
“Nakikita mo'ko?” As much as i wanted to ignore the Ghost, hindi ko na kaya. He's been bothering me for almost a week already. I tried to act normal pero paulit ulit siya sa tanong niang yan. This time bumigay na ako. Sa pangalawang pag kakataon, tinitigan ko siya sa mata niya. Diretso at walang pag aalinlangan. “Yes, happy now?” Even though it is very obvious, kaya nga siya nangungulit e nagulat pa rin siya. “Ha! Sabi ko na e.” nagpalipat lipat ito ng pwesto na ani mo'y nang aasar. “Stop! Now that you confirmed pwedeng layuan mo na ako?” Irita kong sabi. Mabuti na lamang at ako at ang librarian lamang ang nasa 2nd floor ng Library ng mga oras na iyon. Mahina lang ang boses ko pero parang pasigaw pa rin. Iginala ko ang tingin ko para idouble check ang paligid.“No!! Now that I confirmed, you need to help me.” Napapikit ako sa sinabi niya. This is why I hate ghosts. Very demanding. Parang may responsibilidad kang tulungan sila.Hindi ako nagsalita at nag patuloy sa pag basa ng aklat na hawak ko pero wala na don ang utak ko. Napapikit ako ng inilapit nito ang mukha niya saakin. “Help me, human. Help me find my peace.”

