ONE

739 Words
We are currently holding an exhibit with other sections. Napakaraming tao ang gumagala gala at nag titingin sa mga booth at artworks. Every department that taking this subject represents different regions. Dalawang magkaibang program ang kasama ng section namin sa pag represent sa Maguindanao artworks and their culture. “Xion, here's the attendance. Ikaw na ang bahala magpagala niyan pati sa mga BS Psych. Sa isang program naman nakabukod ang kanila. Thankyou.” Umalis agad ang instructor pag tapos ibigay sa akin ang attendance. Gusto ko man unahin ang section namin e hindi pa pwede. Napapaligiran ako ng Bs Psych kaya sila muna siguro. I approahed one decent-looking guy na kanina pa kasama ng mga Psych. Hindi pa ako nakakalapit e lumingon na ito saakin. Inilahad ko ang papel at bahagyang ngumiti. “Here's the attendance, pakibigay na lang ulit saakin after mapirmahan ng section niyo.” “Xion..” napalingon ako sa babaeng tumawag sakin. Kalapit lang namin siya at may bakas ng gulat sa mga mukha niya. “Hmm?” Marahan kong sabi ng di na siya ulit nag salita. “Pagod na pagod ka na ba at kumakausap ka na ng hangin?” The moment I heard that alam ko na agad. Pinilit kong wag lingunin ang lalaking titig na titig saakin ngayon at ibinaling ang atensyon sa mga girls na tumawag sakin. “Nag ha hallucinate na siguro ako. Maaga pa kase ako dito at wala pa akong kain talaga. By the way, here's the attendance. Pagalain niyo sa section niyo at sakin niyo na lang ulit ibigay pag katapos.” Nag ngitian sila at tumango. Bumalik ako sa pwesto ko kanina malapit sa booth and this time naka sunod na sa akin ang lalaki. Pinag aaralan ang galaw ko. This is not the first time it happens pero after so many years ngayon lang ulit ako nagkamali. Usually at first glance alam ko na agad na kung multo ang kaharap o ang nakita ko, and when making this mistake, the only thing I can do para hindi na ako sundan ay mag panggap na wala naman talaga akong nakikita. Lumipas ang ilang oras na nakikihalubilo ako sa mga kaklase ko, ignoring the fact that there's some ghost lingering over me longer than I expected. Akala ko ay pag nakalipas ang ilang oras na di ko ito papansinin ay aalis na siya ulit. Ilang beses niya ako sinubukang takutin at gulatin, nagbabakasakali siguro siya kung totoong nakita ko siya kanina. Nang matapos ang event ay agaran akong nag paalam sa mga kaklase ko at ibinilin sa vcr ang attendance. Nag diretso ako sa apartment ko, mabilis ang ginagawa kong paglakad. Pero kahit ata gaano kabilis iyon ay talagang makulit ang multong ito. Malapit na ako sa gate ng school ng mapansin sa peripheral vision ko na huminto ito. Napahinga ako ng malalim at bahagyang guminhawa ang pakiramdam ng nawala ito sa paligid ko. Pagdating sa apartment nandon din ang kaklase na ka-boardmate ko din. Nauna palang umuwi sakin. “I saw you earlier, dude.” “Malamang.” Sumama ang tingin nito saakin. “What I mean is, the moment you talk to the air,” Napatigil ako sa pag ayos ng gamit na nilapag ko at tumingin sa kaniya sandali. “Oh tapos?” “Akala ko ba tapos ka na sa ghost era mo?” Natatawang tanong niya. Usually, walang naniniwala sakin kapag nake kwento ko ang about sa ability ko na makakita ng mga multo. But he's different. First year pa lang ata kami nasabi na niya sakin na ang weird ko daw minsan. Lagi daw niya akong makitang parang may iniiwasan pag nag lalakad. Ganon na ganon daw ang dati niyang kaibigan na nakakita ng multo. Panay ang iwas sa hangin na akala mo ay may mababangga. “It's a mistake, dude. This one is different, mukha talaga siyang buhay na tao.” Nag-akto pa akong kinilabutan habang nag ke kwento. “Baka nadala mo dito ah,” “Muntik na kamo. Tumigil siya sa pag sunod nung malapit na ako sa gate.” Sabi ko at nag paalam na papasok sa kwarto ko ng mapansing di na rin niya pinag patuloy ang topic patungkol doon Lumipas ang ilang oras at madilim na rin sa labas. I'm just hoping that tomorrow—no, not just tomorrow but forever, na sana hindi ko na ulit makita ang pag mumukha ng multong yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD