CHAPTER 7

2189 Words
CHAPTER 7 Mang-akit o maaakit? Sariwa at masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin habang nakatanaw ako sa lugar na minahal at kinalakihan ko. Ang bansa kung saan ako naging masaya at naging matatag. Malawak ang lupa na tanaw ko ngayon. Halos kuminang sa kulay berde ang paligid dahil sa dami ng matatayog na punong nagkalat sa paligid. Ngunit isa itong simbolo na ang bayan ay balot ng kapayapaan at katahimikan, na masaganang namumuhay ang mga taong naninirahan. Nakangiti kong winagayway ang kamay ko sa ere. Nakapikit at patuloy na ninamnam ang hangin. Pero naputol lang ang kasayahan sa puso ko nang maramdamang umalog ng husto ang ulo ko. Namamanhid ang katawan kong natumba sa madamong lupa. Bago ko pa maipikit ng tuluyan ang mga mata ko ay isang boses ang narinig ko. "Kailangan mo nang mamatay, Ziana." "Baby? Are you okay?" Mabigat man ang talukap ng mata ay pinilit kong imulat ang paningin ko. Kumikirot din ang ulo ko sa hindi ko malamang dahilan. Noong una ay nanlalabo pa ang paligid hanggang sa luminaw na at una kong nakita ang puting kisame. May dextrose rin na nakakabit sa'kin at ramdam ko ang malambot na kama at unan. Mukhang nasa hospital ako. "Hey, Zian." Ramdam kong may naupo sa tabi ko. "How are you feeling?" Kumunot ang noo ko nang makita sa tabi ko yung lalaking kayakapan ni Austen kanina. May halong pag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa'kin. Bakit nandito 'to? At bakit kilala niya ako? Ngumiti siya sa'kin. "Hindi mo pa ata ako nakikilala. I'm Louis Zion." Kinunutan ko lang siya ng noo. "Bakit kilala mo ako?" Parang natigilan siya sa tanong ko na 'yon dahil ilang saglit siyang natahimik at napakurap-kurap. Pero ngumiti lang siya ulit sa'kin. At hindi ko mapigilang hindi magwapuhan sa klase ng ngiti niya. "I know Mr. and Mrs. Quinnford." Ah, kaya pala. So, totoo kayang galing din kay Mom yung sasakyan na napamilyaran ko na ginamit niya? Nilingon ko siya ulit at tinitigan ng mariin. "May nickname ka pa talaga sa'kin at tinawag mo pa akong baby? Close ba tayo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Naalala ko pa ang binanggit niya kanina bago ako magising. Natawa lang siya sa'kin. "I love giving nicknames for my pets." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hahablutin ko na sana siya pero mabilis siyang nakailag at tumayo! Paano niya inasahan 'yon?! Hindi naman kami close para mahulaan na gagawin ko 'yon! Natawa lang siya at naupo sa sofa kalayuan sa'kin, nakangisi. "Stop being agressive, Zian." Ngumiwi ako. Ang weird niya talaga. At kung makaasta siya ngayon sa harap ko parang sanay na siya sa'kin at close na close kami. Samantalang kanina ko lang siya nakita, kayakapan ang kapwa niya lalaki. Err. At bakit sa lahat ng taong pwedeng daluhan ako ngayong naaksidente ako ay siya ang nandito? Na'san sina Mom? Si Austen? Umayos ako ng upo at pinilit na buhatin ang sarili. Aalalayan na sana ako ni Louis pero mabilis siyang lumayo nang akma ko sana siyang hahampasin. Ngumisi lang siya. "Ang weird mo, 'no?" Nakangiwi kong sabi saka sumandal sa headboard ng kama. Sinuri ko siya, naka-white t-shirt at pants. Pero nang mukha na niya ang matitigan ko, nakita kong may galos at sugat-sugat siya doon. Nakaband-aid at parang sariwa pa ang hiwa. Wala sa sarili ko siyang lalong tinitigan. "A-Anong nangyari sa mukha mo?" Napakurap-kurap siya sa'kin saka hinawakan ang sariling mukha. Tipid siyang ngumiti. "Wala 'to..." Kinunotan ko lang siya ng noo. Nagtatanong lang naman ako bakit ayaw niyang i-share sa'kin? Since umaarte naman siyang close friend ko edi paninindigan ko narin. Para mas makilala ko kung sinong nakakapagpasaya sa asawa kong masagana ang lovelife kesa sa'kin. Pinalibot ko nalang ang tingin sa paligid. Puting-puti ang kwarto at kakaunti lang ang gamit bukod sa sofa at side table. May nakalagay naring prutas at tubig doon. "Nagugutom ka na ba?" Tumayo siya at kumuha ng prutas sa may table at binigay sa'kin. Kinagat ko nalang ang labi saka tinanggap ang hawak niya. "Do you want anything else? Para mabili ko sa labas." Kumagat ako sa apple saka ilang beses pa siyang tinitigan. Bakit ba alalang-alala sa'kin 'to? Bakit siya ang nandito? Ang weird talaga dahil ngayon lang naman kami nagkasama sa iisang lugar tapos pakiramdam ko aalagaan niya ako ng husto habang nandito ako. Hindi kaya hindi naman talaga si Austen ang gusto niya? Baka ako talaga? "Wala na, pero..." Natigil ang pag nguya ko sa apple at nagtataka siyang tiningnan. "Ano palang nangyari... paanong ikaw ang nakakita sa'kin no'ng mabangga ako?" Ngayon ay nawala lahat ng emosyon sa mukha niya. Seryoso niya akong tinitigan. "Ako yung nakabangga mo." Umawang ang labi ko at muling tiningnan ang sugat-sugat niya sa mukha. Siya pala 'yon? Pero sino kaya yung sumusunod sa'kin dahilan para magkabanggaan kami? "Ayos ka lang ba?" Mahinahon kong tanong. Huminga siya ng malalim at marahang tumango. "Ikaw? Maayos na ba pakiramdam mo?" Maingat niyang tanong. Tumango lang ako at hinawakan ang ulo ko. "Medyo makirot lang ang ulo ko." "Wait, what?" Napatayo siya at parang nabalisa. Kumunot ang noo ko. "Wait here. Tatawagin ko lang ang doctor." Hindi na ako nakasagot dahil mabilis na siyang nawala sa paningin ko at lumabas. Ngumuso nalang ako. Nakakapagtaka parin talaga pero ganito talaga yata siya sa mga taong nasa paligid niya. Hindi ko alam kung responsibilidad niya parin ba ako samantalang ako naman ang bumangga sa kaniya. Pero sa'min kasing dalawa, ako ang mas napuruhan. Ramdam ko parin ang sakit ng buo kong katawan pero mas malala ang kirot sa ulo ko. Habang tumatagal ay sumasakit siya lalo dahil nandoon ang atensyon ko. Napa-igik ako. Buti nalang at ilang sandali ay dumating na ang doctor kasama si Louis. Ilang tests pa ang ginawa nila sa'kin. Ang sabi ng doctor, wala naman daw na injured sa katawan ko. Yung ulo ko nga lang ang kailangan pa nilang i-check at i-monitor dahil tumama daw ng malakas 'yon sa manibela ng kotse kaya kumikirot siya ngayon. Kaya kahit gusto ko nang umuwi ay kailangan ko pang mag-stay dito ng ilang araw. "Uhm, Louis?" Lumingon siya sa'kin. Tapos na akong i-check ng doctor kaya kaming dalawa ulit ang naiwan. Nakaupo siya sa sofa, nagbabasa ng magazine. Lumingon ako sa bintana. Mula sa labas ay kita kong madilim na. "Sina Mom at Dad? Alam ba nilang nandito ako?" Tumango siya. "Yes. Pero ang sabi nila, bukas na daw sila pupunta dito. They have to attend an urgent meeting." "Urgent meeting, huh?" Bumaba ang tingin ko. Hindi ko alam, parang kumikirot din ang puso ko. Mas malala pa sa kirot ng ulo ko. "Hindi ba 'to urgent?" Mahina kong tanong sa sarili ko. Kinagat ko ang labi ko nang maramdamang namamasa ang mata ko. Alam ko sa sarili kong matatag at maldita ako pero mabilis 'ring mangibabaw ang luha ko. Kinuyom ko ng mahigpit ang kamao ko at pumikit ng mariin, pinipigilan ang pagbuhos ng emosyon. "Hey..." Hindi ko namalayang lumapit sa'kin si Louis at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay kong nakayukom. "Nag-aalala rin sila sa'yo, I swear. Kung pwede lang talaga ay pinuntahan ka na nila agad dito. They'll just fix some things... para masiguro ang kaligtasan mo." Parang wala akong narinig dahil nagsisimula nang lumabas ang mga tampo na iniipon ko sa sarili ko. Tumulo na nang tuluyan ang luha ko. "Pero.. gaano ba ka-importante 'yon para hindi man lang nila ako madalaw? Kahit isang oras lang? Isang..." Humagulgol na ako. Sunod-sunod na tumulo ang luha. "...isang minuto? Limang segundo?" Dahil nasanay akong iniipon lahat ng sakit at tampo sa pamilya ko ay lumabas lahat 'yon dahil ngayon ko lang ulit nai-open up sa ibang tao bukod kay Kelah. Ni hindi ko na nga naisip na hindi naman kami magkaibigan ni Louis para ibuhos lahat sa kaniya. Ang alam ko lang, medyo gumagaan ang loob ko. Magaan ang loob ko kay Louis. Ramdam kong pinunasan ng kamay niya ang luha sa pisnge ko. "If you know, Zian. Maiintindihan mo sila." "Isa pa 'yan." Natawa ako ng mapait. "Wala silang kahit na anong sinasabi o pinapaliwanag sa'kin. Kaya paano ko sila maiintindihan?" Hindi ko alam kung para saan lahat ng ginagawa nila at pinapagawa nila sa'kin. Wala akong kaalam-alam. Para akong tangang naghihintay ng sagot na ayaw namang ibigay sa'kin. Huminga siya ng malalim at mahigpit na hinawakan ang kamay kong nakakuyom parin. "Soon, you'll understand them. Just wait, baby. Sasabihin nila ang lahat sa'yo." Mabagal akong tumango, malungkot parin. Ilang beses pa siyang huminga ng malalim saka ako niyakap. Wala sa sarili kong sinandal ang ulo sa dibdib niya. Ang sarap at ang gaan sa pakiramdam dahil hindi na ako umiiyak. Pumikit ako habang yakap niya parin. Pakiramdam ko ngayong yakap niya ako, ligtas ako. Ligtas sa sakit na ibibigay sa'kin ng pamilya ko. Ilang sandali pa kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa napansin ko ang amoy niya. Pasimple kong sininghot ang damit niya. Bakit gano'n? Ang bango niya. Humiwalay siya sa'kin at tiningnan ako. "Why are you sniffing me?" Ngumuso ako, tiningnan din siya pabalik. "Ang bango mo, saka..." Ngayong malapit siya sa'kin, mas lalo kong nasuri ang buo niyang mukha. "Ang gwapo mo din pala." Tinitigan ko pa siya. Bagsak ang buhok, pantay at tama lang ang kilay, matangos ang ilong at may pagkapula ang labi. Nang tingnan ko ang mga mata niya, may pagka black-brown din 'yon tulad ng sa'kin. Natigilan nalang ako sa pagkatulala sa kaniya nang pitikin niya ang noo ko. Napahawak ako doon at sinamaan siya ng tingin. Natawa lang siya. "Don't fall inlove with me." Ningiwian ko siya. "Wag kang assuming. May gusto na akong iba." Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Sino?" Ningisihan ko siya. "Bakit ko sasabihin sa'yo? Close ba tayo?" Parang wala namang epekto sa kaniya ang sinabi ko dahil mas lalo lang siyang natawa. "I comforted you.. tapos ganyan ang sasabihin mo?" Ningitian ko siya. "I'm not sorry." Umiling nalang siya sa'kin habang natatawa parin. Natigil lang kaming pareho nang marinig na nag-ring ang phone niya. Nag-excuse siya sa'kin saka sinagot ang tawag at lumabas. Kinuha ko nalang ang phone ko at binuksan 'yon. Ang sabi ni Louis ay pinaayos niya daw ang kotse ko at ang mga gamit ko naman ay nasa sling bag ko na. Hindi ko talaga makitaan ng rason kung bakit niya 'to ginagawa pero ang alam ko lang, mabuti siyang tao. Malayo sa inasahan ko nang makita ko silang dalawa ni Austen. Napangiti ako. Kaya siguro siya ang nagustuhan ni Austen dahil sobrang bait at komportable niyang kasama. Yung hindi ka mahihiya dahil dalang-dala niya ang lahat para lang hindi mo 'yon maramdaman. Kaya kung gustong ilaban ni Austen ang relasyon nila, hindi ko sila pipigilan. Susuportahan ko pa sila. Ang supportive kong asawa 'di ba? Sinusuportahan ko ang asawa ko sa karelasyon niya. Syempre wala nang ibang ganoong klaseng asawa kundi ako lang. Nang i-open ko ang phone ko ay gano'n nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung gaano karaming message at missed calls galing kay Kelah! From: Kelah : Hoy babae! Nasa'n ka? Gagala tayo di ba? Bar tayo! : Hoyyyy! : Vaziana Elix! : Babaita ka! Anong nangyari sa'yo? Bakit hindi ka nagrereply? : Wag ka naman sanang mamatay! Hindi ka pa nadidiligan! : Anong oras naaa! Zia ano ba? Nag-aalala na ako! : Tawagan mo 'ko kapag nabasa mo na 'to! Yari ka talaga sa'kin kapag nagreply kana! Natawa nalang ako sa mga messages niya. Karamihan do'n ay puro sermon pero halatang nag-aalala na talaga siya. Tatawagan ko na sana siya pero natigil ang daliri ko sa pagpindot ng isang message ang napansin ko galing sa unknown number. At mas marami ang messages at missed calls ang galing sa unknown number na 'yon! From (Unknown): : Zia? Nasaan ka? : It's me, your husband. I'm sorry if I didn't accompany you earlier, I was really busy. : Zia? Answer my call, please. : Zia, wala ka sa bahay natin. Mom said that she already told you where our house was. Where are you? Please tell me. I'm worried. Hindi rin alam ng Mommy mo kung nasaan ka. : Zia, please call me if something happened. : If you want me to fetch you, just call me. Pupuntahan agad kita. Hindi ko namalayang kanina ko pa pala kagat ang labi ko dahil sa pagpipigil ng ngiti habang nakatingin sa phone ko. Dimwit, bakit ngayong alalang-alala siya mas lalo akong natutuwa? Nagpipigil parin ng ngiti, nagtipa na ako para mareplayan siya. Pero bago ko pa 'yon ma-send ay nagring na agad ang phone ko. Unknown number 'yon pero sinagot ko parin. "Hello—" "Zia!" Ngumiwi ako at inilayo ng konti ang phone sa tainga ko. Kung sumigaw ba naman! Huminga ako ng malalim, pero nakangiti saka siya sinagot. "Yes, my husband?" Ilang segundong natahimik ang kabilang linya. Napangiti ako. Dito na ba magsisimula ang pang-aakit ko? "Are you okay, my wife?" Paos at mahina ang boses niyang sabi mula sa kabilang linya. Suminghap ako nang maramdaman ang lakas ng t***k ng puso ko. Ako ba ang mang-aakit o ako ang maaakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD