CHAPTER 3
Meeting My Husband
"SAGLIT LANG, Alex."
Hindi ko na siya hinintay sumagot at mabilis na nagtungo sa grupo ng mga taong nag-uusap na nasa gilid ng round table.
Hindi ko alam kung bakit ang lakas nang t***k ng puso ko. Pananabik... kaba, hindi ko mapangalanan ang emosyon na nararamdaman ko. Pero natigilan ako sa paglalakad nang makitang wala na doon yung lalaking tinitingnan ko kanina.
H-Huh?
Napapalunok akong nag-iba ng daan nang sumulyap ang mga tao na nag-uusap doon sa'kin. Mabagal ang galaw ko habang iniisip kung nagha-hallucinate ba ako.
Imposible naman na gumagawa ng imahinasyon ang utak ko. The last time I checked naman, wala akong mental problems. Isa pa, bakit naman mag-iilusyon ang utak ko tungkol sa lalaking 'yon.
Napailing nalang ako sa sarili, pakiramdam ko tuloy nababaliw na ako.
"Vaziana."
Lumapit sa'kin si Mom. Sa suot niyang assymetric sky blue dress ay lumutang ang natural niyang kagandahan. Mas naging intimidating siyang tingnan dahil sa seryoso niyang mukha. Para nga siyang reyna sa paningin ko.
"Sa second floor tayo." Aniya na humawak sa braso ko at paminsan-minsang ningingitian ang mga taong nadadaanan namin. "Hawthorne's are already there."
Tahimik akong sumunod. Umakyat kami sa hagdan. Nang makarating sa second floor, malawak 'yon at may iba't-ibang pathways. Hindi ko mapigilan ang sariling ilibot ang paningin sa paligid at humanga sa bawat interior design ng mansion.
Hanggang sa natigil kami sa tapat ng malaking pintuan. May dalawang lalaking nakaputi ang nakatayo roon, nagbabantay. Saka ay pinagbuksan kami upang makapasok.
Bumungad na naman sa'kin ang napakagandang chandelier. Kumpara sa nasa baba, mas malaki ang nandito ngayon. Nakatapat naman ang mahabang dining table sa chandelier na nasa taas. Sa magkabilaan ay may mga upuan rin na may disenyo.
Isang babaeng blonde at hanggang balikat ang buhok ang sumalubong sa'min. Pareho sila ni Mom, nasa mid 30 or 40's na ang edad pero hindi halata dahil sa angkin nitong ganda. May pagka-asul rin ang mga mata niya. Medyo pamilyar nga siya sa'kin pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.
"Hello, come in." Matamis siyang ngumiti sa amin. Saka nakipagkamay kay Mom at sa'kin. "I'm Kamira Hawthorne, Austen's mom."
Austen?
Ngumiti rin pabalik si Mom. "Nice meeting you, Mrs. Hawthorne. I'm Valeriana Quinnford, and this is my daughter, Vaziana Quinnford."
Mas lumapad ang ngiti nito nang sumulyap siya sa'kin. "So... you're Austen's wife?"
Napakurap-kurap ako. Austen pala ang pangalan ng asawa ko? Wala sa sariling tumango ako. "O-Opo."
"You're so beautiful." Ngiti niya sa'kin. Pilit lang akong ngumiti, hindi parin nasasanay sa t'wing pinupuri ako. "Sana mapatigas mo ang anak ko." Napangisi siya.
Noong una ay hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero halos mamula sa hiya ang mukha ko nang sabay silang natawa ni Mom. Parang bigla gusto ko takpan ang mukha ko.
May...dapat ba akong patigasin?
Napalunok ako at pinilig ang ulo. Sumunod nalang ako kay Mom na iginigiya na ni Tita Kamira maupo sa harap ng dining table.
Katabi ko si Mom habang nasa harap naman niya si Tita Kamira. Ilang sandali pa nang mapalingon ako sa may pintuan, doon pumasok ang dalawang lalaki. Halos malaglag ang panga ko nang makita ang itsura nila. Ang gwapo nila!
Pero gano'n nalang ang panlulumo ko nang dumeresto ang dalawang lalaking 'yon sa may sofa medyo kalayuan sa'min. Napanguso ako. Akala ko naman kasabay namin silang kumain.
Akala ko naman isa sa kanila ang asawa ko. Huhu.
Sumunod naman si Dad kasama ang isang lalaki na kaedad niya rin siguro. Seryoso silang nag-uusap pero naghiwalay na nang umupo sa tabi ko si Dad. 'Yong lalaking kasama naman niya ay humalik sa pisnge ni Tita Kamira at umupo rin sa tabi niya. Malamang siya si Mr. Hawthorne.
"So, let me introduce myself first," Tumingin sa'min si Mr. Hawthorne. "I'm Austin Hawthorne-"
Wala sa sariling napadausdos ako ng upo sa upuan at nahulog sa sahig! Gulat silang napasigaw dahil naglikha 'yon ng ingay sa paligid. Pati ang mga lalaki sa sofa ay napatingin sa akin.
Napapapikit ako dahil sa hiya. Tinulungan ako ni Dad makabalik sa upuan ko. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay.
"Are you okay, Vaziana?" Si Tita Kamira. "You look pale."
Wala sa sariling napahawak ako sa pisnge ko. Pinagpapawisan ako kahit na malamig naman dito sa loob dahil sa lakas ng aircon nila. Parang gusto kong masuka na hindi ko alam.
"What's wrong, Zia?" Si Mom, nakakunot ang noo sa'kin.
"U-Uh.." Parang gusto ko malubog sa kinauupuan dahil lahat sila ay sa'kin na nakatingin. Kabado akong sumulyap kay...Mr. Hawthorne.
Inipon ko lahat ng lakas ko para magsalita. "I-Ikaw po ba ang asawa ko?"
Natahimik silang lahat sa tanong ko. Parang may dumaan na kakaibang hangin para lahat sila ay matigilan. Kinagat ko ng mariin ang labi dahil sobrang hiyang hiya na. Ano ba naman 'to!
Sa kabila nang pagkatahimik nila ay lahat sila ay biglang humahalakhak. Pati si Dad ay napapailing, nahihiya dahil sa akin. Ang dalawang lalaki naman na nasa sofa ay natatawa rin, at ang isa do'n ay halos magpagulong-gulong pa sa mat dahil sa sobrang tuwa!
Okay. Hindi na sila gwapo sa'kin.
Gusto kong magmaldita pero umurong 'yon dahil sa hiya na nararamdaman ko. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa at maglaho nalang bigla sa harap nila. Parang maiiyak ako.
"Sorry about that," Si Mr. Hawthorne, nakangiti na sa akin. "Hindi ako ang asawa mo, hija. My son, Austen. He is your husband."
Napakagat na naman ako sa labi dahil sa panibagong dagdag na hiya. Gusto kong kutusan ang sarili. Bakit naman kasi hindi nila sinabi sa akin?
"Pasensya na po." Nakayuko kong sabi. Hindi makatingin sa mga mata nila. "H-Hindi naman po kasi nasabi sa akin ang pangalan ng... mapapangasawa ko."
"Zia, anak." Si Mom. Malambing ang boses. Halos tumirik ang mata ko pero pinigilan ko ang sarili ko. "Nakalagay ang pangalan ng mapapangasawa mo sa marriage contract na pinirmahan mo. Hindi mo ba nabasa?"
Hindi ko 'yon napansin dahil ang gusto ko nalang ay pirmahan 'yon at nang matapos na. Narinig ko naman na 'Austen' ang pangalan niya pero hindi ko naman alam na magkatugma lang pala ang pangalan nilang mag-ama.
"It's okay." Si Mr. Hawthorne, nakangiti parin. "Baka nalito lang siya dahil magkapangalan kami ni Austen. Madalas talaga mangyari 'yon." Aniya na natatawa pa at napapailing. Nakahinga naman ako nang maluwag.
Akala ko naman kasi ay siya ang asawa ko. Muntik na akong atakihin sa puso.
Pero buti nalang talaga at hindi.
Pero natigilan ako. Kung hindi siya ang asawa ko... sino?
Nagsimula na silang mag-usap tungkol sa business. Dahil sa sobrang bored ay napatingin ako sa mga maids na nagkukumpulan sa isang tabi nang tumingin sila sa pintuan. Parang may inaabangan silang makita ro'n at kinikilig pa.
"Sa wakas, uuwi na daw dito si Sir!" Bulong pa ng isa pero sapat na para marinig ko. Tutok kasi ang ang atensyon ko sa kanila.
"Hala! Oo nga! Shemss.. makikita ko na naman ang kagwapuhan niya."
"Andyan na si Sir!"
Halos magtititili sila habang titig na titig sa may pintuan. Dahil sa kuryosidad ay tiningnan ko rin kung sino ba ang inaabangan nila.
"Oh, Austen." Niyakap ni Tita Kamira ang lalaki na bagong dating. Hindi pa masyado malinaw sa'kin ang mukha niya kahit na sinisilip ko. Ang nakikita ko lang ay nakasuot siya ng business attire, mukhang galing pa sa trabaho. Ang sabi ng mga maids gwapo daw, eh.
Hinila niya ang kamay nito at inilapit sa'min. "This is Austen, everyone. Our son." Sumulyap sa'kin si Tita Kamira at ngumiti. "And of course your husband, Vaziana."
Umangat ang tingin ko sa kaniya. At gano'n nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapamilyaran kung sino siya.
Parang nakita ko palang siya kanina, ah?
Hindi ko alam kung bakit nag-uunahan sa pagtibok ang puso ko. Gulat rin siyang napatingin sa'kin. Ilang sandali pa kaming nagtitigan hanggang sa mapansin ko ang mga mata niya dahil... kulay blue 'yon!