CHAPTER 5

1879 Words
CHAPTER 5 Package "How are you, Vashi?" Umismid ako nang makita ang kadarating lang na si Kelah. "Wag mo akong ini-english english, babaita. Wala ako sa mood." "Eto naman!" Ngumuso siya at pasalampak na naupo sa tabi ko. "Ang sungit mo ngayon ha? Ano ba nangyari?" Nanonood kami ngayon ng movie sa TV dito sa apartment na matagal na naming tinitirhan ni Kelah simula nang mag-college kami. Hindi nga kami umasa nang kahit na anong tulong mula sa pamilya namin. Lahat ng binayad namin sa apartment na 'to ay galing mismo sa sarili naming pawis. Matagal na kaming nagkakilala ni Kelah kaya sanay na akong nandiyan siya lagi sa tabi ko. Paanong hindi? Eh, nakatira kami sa iisang bahay. Hindi kumakain ang isa sa'min hangga't 'di pa dumarating ang isa. Kapag naman gumagawa kami ng school works noon, sabay kami lagi maging busy at natatapos. Kapag naman pareho na kaming hindi busy ay gumagala kami o kaya nanonood ng movie. Madalas din tabi kami matulog. Kung hindi lang babae ang isa sa'min malamang napagkamalan na kaming magboyfriend-girlfriend sa pagiging depende namin sa isa't-isa. Dahil sa tanong niya ay bumalik na naman sa isip ko ang nakita ko kanina. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin 'yon kay Kelah. Sasabihin ko sa kaniya na bakla ang asawa ko? Isipin ko palang ay hindi ko na kaya. Alam ko naman hindi pa gano'n kalalim ang koneksyon namin sa isa't-isa ni Austen. Pero ayokong sirain ang imahe niya sa ibang tao. Kahit pa sa pinakamatalik kong kaibigan. Saka gwapo siya. Sayang naman Napahinga ako ng malalim. "Problemadong-problemado, girl? Ano ba, may balak ka bang magkwento o wala?" Narinig ko nalang ang pagbukas ng bote. Nakita kong may dalawang beer na hawak si Kelah. Ni hindi ko man lang namalayan na magdadala na naman 'to ng alak. "Yong..." Bumuntong-hininga ako. "Asawa ko—" "Hala! Hala!" Bigla ay sigaw niya. Napatakip ako sa tainga. Kahit kailan naman talaga oo. "May asawa ka na nga pala! Oh, sh*t! Sh*t!" Tumitili parin siya. Dahil sa sobrang inis ay malakas ko siyang binatukan sa ulo. "Aray ha!" Reklamo niya sabay kamot sa ulo. Sinamaan ko siya ng tingin. "Napaka OA mo talaga, 'no?" Bumungisngis lang siya at mas lalong lumapit sa'kin. Umirap nalang ako. "Ano na balita sainyo? Kamusta honeymoon?" Tanong niya saka bahagyang tinusok-tusok ako sa tagiliran na parang nang-aasar. Saka siya nakangising bumulong. "Magaling ba?" Nanlaki ang mga mata ko! "Kelah!" Natatawa siyang lumayo sa'kin. "Eto naman. Painosente ka pa, ha? Ano? Kamusta nga? Masarap ba?" Lihim akong napamura. Hindi ko alam kung bakit naapektuhan ako sa tanong niya at nag-iinit ang pisnge ko nang sobra. Samantalang wala namang nangyari sa'min! "T-Tigilan mo 'ko, Kelah! Walang nangyari sa'min!" "Ay. Defensive?" Tumaas ang kilay niya at humalakhak. "Parang magse-share kalang naman ng kahit konting experience sa'kin. Para kapag sa'kin nangyari alam ko na ang gagawin." Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na 'yon pinakinggan at nagtakip nalang ng tainga habang mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko. Ghad. Hindi ko kinakaya ang mga tanong niya! "Zia! Hoy! Hindi pa tayo tapos!" Sigaw niya mula sa sala. Hindi ko nalang siya pinansin. Bahala siya diyan. Uminom siya mag-isa. Nahiga ako sa kama saka tumulala sa kisame. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang nakita kanina. Inis kong hinilamos ang palad sa mukha ko. Ano ba 'yan?! Bakit ba naiisip ko 'yon?! Bakit apektadong-apektado ako? Eh, hindi naman namin kilala ang isa't-isa kaya kahit mag-asawa na kami ay pwede niya paring gawin lahat ng gusto niya. Hindi ko siya pipigilan dahil arrange marriage lang naman ang nangyari sa'min. At gusto kong gano'n rin siya sa'kin. Pero bakit ako nagkakaganito? Nawala lang lahat nang nasa isip ko nang marinig na tumunog ang phone ko. Tamad kong kinuha 'yon at pinindot ang answer button. "Zia." Malamig na boses ni Mom ang narinig ko. Umayos ako ng upo sa kama. "Yes, Mom?" Pormal kong tanong. Sandaling nanahimik sa kabilang linya saka siya muling nagsalita. "Where are you?" Sandali akong nag-isip. Alam ko na kasi ang magiging reaksiyon niya kapag nalamang nandito na naman ako sa apartment na tinirhan namin ni Kelah. "Nasa bahay ako ng kaibigan ko, Mom." "Liar." Natigilan ako sa sinabi niya at nang mag-iba ang tono ng boses niya. Napapapikit ako. Galit na naman siya. I'm doomed. "How many times do I have to tell you, Vaziana? Hindi ba sinabi kong huwag ka nang bumalik sa ganyang apartment?" Nagulat ako nang marinig ang sinabi niya. "Paano niyo nalamang nandito ako?" "We're tracking you." Mas lalo akong nagulat at kinuyom ang kamao. "What?!" Hindi naman bago sa'kin ang ganito. Hindi ordinaryong tao sina Mom at Dad at alam ko ang ganitong klase nilang kakayahan. Hindi ito ang unang beses na ginawa nila sa'kin 'to. Wala pa ako sa legal age ay mas mahigpit ang pagbabantay nila sa'kin. Kalat sa buong paligid ang bodyguards at alam nila lagi ang location ko. Sila lagi ang nagdedesisyon kung saan ako dapat pumunta. Noon ay naiintindihan ko sila dahil hindi ko pa naman kaya ang sarili ko pero simula nang mag 18 ako ay nagrerebelde na ako dahil sa sumusobra na sila sa ginagawa sa'kin. Halos wala na akong privacy. Kulang nalang pati sa CR ay lagyan nila ng camera para lang makita na wala akong gagawing mali o hindi tatakas. Sa tingin ko naiintindihan naman nila na malaki na ako para bantayan dahil tumigil rin sila nang mag 20 ako. Pero ngayong ginagawa na naman nila 'to ay hindi ko mapigilan ang galit ko. "Mom! Tracking?!" Malakas akong humugot ng hininga. "Maiintindihan ko pa kung ikaw lang ang nagbabantay sakin pero — 'we're' means hindi lang kayo iisa! Ano ba 'to?! Kailan niyo ba ako pakakawalan?!" "Zia—" "Sa ginagawa niyo sa'kin parang kinukulong niyo na ako! God, Mom! I'm already 24 years old for goodness sake! Nearly 25! At may asawa na! Pero bakit kung bantayan niyo na naman ako ay parang itatanan ako nang kung sino?? Hindi pa ba kayo masaya na naitali niyo na ako sa hindi ko kilala kahit hindi ko gusto?!" Tumataas na ang boses ko at wala na akong pakialam kahit pa marinig 'yon ni Kelah. Sa sobrang galit ko hindi ko namalayang kumakatok na siya dahil sa akalang kung ano na ang nangyayari sa'kin. "Zia? Okay ka lang ba?" Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili. Bahagya ko munang nilayo ang cellphone sa'kin saka sinagot si Kelah. "I'm okay, Kelah. Kausap ko si Mom." Alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin kaya umalis na muna siya at manonood lang daw ng TV kung kailangan ko siya. Wala naman akong tinatago sa kaniya pagdating sa family problems ko kaya agad niya akong naiintindihan. Muli pa akong huminga ng malalim saka binalik sa tainga ang cellphone ko. "...for your protection, you need to seduce your husband." Natigilan ako. "W-What?" Nanaig ang katahimikan sa kabilang linya saka ko narinig ang malalim na paghinga ni Mom. "You have to seduce Austen." Natahimik ako. Ina-absorb sa utak ang narinig. S-Seduce?? Akitin?? Pero bakit?! "They're getting near, Zia. You have to move fast." Rinig ko ang nagmamadaling yabag sa kabilang linya. "Puntahan mo ang palace ng mga Hawthorne at itanong mo sa kanila ang address ng bahay niyo ni Austen. Kung nandoon ka na, I'll promise that we will stop tracking you from now on. Just remember what I've said. Seduce Austen so we can stop tracking you. Kapag nagawa mo 'yan, hinding-hindi ka na namin babantayan. Dahil alam naming mas mababantayan ka ni Austen." Nakaawang lang ang labi ko at hindi magawang makapagsalita. Punong-puno ng katanungan ang isip ko at parang sasabog na 'yon. Gustong-gusto kong magsalita pero hindi magawang bumuka ng bibig ko. "By the way, I have a package for you. It will help you to accomplish your mission. And that is to seduce your husband. Do you understand, Vaziana?" Puno nang awtoridad ang boses ni Mom. Walang halong pagbibiro. Kahit wala siya sa harap ko ay wala sa sarili akong tumango. "I'm hanging up now. Go and find Austen." Hindi ko alam kung ilang minuto na simula nang makausap ko si Mom pero nandito parin ako, nakatayo at parang wala sa sarili. Sa dinami-dami nang sinabi niya ay hindi ko na halos makuha at malaman ang kahulugan no'n. Tulala lang ako pero alam kong isa lang ang pinakatumatak sa'kin. "You need to seduce your husband." Nakabalik na ako sa katinuan kaya hinayaan ko nang bumagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Tinitigan ko ang ceiling na parang ando'n lahat ng kasagutan sa mga tanong na gumugulo sa isip ko ngayon. Ano ba talagang nangyayari? Noong una palang ay pansin ko na talaga na may iba sa mga ikinikilos ni Dad at Mom. Lalo na si Mom. Pakiramdam ko may malaki silang sikreto na tinatago sa'kin. Ano kayang klaseng sikreto 'yon at tinago nila sa'kin nang ganito kahabang panahon? Kahit mag-isip pa ako ng malalim ay wala talaga akong makuhang sagot. Napasabunot nalang ako sa sariling buhok dahil sa frustasyong nararamdaman. "Zia?" Maingat na binuksan ni Kelah ang pinto saka pumasok. Nang makita ako ay ngumiti lang siya sa'kin saka ako sinugod ng yakap. Natatawa akong niyakap siya pabalik. "Bakit?" "Okay ka lang?" Nag-aalala niyang tanong. Kahit alam kong gusto niya rin akong tadtarin ng tanong ay mas pinili niyang yakapin nalang ako at iparamdam na nandiyan lang siya. Hindi ko mapigilang ngumiti. "Oo naman." "Inom tayo. Ikaw kasi nang-iiwan ka. Nawalan tuloy ako nang gana uminom." Humalakhak ako. "Ikaw? Mawawalan ng ganang uminom? Imposible." Tumayo siya at hinila din ako patayo. "Halika na honey bunchie." "Kadiri ka!" Parang nangangasim ang mukha ko sa sinabi niya habang lukot ang mukha na nakatingin sa kaniya. Saka kami sabay na natawa. Pero natigil kaming pareho nang marinig na may kumakatok sa pinto mula sa labas. "May bisita ka?" Tanong ko kay Kelah. Naguguluhan siyang umiling sa'kin. Bumalik nalang ako sa sofa at tinuloy yung pinapanood naming movie habang si Kelah naman ay tiningnan kung sino ang tao sa labas. Ilang sandali pa at narinig ko nalang na nagsara na ang pinto. "Ano 'yon?" "Package daw." Ani ni Kelah habang may hawak na hindi kalakihang box. "Kanino?" Binasa niya ang papel na nasa package. "Sa'yo pala 'to, eh." "Patingin." Binigay niya sa'kin yung kahon. Sandali ko pa 'yon tiningnan saka ko naalala ang sinabi ni Mom kanina. "I have a package for you. It will help you to accomplish your mission." Eto kaya 'yong sinasabi ni Mom? Dahil sa kuryosidad ay sinimulan ko nang buksan ang package. Nakikitingin rin si Kelah, inaantay kung ano ang laman. Kung ano mang bagay 'to sana makatulong talaga 'to sa'kin. Una naming nakita ang plastic na may lamang malambot na tela. Nagsimulang kumunot ang noo ko. Nang sa wakas ay matanggal ko na ang plastic at nakita ang laman, parehong nanlaki ang mga mata namin ni Kelah. "Sh*t, Zia! Ano 'yan?!" Nakatulala lang din ako at hindi masagot ang tanong ni Kelah. Napakagat ako sa labi. Ganitong klaseng bagay ba ang makakatulong sa pag-akit sa baklang 'yon?! Sinuri ko pa nang maayos ang damit na pinadala ni Mom. Bakit naman niya ako bibigyan ng lingerie?! Susuotin ko ba 'to sa harap ng lalaking 'yon?? Dimwit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD