CHAPTER 4
Kissed?
"Maupo ka na, anak."
Kung hindi lang nagsalita si Tita Kamira ay baka hindi na naalis ang tingin namin sa isa't-isa. Umayos nalang ako ng upo para pakalmahin ang puso kong nag-uunahan sa pagtibok.
"So," Si Mr. Hawthorne. "Austen, have you met her? Vaziana?"
Umangat ang tingin ko kay Austen. Magkaharap na magkaharap lang ang pwesto namin kaya kitang-kita ko ang paninitig niya sa'kin. Umiwas ako ng tingin.
"No." Nakatitig parin siya sa'kin.
Nilapag na ng mga maids ang pagkain sa harap namin. Nalalanghap ko ang mabangong amoy ng mga 'yon. Kumalam agad ang sikmura ko.
"She is Vaziana Quinnford, Austen. Daughter of Valeriana Quinnford." Pagpapakilala ni Mr. Hawthorne sa kaniya. Dahil doon ay naalis ang titig niya sa'kin at kay Mom naman napatingin. Nawala bigla ang emosyon niya sa mukha.
"Nice to meet you, Mrs. Quinnford." Nilahad ni Austen ang kamay niya habang seryoso parin.
Tinanggap ni Mom ang kamay niya. "Nice to meet you, too." Wala rin ang ekspresyon sa mukha ni Mom. Pakiramdam ko tuloy ay hindi naman talaga sila natutuwa na makita ang isa't-isa.
Ako lang ba 'to or nararamdaman ko talaga na may namumuong tensyon?
Tumikhim si Dad. "Let's eat first?"
Sumang-ayon naman ang lahat sa kaniya kaya nagsimula na kaming kumain. Nag-uusap na naman sila tungkol sa business kaya tahimik nalang din akong kumain.
"Vaziana, wala ka bang balak na I-manage ang kumpanya ng Mom at Dad mo?" Tanong bigla ni Tita Kamira.
Dahil doon ay napatingin silang lahat sa'kin. Pinunasan ko muna ang labi ko at nakita kong napatingin doon si Austen. Napataas ang kilay ko. "Siguro po kapag... natutunan ko na."
Bumadha ang pagtataka sa mukha ni Mr. Hawthorne. "Why? You didn't take Business Management?" Tanong niya. Natahimik ako.
Karamihan sa mga nakakakilala sa'kin ay 'yon din ang tanong nila. Bakit daw hindi Bussiness Management ang pinili kong course samantalang nakasasalay daw ang kumpanya sa kamay ko pagdating ng panahon? Lalo na at nag-iisa lang akong anak nila Mom at Dad.
Hindi ko 'yon pinili dahil hindi naman talaga 'yon ang gusto ko. Sa ngayon ay inaalam ko parin kung ano ba talaga ang gusto ko. Wala namang batas ang nagsasabi na kailangan sumunod ng anak sa yapak ng mga magulang, 'di ba? Kaya nakakapagtaka dahil masyado nilang ginagawang big deal ang pagpili ko ng ibang course.
"We didn't force her, though." Si Dad. "Kung ano ang pinili niya ay doon kami. Susuportahan namin siya."
Susuportahan? "Ha..." Mahina akong natawa ng mapait. Dahil katabi ko si Dad ay siya lang ang nakarinig sa'kin. Pasimple niya akong sinamaan ng tingin.
Parang gusto ko magwala ngayon. Hindi naman talaga 'yan ang dahilan. Kahit kailan, hindi nila ako sinuportahan. Kahit kailan ay hindi ko 'yon naramdaman, lalo na sa kanila na sarili kong mga magulang.
Hindi nila ako pinilit dahil natatakot sila. Natatakot silang lumubog lang sa kamay ko ang pinakamamahal nilang kumpanya kaya hindi na nila ako pinilit na kunin ang kurso na gusto nila para sa'kin. Baka daw magpabaya lang ako, o sadyain kong ipalubog ang kumpanyang 'yon.
Ang babait ng mga magulang ko, 'di ba? Sa sobrang bait, ang sarap layasan.
"Anong course ang kinuha mo, hija?" Maingat na tanong sa'kin ni Tita Kamira. Parang naramdaman niya ata ang tensyon sa'ming dalawa ni Dad kaya ngumiti siya sa'kin. Tipid lang akong ngumiti.
"Tourism po."
"Well, Austen takes Business Management." Sumeryoso ang mukha ni Mr. Hawthorne. "Wala naman kasi kaming maaasahan sa kapatid niyang rebelde."
Mukhang hindi nagustuhan ni Austen ang sinabi ng Dad niya. "Dad." Mas sumeryoso pa siya. Nagkibit balikat lang si Mr. Hawthorne, walang pakialam sa nasabi.
Pati si Tita Kamira ay natahimik din. Biglang nagbago ang atmosphere sa paligid dahil tahimik na silang kumakain.
Tahimik ko nalang din na tinuloy ang pagkain ko. Ayokong magsalita at baka mapahiya na naman ako sa harap nila. Baka hindi ko na kayanin.
At ayoko 'ring mapahiya sa gwapong nilalang na nasa harap ko.
Napailing nalang ako sa iniisip. Kahit maldita ako ay bigay na bigay ako sa mga gwapong nakikita ko. Eh, ano naman 'di ba? Gwapo, eh. Sa sobrang gwapo nga ng lalaking nasa harap ko, halos makalimutan ko nang asawa ko na siya.
Hala! Ano?!
Parang bigla ay napatigil ako nang unti-unting may marealize. Saka ko dahang-dahang sinulyapan si Austen— na asawa ko daw.
Nasa pagkain ang buo niyang atensyon kaya malaya kong natitigan ang mukha niya. Kita ko rin ang marahang paggalaw ng buhok niya dahil sa sobrang kapreskuhan no'n. Mapungay naman ang asul niyang mga mata na nakaderesto lang ang tingin sa harap. Matangos ang ilong, may katamtamang tubo ng balbas at ang manipis at pula niyang labi.
Pero mas lalo akong napalunok nang bumaba pa ang tingin ko sa leeg niya. Maputi 'yon at mukhang malambot at parang ang sarap kagat-kagatin. Tuluyan na nga akong nalula pa sa mga naiiisip nang dahan-dahang gumalaw ang Adam's apple niya dahil sa paglunok.
Zia! Maawa ka! Umayos ka!
Kahit anong pagpapaalala ko sa sarili ko ay hindi ko magawang bumalik sa katinuan. Masyadong nakakabaliw ang itsura niya na sa simpleng pagtitig lang sa kaniya ay pakiramdam ko dinadala na ako sa langit.
"I can file a case against you."
Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses niya. Masyado 'yong baritono dahilan para mas lalo ko pa siyang matitigan.
Dimwit... nasa langit na ba ako? Parang naririnig ko kasi sa buong paligid ang boses niyang nakakaakit.
"You're unbelievable but gorgeous... as always."
Bigla akong natauhan sa kagagahang nagawa nang marinig ulit ang boses niya. Sh*t! Hindi 'yon panaginip! Totoong kinakausap niya ako!
Nang makabawi ay umayos ako ng upo at umiwas ng tingin. "H-Ha?" Natutuliro at napapahiya kong sabi nang hindi maintindihan ang sinabi niya.
Narinig ko ang mahina niyang tawa dahilan para mas lalo akong mapahiya at napayuko. Pero kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil kaming dalawa nalang pala ang naiwan dito sa may dining area. Nagsimula naring magligpit at maglinis ang mga maids sa mesa.
Geez, gano'n ba talaga ako kalutang para hindi mamalayan ang pag-alis ng mga kasama namin?
Hinintay niya munang matapos maglinis ang mga maids sa harap namin saka nagsalita. "I said, I can file a case against you." Sabi niya. Dahil doon ay napatingin ako sa kaniya, nagtataka.
"H-Huh? Anong case?" Naguguluhan kong tanong.
"Case..." Ngumiwi siya. "Kaso, parang gano'n. Ang ibig kong sabihin, pwede kitang kasuhan."
Nalukot ang mukha ko. Bigla ay gusto kong magtaray. "Alam ko ang ibig sabihin niyan dahil nakakaintindi ako ng english." Umirap ako. "Ang ibig ko 'ring' sabihin, anong ikakaso mo sa'kin?" Taas kilay kong tanong.
Nagpipilit siyang magseryoso pero nakikita ko ang paghanga sa asul niyang mga mata habang nakatingin sa'kin. Hindi ko alam kung bakit. "Rape."
"Ano?!" Wala sa sarili kong singhal. Inis ko siyang nilingon. Ang gag*ng 'to, oo sa isip nire-r**e ko siya pero in physical? Err! Mangarap siya!
"Well, it suits you." Aniya habang magkakrus ang braso habang derestong nakatingin sa'kin. Lumalakas na ang paghinga ko ng malalim dahil sa inis at mukhang natutuwa pa siya sa itsura ko. "You're totally eye-r****g me earlier."
Kahit totoo naman ang sinabi niya ay hindi ako magpapatalo. "Hindi kaya. Baka nananaginip ka lang." Tanggi ko.
Tipid siyang ngumisi sa'kin. Kahit kating-kati na akong abutin siya para masapak sa mukha ay nagpigil nalang ako at tinaasan lang siya ng kilay.
"Hindi mo nga namalayan ang pag-alis ng mga parents natin. Hindi mo rin pinakinggan ang pagpaalam nila sa'yo." Siya naman ang nagtaas ng kilay, hinuhuli ako. Namula ang pisnge ko sa hiya at dinaan nalang sa irap.
Masyado kasing lulong sa gwapo! Ayan tuloy!
"Psh... pasalamat ka at gwapo ka." Bulong ko. Hindi ko alam kung narinig niya ba 'yon pero wala akong pakialam.
"What?"
"Wheth?" Maarte kong ginaya ang tanong niya. "English-english ka pa. Marunong ka naman pala mag-tagalog."
Mahina siyang natawa at parang may kung anong binulong. "Magtatagalog na ako palagi kung babayaran mo ako."
Kumunot ang noo ko. "Para saan naman?"
"Sa pagtitig mo sa'kin." Muli pa siyang ngumisi. "Kailangan ko nang manghingi ng bayad."
Iirap na sana ako pero nanigas ang katawan ko nang marinig ang huli niyang sinabi.
Parang... parang narinig ko na ang line na 'yon, ah?!
Magtatanong na sana ako sa kaniya nang bigla ay may tumunog na cellphone. Mukhang sa kaniya 'yon galing dahil agad siyang may pinindot sa phone niya at inilagay sa tainga.
"You're here?" Rinig kong tanong niya sa kausap. "Okay, wait. Bababa na ako."
May kausap siya kaya pagkakataon ko na ata 'to para lumabas. Kaya kahit nacu-curious ako kung sino ang kausap niya ay dahan-dahan na akong tumayo habang hindi pa siya nakatingin at mabilis pa sa hangin na tumakbo palayo sa kaniya.
Masu-suffocate ata ako kung magsstay lang ako doon.
Kaso hindi ko naman alam kung saan hahanapin sina Mom at Dad. Kaya napagpasyahan ko nalang na umikot sa bahay nila.
Masyado kasing nakaka-enganyo ang mga designs sa bawat sulok ng bahay— o siguro mas tamang sabihing mansiyon. Sa laki kasi ng mansiyon nila na 'to, pakiramdam ko maliligaw ako. Pero syempre mamaya ko na 'yon iisipin at eenjoyin ko nalang ang pag-iikot sa mansiyon nila.
Naagaw ng atensyon ko ang isang malaking painting. Ang painting na 'yon ay mukhang ang buong pamilya nila Austen.
Nakatayo sa likod si Mr. Hawthorne o Tito Austin at si Tita Kamira suot ang mamahalin nilang formal attire. Habang nakaupo naman ang batang si Austen sa upuan katabi ng isang maliit na babae.
"Ang cute... hihi." Mahina akong humagikhik ng masuri ang itsura ni Austen no'ng bata pa siya. Mukha siyang hindi masaya sa picture na 'yon pero lamang pa ang kacute-tan niya sa kagwapuhan niya. Habang malaki naman ang ngiti no'ng batang babae. Malamang siya yung tinutukoy ni Tito Austin kanina na 'rebelde' daw.
Pamilyar nga sa'kin ang mukha ni Austen no'ng bata pa siya pero mas natuon ako doon sa batang babae na katabi niya. Parang mas pamilyar kasi 'yon sa'kin.
"Parang kilala ko siya..." Inisip ko pa ng inisip habang titig na titig doon sa batang babae. Maganda siya at mukhang maamo. Katulad ni Austen, blue rin ang mga mata niya pero may pagka-light blue 'yon.
Sumuko nalang ako sa pag-iisip at dumaan nalang sa malawak na hallway na nakita ko.
Dahang-dahan na naglalakad, magkabilaan ang mga paintings at pictures sa bawat dingding. Meron pang ibang paintings na mukhang mga royalties... prinsesa at prinsepe, mga mamahalin at mabibigat ang suot. Mukhang ninuno nila. Meron rin kasi akong nakita na halos lahat sila ay asul ang mga mata.
"Wow naman..." Wala sa sarili kong sambit habang palinga-linga sa paligid. "Ang gaganda ng lahi nila. Magpalahi narin kaya ako?"
Kahit hindi ako mahal ni Austen ay handa akong magpalahi sa kaniya. Gusto kong magkaro'n ng anak na kulay blue rin ang mga mata!
Kinikilig pa ako sa kalandian na naiisip ko nang may masulyapan ako banda sa tabi ng malaking vase na nasa gilid ko. Para kasing may malakas na hangin na lumalabas mula doon.
May butas ba dito?
Nagtataka padin ako nang ilang hakbang lang ay mas lalong napaawang ang labi ko. May veranda pala dito!
Kaya pala ang lakas ng hangin.
Hinawi ko ng dahan-dahan ang glass door sa takot na baka mabasag 'yon. Nakakastress makasira ng kahit anong bagay sa bahay na 'to. Kahit yata alikabok ay mas mahal pa sa buhay ko.
Nang sa wakas ay nakalabas na ako, bumungad sa'kin ang sariwang hangin dahilan para mapapikit ako. Sobrang ganda ng view sa baba mula dito at ang payapa sa pusong huminga.
Sandali pa akong nagstay doon. Hanggang sa napatingin nalang ako sa isang black sedan na papasok sa mansiyon nila. Medyo pamilyar nga sa'kin ang kotse na 'yon. Saka ko naisip ang mga kotse ni Mom.
Baka kapareho lang.
Nang magpark ang koste sa tabi ay may lumabas rin doon na gwapong lalaki. Nakasuot siya ng plain maroon t-shirt at black slacks. Nakasunglasses at may scarf pa sa leeg kaya hindi ko masyadong makita ang mukha. Pero sigurado akong gwapo 'yon.
Nakasandal lang siya sa kotse na para bang may hinihintay. Hanggang sa lumapit sa kaniya si Austen.
"Ah.. baka kaibigan." Sabi ko habang tinitingnan sila. Mukha kasi silang close.
Pero nagsimula na akong maguluhan nang makita na niyakap ni Austen 'yong lalaki. Ilang sandali pa at niyakap din siya nito pabalik. Nagtagal pa ang yakapang 'yon at parang gusto kong ngumiwi.
Normal pa ba 'yan?
Kung babae sila pareho o kung isa sakanila ay babae normal pa 'yon. Pero... pareho silang lalaki!
Sino ba naman mag-iisip na normal ang ginagawa nila kung may ibang nakakakita sa kanila?!
Pero mas lalo akong nagulat sa sunod na na nakita.
Dahil hinalikan ni Austen yung lalaki sa pisnge!
"What the...?!"