CHAPTER 16 - Pagsilbihan

1582 Words
Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Anong sinasabi niyang hindi ako makakatakas sa larong sisimulan ko? Ikukulong niya ba ako kung sakaling... subukan ko siyang akitin? Ikukulong saan? Sa kama? Napapikit ako at lihim na binatukan ang sarili. Ano ba 'tong iniisip ko? M-Malamang ay imposible 'yon! Dahil tuloy sa mga huli kong narinig sa kaniya ay hindi kaagad 'yon nawala sa isip ko. Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip, at ang nakapagtataka, ay kung bakit kailangan kong pag-isipan pa ang mga sinabi niya?! Ano bang may'ron do'n at parang hindi ako mapakali?! Aminado akong hindi naintindihan ang ibig niya talagang sabihin pero may parte sa'king nananabik sa hindi ko malamang dahilan. Isa pa 'yon sa problema ko dahil hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay parang na-eexcite ako! Nagluluto ako ngayon ng breakfast pero hindi ko maituon ng maayos ang sarili sa ginagawa. Nakakainis. Nakakainis dahil ganoon palang ang ginagawa niya ay ganito na ang epekto sa akin. Paano pa kapag mas malala pa do'n? Hindi 'yon pwede! Hindi ko dapat hayaan mangyari 'yon dahil ako dapat ang nang-aakit at hindi ang naaakit! "Zia." "Ay, gago!" Bigla akong napabitaw sa sandok na hawak at nabaling ang atensyon sa kamay kong napaso. Hinipan ko 'yon at halos mapa-igik sa sakit. Kinagat ko ang labi ko. "Let me see," Aniya ni Austen na noo'y lumipat sa harap ko. Marahan niyang hinawakan ang kamay kong napaso at saglit na sinuri 'yon. "What the heck are you doing? Nagluluto ka ba talaga?" Kunot noo niyang sabi. Nagsalubong ang kilay ko. "Hindi ba halata? 'Kita mong napaso na nga yung tao. Kung bakit naman kasi ay kailangan mong mang-gulat." Inis kong sagot. Umismid siya. "I was calling you three times already. Ang lapit ko lang sa'yo pero hindi mo ako napansin dahil masyado kang tulala." Umirap nalang ako at wala nang sinabi. Kasalanan niya naman 'to. Kung sana ay hindi niya ginulo ang isip ko, edi sana matino ang utak ko ngayon! Pagkatapos niyang tingnan ang kamay ko ay may kinuha siya sa likod niya. Nakita kong malinis na puting panyo 'yon na nanggaling pa yata sa bulsa ng shorts niya. Binasa niya ang panyo sa gripo ng kaunti saka nilagay sa parte ng kamay kong napaso, pinapahupa ang pagkakapaso noon dahil masyado na talagang namumula. "You really don't know how to take care of yourself." Bulong niya sa naiinis na tono. Nagtataka ko siyang tiningnan. Hindi siya nakatingin sa'kin dahil masyado siyang naka-focus sa kamay ko. Nakita ko sa asul niyang mga mata ang bahid ng pag-aalala. Bago pa ako malunod sa naiisip ay binawi ko na sa kaniya ang kamay ko. Tinalikuran ko na siya para ituloy ang niluluto. "Ayos lang ako." "Ako na dito." Pagpepresinta niya. Hindi ko siya nilingon. Dahil doon ay siya na ang kusang umagaw ng sandok sa akin. Hindi ako nagpatalo at hindi 'yon binigay sa kaniya. Hanggang sa mag-agawan na kaming dalawa at magsamaan ng tingin. Hindi ko inalis ang titig sa kaniya dahil siguradong kapag ginawa ko 'yon, ako ang matatalo sa aming dalawa. Hindi na ako papayag na mapangunahan niya ako palagi sa lahat ng bagay. Dahil sisiguraduhin kong simula sa araw na 'to, mapapasailalim ng kontrol ko ang lahat. Sa huli, siya rin ang sumuko. Halos magdiwang ang loob ko. "Ang tigas talaga ng ulo mo." "Tsk. Umupo ka nalang doon at hayaan mong pagsilbihan kita." Malambot ko siyang tinitigan saka ningitian. "Hayaan mo na ang asawa mong gawin ang responsibilidad niya, please?" Parang bata kong pakiusap. Napatitig ang asul niyang mga mata sa'kin ng ilang sandali. Ipinagpatuloy ko naman ang pagluluto at binalewala ang presensya niya sa gilid ko. Nang mawala siya sa tabi ko at nagdesisyong maupo na sa harap ng lamesa, doon ko lang pinalaya ang matagumpay na ngiti sa labi ko. Ha. Humanda ka ngayon. Naisip kong hindi na tamang ako lang palagi ang naaapektuhan sa aming dalawa, kaya nag-isip na ako ng mga plano na kailangan kong gawin. At ang planong 'yon, ay ang gumawa ng maliliit na bagay na siguradong magdudulot ng malaking epekto sa kaniya. Na-realize ko kasing hindi tama na dumako agad ako sa pang-aakit sa kaniya dahil masyadong mabilis 'yon. Kailangan ko munang dahan-dahanin para hindi mahalata, at saka dederesto sa pinakapunto ng misyon ko. Hindi ko nga alam kung bakit kailangang ituring na misyon 'to pero siguro mas maganda narin ang ganoon. Kailangan palagi kong isipin na misyon lang 'to dahil hindi ako pwedeng mahulog sa patibong kasabay niya. Kaya para simulan ang planong pagdadahan-dahan, nagpuyat ako sa pagre-research kagabi. Nag-research ako tungkol sa mga bagay na makakapagpalambot sa isang lalaki, at mga bagay na dapat gawin ng isang babae para sa asawa niya. At ang una doon ay ang pagsilbihan siya mula sa pagkain, hanggang sa pagsusuot niya ng mga damit na kailangan niya sa trabaho. Hindi ako matigil sa pagngiti habang iniisip ang mga plano ko sa kaniya ngayon. Ilang sandali pa ay natapos na ako sa pagluluto. Inilapag ko sa harap niya ang lahat ng niluto ko at kasama doon ang fried rice, toasted bread, sausages, scrambled egg, pritong tilapia at iba pa. Sinabi kasi sa akin ng mommy niya noon ang mga paborito niyang pagkain at isa na doon ang pritong tilapia. Kaya hindi ko masisisi na halos nakanganga na ang bibig niya ngayon sa pagkamangha habang nakatingin sa mga pagkain. "You...cooked all of this?" Proud akong tumango. "Wow..." Umupo narin ako sa harap niya. Nilagyan ko siya ng sarili niyang plato at kutsara. Saka ko sinunod ang fried rice at ang paborito niyang isda. Kung humahanga siya kanina, mas namangha yata ang mukha niya ngayon, habang nakatingin sa akin. Pagkatapos kong asikasuhin ang kaniya ay ang sarili kong pinggan naman ang nilagyan ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Kain na." Kumurap-kurap pa siya sa'kin. Parang ilang saglit pa yata bago naproseso sa utak niya ang nangyayari bago nakapagsimulang kumain. Kaunti nalang, magtatagumpay na ako sa first step ko ngayon. Dapat yata i-check ko na 'yon sa listahan ko mamaya at markahan ng 'success'. Gusto kong humagikhik pero pinigil ko ang sarili. Nawala lang ako sa iniisip nang makita na tatayo siya. "Bakit? May problema ba?" Tanong ko na nakapagpapigil sa kaniya na tumayo ng tuluyan. "I want a coffee. Magtitimpla ako." Aniya. Bago pa siya makaalis sa pwesto ay pinigilan ko na siya gamit ang mga kamay ko. Halos mabilaukan pa ako. "S-Sorry! Nakalimutan ko---" "No, it's okay. Ako na." Pero hindi ako pumayag. Tumayo ako agad at s*******n siyang pinaupo pabalik sa upuan niya. "Ako na!" Pagpupumilit ko. Hindi ko na siya hinayaang sumagot dahil tumakbo na kaagad ako papalapit sa counter top. Binilisan ko lang ang pagtitimpla. Isa sa kaniya at sa akin. Nang matapos ay inilapag ko na ang tasa sa harap niya. Napatingin ako sa kaniya dahil ramdam ko ang titig niya. Nanliit ang mga mata niya sa'kin, parang nagdududa. Ningitian ko lang siya pero sa loob-loob ko ay kinakabahan na ako. Nahahalata na ba ako? Mabuti nalang at hindi na siya nagsalita pa. Akala ko ay magtatanong pa siya tungkol sa inaakto ko ngayon. Pahirapan pa naman ako sa pag-iisip ng palusot. Natapos ang pagkain namin at siya na ang nagpresintang maghugas. Hinayaan ko nalang din siya dahil kapag pinilit ko pang agawin ulit ang gawain na 'yon, siguradong mabubuking na niya ako. Pasalampak akong naupo sa sofa at binuksan ang TV. Manonood nalang siguro ako ng movie ngayon dahil wala naman akong ibang gagawin, bukod sa plano ko kay Austen. Speaking of witch, nag-isip ulit ako ng mga bagay na sunod kong gagawin. Ang next step. Magpapahinga lang ako saglit, pero mamaya ay itutuloy ko ulit ang misyon. Nakapili na ako ng movie na papanoorin at damang-dama ko ang bawat scenes sa pinapanood. Secret agent kasi si girl na mayroong mission na dapat ma-accomplish. Feeling ko tuloy ay ako ang bida sa movie. Nawala lang ang atensyon ko sa pinapanood nang makita si Austen na nagmamadaling bumaba sa hagdan. Hindi siya magkanda-ugaga sa pagsuot ng black shoes niya. Napansin ko ring nakabussiness attire siya. Saglit niya lang akong nilingon dahil parang hindi na nga siya mapakali. "May pupuntahan lang ako, it's urgent. Okay ka lang ba dito?" Tumango lang ako, pinapanood parin siya. "I think I'll be home late. Huwag mo na akong hintayin." Ngumuso ako. Nagsimula na siyang maglakad palabas pero nang mapansin ko ang neck tie niya, kaagad akong tumayo at hinarangan siya. Natigilan siya sa paglalakad at gulat na tumunghay sa'kin. Hindi ko pinansin ang gulat niya at sa halip ay inayos ang pagkakalagay ng neck tie niya at sinaktuhan ang higpit no'n. Pinagpagan ko pa ng konti ang blazer niya. "Okay na. Ingat ka." Hindi parin siya nakagalaw. Nag-angat na ako ng tingin sa kaniya. "Nagmamadali ka, 'di ba? Ano pang hinihintay mo? Goodbye kiss?" Tumawa pa ako sa huling sinabi. Pero wala akong nakitang kahit anong reaksyon sa kaniya. Matiim lang ang titig niya sa'kin. "As if you can do that?" Tumaas ang kilay niya sa'kin na para bang sinasabing hindi ko 'yon kayang gawin. Ngumisi ako. Nag-isang hakbang ako palapit lalo sa kaniya. Doon lang nawala ang pang-aasar sa mukha niya. Tumingkayad ako saka siya binigyan ng halik sa pisnge. Naramdaman kong nanigas ang buong katawan niya pero ipinagsawalang-bahala ko 'yon at sa halip, ningitian pa siya pagkatapos ko siyang halikan. "Ipagluluto kita pagkauwi mo. Ingat sa lakad." 'Yon ang huli kong sinabi bago ko siya tinalikuran na kagat ang labi at pinipigil ang ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD