CHAPTER 2
Familliar eyes
Umagang-umaga nagising ako na parang pinupukpok ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Marahas kong sinabunutan ang buhok ko.
Dahil wala naman si Kelah dito ay ako na ang nanermon sa sarili ko. Ayan, inom pa!
Eto talaga ang kinaiinisan ko. Magpaparty ako, iinom nang walang hinto at kapag andiyan na ang letcheng hang-over, sisisihin ko ang sarili ko at mangangakong hindi na ulit iinom. Pero sabi nga nila, promises are meant to be broken. Kaya palalampasin ko nalang, ulit.
Pinilit ko nalang tumayo para makapag-ayos ng sarili. Naligo narin ako para mahimasmasan.
Nang matapos ay bumaba na ako para makakain. Nadatnan ko naman ang Mom at Dad ko na tahimik na kumakain sa malapad na dining table kaharap ang samu't-saring pagkain.
Nakasalubong ko ang housemaid namin na marahang yumuko sa'kin. Ngumiti lang ako ng tipid at umupo sa harap ni Mom.
"Good morning." Bati ko sa kanilang dalawa. Sumulyap lang sa'kin saglit si Dad saka kumain ulit. Umangat naman ang tingin sa'kin ni Mom, nakataas ang kilay na pinasadahan ng tingin ang suot ko.
"What are you wearing?" Kunot na kunot ang noo niya na para bang may ginawang masama sa kaniya ang damit ko. Nangunot rin ang noo ko at tumingin sa suot ko. White croptop at maong na short ang suot ko, simpleng damit lang para pangbahay.
"Uh...damit?" Patanong kong sagot kay Mom. Binitawan niya ang hawak niyang kubyertos at derestong tumingin sa'kin, magkakrus ang braso sa dibdib.
"Did you forget? Today is your wedding. You should wear an elegant dress with diamond jewelries." Seryoso niyang tugon. Natigilan ako at parang natakasan ng kulay ang buo kong mukha.
Lintek! Ngayon nga pala ang worst day ever ko!
Sa sobrang sakit ng ulo ko ay hindi ko na naalala. Kaya pala bihis na bihis rin sila ngayon, akala ko may aattendan lang na party.
Kinagat ko ang labi ko. Kahit alam kong paulit-ulit na akong nagmamakaawa sa kanila 'wag lang 'tong matuloy ay susubukan ko parin. Tumingin ako kay Mom, nagsusumamo ang mga mata. "Mom...pwede pa naman sigurong—"
"Zia, aren't you tired?" Malamig ang boses na tanong niya. Napayuko ako. "Ilang beses mo na 'yan sinasabi sa'min. Pero palagi lang tayo nauuwi sa away dahil sa pagtatanggi mo. Hindi ka ba napapagod makipag-away? Kasi ako, pagod na pagod na ako. Why won't you just understand?"
"Understand what, Mom? Intindihin na ano?" Nangilid ang mga luha ko. "Intindihin na ilalayo niyo na ang kalayaan ko sa'kin?!"
"It's for your own good—"
"Bullsh*t!"
"Zia! Watch your words!" Doon na nakisali si Dad, kuyom ang kamao at masama ang tingin sa'kin. Natawa ako ng mapait.
"Bakit ba kayo ganito? Ano bang ginawa ko sainyo?!" Tuluyan nang tumulo ang luha ko. "Okay, sabihin na nating para sa'kin 'yon pero para saan?! Bakit hindi niyo pinapaintindi sa'kin?! I'm f*cking tired of guessing answers that I can't get from you! Nakakabaliw dahil kahit kailan wala kayong pinapaintindi sa'kin!"
"Zia. Calm down." Si Mom, pilit pinapahaba ang pasensya sa'kin. Pero kahit anong pagpapakalma ang gawin ko sa sarili ko ay hindi ko magawa. Masyado na akong nilalamon ng emosyon ko.
"Calm down?!" Tumaas na ang boses ko at wala na akong pakialam kahit pa magalit sila. "Yung totoo, Dad, Mom? Ano bang kailangan niyo sa lalaking papakasalan ko? Pera ba?! Hindi ba mayaman na kayo, kulang pa ba 'yan? Kailangan pa ba natin silang perahan—"
Tumigil ang mundo ko nang maramdaman ang palad na sumampal sa mukha ko. Mahapdi 'yon kaya napahawak ako doon. Saka ko gulat na sinulyapan si Dad.
Walang bahid ng pagsisisi sa mukha niya matapos niyang gawin 'yon sa'kin. Blanko lang ang emosyon niya. "Get up and fix yourself. Hinihintay na tayo ng mga Hawthorne. Wag mo akong sagarin, Zia. Dahil baka hindi lang 'yan ang magawa ko sa'yo. "
Sinulyapan ko si Mom. Nakababa ang tingin niya na para bang may iniiwasang makita sa'kin. Sunod sunod na tumulo ang luha ko. "Sana hindi nalang kayo ang magulang ko."
"Zia!"
Narinig ko pa ang galit na sigaw ni Dad bago ako umakyat at pumasok sa kwarto ko. Galit na galit siya pero pilit siyang pinapakalma ni Mom.
Pagkalock ng pinto ay wala sa sariling napadausdos nalang ako habang nakasandal sa pintuan. Pumikit ako nang mariin saka tinakpan ang mukha gamit ang palad ko para pigilang humikbi ng malakas.
Humagulgol ako habang nakayuko. Ayoko na ng ganito. Napapagod na ako sa pakikisama sa kanila araw-araw. Napapagod na ako dahil puro sakit nalang ang binibigay nila sa'kin. Ni hindi ko man lang naramdaman na mahalin ng sarili kong mga magulang.
Parang binibiyak ang puso ko dahil sa sakit. Mas naiiyak lang ako lalo dahil ako mismo ay naririnig ang hikbi ko. Nakakainis dahil sa t'wing nagkakaganito kami, palaging bumubuhos ang luha ko.
Ang pagiging cold nila sa'kin, tanggap ko na. Ang p*******t ni Dad na para bang hindi niya ako anak, tanggap ko na. Ang parating seryoso at pagkokontrol sa'kin ni Mom na para ba akong robot, tanggap ko rin. Pero eto...ang ipakasal sa taong hindi ko naman mahal ang hindi ko matatanggap.
Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko sa kanila para ganituhin nila ako. Buong buhay ko naman, sumusunod ako sa mga utos nila. Nag-aral ako nang mabuti at nagtrabaho para sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano pa bang kulang? Ano pa bang kulang para maramdaman kong mahal nila ako?
Simula bata palang ako ay ganito na ang trato nila sa'kin. Noong una palang, palagi kong dinadaan sa iyak. Pero nasanay rin ako. Nasanay naman ako pero, mas dumugo lang ang sakit na binigay nila sa'kin simula nang malaman ko na ikakasal nila ako sa hindi ko kilala.
Wala akong maintindihan sa sinasabi nilang kailangan daw 'yon para sa kaligtasan ko. Eh, hindi ko nga alam na nanganganib pala ako, na may'rong magtatangka sa buhay ko? Sa mundong 'to normal na ang kapahamakan. Ang hindi ko lang maintindihan, ay kung ano ang magagawa ng kasal para maiwas ka sa kahit anong panganib?
Napapagod narin ako maghanap ng sagot na dapat sa kanila ko marinig. Gusto ko nalang tumakas. Gusto ko nalang umalis pero kahit pa gawin ko 'yon, alam kong hahanapin at hahanapin nila ako.
Sa kabila nang pagkatulala ay tumayo na ako at inayos ang sarili. Tumingin ako sa harap ng salamin.
Huli na 'tong gagawin ko para sainyo. I swear that.
__
ISANG malaki at halos kumikinang sa ginto na chandelier na nakasabit sa kisame ang bumungad sa'kin pagpasok ko sa malaking mansyon. Sa bawat gilid ay may round table, kasama ang mga taong naka formal ang suot na may kaniya-kaniyang kausap hawak ang sarili nilang champagne. Napatingin ako sa paligid. Sobrang ganda at liwanag kasi ng theme nito sa mata. Pinaghalong caramel at white ang color.
"Oh, hi." Isang may edad pero sopistikadang babae ang lumapit sa'kin. Ngumiti siya at naglahad ng kamay. "I'm Cynthia Ortega, your mother's bussiness partner. I guess you are Vaziana Elix?"
Tinanggap ko ang nakalahad niyang palad at nakipagkamay. Ngumiti rin ako. "Yes."
"You know, you're beautiful just like your mother." Sabi pa niya. Pilit lang akong ngumiti. "Oh, wait. Where's Valeriana? I need to talk to her."
Tinuro ko naman kung nasaan si Mom. Kakapasok niya palang, nakasabit ang braso sa braso ni Dad. Nasa bungad palang sila ng pintuan ay marami na agad ang nakakilala at nakipag-greet sa kanila.
Muli pang ngumiti sa'kin ang babae saka siya umalis sa harap ko para puntahan sina Mom. Alam kong dapat nasa tabi ako nina Mom at Dad pero binilisan ko nalang ang pagpasok dito dahil baka mag-away na naman kami. Sa ngayon, ayoko na muna silang makausap.
Marami 'ring nakakakilala sa'kin na nakakausap ko pero agad din aalis. Napasandal nalang ako sa veranda ng mansion. Nakakabored dito. Sayang lang at hindi pumunta si Kelah. Alam ko invited siya kaso may gagawin pa raw kaya hindi na nagpunta.
Nandito kami sa bahay ng mga Hawthorne. Tapos na ang kasal...well, ewan ko ba kung matatawag na kasal 'yon. Pumirma lang naman ako nang kung anong papel and then eto na, wala na ang kalayaan ko. Hindi ko nga nakita kung sino ang mapapangasawa ko.
Kahit labag sa loob sinunod ko nalang sina Mom. Pero pinangako ko sa sarili ko na huli na 'tong susundin ko na utos nila. Ang gusto ko nalang ngayong tagumpay na silang naitali ako, 'wag na nila akong guguluhin.
Tapos na ako sa kanila.
"Zia?"
Napalingon ako nang may tumawag sa'kin. Umawang ang labi ko nang makilala kung sino siya. "Alex?"
"Wow...it's really you, Zia!" Halos talunin niya ang pagitan namin para mayakap ako. Nabigla ako ro'n. "Long time no see!"
Sa kabila ng pagkabigla ay napangiti ako saka siya niyakap pabalik. Nang humiwalay siya sa'kin ay malaki na ang ngiti niya. "Mas gumaganda ka lalo."
Natawa ako. "Thank you."
Dahil dumating si Alex ay hindi na ako na bored dahil kahit papa'no may nakakausap ako. Ganoon parin siya tulad ng dati, masayahin at palakwento. Ngayon ko lang din nalaman na kakauwi niya lang dito sa Pilipinas dahil madalas siya sa US, inaasikaso ang business ng pamilya nila.
Si Alex ay isa sa mga ex ko pero may closure naman noong naghiwalay kami kaya naging friends din kami paglipas ng panahon. 'Yon siguro ang dahilan kung bakit magaan parin ang loob ko sa kaniya.
"So... how are you? May boyfriend ka na ba?" Bigla ay tanong niya sa'kin. Tumitig siya sa mukha ko, hinihintay ang sagot ko. Natahimik ako.
Ano bang sasabihin ko? Hindi ko alam kung boyfriend na ba ang tawag sa asawa. Eh, hindi ko nga kilala kung sino ang asawa ko. Matuturing ko pa kaya siyang boyfriend ko?
"Zia?"
Huminga ako ng malalim. "Kasi... Alex, may asa—"
Naputol ko ang dapat ko pang sasabihin nang may masulyapan ako banda sa mga taong nag-uusap. Kasama doon ang isang lalaki na naka-formal attire, at halos lumabas ang puso ko dahil sa lakas ng t***k nang makita ko ang pamilyar na mga matang 'yon.
Yung gwapong may blue eyes!