TWO.2

750 Words
Gusto kong mapikon sa presensya niya pero natigil iyon ng mapansing libang na libang siya sa mga estudyante. Kinakawayan niya ang ilan kahit di naman siya nakikita. “Pre, ba’t ba parang badtrip ka?” Si Gab habang pumipili ng pagkain niya. Tumikhim ako at saka sinabi sa staff na naroon ang order ko. “Hindi ko nga nakita sa assembly hall, nakita ko naman sa Library. Hanggang ngayon nandito din,” naiinis kong kwento sa kaniya. Halata ang pagbakas ng takot sa mukha ni Gab. Pag alam niyang nag ke kwento ako ibig sabihin meron talaga. Hindi lang siya masyadong natakot kahapon dahil nabanggit kong naiwan naman sa school yung multo. Pero ngayon na siya mismo ang makakasalumuha kahit di niya nakikita ay alam kong nag dudulot ng takot sa kaniya. “Ngayong nabanggit mo parang ang eerie tuloy ng vibe dito.” Mahinang sabi niya ng makaupo kami. Sinenyas ko sa kanya ang area sa gitna ng foodcourt. “Nandon siya, feel ko coma ghost siya. Taong tao ang istura niya e.” Totoo naman at maaring hindi nalalayo ang theory ko. Masyadong tao ang itsura niya at isa pa bakit ba parang enjoy na enjoy siya sa presence ng mga tao? Ano, ngayon lang siya naging multo? “Eh, wag mo na ituro. Ayoko malaman. Pag nakikita mo siya sarilihin mo na lang, natatakot ako talaga,” natatawang sabi niya. Tila ba kumalma ng sabihin ko na abala ang multo sa kakahalubilo sa mga tao. Hindi na ako nagtaka ng sumunod ito ulit samin pagtapos namin kumain. Habang nasa klase, tahimik lang siyang nakatayo sa gilid ko. Wala naman na akong pake ang mahalaga di siya nang aabala. “Liver..” napalingon ako ng may sabihin ito. Pasimple ko itong tinaasan ng kilay. “Nagtatanong prof niyo, ang sagot kako Liver,” paliwanag niya. Napagala ang tingin ko ng mapansin tahimik nga ang buong klase at nag iintay ng sagot ang teacher namin. “Basic na yan, diba nag chem na rin kayo nung first sem niyo? Sino prof niyo don bat di nyo to alam?” Wala sa sariling nag taas ako ng kamay at napalingon agad siya saakin at iba kong kaklase. “Sige, Amante.” “Liver?” Patanong kong sagot. Nakita ko ang pag ngisi ng multo sa gilid ko. “Correct. Diba easy lang? Liver is..” nag patuloy ito sa pagdidiskusyon pero bago yon ay nag taas ulit ako ng kamay at sumenyas na tutungo sa Cr. Minatahan ko rin ang multong hindi nga ako nagkamali at nakatingin sakin. Sumenyas ako na sumunod siya saakin at mabilis naman niyang sinunod. Pagdating sa cr, tamang tama nga at walang tao. “Sino ka ba? Ba’t ba ayaw mo’ko tantanan?” Kompronta ko kaagad sa kanya pag tapos kong isara ang pinto. “Ewan ko din, pero tinatawag ako ng ibang multo na Adi. Pauso nung morenong multo don sa Library.” Sabi nito habang ginagala ang paningin sa Cr at saka ginala ang kada cubicle. Pero di niya alam? Edi, maaring coma ghost nga? Di pa ako nakaka encounter ng totoong coma ghost pero usually sa mga nababasa ko, sila yung walang maalala at kapag nagising sila na wala sila sa katawan nila—it's either nasa pinangyarihan sila ng insidente or nasa lugar sila na feel nilang payapa sila bago ang insidente. Pero ba’t nasa school? “Bat di ka na lang pumunta sa katawan mo? Kung di ka pa makabalik sa katawan mo edi bantayan mo na lang? Wag ka ng mang gulo dito,” mahinahon kong sabi saka isinandal ang sarili sa lababo. Tumigil siya sa ginagawa at lumapit sakin na ikinataas ng kamay ko. Isensyas ko na lumayo siya ng kaunti. “Wala nga ako maalala sa sarili ko. Pati katawan ko di ko alam kung nasaan.” “Sabi mo tulungan kita? Pano kita tutulungan kung ikaw mismo di mo mataulungan sarili mo. Tigilan mo na ako. Ayokong may buntot ng buntot sakin, baka mamaya niyan hindi lang ikaw ang nakasunod sakin.” Malamig kong sabi. Siniguro kong may awtoridad sa boses ko ng sabihin ko iyon. Akmang aalis na ako ng bigla ding may pumasok. Kumunot ang noo nito at saka pasimpleng iginala ang mata. Bago ako lumabas, nakita kong napuno ng pag tataka ang mukha ng lalaki. For sure rinig sa labas ang boses ko na tila may kausap. Bumalik ako sa klase at iwinaglit na sa isipan si ‘Adi’ at ang problema niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD