CHAPTER 6
Unknown
"Wag mong sabihing susuotin mo talaga 'yon sa harap ng asawa mo?" Tanong sa'kin ni Kelah.
Huminga ako ng malalim habang pinakatitigan ang sarili sa harap ng salamin. Nag-aayos na ako ngayon para umalis at pumunta sa palace ng mga Hawthorne.
"Kailangan, Kelah." Naglagay na ako ng konting lipstick sa labi ko. "Yon ang sinabi ni Mom."
Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa'kin mula sa salamin. "So, susundin mo na ang Mommy mo ngayon?"
Kumibit balikat nalang ako.
"Grabe naman kasi 'yang nanay mo, 'no?" Aniya pa. "Napaka-mysterious."
Hindi ko 'yon maitatanggi. Totoong napakamisteryoso ni Mom. Iba ang aura at laging pino kung kumilos. Pero pagdating sa seryosohang bagay, mahusay siya sa pagmamanipula ng mga tao sa paligid niya.
Pakiramdam ko nga na kahit ako, ang mismomg anak niya, ay hindi siya kilala.
"Ramdam ko talagang may tinatago sila sa'kin." Napatingin sa'kin si Kelah. "Susunod ako ngayon dahil mukha namang hindi nagbibiro si Mom. Pero habang sumusunod ako sa kanila, aalamin ko rin ang sikreto nina Mom at Dad."
Natahimik si Kelah. Nagtaka ako kaya nilingon ko siya. Titig na titig siya sa'kin.
"Kelah?"
"H-Ha?" Parang natutuliro siya. Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Anong problema?"
Ilang sandali pa siyang nakatitig sa'kin hanggang sa ningitian niya ako. Pero nakikita kong pilit 'yon.
"Wala. May naalala lang ako."
Kahit gusto ko magtanong ay pinili ko nalang manahimik. Kung ano man 'yon ay alam ko namang sasabihin niya rin 'yon sa'kin.
Natapos na akong mag-ayos. Aalis rin daw si Kelah pero mamaya pa ang lakad niya kaya hindi siya makakasabay sa'kin. Tatambay daw muna siya dito sa apartment namin.
Nasa gitna ako ng pagsusuot ng sapatos ko nang bigla ay marindi ako nang tumili si Kelah.
"Kelah!"
Tumakbo papunta sa'kin si Kelah. Nakanguso siya at nakakunot ang noo. Nang bigla ay walang sabi-sabi niya akong niyakap saka umiyak na parang bata.
"Kelah? Bakit?"
"Yung kuya ko, Vashi... huhuhu..."
"Ha?" Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Ano nangyari sa kuya mo?"
"Yung kuya ko..." Nagtakip siya ng mukha. Parang naiiyak o pinipilit umiyak?
"Kelah?"
Sa totoo lang wala akong kaide-ideya kung sino ang kuya niya. Ang sabi niya lang noon sa'kin, may kapatid siyang lalaki na grabe kung isspoiled siya noon. Hindi ko lang alam kung ano ang nangyari sa kanila ngayon. Ang alam ko lang, matagal narin silang hindi nagkikita.
Parang tuliro siyang tumingin sa'kin. Saka ay suminghot-singhot. "May asawa na yung kuya ko."
Ang baliw na babaeng 'to. Nag-iinarte lang pala.
Inirapan ko siya. "Oh, ano namang nakakaiyak do'n?"
"Hindi 'yon pwede!" Nagpapapadyak pa siya na parang bata. "Hindi pa kita napapakilala sa kaniya! Huhu! Sana pala gumawa na ako ng paraan bago ka makasal sa iba. Nakalimutan kong irereto nga pala kita sa kuya ko!"
Ngumiwi ako. "Baliw ka na."
Sinamaan niya ako ng tingin habang nakanguso. "Hindi ka magsisisi makilala kuya ko, Vash. Gwapo rin 'yon at tulad ko, blue rin ang mga mata!"
Natigilan ako. Blue ang mga mata? Isang lalaki ang lumitaw sa isip ko. Ang gwapo at perpekto niyang mukha, ang mga mata niyang kasingkulay ng kalangitan... mga matang inaakit ako papalapit...
"Hoy!"
"H-Huh?" Nagulat nalang ako nang kalabitin ako ni Kelah.
"Sabi ko," Mukhang inis na siya ngayon. "I-date mo kuya ko!"
Umirap ako. Eto at tinamaan na naman siya ng kabaliwan. "May asawa na ako, Kelah."
"Maganda nga mga mata no'n! Malamang mas gwapo pa yung kuya ko kesa sa asawa mo." Umismid siya. Natawa ako.
"Mas maganda parin ang mga mata ng asawa ko..." Nakangiti akong napangalumbaba. Hindi alintana ang titig ni Kelah sa'kin. Pero natigilan ako nang maalala na may lakad pa nga pala ako.
"Aalis na ako, Kelariah Mariah." Ani ko habang nagmamadaling isakbit ang bag sa balikat ko. Nang makalabas pa ako ng pinto ay hindi nakatakas sa pandinig ko ang sinigaw niya.
"Vaziana Elix!"
Natawa nalang ako habang nagmamadaling naglakad. Ayaw niya kasing tinatawag siya sa buo niyang pangalan. Kaya lagi ang sarap niyang asarin. Pikunin kasi.
Nang makalabas ng building ay dali-dali akong pumasok sa kotse ko at mabilis na pinaandar 'yon papunta sa palace ng mga Hawthorne.
NANG MAKARATING ay agad akong pinagbuksan ng gate ng mga guard. Mabilis kong pinark ang kotse sa loob saka lumabas.
Nang bumaling ako sa tabi ng kotse ko ay gano'n nalang ang pagkakalukot ng mukha ko nang makita yung kotse ng lalaki kanina.
Yung lalaking hinalikan sa pisnge ng asawa ko!
Hindi ko alam kung bakit nabibwisit ako at parang gusto kong basagin at batuhin ng bato ang kotse na nandito sa harap ko. Kung nakakasugat lang ang mga tingin, malamang durog na ang sasakyan na 'to.
Sana pati yung may-ari nito madurog ko rin.
Nang maalala kong may pagkakahawig 'to sa isa sa mga kotse ni Mom, pasimple muna akong naglakad sa likod ng kotse. Saka ko sinilip ang plate number.
Gano'n nalang ang panlalaki ng mga mata ko.
Plate number: QUINN-87.
Eto nga 'yon! Isa 'to sa mga kotse ni Mom!
Pero papa'nong napunta sa higad na lalaking 'yon ang kotseng 'to?
Kabisado ko ang plate number nito dahil eto ang madalas kong ginamit noong nagpapractice palang akong magdrive. Kaya sobrang pamilyar ng kotseng 'to sa'kin dahil minsan ko narin 'tong minahal at naging paborito. Kaya bakit ko naman babasagin 'to?
Tama. Ang dapat na binabasag, ay ang hayop na gumamit nito.
Habang lukot ang mukha, kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang plate number. Itatanong ko kay Mom kung ano ang nangyari at napunta sa iba ang black sedan ko.
"What are you doing?"
Napapapitlag ako at halos mapatalon sa gulat nang makarinig ng boses. Gano'n nalang ang gulat ko nang makita yung lalaking nagmamaneho nitong kotse na 'to. Siya yung kayakap ni Austen kanina. Pinatapang ko ang mukha ko at taas noo siyang tiningnan.
"Pakialam mo?"
Tumitig siya sa'kin. Bumaling lang ang ulo niya patagilid na parang sinusuri ako. Imbes na mailang sa klase ng titig niya ay tinaasan ko lang siya ng kilay.
Nakapamulsa siyang humarap sa'kin. "Are you stalking me?"
Umawang ang labi ko sa naging tanong niya. Ang gágo! Gwapo nga pero makapal naman ang pagmumukha!
"Excuse me," Inirapan ko siya. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Kung gano'n, bakit pinipicturan mo ang plate number ng kotse ko? Isn't that a part of stalking?" Siya naman ang nagtaas ng kilay.
Sinamaan ko siya ng tingin. Tingin na sana ay nakakapaso o nakakamatay. Hindi ko alam kung bakit at parang kumukulo ang dugo ko sa kaniya. Gusto ko siyang makitang humandusay sa harap ko.
Masama na ba ako nito?
"Whatever." Sabi ko nalang at walang sabi-sabi siyang tinalikuran at naglakad na papasok ng mansiyon. Parang narinig ko pa siyang tumawa o baka guni-guni ko lang 'yon.
Kung kanina marami-rami ang tao dahil sa party, ngayon ay puro maids nalang ang nandito. Naalala ko pa naman kung saan ang dining area kaya tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Itatanong ko nalang sa maids kung nasa'n si Tita Kamira.
"Ah... nasa balcony po, kasama si Sir Austen." Sagot ng isang maid na napagtanungan ko.
So nandito pa pala ang lalaking 'yon?
Sumunod ako sa maid dahil hindi ko alam kung saang balcony ang tinutukoy niya. Sa laki kasi ng mansiyon nila, hindi lang iisa ang balcony na meron sila.
"Ayun po si Ma'am Kamira. Puntahan niyo nalang po." Saka niya tinuro yung pathway deresto sa balcony.
Nagpasalamat ako sa maid saka naglakad papunta kay Tita Kamira. Umiinom siya ng wine habang nakatanaw sa view mula sa baba. Tumingin ako sa paligid. Wala naman na dito yung Austen na 'yon.
"Uhh... Tita..."
Dahang-dahang lumingon sa'kin si Tita Kamira. Agad sumilay sa labi niya ang ngiti ng makita ako.
"Ikaw pala, Zia, dear." Lumapit siya sa'kin saka ako masuyong hinawakan sa bewang. "Why? You need something?" Tanong niya.
"Uhm.. s-si Austen po?"
"My son? Kakaalis lang, hija. Sayang at hindi mo naabutan." Muli pa siyang uminom ng wine at tumingin sa'kin. "Bakit pala hindi kayo magkasabay? Dapat sabay na kayo ngayon pumunta para tingnan ang bahay niyo. The interior designs... magaling pumili si Austen sa mga ganoong bagay. I'm sure, you'll love it. " Magiliw pa siyang ngumiti.
Pilit lang akong ngumiti. Alam ko naman na darating ang araw na 'to pero hindi ko pa alam kung ano ang dapat na maging reaksiyon ko. Hindi ko naman kasi ginustong ikasal. Kailangan ba, dahil may asawa na ako.. lahat ng ibibigay niya sa'kin ay dapat na ikatuwa ko?
"Kasi po, hindi ko rin po alam ang address ng... bago naming titirhan. Kaya nga po ako nandito dahil itatanong ko sainyo."
"What?" Bumakas ang kaguluhan at gulat sa mukha ni Tita Kamira. "Hindi ba sinabi sa'yo ni Austen?"
Umiling ako. "Hindi po."
Mas lalong nagulat si Tita Kamira. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa'kin at kinuha ang phone sa bulsa. Wala na ang ngiti sa labi niya ngayon at mukhang naiinis siya. Hindi ko alam kung bakit.
"I can't believe this." Usal niya habang nagtitipa sa phone. "Why are he treating you like this? Mag-asawa na kayo. Dapat ang mga ganitong kasimpleng bagay ay sinasabi niya sa'yo." Napahawak pa siya sa sentido na parang problemadong-problemado. "My God, Austen..." Bulong niya pa.
Lihim akong ngumiwi. Bakit masyadong big deal sakanila 'yon? Sa totoo lang wala naman 'yon sa'kin. Kahit walang pakialam si Austen sa mga ginagawa ko ay ayos lang dahil gano'n rin naman ako sa kaniya. Ang iniisip ko kasi, since arranged marriage lang naman 'to, wala parin kaming pakialamanan sa isa't-isa. Pero parang hindi ata 'yon pwede sa mga magulang namin. Ang buhay may asawa nga naman.
Huminga ng malalim si Tita Kamira at nagungusap na tumingin sa'kin. "I'm so sorry, Zia. Hindi ka daw masusundo ni Austen dahil may pupuntahan pa daw siya." Umiling-iling siya. Habang ako naman ay parang estatwa na hindi alam kung ano ang dapat na reaksiyon o maramdaman. "Ibibigay ko nalang yung address ng village niyo. Ang alam ko kasi buong araw na 'to ay nasa meeting si Austen sa opisina kaya hindi ka na mahahatid."
Nasa meeting? Buong araw? Ha. Eh, nakita ko nga siya kanina pagkatapos ng party na may lalaking kayakapan. Lihim akong umismid.
Nawala na naman ako sa mood kaya agad na akong nagpaalam kay Tita Kamira na aalis na. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko sa harap niya tungkol sa anak niya.
Lumabas na ako at matamlay na sumakay sa kotse. Ilang sandali pa akong tumulala bago ko pinaandar ang makina.
Hindi ko alam kung anong dapat na isipin ko. Ano ang dapat na gawin ko. Paano kapag inamin sa'kin ni Austen ang totoo niyang pagkatao? Anong sasabihin ko?
Sigurado naman ako na hindi ko siya huhusgahan kahit ano pa siya. Kaya ko siyang suportahan sa kung anong gusto niya. Ang inaalala ko lang, papa'no ang mga magulang namin? Tingin ko kasi kahit fixed marriage lang kami ay umaasa sila na madedevelop ang relationship naming dalawa ni Austen. Ano kayang gagawin nila kung sila ang nakakita sa nakita ko kanina? Lalo na nina Mom at Dad? Pakiramdam ko kasi hindi sila matutuwa malaman ang tungkol dito.
Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang may sumusunod sa'kin. Gano'n nalang ang pagkakakunot ng noo ko. Isang itim na koste ang nasa likod ko. Hindi 'yon umaalis sa likod ko kahit malawak ang daan sa kalsada kaya kitang-kita ko sa review mirror. Bigla akong kinabahan.
Sinubukan kong bilisan ang pagmamaneho para makumpirma ang hinala ko. Gano'n nalang ang gulat ko nang bumilis rin ang takbo ng sasakyan sa likod ko!
Shít! Anong kailangan nito sa'kin?!
Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho. Dumidilim narin ang daan dahil pagabi na kaya malaya akong hinahabol ng kotseng nasa likod ko.
Tumili ako nang bumangga na ang sasakyan sa likod ng kotse ko! Nananadya na 'to, ah?! Hindi 'to maganda!
Paulit-ulit akong binunggo ng kotse na 'yon mula sa likuran kaya halos mangudngod at magsugat na ang mukha ko kakauuntog sa manibela. Kaya binuhos ko ang lahat ng lakas ko maunahan lang sa pagmamaneho ang kotseng humahabol sa'kin.
Pero dahil sa pagmamadali at kaba ko hindi ko namalayang malapit na akong mabangga. Hindi ko na namalayan ang mga sunod na nangyari. Dahil namingi nalang ako sa tunog nang pagsalpok ng kotse ko sa sasakyang nasa harap ko.