Ilang taon na nung huli akong kumausap ng multo. Kung hindi lang sana taong tao ang itsura niya edi sana wala ako sa ganitong sitwasyon.
“Gano ka na ba katagal dito?” Pag suko ang mababakas sa boses ko sa mga oras na yon. Lumingon siya saakin saka umiling.
“Wala akong ideya. Hindi ko alam kung kelan at gano na katagal akong nandito,” malungkot na saad niya. Pagtapos ng ilang tanungan pa nag pasya na akong mauna. Nakabuntot pa rin siya saakin during classes pero tahimik siya.
Kagaya nung una naming encounter, tumigil siya nung malapit na ako sa gate na para bang sinasabi niya na hanggang doon lang siya. Bagama't nag tataka ay nagpatuloy ako sa paglalakad at di na siya nilingon pa.
Pagdating sa apartment, kagaya ng laging nakasanayan, nadatnan ko na lang ulit si Gab. Mag classmate naman kami pero bat ba lagi siyang nauuna.
Maaga ang naging uwian namin ngayon kaya naman parehas kaming sa sala naka tambay.
“May sasabihin ako,” pag putol ko sa katahimikan. Busy kase siya sa phone niya ganon din naman ako pero nang maalala ko si Adi e parang mas magandang marinig ang advice niya.
“Alam kong takot ka or baka immune ka na sa kaka kwento ko about sa mga multo pero gusto ko marinig opinion mo dito..” this time nakatingin ako sa kaniya. Ganon din naman siya na ani mo'y interesado din.
Sinabi ko sa kaniya lahat ng alam ko at mga narinig ko kay Adi. Kita ko naman na attentive din siya dahil sa patango tango niya. Lumapit ito sa akin at tsaka umupo sa harap ko.
“Maybe helping him won’t be as burdensome as you think. It might even help you in ways you don’t expect,” Gabriel suggested. Help me in ways I don't expect? Huh?
“What do you mean?” Takang tanong ko sa huli niyang sinabi.
“You have the ability Xion. Sabi mo pa nga simula bata ka nandiyan na yan, na trauma ka lang kase evil spirit pala yung natulungan mo dati. Malay mo dahil dito ma improve pa yan or mawala yung trauma mo at ma embrace mo ng buo yang sarili at ability mo,” sikreto akong napahanga sa sinabi niya. Nakuha ko naman ang point niya ang kaso
“Eh hindi ko din alam kung saan mag sisimula kung sakali e,” seryosong sabi ko.
Umayos siya ng upo tsaka tumingin sa kisame, napaisip.
“Just talk to him. Find out what he needs. You don’t have to solve everything at once Xion,” suhestiyon niya na parang naging Go signal ko para sundin ang nararamdaman ko.
Kinabukasan maaga akong pumasok kahit 11 am pa ang first class ko. Hindi ko alam kung saan hahanapin si Adi pero alam niya lagi kung saan ako hahanapin.
Nag tungo ako sa 2nd floor ng Library. Ang floor na laging ang unti ng tao dahil bawal ang maingay sa ikalawang palapag.
Naupo ako doon, wala akong nilabas na gamit kahit ang phone ko. Dahil maaga pa, wala pa ding ibang tao maliban sakin at sa librarian na nasa may entrance.
Labas na Adi, naiinip na ako..
Iginala ko ang mata ko, nag babakasakali na mahagip siya at nandon din sa Library.
Ilang minuto na ang nag lipas wala pa ring Adi na lumalabas. Bakit ba pag di ko siya kailangan lumilitaw siya? Tas ngayong kailangan ko siya saka siya wala.
Sa sobrang inip ko, tumayo ako at kumuha ng mga libro sa shelves. Bago pa ako makabalik sa upuan ko ay naramdaman ko na ang malamig na pag haplos ng hangin sa balat ko at sa tanang buhay ko ngayon lang ako natuwa ulit sa ganong pakiramdam.
Mabilis ang pag lingon ko at di nga ako nagkamali. Nandon siya sa di kalayuan sakin, tinitingan ang mga libro kagaya ng sakin.
Lumingon ito sakin “Hello,” bumalik ang sigla nito na kahapon ay nawala dahil sa pag uusap namin.
“Tell me what you need and what you can remember and I will help you.” diretso at seryosong saad ko sa kaniya na nag dulot ng ngiti sa mukha niya.