Nakatitig lamang ako kay Adi, ito ang unang beses na nilingon ko siya at tumigil habang pauwi para tanungin siya kung bakit hanggang doon lang siya lagi sa may bandang gate.
Lumakad ako pabalik at nagtungo sa oval. Bagaman may pagtataka sa mukha ni Adi kung bakit ako bumalik ay nakangiti siya, halatang na e excite habang nasunod sakin. Maayos naman ang naging pag uusap namin kanina kahit wala naman talaga siyang masyadong ma i-provide na info para may starting point ako.
Sunod lang din siya ng sunod during classes. Pag ganitong araw ay full sched kami from 11am to 7pm kaya need mag baon ng snacks dahil wala namang oras para kumain. Kaya mula ng magsimula ang klase ko ay nakasunod lang talaga siya, tahimik pero nakangiti. Hindi rin niya talaga maiwasan na kumaway sa ibang students kahit di naman siya nakikita.
“May itatanong ako,” pag basag ko sa katihimikan pagpasok sa gate ng Oval. Isang lap ng lakad lang siguro bago ako tuluyang umuwi. May kakaonting tao don sa may bandang stage na nag pa practice ata ng sayaw nila. Hindi naman sagabal ang dilim dahil sa mga ilaw.
“Sige lang, kahit ano sagutin ko yan.” Nakangiting sabi niya. Kahit ano daw e wala nga siyang maalala.
“Kung sunod ka lang din naman ng sunod sakin bakit di ka pa sumunod hanggang bahay?” Natatawang sabi ko. Napansin ko naman ang bahagyang pag liit ng ngiti niya.
“Hindi mo yon nakikita?” Turo niya sa may bandang gate at iniikot pa ang daliri sa ibang open area.
“Alin?” Nagtatakang balik tanong ko at tiningan ang tinuro niya.
“Yan, yang puti na yan,” napakunot ang noo sa sinabi nia.
“Hindi ako makalabas diyan. Naalala ko pa nga nung unang beses ako nag attempt na lakaran yan, bigla na lang ako bumalik sa Library,” napatigil ako sa paglakad ko sa track sa kwento niya.
Barrier?
Wow, halos may same na pangyayaring ganiyan sa isang kdrama,never thought na totoo pala yon.
Pero gets ko pa yon e. Hospital yon, nandon yung katawan ng patient kaya may specific place lang siya na pwede puntahan beyond its radius. Pero sa school?
Maybe unfinished business?
Napakunot ang noo ko. “How about the other ghost you mentioned before?”
“Ah sila Martin? Inaasar nga nila ako e. Pinapakita nilang nakakatawid sila tas ako hindi,” natatawa pa siya habang kini kwento na ani mo’y naalala ang pangyayaring iyon.
“Walang ibang multo na nasa same situation?” Umiling siya saka kumaway sa kasalubong namin. Napababa ang tingin ko ng mapansing hindi tao yon.
This is what I'm talking about nung sinabi kong taong tao si Adi sa paningin ko. Itong nakasalubong namin e may something agad na makikita mo at di ka mag dadalawang isip kung multo ba o hindi.
“Siya ba yung sinasabi mong tao mo?” Halos tumaas ang balahibo ko sa naging paglamig ng hangin ng magsalita ito. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ayos na sakin ang mag manage ng isang multo. Ayos lang kung si Adi since hindi naman siya mukhang multo. Tinapos ko ang paglakad ko sa track at sa gate ng oval dumiretso. Hindi na ako nagulat ng biglang lumitaw si Adi sa harap ko.
“Uuwi ka na ba?” Hindi na ako lumingon at nagpatuloy sa paglakad. Tango na lamang ang naging sagot ko kay Adi.
“Let's start tomorrow, wala naman ako pasok so maybe I can use the day to help you,” Nakangiti kong sabi at saka nag paalam. Nakangiti siyang kumaway sakin nung nasa gate na ako.
Pagdating ko sa apartment, naglinis lang ako ng katawan saka kinuha ang laptop ko. Meron unofficial secret files page ang school kung saan maraming nagpa post kada araw. Maybe I can start there.
Maybe someone posted him before tapos hindi ko nakita. 11 pm na nung tinamad na ako sa ginagawa, puro chismis lang naman ang nakita ko don. Nothing useful at all. Lumabas ako ng kwarto para kumain, di na ako nagulat ng makita si Gab doon at naglalaro sa cp niya.