CHAPTER 1

1975 Words
CHAPTER 1 First Wild Kiss "ZIA! TAMA na 'yan ano ba!" Pinandilatan ko ng mata si Kelah matapos niyang kunin ang beer na hawak ko. Aagawin ko na sana 'yon pero iniwas na naman niya 'yon sa'kin. Tumalim ang mala-asul niyang mga mata sa'kin. "Ano?? Hindi ka ba talaga titigil, ha? Akala mo masisindak mo 'ko diyan sa pagtataray mo?!" Pagalit niya pang sabi dahilan para umikot ang mga mata ko sa ere. "Ano ba Kelah? Umiinom naman talaga ako, ah? Para namang bago sa'yo 'to." Asik ko. Huminga naman siya ng malalim, pinipigilan ang inis. "Alam ko namang sa lahat ng tao dito ay ikaw ang pinaka lasinggera—" Napatigil siya nang samaan ko siya ng tingin. "—I mean, na mahilig kang uminom pero — nagagalit lang ako dahil ayaw mo magsabi sa'kin ng problema mo!" Napapapikit nalang ako ng mata. Kahit hindi ako magsalita, talagang napapansin niya. "Anong problema ang sinasabi mo?" Pagpapanggap ko pa. Hindi naman sa ayaw kong magsabi sa kaniya pero wala talaga ako sa mood na pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon. Kumuha ulit ako ng bagong beer pero bago ko pa 'yon mabuksan ay inagaw na naman 'yon ni Kelah sa'kin. Napahinga na lang ako ng malalim dahil alam kong hindi niya ako tatantanan hangga't hindi ako nagsasabi ng totoo sa kaniya. "Tanga ka, alam mo ba 'yon? 'Kala mo siguro hindi ko malalaman, 'no? Hindi ka naman iinom nang ganito karami kung wala kang problema! Isa pa, ang tahi-tahimik mo kaya!" Napangiwi nalang ako at napakamot sa ulo. "Wala nga 'yon." Maikli kong sabi saka iniwasan ang mga mata niya. Alam kong kapag tumingin ako sa nangsusuri niyang mga mata, malalaman na niya ang totoo. "Tumingin ka sa'kin." Seryoso niyang sabi. Inismiran ko lang siya ng tingin at binalewala ang pagiging seryoso niya dahilan para lalo siyang mainis sa'kin. "Zia, isa pa. Babasagin ko 'tong bote na 'to sa ulo mo, sige." Napakagat nalang ako ng labi para pigilang matawa. Hindi kasi akma ang porma niya ngayon sa ugali niya. Naka red off-shouldered dress at naka messy bun siya habang hawak nang mahigpit 'yong beer at mukhang handa nang paduguin ang ulo ko. Sa ganda niya ngayon hindi mo aakalaing basagulera siya. Manipis lang ang pasensya niya. Kapag ininis ko siya lalo baka maging pula na ang light blue niyang mga mata. Tumingin ako sa mata niya gaya ng gusto niya. Pero agad din akong napaiwas. Hindi ko kinayang makipagtitigan sa kaniya. Kaya dahil sa ginawa ko ay malalaman na niya na may tinatago ako. Huli na niya ako. "Kita mo! Hindi mo nga kayang tumingin sa'kin kase may tinatago ka!" Nang-aakusa niya pang singhal. Bumuntong-hininga ako saka tamad na itinaas ang dalawa kong kamay para sabihing suko na ako. "Now," Mukhang kumalma na siya dahil kita sa mukha niya ang pag-aalala para sa'kin. "Care to tell what's going on, Zia?" Huminga ako ng malalim. Pinag-iisipan kung dapat ko ba 'tong sabihin sa kaniya. Pero wala naman mangyayari sa'king maganda kung sasarilinin ko lang ang problemang 'to. Ilang buntong-hininga pa ang pinakawalan ko bago tumingin sa kaniya. "Ikakasal na ako." Namilog ang bibig niya sa gulat. "WHAT?!" Naagaw tuloy namin ang atensyon ng mga taong malapit sa'min dahil sa sigaw niya. Natural lang na magulat siya ng sobra dahil sa lahat ng tao sa paligid ko, siya ang pinakamalapit sa'kin. Kung ikakasal man ako dapat alam niya kung kanino at ano ang dahilan kaso wala naman akong boyfriend, single na single ako. Kaya ganito nalang ang reaksyon niya. "Kalma." Uminom nalang ako ulit ng beer. Gusto ko makalimot at magsaya ngayong huling araw ng kalayaan ko. "Okay, okay.." Pakausap pa ni Kelah sa sarili saka sandaling nanahimik. Alam kong mahirap rin para sa kaniya na paniwalaan 'to pero hindi naman siya nawawala sa tabi ko. At 'yon talaga ang ipinagpapasalamat ko ng husto sa kaniya. "K-Kasal? Kanino?? Kanino ka ikakasal?? 'Wag mong sabihin na doon sa mayabang na siraulong Jayson na 'yon??! Ay wait— malamang hindi siya kasi alam kong ayaw mo sa kaniya... sa mga ex mo ba? Sino do'n?! Jonathan? Raven? Kristoff? Alex—" Bigla ay sunod-sunod niyang putak. Naurong tuloy yung papuri ko para sa kaniya sa isip ko. Dahil inungkat niya ang tungkol sa mga 'taong' yon ay napangisi naman ako sa 'taong' ayaw niya rin marinig. "Eh kung banggitin ko din kaya 'yong Charlie mo—" "La la la la la! Wala akong naririnig!" Sigaw niya pa habang tinatakpan ang dalawa niyang tainga. Napailing nalang ako. Ganyan talaga siya kapag naririnig yung pangalan ng mahal niyang ex. Well, same lang naman kami. Mga may galit at hindi maka get-over kay ex. "So, kanino nga?!" Naaatat niyang tanong. "Hindi ko nga alam." "Di mo alam?! What the— magpapakasal ka tapos hindi mo alam kung kanino?? Alangan namang ikasal ka mag-isa??! Boba!" Timang talaga. "Di ko alam kasi fixed marriage 'yon. Sina Mama ang mag-aasikaso kaya wala akong alam." Sandali siyang natahimik na lihim kong ipinagpasalamat. Malamang hindi pa din nagsi-sink in sa utak niya ang lahat ng mga sinabi ko. Hindi ko naman talaga alam ang plano nila Dad at wala na sana akong balak na alamin pa. Kung sino man siya, 'di na 'yon importante sa'kin. Pero sana naman hindi pipili sina Mama ng matanda na panot tas m******s 'no? Sana yung itsura ng magiging asawa ko — ka level lang ng itsura ko. Atleast 'pag gano'n, magagamit ko pa siya para ipagmalaki sa iba. Sana pati katawan niya magamit ko din. Ehehe. Dere-deresto kong ininom ang inorder ni Kelah na tequila. Hindi pa man ako nakakatayo ay bigla nang umikot ang paligid ko. Sh*t. Dahan-dahan akong tumayo para sana maglakad nang bigla ay magsalita si Kelah. "Saan ka pupunta?" Nilibot ko ang paningin sa paligid. Mag aalauna na ng madaling araw pero parami pa rin nang parami ang tao dito sa Van Louis Club. Hinawi ko sa kanang balikat ang mahabang buhok ko na pina-rebond ko pa lang kanina. Ningitian ko naman si Kelah. "Eenjoyin ko na lang ang huling gabi ng pagiging single ko." Naglakad naman ako papunta sa dance floor kung saan maraming tao ang nag uumpukan. Pumwesto ako sa pinaka-gitna. Hindi pa man ako nagsisimulang sumayaw ay ramdam ko na ang maraming paningin sa'kin. Hinayaan ko ang sariling pumikit at lihim na ding nagdasal na sana may gwapong lalaking tatapos sa pagiging birhen ko. Hindi ako makakapayag na ang makakakuha sa'kin ay ang magiging asawa ko. Wala sa sariling itinaas ko ang dalawa kong kamay habang umiindayog ng marahan. Ramdam ko parin ang maraming matang nakamasid sa'kin, naaakit sa sayaw na ginagawa ko. Hayst. Ang hirap talaga maging maganda. Kanina pa ako nahihilo at sobrang sakit na ng ulo ko pero hindi pa rin nawawala sa'kin ang pagiging mapili pagdating sa lalaki. Pa'no kasi! hindi naman sila pasado sa taste ko. Minsan naiinis din ako sa sarili ko dahil sa pagiging mapili ko. Oo, gusto ko na magka-boyfriend pero napaka choosy ko pa din. Lahat sila sa tingin ko, hindi naman bagay sa'kin. Ano namang magagawa ko, eh, this is me. Pero kahit gano'n, naniniwala ako sa God's will. Alam ko namang may isang itinadhana si Lord para sa'kin— "Hi." Halos tumindig lahat ng balahibo ko nang maramdamang may lalaking pinalibot ang braso niya sa bewang ko. Ramdam ko rin na inamoy niya ang leeg ko dahilan para mapaigtad ako. Napapapikit ako. Hindi naman bago sa'kin na may lalaking humahawak sa'kin pero ang nakakapanibago, ay 'yong sensasyong pinaparating sa'kin ng lalaking nasa likod ko. Buong buhay ko, hindi ko pa 'yon naramdaman. Anong meron sa kaniya at nagkakaganito ako? Hindi ko pa nga siya nakikilala, ni hindi ko pa alam ang hitsura niya pero kung magreact ang katawan ko sa ginagawa niya pakiramdam ko tuloy namiss ng katawan ko ang hawak niya. Dahil sa kuryosidad, humarap ako sa kaniya. Pero halos tumigil ang paghinga ko sa nakita ko. Wow... Blue eyes. Napatitig ako nang matagal sa mga mata niya. Tinititigan kung gaano kakulay 'yon. "Wow.." Naisambit ko nalang habang walang hiyang tinititigan siya sa mata. Kita ko rin ang paninitig niya sa'kin, parang kinakabisado ang buo kong mukha. "Like what you see?" Napakurap-kurap ako. Halos hindi magsink-in sa utak ko ang narinig. Pati boses niya... makalaglag panty. Omg. "H-Ha?" Tulala kong sabi. Doon ko lang din napansin na hindi pala kita ang buo niyang mukha dahil naka black mask siya. Nalukot ang mukha ko. Sayang, hindi ko makikita kung gaano siya kagwapo. "You're so beautiful." Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Halos lumabas na ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng t***k! Hoy puso! Bakit ka ganyan?! Kumalma ka nga! "Ano..." Napalunok ako. Hindi makaisip ng maski isang salita. Hindi nagpoproseso nang maayos ang utak ko dahil sa lalaking nasa harap ko. Narinig ko siyang mahinang tumawa dahilan para magrambulan ang mga organs sa katawan ko. Wtf??? Pati ba naman 'yon kelangan ko hangaan?? Napaisip tuloy ako na kapag ba umutot siya sa harap ko kikiligin pa kaya ako? "Kanina ka pa tumititig. Kailangan ko nang manghingi ng bayad." Napakurap-kurap na naman ako. Marunong naman pala 'to magtagalog, eh. Straight tagalog. Wow. "Pwede ko na ba ibayad ang sarili ko?" Kunwari ay inosente kong tanong sa kaniya nang makabawi ako sa gulat. Siya naman ngayon ang natigilan. Pigil ko ang sarili na ngumiti. "Uhmm.." Halatang hindi siya napakali sa sinabi ko dahil gumaan ang paghawak niya sa bewang ko. Hindi na rin siya makasabay sa sayaw ko dahil patingin-tingin siya kung saan-saan. Gusto ko talaga siyang halakhakan. Feeling naman siya. 'Kala naman niya tototohanin ko. "Okay, then. Give yourself to me." Halos napigil ko ang hininga sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata kong tinititigan siya habang siya naman ay mariin at seryoso rin akong tinititigan pabalik. Ilang sandali pa akong natahimik nang mamalayan ko nalang na hila-hila na niya ang kamay ko. Hala! Saan niya ako dadalhin??? "H-Hoy! Gwapong may blue eyes! B-Bitawan mo 'ko! Naghahanap ako ng lalaki pero— ayoko sa r****t!" Nahigit ko ang hininga nang bigla ay isandal niya ako sa pader! Hindi ko naman siya makita dahil dinala niya ako sa madilim na part ng bar pero alam kong tinanggal na niya ang mask sa bibig niya. Halos mangatog ang mga tuhod ko. Oh, God! Ingatan mo ako please... sa ganda kong 'to, hindi pa ako pwedeng mamatay! "Hindi naman kita gagahasain. Kasi alam kong kusa kang magpapagahasa sa'kin." Kahit hindi ko siya makita, ramdam kong nakangisi ang gago. Napaawang ang labi ko. Abang lokong 'to! Dahil nakaawang ang labi ko ay nakuha niya ang pagkakataong 'yon para sunggaban ako gamit ang mainit niyang labi. Lumakas lalo ang t***k ng puso ko, hindi alam ang gagawin. Nanghihina ako sa paraan nang paghalik niya sa'kin. Masyado 'yong marahan pero ramdam ang matindi niyang pagpipigil. Natutukso na akong sabihin na halikan niya pa ako ng mas malalim. Konting-konti nalang, rurupok na ako. Gumalaw nang bahagya ang labi niya. Parang may sariling isip ang braso ko na kanina ay tulak ang dibdib niya, ngayon ay nakapulupot na sa batok niya. Napasinghap siya dahilan para mas hapitin pa ako sa katawan niya. Wala sa sarili akong napadaing. Ngunit sa kabila nang nakakalasing niyang halik ay isang malakas na boses ang pumukaw sa'min. "Vaziana?!!" Habol ang hiningang napabitaw ako sa gwapong kahalikan ko. Gulat kong nilingon si Kelah na hinahagilap ako sa dilim! Paano niyang nalaman na nandito ako?! "Umalis ka na—" Bago pa ako makapagsabing umalis na ang lalaking may blue eyes ay nawala nalang siya bigla sa harap ko. Napakurap-kurap pa ako. Ni hindi ko man lang narinig na umalis siya. Alam kong lasing na ako pero aware parin ako sa nangyayari sa paligid ko. Pero pa'nong nawala nalang siya bigla na parang multo? Parang hangin pero hindi ko man lang naramdaman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD