CHAPTER 8
Worried
"Pwede na ba akong umuwi?" Tanong ko kay Louis na nakaupo sa tabi ko. Sabay kaming kumakain ng pagkain na binili niya sa labas.
"I'll ask the doctor." Sinubuan niya ako kaya nakanguso ko 'yong tinanggap. "Masakit pa ba ang ulo mo?"
Umiling ako. "Hindi na."
"You still have to be checked. Baka mamaya ay may napuruhan talaga diyan sa ulo mo dahil narin sa katigasan ng ulo mo."
Sinimangutan ko siya. "Anong connect no'n?"
Kumibit balikat lang siya at sinubuan ulit ako. Umirap nalang ako.
Dalawang araw na ako sa hospital na 'to at sobrang nabuburyong na talaga ako. Para akong asong gustong-gusto nang makawala sa kulungan pero hindi ako mapayagan ng amo ko.
At imbes na doctor ang amo, ito pa talagang Louis na 'to! Kung pagbawalan niya ako kumilos ay mas malala pa siya sa doctor. Kung pakainin ako oras-oras, daig ko pa ang binibaby-sitter. Minsan kahit gustong-gusto ko nadin siyang sapakin sa mukha ay hindi ko nalang ginagawa. Halata kasing masyado siyang concern sa'kin. Hindi ko talaga alam kung bakit tinatrato niya ako ng ganito.
Hindi ko naman pwedeng isipin na, inaalagaan niya ako dahil asawa ako ng boyfriend niya? Imposible naman ata 'yon. Ni parang wala nga siyang kaalam-alam na kasal na ako sa iba. Ang mas malala, sa boyfriend niya pa.
Gusto ko narin siyang kwestyunin tungkol sa relasyon nila ni Austen pero pakiramdam ko hindi pa ngayon ang tamang oras. Kahit sa dalawang araw naming pinagsamahan ay medyo napapalapit narin siya sa'kin. Natatakot akong baka kapag inalam ko pa ang tungkol sa kanila, magbago ang trato niya sa'kin at iwan ako dito.
Oo, nakakasawa ang mukha ng Louis na 'to pero minsan nakakabusog din. Kasi kahit halos baldado na ako dito kahit hindi naman talaga, nakakasilay parin ako ng gwapong nilalang.
Minsan nga ay nakikita niya akong nakatitig sa kaniya at kapag nahuhuli niya ako, lagi niyang pinipitik ang noo ko at sinasabing huwag ma-fall sa kaniya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba talaga siya doon o talagang seryoso.
Well, may mahal nang iba e. Gano'n talaga.
Sabagay, kung sa kaniya ako ma-fall, gano'n parin ang kalalabasan. Masasaktan lang ako sa huli kaya siguro ina-advance niya?
Pero alam ko naman sa sarili kong hindi ko siya gusto. Humahanga lang ako sa kgwapuhan niya. Minsan nga kakatitig ko sa kaniya, naiisip kong pamilyar siya at may kamukha na kilala ko.
Nang dahil sa naisip ay tinanong ko siya. "Louis, nagkita na ba tayo dati?"
Parang nanigas siya sa kinauupuan sa tanong ko na 'yon. Natigilan siya at hindi nakapagsalita.
"Louis?"
Dahan-dahan niya akong nilingon. Nang titigan ko siya sa mata ay napansin ko ang lungkot ro'n. Bumubuka ang bibig na parang may gustong sabihin pero hindi magawa. Nangunot ang noo ko.
"Huy," Tinapik ko siya. "Okay ka lang?"
Tumango siya at nagbaba nalang ng tingin. Natahimik siya bigla.
Tinanong ko lang naman kung nagkita na kami dati, bakit lumungkot siya? Anong nakakalungkot sa sinabi ko?
Gustong-gusto ko na siyang tanungin pero pinili ko nalang na manahimik. Baka may pinagdadaanan na hindi kayang i-share sa'kin. Naiintindihan ko naman dahil minsan gano'n rin ako.
Minsan talaga sa sobrang bigat ng nararamdaman natin, hindi na natin 'yon kayang sabihin sa iba. Kasi ramdam na ramdam mong pasan mo 'yon, at ayaw mo nang magpatulong na magbuhat dahil alam mo kung gaano kabigat 'yon.
"Zian, can I leave?" Bigla ay salita ni Louis. Nasa sofa na siya ngayon at hawak ang phone niya, mukhang may kausap.
Tumaas ang kilay ko saka humilata sa hospital bed na akala mo sarili kong kama 'yon. "Syempre naman! Bakit pa kailangan itanong 'yan sa'kin?"
Natawa lang siya at lumapit sa'kin para halikan ako sa noo at nagpaalam. Ang sabi pa niya, baka bukas na daw siya makakabalik dito kaya babawi nalang daw siya bukas.
Ngumuso ako. Aminado naman akong masarap mag-alaga si Louis pero ayoko namang maging abusado at umaktong girlfriend o asawa niya. Ayos naman na ako ngayon at kaya ko na ang sarili ko.
Sa totoo lang hindi ko malagyan ng malisya ang pagtatrato niya sa'kin. Natutuwa ako pero hindi ko nararamdamang gusto ko siya o gusto niya ako. Hindi ko alam kung bakit.
Siguro dahil narin sa matagal ko nang gustong magkaro'n ng nakatatandang kapatid. Oo, andiyan si Kelah, tinuring kong tunay na kapatid pero iba parin pala kung may Kuya ka. At 'yon ang nararamdaman ko kay Louis.
Total lagi naman niya akong bini-baby, gagawin ko nalang din siyang kuya.
Kinuha ko ang phone ko sa may side table at binuksan 'yon. Halos isang araw rin akong hindi nakapagphone dahil nalow-bat ako. Kanina lang nakapagdala ng charger si Louis kaya kanina ko lang din 'yon nai-charge.
Nang mabuksan na ay agad bumungad sa'kin ang tambak na messages ni Kelah. Pero ang bago niyang message na kakasent lang 2 minutes ago ang umagaw sa atensyon ko.
Kelah:
Andyan na akong gaga ka! Humanda ka sa'kin.
Wala sa sariling napaupo ako.
Ano?! Nandito na siya?! Pero paano niya nalaman? Hindi ko naman sinabi!
Hindi na nakapagtataka. Andaming nagagawa at nalalaman ng babaeng 'yon kaya ang ganito ay hindi na imposible.
Tuloy ay kahit napipilitan ay nag-ayos nalang ako ng sarili dahil sigurado papapasok sa kwarto kong 'to ang warfreak na si Kelah. Kapag nakita no'n na haggard na ako, siguradong uulanin na naman niya ako ng sermon.
At tama nga ang hinala ko dahil pagkalabas ko ng banyo, ang matalim na tingin na ni Kelah ang nasalubong ko.
Naka-corporate attire pa siya, mukhang galing pa sa trabaho. At ang gaga, sabog-sabog pa ang buhok.
Mabilis siyang lumapit sa'kin saka ako sinabunutan. "Bruha ka! May tinatago ka sigurong lalaki dito, 'no?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?! Bakit naman ako magtatago ng lalaki dito?!"
"Oh, eh bakit ayaw mo akong papuntahin dito?!" Sigaw niya rin pabalik.
Inirapan ko lang siya at umupo sa kama. "Nakarating ka na nga, oh."
Sumunod din siya sa'kin at padabog na naupo sa tabi ko. "Kung hindi pa ako lumandi, hindi ko pa malalaman kung nasaang lupalop ka!"
Ngumiwi ako. Naiimagine na nag-lap dance siya para lang ma-track kung nasa'n ako. Mas lalo akong napangiwi.
"Wala naman akong sinabi na lumandi ka para makita mo ako, ah."
"Oo! Edi sana, naging madali ang lahat kung sinabi mo nalang kung nasa'n ka! Eh sa lakas ng trip mo, hindi mo sinabi! Gusto mo pa talagang ibuwis ko ang pagiging birhen ko, mahanap ka lang!"
Doon na ako natawa nang malakas sa huli niyang sinabi. "Hindi ka na birhen, remember?"
Pinagkrus niya ang dalawang braso at bumusangot sa'kin dahilan para mas matawa ako nang malakas. Pagkatapos ay naglalambing ko siyang niyakap. "Sorry na, babe. Promise, uulitin ko."
Malakas niya akong kinutusan kaya napaaray ako. Siya naman ang natawa ngayon.
"Gaga ka kasi." Kinurot niya nang mahigpit ang bewang ko kaya napa-igik ako at bumitaw nang pagkakayakap sa kaniya. Snamaan ko siya ng tingin. "Kailangan mo pa talaga akong pag-alalahanin."
Sinimangutan ko siya. "Sorry na nga, 'di ba?"
Pinitik niya ang noo ko. "Yan ba ang nagsosorry? Nakataas ang kilay tapos masama ang tingin?"
"Eh, kung kurutin rin kaya kita?!"
Umirap lang siya at binalewala ang pagtataray ko. "Ano bang nangyari? Sinong nagdala sa'yo dito? At bakit hindi mo sinabi sa'kin na nandito ka?"
Huminga nalang ako ng malalim sa sunod-sunod niyang tanong. Hindi ko kasi nasabi sa kaniya lahat nang tumawag siya sa'kin noong isang araw. Ang sinabi ko lang sa kaniya, may humabol sa'kin dahilan para mabangga ako.
Huminga ako ng malalim. "Ganito kasi—"
"Zia?"
Natigil kaming pareho ni Kelah at napalingon sa pinto. Umawang ang labi ko nang makita si Alex, nakasuot ng scrub suit at may stethoscope sa leeg. Napatitig siya sa'kin.
"Alex?"
"Zia..." Ang kaninang pagtataka sa mukha niya ay napalitan ng pag-aalala. Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin at sinuri ako. "W-What happened?"
Umismid si Kelah sa tabi ko kaya pasimple ko siyang siniko. Napalingon rin ako sa likod ni Alex, may nurse pala siyang kasama pero kumunot ang noo ko nang makita ang talim ng mata nito sa'kin.
"What happened, Zia?" Tanong ulit niya.
Pilit akong ngumiti kay Alex. "Ayos na ako... Alex. Bumangga lang kasi...lasing."
Ilang sandali pa siyang tumitig sa'kin, sinisigurado kung totoo ang sinabi ko. Mukhang hindi pa siya kumbinsido pero huminga nalang ng malalim saka binalingan ang nurse na nasa likod niya. "Check her, Risha."
Parang inirapan pa ng Risha si Alex bago naglakad papunta sa'kin. Tumayo muna si Kelah mula sa pagkakaupo para bigyan ng space ang nurse. Humiga naman ako ng maayos sa kama.
Si Alex naman ay sinuri ang ulo at paa ko. Habang tahimik siyang gumagalaw ay hindi ko mapigilang tumitig sa kaniya.
Ang tagal narin nang sabihin niya sa'kin noon na gustong-gusto niyang maging doctor, para mas lalo niya daw akong maalagaan. Wala naman akong sakit noon pero maalaga talaga siyang boyfriend.
Lihim akong napangiti. Natutuwa dahil kahit wala ako sa tabi niya, naabot niya nang mag-isa ang mga pangarap niya. Gusto kong sabihing proud na proud ako sa kaniya.
"Ouch!"
Naalis tuloy ang paningin ko kay Alex nang maramdamang may bumaon na matulis sa braso ko. Nang tingnan ko 'yon ay yung nurse pala ang dahilan, kinukuhanan ako ng dugo.
Nagtataka ko siyang tiningnan kaya naman umangat ang kilay niya pero focus ang atensyon sa braso ko. "Kailangan i-check ang dugo mo."
Doon na rin tumaas ang kilay ko. Halata namang kukuhanan niya ako ng dugo pero bakit kailangang idiin? Masyadong masakit ang pagtusok ng karayom na 'yon sa'kin. Masyado ring mariin ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya kahit ngumingiwi ay hindi nalang ako umimik.
Laki ng galit sa'kin ng babaeng 'to, ah? Kanina ko pa din pansin 'yang kilay niyang ang sarap ahitin. Wag niya lang ako mahamon-hamon at baka masampal siya ng kilay ko.
"So far, maayos na ang buo mong katawan. Pati narin ang ulo mo," Si Alex na tapos narin akong i-check. Nilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng uniform na suot saka ako tinitigan. "Pwede ka naring umuwi bukas."
Napangiti ako. Sa wakas makakawala narin ako sa kulungan na 'to.
"Vashi," Lumingon ako kay Kelah, nakaayos na ang buhok at nakasabit na ang sling bag sa balikat, paalis na. "I have to go na muna, emergency lang. Babalikan nalang kita mamaya."
"Anong nangyari?"
Pilit lang siyang ngumiti sa'kin saka ako hinalikan sa pisnge. "Kwento ko nalang mamaya." Pagkatapos ay nilingon niya si Alex at tinaliman siya ng tingin. "Wag mo nang landiin 'yan. May asawa na 'yan." Umirap pa si Kelah saka nagmamadaling lumabas!
Ang gaga na 'to! Nilaglag ako!
Napapapikit akong nagbaba ng tingin. Nahihiya dahil alam kong nakatingin sa'kin si Alex.
"Uh... Zia..?"
Kinagat ko ang labi saka nag-angat ng tingin. Nagtataka akong tiningnan ni Alex. "T-Totoo ba?"
Yari ka talaga sa'kin mamaya, Kelariah! Nang tingnan ko naman ang nurse ay parang nakangiti na siya nang tagumpay. Agad 'yon nawala nang makitang nakatingin ako sa kaniya. Nilingon ko ulit si Alex. "O-Oo, eh."
Natulala sa'kin si Alex. Pero nang makabawi ay ngumiti nalang siya ng matamis. "I'm... I'm happy for you."
Tinitigan ko siya nang mabuti. Nakangiti siya pero may lungkot ang mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako para sa kaniya.
Pero ang tagal na no'n... imposible naman na gano'n parin ang nararamdaman niya para sa'kin hanggang ngayon.
Bumuntong-hininga nalang ako at ngumiti pabalik sa kaniya. "Salamat."
Ilang sandali pa nang magdesisyon na silang lumabas kaya mag-isa na naman akong naiwan sa loob ng kwarto. Sumandal ako sa headboard ng kama at tumulala sa kisame. Masyado akong binabagabag ng lungkot sa mga mata ni Alex.
Kung wala lang siguro akong asawa, magkakaro'n pa kaya ng chance para sa'ming dalawa?
"Zia!"
Kumurap-kurap ako nang marinig ang boses na 'yon. At gano'n nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita si Austen sa pintuan at humahangos na lumapit sa'kin!
"What happened? Ang sabi ay may bumangga raw sa'yo. Are you okay?" Umupo siya sa tabi ko at sinuri ang mukha ko. Hinimas niya din ang buhok ko habang nakatingin sa'kin ang kulay asul mga mata na alalang-alala. Halos natigil ako sa paghinga.
Pero mas lalo akong nanigas sa kinauupuan nang yakapin niya ako ng mahigpit. "Damn... you made me worried."