CHAPTER 18 - Protective

1879 Words
Protective Kinaumagahan ay nagising nalang akong nasa kwarto na at nakahiga sa malambot kong kama. Ang huli kong alaala ay sa sofa ako nakatulog kakahintay kay Austen. Mukhang inilipat niya ako kaya pala ang sarap ng tulog ko. Napahagikhik ako, kinilig nang kaunti. Umagang-umaga, Zia. Naligo muna ako at nag-ayos ng sarili bago bumaba. Nasa hagdanan palang ako ay naamoy ko na agad ang malinamnam na amoy nang kung anong niluluto sa kusina. Napanguso ako sa sarili. Parang kakapangako ko palang kahapon na ako ang gagawa ng lahat nang gawaing-bahay. Mukhang masisira talaga ang plano ko ngayong siya na ang umaako nang pagluluto. Dahan-dahan akong naglakad pababa at una kong nasilayan ay ang malapad na likod ni Austen na wala pang damit pang itaas. Halos bumuka ang bibig ko sa pagkamangha. Sa ginagawa niya kasi ay mas lalong na-flex ang muscles at ugat niya. Marahas akong lumunok. Hindi pa man ako nakakakain ng pagkain ay busog na ako sa nakikita. Kung ganito ba naman ka-yummy ang makakasama mo sa isang bahay, sinong hindi mabubusog? "It looks like I'm more than fit on your appetite today than my cooking." Doon lang ako natauhan nang marinig siyang magsalita. Nakatitig ako sakaniya at nakita kong hindi naman niya ako nilingon, pero nalaman niya agad na nakamasid ako. Lupit ng pakiramdam ah. Mula sa halos paglalaway ay tumuwid ako nang tayo at taas-noong nagpatuloy sa pagbaba. "Anong sinasabi mo? You're hallucinating." Nilingon niya ako at pagkatapos ay ningisihan. Pinigil kong magreact sa lakas ng dating no'n sa'kin at blanko lang siyang tinitigan saka naupo sa harap ng mesa. Isang maskulado, gwapo at asul na mga matang lalaki na naka-topless na lumingon at ngumisi sa'kin, maghunos-dili ka, Zia! "Am I, really?" Aniya pa. Inilatag na niya ang mga pagkaing niluto sa hapagkainan. "Goodmorning. It's surprising that you have an english accent." Dagdag pa niya, na inirapan ko lang. Ngayon lang narinig ang english accent ko, nambola na. Bihira lang naman kasi ako mag-english speaking kapag nasa mood. Pero madalas ay nag-eenglish lang ako kapag galit dahil mas sosyal pakinggan. Hehe. Nagsimula na kaming kumain. Nagkwento rin siya tungkol sa nangyari sa pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw sa kumpanya nila at bilang butihing asawa, mataman naman akong nakinig sa kaniya. Pagkatapos ay sinabi ko rin sa kaniya ang tungkol sa pagdalaw ni Louis dito kahapon. "Oh, really?" Tumaas ang kilay niya. "Anong ginawa niya dito?" Sumubo muna ako ng bacon bago sumagot. "Sinabi niya lang naman na pwede na raw tayong lumabas." "Is that all?" "Oo?" Kunot-noo kong sagot. "Bakit, may iba pa ba siyang dapat sabihin na hindi sinabi sa'kin?" Tahimik lang siyang umiling. Saka kami nagpatuloy sa pagkain. Ilang sandali ang lumipas ay patapos na kaming kumain nang magsalita siya. "Anyway, since pwede na tayong lumabas.. may gusto ka bang puntahan?'' Uminom muna ako ng tubig bago tumingin sa kaniya. "Sa bestfriend ko. Babalik na ako sa apartment namin." "What?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Di ba ay pwede na tayong lumabas? Edi babalik na tayo sa kaniya-kaniya nating buhay." Mariin niya lang akong tinitigan at pagkatapos ay pinagkrus ang mga braso sa dibdib niya. Kumurap-kurap ako. May mali ba sa sinabi ko? "You are not allowed to do that." "And why is that, Mr. Hawthorne? Pinagbabawalan mo na ako ngayon dahil lang sa mag-asawa tayo? Eh hindi ba ay hindi naman 'to totoo? At saka, akala ko ba wala tayong pakialamanan?" Sunod-sunod kong sabi, nilalabanan rin ang titig niya. Huminga siya nang malalim. "Hindi sa gano'n. But... you do know that enemies out there isn't gone yet. Kung malayo ka sa proteksyon ko, paano kita mapoprotektahan?" May point naman siya. Pero parang hindi ko matanggap. Bigla ay gusto ko nalang sukuan ang lahat at magpakalayo-layo. Paano nga ba ulit ako napunta sa sitwasyong 'to? Namimiss ko na ang mga panahon na tahimik lang ang buhay ko at nagagawa ko pa ang mga gusto ko, kahit malala ang pagiging mahigpit sa'kin. Ngayon kasi ay literal na nakakulong ako, at wala naman akong planong gampanan ang role ko bilang 'asawa' niya habang-buhay na aasikasuhin siya bago umalis at hihintaying umuwi, tapos aasikasuhin ulit siya pagkarating? Ugh! Masyado pa akong bata para sa ganito! Well, kahit gano'ng strategy ang naisip ko para lang matupad ang mission ko, minsan nakakainis at nakakainip parin. ''Okay, sige. Hindi na ako babalik sa tinitirhan ko dati. Pero gusto kong bisitahin ang bestfriend ko at doon muna magpalipas ng gabi kahit isang araw lang. Please?" Nagpa-cute pa ako sa kaniya. Huminga lang siya ng malalim at nag-iwas ng tingin. "Fine." Masaya akong napangiti. "Thanks!" "Pero huwag mong kalimutan ang mga paalala ko sa'yo. Palagi ka pa ring mag-iingat, lalo na kapag wala ako sa tabi mo.'' "Yes sir." Umirap ako, at umalis na sa harap niya. Excited nang mag-asikaso para makaalis. Pagkatapos nga nang halos isang oras na pag-aayos, bihis na bihis akong bumaba na. Sakto naman pagbaba ko ay ang pagkalabas rin ni Austen galing sa kusina, na nakabihis rin. Nagtataka ko siyang tiningnan. "Aalis ka rin?" "Yes. Sumabay ka na sa'kin, ihahatid na kita." At dahil hindi ko naman dala ang kotse ko, sumabay nalang din ako sa kaniya. Sakto namang nasa highway lang ang building kung nasaan ang apartment namin ni Kelah kaya halos 20 minutes lang ay nakarating narin ako sa wakas sa harap ng building. "Salamat sa paghatid.'' "Does your friend live there?'' Tanong niya. Tumango naman ako. "It seems that you're not safe there.'' Umikot ang mga mata ko sa ere. Naalala ang sinabi ni Mom na ayaw niyang manatili ako rito dahil hindi daw ako ligtas at mukhang open masyado ang lugar. "Lahat nalang kayo ganiyan ang sinasabi. Anong magagawa ko, e dito gusto tumira ng bestfriend ko. Kaya dito rin ako magpapabalik-balik kahit pa may sarili na akong bahay." "Sa tingin ko hindi alam ng kaibigan mong nasa panganib ka para hayaan ka niyang pumunta diyan." Umismid ako. "Paano niya malalaman na ang asawa kong hindi naman niya kilala ay may mga kalabang gusto akong patayin? Sa tingin mo alam niya kung anong nangyayari sa buhay mo? Alam niya ba ang personal mong buhay para isaalang-alang rin niya ang kaligtasan ko?" Natahimik siya. "Hangga't maaari lang ay ayoko nang sabihin pa sa kaniya ang iba pang nangyayari sa buhay ko dahil alam kong mag-aalala lang siya. Pagkatapos ano? Hindi na namin magagawang magpunta kahit saan dahil palagi niyang maiisip kung ligtas ba ako? Ang ganoong buhay ay hindi normal para sa'kin, Austen. Lumaki akong halos paghigpitan ng mga magulang ko araw-araw na akala mo isa akong kayamanan na posibleng mawala sa kanila kahit na hindi ko naman ramdam na pinahahalagahan talaga nila ako. Pero nag-iisang tao lang ang tinuring akong normal na tao at yun ay ang bestfriend ko, at ayokong magbago ang tingin niya sa'kin dahil lang sa kung paano ako protektahan ng iba. Kaya pwede ba, stop expecting that everyone around me should consider my safety like how you and my parents does?" Hindi siya sumagot at tumitig lang sa'kin. Dismayado lang akong umiling saka lumabas na sa kotse niya at dere-derestong naglakad papasok sa loob ng building nang hindi man lang siya nililingon. Nang makapasok na sa loob ng elevator ay bumuga ako nang marahas na hangin. Hindi ko tuloy napigilang ibuhos ang inis kay Austen. Nakakairita na kasi, bakit parang lahat nalang ng taong kilala ko ay kakaiba kung makitungo sa'kin? Mukha ba akong pulitiko na anumang oras ay posibleng patayin ng kapwa pulitiko para maangkin nila ang posisyon na hawak ko? E wala nga akong interes sa mundo ng gobyerno! Pilit ko nalang na kinalimutan ang lahat at lumabas na ng elevator nang makarating na ako sa floor kung nasaan ang apartment ni Kelah. Pero ganoon nalang ang gulat ko nang masalubong si Louis, na magulo ang hitsura. "Louis?" Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. "Z-Zian..." Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ba ako sa hitsura niya. Mukha kasi siyang ni-r**e at bagong gising pa. Bukas ang dalawang butones ng polo niya at magulo ang buhok. "Anong nangyari sa'yo? Bakit parang ginahasa ka ng sampung aso?" Napalunok siya at kumurap-kurap na akala mo ay nahuli sa akto. "W-Wala... h-hindi ko rin alam..." Wala sa sarili niyang sambit. "Okay ka lang ba?" Tumango siya at nilagpasan na ako. "S-Sorry, Zia. Babawi nalang ako pag nagkita ulit tayo, pero kailangan ko nang umalis. Bye!" Iyon ang huli niyang sinabi bago pumasok sa elevator. Napansin ko pa ang marka ng lipstick sa may leeg niya. Ngumuso ako. Mukhang may ideya na kung anong nangyari. Nailing nalang ako habang napapangisi. Kung ganoon ay kumpirmado na hindi bakla si Louis. Si Austen rin kaya? Nawala lang ang mga iniisip ko nang makitang bukas ang pintuan ng apartment ni Kelah. Dere-deresto naman akong pumasok sa loob at halos malaglag ang panga nang makitang sobrang g**o ng paligid. "A-Anong... Kelah?!" Dahil sa sigaw ko ay mabilis na dumungaw si Kelah, na mukhang kakagisin lang rin. Pero gulat na gulat ang mukha niya nang makita ako na akala mo ay nakakita ng multo. "Anong nangyari, bruha ka? Nagwala ka ba magdamag?" Nilibot ko ang tingin at muntik nang lumuwa ang mata nang makitang nasira ang ibang mga gamit na maging ang mga salamin ay nabasag. "What the hell...?" Si Kelah na ngayon ay nakaupo na sa sofa at sabunot na ang buhok ngayon ay huminga nalang ng malalim. "Hindi ko... hindi ko alam." Ngumiwi ako. Ganiyan rin ang sinagot ni Louis kanina. Ano bang may'ron sa mga tao ngayon at parang ang weird nilang lahat? "Grabe..." Hindi ako makapaniwala habang nararamdam sa ilalim ng sapatos ko ang maliliit na bubog. "Masyado ka bang bored sa buhay mo kaya nakipagsapakan ka nalang dito sa mga gamit mo?" Hindi siya sumagot at naihilamos lang ang palad sa mukha. Umupo naman ako sa tabi niya, pero muli ring napatayo nang maramdamang may mga plastic akong naupuan. At nang mahawakan ko kung ano 'yon, pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko. "K-Kelah... what the f**k?" Nagtataka siyang napalingon sa'kin, at nang makita niya kung anong hawak ko ay nanigas siya sa kinauupuan. Unti-unti ko siyang nilingon, at mariin na tinitigan. Bumuka lang ang bibig niya pero hindi niya magawang magsalita, habang palipat-lipat ang tingin sa'kin at sa bagay na hawak ko. "A-Ano... Z-Zia... h-hindi ko..." "Bakit may plastic ng c****m ka rito sa sofa mo, Kelariah Mariah?" Mas lalo siyang natigilan nang banggitin ko na halos ang buo niyang pangalan. Dahil isa lang ang ibig sabihin no'n, seryoso ako at malapit nang pumutok sa galit. Ilang sandali na ang lumipas pero hindi parin siya nagsasalita. At habang tumatagal, mas lalo lang numinipis ang pasensya ko at gustong-gusto ko nang sumabog. Nailibot ko pang muli ang mga mata sa paligid at umawang ang labi nang makitang may iilan pang plastic ng c****m na nagkalat sa lapag, sa sahig, at kahit sa lapag ng kusina! Parang puputok na yata talaga ang ugat ng utak ko sa nakikita. Ni kahit makapagsalita ay hindi ko narin magawa dahil sa sobrang pagkabigla! "T-Tangina..." Hindi ko makapaniwalang sambit, naiimagine na ang bagay-bagay na nangyari sa buong apartment. Parang nasagot narin ang tanong sa sagot ko kung bakit nagkasiraan ang lahat ng gamit. At halos hindi ko na kayanin ang mga iniisip!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD