na damit. Agaw pansin rin ito sa tangkad na 6’2. Halos lahat na nga yata ng magagandang babae sa Dark Hills, naikama na siguro nito. Maliban lang sa kanya – sino ba naman ang magkakagusto sa tulad niyang alipin kung ituring at sobrang dumi pa ng itsura at pananamit.
Nakita niyang tumatawa nang malakas si Dale kaya hindi niya maiwasang ngumiti habang tumatayo. Bakas pa sa mukha, buhok at damit niyang puno ng tomato sauce ang kahihiyan. Naisip niya lang na minsan nga lang niya ito makita, Nakita pa siya sa masalimuot na sitwasyon na iyon. Ang masakit pa dito, mukhang nageenjoy itong makita siyang tinatratong hayop ng itinuturing na kapatid.
Kinindatan siya nito dahilan ng paglambot ng tuhod niya at pagbagsak sa lupa una ang mukha. Namilipit siya sa sakit at tila ba ayaw ng tumayo dahil sa lubos na kahihiyang inabot niya.
“Hindi ba sinabi ko na kanina? Get out of my sight!” Walang anu-anong tinadyakan siya nito sa sikmura. Napatahimik naman ang buong Dining Hall ng Cruz Mansion kung saan nakatambay ang mga kaibigan ni Mark.
Tinulungan ng isang kasamahan ni Mark si Elise at sinenyasan naman ito ni Dale. Buong akala ni Elise ay inutusan nitong tulungan siya pero laking gulat niya ng ihagis siya nito mula sa pintuan ng basement at nagpagulung-gulong ito pababa ng kanyang kwarto.
Namimilipit man sa sakit ay natawa na lang ang dalaga.
“Hahahahah! Napakatanga mo, Elise!” Kinausap nito ang sarili habang nakatingin sa salamin katabi ng kamang gawa lang sa dayami at may basahan sa ibabaw na nagsisilbing kumot niya.
“Hinding-hindi ka titingnan ni Dale gaya ng pagtingin niya sa mga babae dito sa East Dark Hills. Umaambisyon ka na naman. Hindi pa ba sapat ang physical pain? Tama na ‘tong kalokohan na ito. Siya ang Alpha, pinuno ng mga taong lobo dito sa East."
Pinunasan niya ang dumi sa buhok at mukha at hinubad ang bestida niya. Natira sa katawan niya ang sleeveless white loose dress na nagsisilbing panloob niya. Nagdesisyon siyang lumabas ng pintuan na nasa kwarto niya. Ito lamang ang pintuang gusto niyang buksan dahil patungo ito sa batis sa likod ng kanilang bahay. Paglabas ng pinto ay may hagdang paakyat dahil nasa basement ang silid ng dalaga. Tumingin muna siya sa paligid upang makita kung may tao bang makakakita sa kanya. Napailing na lamang siya at ngumiti.
“Sino bang matinong tao ang tititigan akong maligo sa itsura kong ito.” Walang pagaatubiling lumusong ito sa batis. Napakalinaw ng tubig at hindi ganoong kalamig kahit na gabi pa lang. tumingala siya upang masdan ang buwan.
“Napakaganda mo. Hindi ka man perpekto dahil sa craters mo pero yung liwanag mo tanaw kahit saan sa mundo. Sigurado akong sa mga oras na ito, may nabibighani rin sa ganda mo.” Biglang tumulo ang mga luha ni Elise at pinili na lamang nito sumisid para maitago ang luha at mawala ang lungkot na nararamdaman.
Umahon si Elise at nagpasya ng bumalik sa loob ng kanyang kwarto. Nagbihis siya at naghanda sa pagtulog. Tinignan niya ang kwintas na ibinigay ng Mommy niya bago nila ito iwan sa mga kaibigan nila, sila Anthony at Leona Cruz – ang mga magulang ni Mark. Napangiti ang dalaga at humiga sa kama sabay hinipan ang nakasinding kandila.
DALE’S POV
Kanina pa kami naghahang-out dito sa bahay nila Mark nang makaramdam ako ng gutom.
“Hoy, Cruz! Wala ba tayong makakain dito?” Sigaw ng isa naming barkada, si Jiggs.
“Ah sige saglit lang. May ipinaluto ako kaninang hapon.” Ani mark at tinikman ang kaldereta sa mesa. Sumama ang mukha nito dahilan para pumunta sa basement. Laking gulat ko nang makita ang babaeng hatak-hatak ni Mark sa braso. Si Elise.
Sa unang tingin, mandidiri ang kahit sinong lalapit sa kanya. Hindi naman siya kapatid ni Mark pero ang sabi-sabi ay alipin rin ang mga magulang niya kaya ginawa siyang katulong ng mga Cruz. Ayon pa sa usapan minsan ng mga kaibigan namin, anak raw ito ng mga aliping nagnakaw sa royal family kaya ipinapatay. Mukhang namana yata niya ito sa mga magulang niya kaya lagi siyang binubugbog ng mga ito.
Pasa sa mata, pisngi at braso. Maputla ang balat at nakasabog ang buhok nitong mahaba sa mukha kaya wala pang sinuman ang nakakita sa kabuuan ng mukha niya. Sobrang payat rin nito dahil puro maluluwang na bistida ang sinusuot sa araw araw at may nakapatong pang apron na mukhang basahan. May mga sugat rin sya na hindi pa nagagamot – marahil ay sariwa pa ang mga iyon.
Natawa na lamang kami nang ingudngod siya ni Mark sa kaldero ng kaldereta na nasa lamesa. Nawala ang tawa ko nang makita siyang nakatingin sa akin. May kung anong kirot akong naramdaman sa bandang dibdib ko na para bang nasasaktan rin ako sa nakikita ko pero hindi ko na lang pinansin ito.
Balita ko rin ay matagal nang may gusto sa akin si Elise kaya para naman gumaang ang pakiramdam niya sa kabila ng mga pasa at sugat niya ay kinindatan ko siya. Iba talaga ang kamandag ng isang alpha na tulad ko. Kahit sino naaapektuhan sa kindat ko. Kahit itong alipin pa na ito. Lalo pa kaming natawa nang nadapa ito dahil sa kindat ko. Ang ‘di ko inaasahan ay ang pagkadapa nito muli. Nakita ko naming akmang tatadyakan ito ni Mark kaya sumenyas ako kay Jiggs na tama na at awatin na si mark pero tuloy pa rin ito sa pagsipa kay Elise. Kawawa naman. Hindi ko maipaliwanag pero parang sumasakit talaga ang dibdib ko sa nakikita ko. Hindi ko namalayan na inihagis nila Jiggs sa loob ng basement si Elise. Hindi ko kinaya ang sakit na nararamdaman ko sa bandang dibdib kaya lumabas muna ako ng bahay nila Mark.
Malaki ang bahay ng mga Cruz at ang paborito naming parte nito ay ang batis sa likod. Madalas kasi dito ganapin ang mga house party ng mga sikat na anak ng mga nirerespetong pamilya sa East Dark Hills. Kumuha ako ng sigarilyo sa bulsa at sinindihan ito. Pampakalma. Hindi ko na kasi maintindihan ang nangyayari sa akin. Hindi kaya si Elise ang Luna ko? Imposible. 20 Anyos pa lang kami – masyado pang bata para sa mating season. At kung si Elise nga, mukhang minamalas naman ako sa napili ng langit para sa akin.
Ineenjoy ko lang ang stick ng yosi ko nang may marinig ako. May tao sa batis. Sino naman kaya ang maliligo nang ganitong oras? Laking gulat ko nang may makitang babae sa batis. Nakatalikod ito sa direskyon ko at nakatingin sa buwan. Moon Goddess. Sobrang ganda ng hubog ng katawan. Bilog na bilog ang mga malulusog na dibdib at hourglass shape na katawan nito. Idagdag pa ang pang-upo na kanina ko pa gustong himasin. Nag-iinit ang katawan ko. Pakiramdam ko, anytime susugod ako sa batis at maliligo nang kasama siya. Ano ba itong nararamdaman ko? Ayokong may ibang makakita sa kanya. Moon Goddess kung nakikinig ka sa dasal ko ngayon, baka naman sakaling siya na lang ang gawin mong Luna ko?
Inabangan ko ang paglingon niya. Please lang lingunin mo ako nang malaman ko kung sino ka. Nanlaki ang mata ko nang makita ang dibdib niya mula sa manipis na puting bistida niyang suot. Oh, I would do anything to touch those. Dumadagdag ang ganda ng liwanag ng buwan na dumadampi sa kanyang katawan. Who is this girl? May iba pa bang kapatid si Mark na ganito kaganda?
Sa wakas ay luminga-linga ang babae sa batis at Nakita ko ang mukha niya. Kasalukuyan akong nagtatago sa isang malaking pader sa gilid ng batis. Napakaganda niya. Hindi ko pa siya nakikita dito sa East Dark Hills. Diyosa bai to? Totoo ba itong nakikita ko o aparisyon lang? Sana ay hindi siya bampira. Sana ay toto siyang tao. At sana siya ang Luna ko.
Hindi ko napigil ang emosyon sa mga susunod kong makita at marinig. Nagsalita ang diyosa.
“Napakaganda mo. Hindi ka man perpekto dahil sa craters mo pero yung liwanag mo tanaw kahit saan sa mundo. Sigurado akong sa mga oras na ito, may nabibighani rin sa ganda mo.” Saad ng dalaga habang nakangiting nakatitig sa buwan.
Hindi maipaliwanag ni Dale ang nararamdaman nang makita ang matamis na ngiti ng dalaga. Bagay na bagay ang bilugang mata nito sa hugis ng maliit na mukha. Umaalon rin ang mahabang buhok nito na hanggang pwet at may kaunting hibla na nakaharang sa kanyang mukha. He wanted to touch that beautiful face and put those lovely pieces of hair behind her ears. He was also fantasizing on kissing her ears and whispering sweet nothings to her.
"Mas maganda ka pa sa buwan, kung alam mo lang.” naisagot ko nang di ko namamalayan. Ayos lang dahil sa hina naman ng boses ko, marahil hindi niya ko narinig.
Ilang sandali pa ay bigla na lamang tumulo ang luha ng magandang dilag. May kung anong kumurot sa dibdib ko. Ngayon ko lang kasi nakita ang mga sugat at pasa niya sa mukha. Ayoko ng tanawing ito. Ayoko siyang nakikitang umiiyak. Shi*! Tinamaan na yata ako ng magaling. Kung sino ka mang babae ka. Pinapangako kong hindi ka na iiyak kahit kailan kapag nakilala mo ako.
Naiwan akong nagtataka pa rin sa pagkakakilanlan ng dalaga. Hanggang sa umahon siya at pumasok sa bahay nila Mark. Isa lang ang pinapanalangin ko – na sana hindi siya girlfriend ni Cruz kundi goodbye pangarap ako. Ayoko naman ahasin ang gf ng tropa ko. Sa tingin ko naman ay hindi siya gf ni Mark. Walang dahilan para ilihim ang relasyon sa ganyan ka-perfect na kasintahan. Well, that’s how I see her – perfect in every way. Walang tapon mula ulo hanggang paa. At ang boses niya, gusto ko lagi marinig. Hangga’t maaari araw-araw.
Teka. Sa basement siya dumaan. Imposible! Elise? Isa lang ang dapat gawin para mapatunayan ang teorya ko. Sinundan ko siya at tumungo sa basement. Bumaba ako ng hagdan at sumilip sa maliit na bintana sa itaas. Dahil sa height ko, hindi ako nahirapang sumilip. Nakita ko ang kwintas na hawak niya habang nakatingin sa salamin. Kahit nalulungkot siya, ang ganda pa rin niya.
Umakyat na ako ng hagdan palabas ng bahay nang may naisip ako bigla. Kung sino man ang babaeng ito ay magiging akin rin siya. Kailangan kong malaman kung sino siya. Kapag nalaman ko kung sino siya, hindi ko na siya pakakawalan pa.
Napakagaang ng pakiramdam ni Elise na para bang wala siyang dinadalang sama ng loob sa loob ng labin limang taon. Masarap ang tulog niya kahit pa parang kulungan ng kabayo ang kwarto niya. Para kay Elise, meron siyang bubong sa kanyang ulo, at pagkain sa kanyang tiyan kaya maswerte pa siya kung tutuusin. Hindi man kumportable atleast, para sa kanya, meron pa rin kaya nagpapasalamat pa rin siya sa mga biyaya.
Hindi pa nakakatagal ang mga ngiti niya sa labi nang bigla itong kumupas. Nakita niya kasi sa basag na salamin ang repleksiyon ng kanyang bugbog saradong mukha. Hanggang kalian ba niya ito kayang tiisin? Dapat na ba siyang umalis dito? Hindi na niya alam ang sagot sa mga tanong niya sa sarili niya.
Umakyat na sa itaas si Elise dahil dapat mauna siyang magising sa mga Cruz. Ipaghahanda pa niya ng makakain ang mga ito. Nanginginig pa rin ang mga kamay niya habang tinitimplahan ang adobong baboy. Natatakot siya na baka ingudngod na naman ang mukha niya rito.
Alas nuebe nan ang bumaba sa kanilang mga silid ang magkakapatid. Naunang masilayan ni Elise si Kristelle, ang pangalawang anak ng mga Cruz. Nakasalamin ito at tila nerd. Payat rin at kung manamit ay laging kita ang pusod at tiyan, Lagi ring nakaponytail nang pagkataas-taas. Siya yung teenager na matalino at sikat sa buong skwelahan.
“Move, you freak!” Napayuko si Elise sa lakas ng sigaw nito sa tenga niya. “Pangit nan ga haharang-harang pa sa daan. Hindi ba sinabi ko na sa’yo na huwag mong ipapakita sa akin ang mukhang iya?” Hinila niya ang ilang piraso ng buhok ni Elise sa noo at hinarang ito sa mukha ng babae.
I don’t wanna see that disgusting face. Naiintindihan mo?”
“What’s up, sister?” Hiyaw naman ni Mark na tila ba napasarap ang tulog at nakalimutan ang ginawang pambubugbog sa kaniya kahapon. “Elise, ang mga pinggan?! Ilang beses ko bang sasabihin na dapat maagang nagigising kaysa sa amin diba?!” Dinuro-duro nito ang mukha ni Elise at umupo sa hapag kainan. “Useless piece of shi*! Pinahiya pa ko nyan in front of my friends, Nagwalk out tuloy si Dale.”
“OMG! Is it Dale Smith? Kuya Marky naman e. Did you hide this from me para hindi ako makasulyap sa “The Dale” kahapon?” patiling saad ni Kristelle.
“Sorry na. dear sister. Biglaan lang yun. Medyo bad mood rin yata si Dale kahapon. Dahil siguro sa bad vibes na dala netong bwisit na ito.” Itinulak ni Mark si Elise dahilan para mitumba ito sa sahig.
Napakagat ng labi si Elise at pumatak ang mga luha. Sinabi niya sa sarili niya na hindi siya magpapaapekto kahit pa anong gawin ng pamilyang ito sa kanya.
Natigilan ang tatlo sa pagpasok ng mag-asawang sina Anthony at Leona Cruz sa Dining Hall.
“My precious children! How was your night, huh?” Mataas ang tono ng boses ni Leona na tipong maririndi ka sa tuwing magsasalita siya.
“What happened here?” Tinutukoy ni Anthony ang pagkakabagsak ni Elise sa lapag na tila ba nahihirapan tumayo. “Ano na naman ito, Mark?”
Maluha-luha si Elise. Ito na yata ang unang pagkakataon na maririnig niyang pinagsasabihan ang mga anak ng mga Cruz dahil sa pambubugbog at pag-aalipusta sa kaniya. Laking gulat niya sa susunod na narinig.
“Hindi ba’t sinabi ko na sa inyo, Mark, na kayo na ang bahalang magsabi sa babaeng yan na kapag andito tayo sa bahay ay dapat hindi siya pakalat-kalat? Nakakaasiwang tignan. Tsaka parati na lang bang matutumba yan sa kaunting tulak?” Saad ng ama nila habang sinisindihan ang tabako sa kamay.
“Go away, freak. Hindi mo ba narinig ang papa?” Taas kilay na sinabi naman ni Kristelle habang nakatingin sa phone niya.”
“Elise, please refrain from going out of the basement. Yung amoy kasi umaabot dito sa Dining Hall. We also don’t want you to be seen by guests here. May house party dito this Friday so we can’t afford anything that destroys the scenery.” Saad ni Leona habang nakatitig sa salamin na tila ba may magbabago pa sa kulubot nitong mukha. Panay himas rin nito sa cheekbones niya na para bang mali-lift pa ito.
“Opo, Ma’am.” Lumabas na siya ng bahay at hinayaan ang ilang katulong na gumawa ng naiwan niyang gawain.
Lumabas naman siya ng bahay at nagtungo sa batis para maibsan ang lungkot niya sa mga narinig.
“Akala ko pa naman, ipagtatanggol na ako ni Sir Anthony kanina. Wala na talagang makakaintindi sa akin sa bahay na ito.” Kinakausap niya ang sarili habang hinuhubad ang sapatos. Umupo siya sa gilid ng batis at isinawsaw ang mga paa.
“Bakit hindi ka na lang umalis?” Halos napatalon si Elise sa narinig na boses mula sa kanyang likuran. Si Dale!
“S-sir Dale. Ano pong ginagawa niyo rito?"