bc

My sweet provider

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
HE
others
drama
ambitious
realistic earth
gay
like
intro-logo
Blurb

Ang makatotohanan at tagos sa puso na kwento ito ay pinamamagatang "My sweet provider ".

Ang kwentong ito ay may temang pupukaw sa inyong mga puso. Pinagbibidahan ito ng isang bisexual individual na si Donie na kalaunan ay aksidenteng nakabuntis. Siya ang ilan sa mga Lgbt individual na haharap sa maraming pagsubok. Ano ang mananaig sa puso nya, Ang kanyang kaligayahan bilang Bisexual o Ang kanyang anak. Yulo ang pangalan ng kanyang anak ,kikilalanin ba sya itong ama o hindi.

Subaybayan ang kwento ng mag ama hanggang dulo.

chap-preview
Free preview
Ang Simula sa pagkatao ni Donie
      Mula sa probinsya, bumiyahe ng maynila ang mag-inang Rita at Donie.Sa mababang edad ni Donie , nagsimulang magkawatak watak ang pamilya nila dahil sa amang mapanakit at di makataong pagtrato sa mag inang Rita at Donie.      Ilang taon ang lumipas , nakapagtapos ng pag aaral si Donie sa pamamagitan ng pagsisikap ng kanyang ina para itaguyod sya.Sa pangarap na balang araw mahahango ni Donie ang buhay nilang mag ina.Isang araw , nagpasya si Donie na humanap ng trabaho para maibalik ang pagsasakripisyo ng kanyang ina. At ang ating bida ay matagumpay na natanggap sa trabaho sa isang opisina kung kayat nakangiti syang umuwe sa kanilang tahanan.      Ngunit ito pala ang araw na pinakamasakit para sa kanya ng maabutang wala nang buhay ang kanyang ina habang nakahiga sa kanyang higaan. Ilang araw ang lumipas matapos ilibing ang kanyang ina, sa sobrang bigat ng kanyang pakiramdam, napilitan syang sumama sa isang inuman sa kanilang kapitbahay, At doon nailabas nya ang sakit na nararamdaman nya simula ng mawala ang kanyang ina sa kanyang piling. Nagkaroon sya ng kaibigan na si Hector. Si Hector ay isang Army Trainer noon ,maskulado at batak ang pangangatawan. Habang nasa inuman, nakaugalian na ni Hector mag alis ng damit pang itaas nang bigla syang titigan ni Donie. Nagtaka si Hector sa kinikilos ni Donie. Ilang minuto ang lumipas, sinubukan ni Hector ang pagkatao ni Donie. Ang binatilyo ay nagtungo sa banyo upang maligo. Nakaugalian na nyang maligo pagkatapos uminom kaya naligo sya. Dahil sa tila pang aakit ni Hector,  di namalayan ni Donie na sumunod sa kanya. Sino nga naman ang di malilibugan sa maganda at mapang akit na katawan ni Hector. Naisip ni Donie na pumunta sa banyo ng makitang bukas ang pinto ng banyo habang naliligo si Hector. Nagulat sya sa  maskuladong pangangatawan ni Hector kaya natulala sya. Nagulat si Hector ng makita nyang tila naglalaway si Donie sa Katawan nya. Ngunit sa sobrang dami ng nainom ni Hector na alak, di nya napigilan ang pang aakit din na ginawa ni Donie hanggang sa umabot sa kwarto nya ang di inaasahan.     Pagkagising ng umaga, nagising si Donie sa kama ni Hector ngunit wala sa kanyang tabi ang binatilyo. Bumangon siya ng hubot hubad, nang matapos magdamit sya ay nagtungo sa gawing kusina upang puntahan si Hector. Nakita nya si Hector sa kusina habang naghuhugas ng lulutuing karne.  "May nangyare ba sa atin kagabi? " tanong na may pagsisisi ni Hector kay Donie.  " Di ko alam,  nagising nalang ako ng nasa kama mo! "Sagot ni Donie.  "Sinungaling ka! Donie magtapat ka nga sa akin, lalaki kaba talaga o nagpapanggap kalang na lalaki? "Biglang sabi ni Hector.  Sinakal ni Hector si Donie dahil di nya matanggap ang nangyari nung gabi sa kanila. "Bitawan moko Hector! Di ko sinasadya nakainom lang ako"pagmamakaawa ni Donie sa Binatilyo.  "Umalis ka dito at huwag na huwag ka nang magpapakita sakin, wala akong kaibigang mapanlinlang at baklang katulad mo! Donie"Galit na galit na sabi ni Hector.  At umalis si Donie sa harapan ni Hector, agad syang nagsisi sa nangyari dahil nasira ang pagkakaibigan nila ng kapitbahay nyang si Hector. Simula noon, laman ng tsismis ang gabing naganap sa pagitan ni Donie at Hector. Kalat na kalat na din ang panghuhusga na si Donie ay isang sirena. Doon nag umpisa ang kahihiyan sa pagkatao ni Donie.  ABANGAN : KILALANIN ANG BABAENG MAGIGING DAHILAN NG PAGBABAGO SA BUHAY NI DONIE. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
484.7K
bc

NINONG II

read
656.3K
bc

NINONG III

read
432.7K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.5K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
16.3K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
835.6K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook