Panay ang tingin ko sa orasan habang nanonood ng panibagong movie. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang movie ko na 'to ngayon pero hanggang ngayon ay hindi parin umuuwi si Austen.
Malapit nang mag alas-dose ng madaling araw kaya parang hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko narin nasusundan ang flow ng pinapanood ko.
Sinabi naman niyang late na siya uuwi pero hindi ko parin mapigilang hintayin siya. Gusto ko kasi na pagdating niya ay aasikasuhin ko siya kaagad, ipaghahanda ng makakain at tutulungang hubarin ang coat na suot katulad ng plano kung paano alagaan ng isang babae ang asawa niya.
Kaso mukhang mabubulilyaso pa ata ang mga plano ko.
Nagsisimula na akong antukin at ilang beses narin akong humihikab. Sa huli ay napagdesisyunan kong patayin nalang ang TV.
Siguro ay dito nalang ako sa sofa matutulog at hihintayin parin siya. Tumayo ako para sana kumuha ng unan at kumot sa kwarto ko nang bigla kong marinig ang doorbell.
Sandali akong nagulat bago nagmamadaling naglakad palabas. Nandiyan na kaya siya? Dapat lang na sa gate palang ay salubungin ko na siya!
Hindi ko mapigilang ilabas ang ngiti sa labi ko habang binubuksan ang maliit na gate ng bahay. Pero nang makita ko kung sino ang nasa labas, napalitan ng gulat ang tuwa ko.
"L-Louis?"
Suot ang isang white crew neck sweats at green cargo pants, kahit gabing-gabi na ay mukhang fresh sa harapan ko ngayon si Louis. Nagulat din ang gwapo niyang mukha nang makita ako pero agad ding nakabawi.
"Oh, Z-Zia. Hindi ikaw ang inaasahan kong makita. Where's Austen?"
Ngumuso ako sa kaniya. "Bakit, ayaw mo na ba akong makita?"
Ngumisi siya at mas lalong ginulo ang buhok kong magulo na nga. "I'm just expecting Austen. I need to talk to him."
Umikot ang mga mata ko. "Hindi pa siya umuuwi. May urgent meeting daw."
Tumaas ang gilid ng labi niya. "Is that why you're upset?"
"Ano? Hindi, ah!" Tanggi ko. "Pumasok ka na nga lang!"
Natawa pa siya habang naglakad na papasok. Sinarado ko naman ang gate bago sumunod sa kaniya papasok sa loob ng bahay.
Nagtimpla ako ng kape para sa kaniya dahil iyon daw ang gusto niya. Hot chocolate naman ang ginawa ko para sa sarili ko dahil baka hindi ako makatulog kung magkakape pa ako.
"Anong oras siya umalis?" Tanong niya.
Nilapag ko sa harap niya ang kape. Agad naman siyang sumimsim doon at pinuri pa ako sa lasa na inismiran ko lang.
"Kanina pa bandang 3pm."
"Oh."
"Ano bang gusto mong sabihin sa kaniya?" Pang-uusisa ko.
"I just want to update him na secured na ang safety niyong dalawa. We're also monitoring his family's enemies so we will know if they'll make a move to harm you or Austen. So far, wala naman silang kinikilos na kahina-hinala." Sagot niya.
Parang nabunutan ako ng tinik at halos magpalakpak pa sa sobrang saya. "Totoo ba?! Ibig sabihin, pwede na akong lumabas?"
"Yes."
"Gosh, finally!" Hindi ko mapigilan ang saya ko. Nailing naman si Louis sa naging reaksyon ko.
"Pero hindi ka dapat makampante. Don't let your guard down. Pinadoblehan ko narin ang mga bodyguards na magbabantay sa'yo kung sakaling lalabas ka but that doesn't mean you won't protect yourself."
"Wait, bodyguards?" Kumunot ang noo ko at nagtaas ng kilay. "Hindi ko kailangan ng bodyguards! Isa pa, hindi ba awkward na nakakapunta nga ako kung saan pero may nakabuntot naman sa'kin? Ayoko ng gano'n!"
Ngayon ay para akong bata na nagpapadyak sa inis dahil sa hindi nakuha ang gusto. Kung bakit naman kasi ay kailangan pa ng bantay?!
"Don't worry, hindi sila bubuntot ng sobrang lapit sa'yo. Hindi mo sila makikita but they're just around, watching and guarding you from afar."
Napabuga ako ng hangin, hindi parin matanggap ang mangyayari pero hindi narin tumanggi. May choice pa ba ako? Isa pa, para rin naman 'yon sa kapakanan ko. Mas mabuti na ang gano'n kaysa sa mamatay nang wala sa oras na hindi man lang nararansan ang mga gusto ko sa buhay.
"Fine." Sumusuko ko nang sabi. Napangiti naman siya.
"Good girl." Komento niya pa at aambang guguluhin na naman ang buhok ko, mabuti nalang ay nakaiwas ako kaagad. Sinimangutan ko siya.
"Namimihasa ka na, ha! Ano bang problema mo sa buhok ko?" Iritable kong singhal.
"Sorry. Nasanay lang." Tumawa siya, pero hindi ko maramdaman ang humor doon. Parang tuloy ay bigla kong naramdaman na may bigat siyang nararamdaman.
Magkaharap kaming nakaupo sa mesa. Pagkatapos ay naglakas loob akong magtanong sa kaniya. "Kung ituring mo 'ko para mo lang akong nakababatang kapatid. Sabihin mo nga, nakikita mo ba sa'kin ang kapatid mo?"
Nakatitig lang siya sa kape na kalahati niya palang naiinom. Hindi man siya nakatingin ng deresto sa'kin, nahihimigan ko ang lungkot sa mga mata niya.
Bigla ay natauhan din ako sa sinabi. "S-Sorry. Masyado ata akong naging personal."
"No, it's okay." Agap niya. "It's been a long long time, though."
Hindi ako nagsalita at tiningnan lang siya. Pakiramdam ko kasi ay may sasabihin pa siya.
"I have a little sister back then. She's so adorable and can be independent on her own ways at the age of thirteen. Mataray din siya at madaldal... tulad mo."
Madadala na sana ako sa narinig pero dahil sa huli niyang sinabi ay bumusangot ako at sinamaan siya ng tingin.
Hindi niya pinansin ang tingin ko at sa halip ay nagpatuloy pa sa pagsasalita. "I really love her so much. I wanted to protect her at all cost so she could just be safe anytime, pero sa huli ay nawala parin siya sa'kin."
Halos matutop ko ang bibig sa narinig. "Sorry to hear that..."
Malungkot siyang ngumiti, hindi ako matingnan. "She's safe until now, anyway. She has our mother. Sigurado naman akong hindi siya pababayaan ni Mama. At kahit matagal na kaming nagkalayo at kahit hindi niya malaman, poprotektahan ko parin siya, kahit sa malayo nalang."
Kasabay ng pagkabasag ng boses niya ay ang pagkawasak ng puso ko. Para bang ramdam na ramdam ko ang sakit na dinadala niya. Parang sobra rin akong nasasaktan para sa kaniya kahit na wala naman ako sa mismong kinalalagyan niya.
"Mabuti naman at ligtas siya... nasaan na ba siya ngayon?" Maingat kong tanong.
Nag-angat siya ng tingin sa'kin at sandaling napatitig pero agad ding binaba ang paningin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay hindi niya na talaga magawang tumingin sa'kin.
Nagi-guilty ba siya dahil ang dahilan kung bakit mabait siya sa'kin ay dahil lang sa nakikita niya ang kapatid niya sa'kin?
"I've already seen her."
"Talaga?!" Bulalas ko. "Edi, nagkita na kayo? Magkasama na kayo ulit?"
Mabagal siyang umiling bago huminga ng malalim. "Unfortunately, no. Hindi ko alam kung bakit pero hindi niya ako naaalala. Hindi ko alam kung dahil lang ba 'yon sa malaki na kami ngayon, o talagang hindi niya na ako naaalala."
"Pero imposible 'yon!" Sabi ko pa. "Magkapatid kayo, hindi ba? Hindi niya basta-basta makakalimutang may kapatid siya, depende nalang kung nagkaro'n siya ng amnesia!"
Para siyang natigilan at may napagtanto. Napakurap-kurap pa siya. "That may be the case..."
Ako naman ang naguluhan sa sinabi niya.
"She has an amnesia. That's why she don't remember even my name."
Muli akong nalungkot para sa kaniya. Ang kamay niyang nasa mesa ay hinawakan ko. "Wag kang susuko! Subukan mo siyang kausapin at sabihin sa kaniya ang totoo, baka sakaling maalala ka niya. At ipakilala mo ako sa kaniya, ha? Baka sakaling magkasundo kami."
Sa wakas ay ngumiti rin siya ngayon. "S-Sure, ipapakilala ko siya sa'yo."
Binigyan ko pa siya ng thumbs up na naging dahilan para matawa siya.
"Gusto mo ba... ako muna ang maging kapatid mo ngayon habang naghahanap ka pa ng tamang tyempo para umamin sa kaniya?"
Napatitig siya sa'kin at napakurap-kurap pa. Parang hindi makapaniwala sa narinig.
"R-Really? You... can do that?"
"Syempre naman! Ang tagal ko na kayang gustong magkaro'n ng kuya, you know. I think pwede ka namang maging kuya ko since gwapo ka naman."
Nangisi siya. "So gagawin mo lang akong kuya dahil lang sa gwapo ako? Baka naman gusto mo lang 'tong gawing dahilan para araw-araw akong makita." Tukso niya.
"Feeling!" Inirapan ko siya. "Nandito naman si Austen kaya hindi ako nababagot dahil alam kong may gwapong umaaligid dito sa bahay..."
Pinigil ko ang sarili sa pagsasalita at tinakpan ang bibig, malalaki ang mga matang tumingin sa kaniya. "S-Sorry! Sorry! H-Hindi ko... hindi ko inaakit ang boyfriend mo, ah! Amazed lang ako sa kagwapuhan niya, I swear!"
Gusto kong tampalin ang sarili dahil sa kasinungalingang sinabi. Alam ko namang sinusubukan ko na ang lahat ng paraan para maakit si Austen. Ngayon ko lang naisip ang magiging resulta ng mga ginagawa ko. Kung sakaling maakit ko siya at malaman 'yon ni Louis, siguradong mawawala siya sa'kin! Mawawalan ako ng kaibigan at kuya!
Napapikit ako, parang biglang natabunan ng maraming problema.
Pero ngumiwi lang siya sa sinabi ko, parang may gustong sabihin pero pinipigilan ang sariling magsalita.
"Pwede ko bang matanong kung okay lang kayo ni Austen. H-Hindi ba kayo nag-aaway?" Maingat kong tanong.
Nahilot niya bigla ang sentido. "I'm sick of this..." Bulong niya pero hindi ko narinig.
"You know what... you really don't have to think about us."
Natahimik ako, hindi dahil sa sinabi niya kundi sa isiping pagtatraydor pala ang ginagawa ko. Heto ako at nagpapaka-kaibigan sa kaniya pero pasikretong gumagawa ng mali sa likod niya.
Nakonsensya ako bigla.
"Do you like him?"
Nagulantang ako sa tanong niya. Binitawan ko pa ang tasa na hawak para lang iwagayway sa harap niya ang dalawa kong palad, itinatanggi ang naiisip niya. "Hindi, hindi! Bakit naman ako magkakagusto sa taong in a relationship na..."
"We're not in a relationship."
Umawang ang labi ko sa narinig at natigilan.
"Isa pa, sa gwapo kong 'to iisipin mong boyfriend ang may'ron ako?" Biro niya. Pero hindi ko makuhang tumawa dahil hindi naproseso kaagad ng utak ko ang ibig niyang sabihin.
"Mali ang nakita mo noon. We didn't kissed, we're just whispering to each other about something confidential. And about the hug you're talking about, we just teased each other by being clingy because we know how it disgust us."
Ako naman ang ngumiwi, hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa kaniya. Really? Gano'n nila ipakita ang closeness nila sa isa't-isa? Kahit ako ay parang nandidiri narin!
"Hindi ako naniniwala..."
"Believe it or not, we're not a couple. We're bestfriends, okay? Kaya hindi ko maimagine ang sinasabi mong mag-on kami. Alam mo bang gustong-gusto ko nang masuka nang marinig ko 'yon sa'yo at nang malamang 'yon pala ang iniisip mo sa'ming dalawa?"
Parang nanginig pa siya sa sobrang pandidiri dahil sa sinabi. Sa huli ay hindi ko mapigilang humagalpak ng tawa. Hindi makapaniwala sa nalaman sa kaniya, sa mga nasabi ko at sa mga naging hinala ko.
Pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko. Naiinis ako dahil parang may ideya na ako kung bakit.
"So ibig sabihin... hindi bakla si Austen?"
Inubos niya na ang kape habang nakatingin sa'kin. Nagkibit-balikat lang siya. "Gay or not, I accept him."
Humaba ang nguso ko. Hindi naman niya sinagot ang tanong ko. So ibig sabihin, may possibility parin na bakla talaga siya?
Parang bigla akong nanghina.
Tumayo na siya at muling ginulo ang buhok ko. Huli na para umiwas kaya tinaliman ko nalang siya ng tingin na tinawanan niya lang.
"Aalis na ako. At ikaw, matulog ka na. Masisira ang ganda mo niyan kung magpupuyat ka."
"Hinihintay ko si Austen."
"If that's what you want." Naglakad na siya palabas ng pinto pero muli akong nilingon. "But don't you ever let him sleep with you, or I'll cut his two heads."
"What?!" Halos hindi ako makapaniwala. "Louis!"
Tumawa siya. "I'm serious! Remember, I'm your older brother!" Sabi pa niya, sineryoso ang pagiging kuya-kuyahan sa'kin. Pagkatapos ay kumaway na siya sa'kin. "Goodbye, Zian."
Nawala na siya sa paningin ko pero kumaway parin ako pabalik. "Bye, kuya—"
Natigil ako at napahawak na naman nang mahigpit sa ulo ko nang maramdamang kumirot 'yon. Para akong kinukuryente na sa sobrang sakit ay halos lumuwa na ang utak ko.
Mabuti nalang ay unti-unti humupa rin ang sakit. Palaisipan parin talaga ang mga biglaang nangyayari sa'kin. Kailangan ko na yata talagang magpacheck-up.
Sa huli ay hindi ko rin nagawang hintayin si Austen. Nakatulugan ko na ang paghihintay sa kaniya at hindi na nakaabot pa sa kwarto ko.