FIVE

611 Words
Mabilis at may kalakasan ang kabog ng dibdib ko habang kaharap ang mommy ni Adi. Pagkagising ko kanina, napagpasyahan kong tawagan ang numero na nasa poster. Malapit lang ang bahay nila sa tinutuluyan ko kaya naman inimbitahan niya akong magpunta na lang sa bahay nila. Hinihintay niyang matapos ang kasambahay nilang maglagay ng mga snacks sa coffee table sa living room kaya may katahimikan. “So, ijo, kilala mo ang anak ko?” Mahinahon ang pagtatanong niya. Sa totoo lang, hindi pa alam ni Adi ang tungkol dito. Kaya hindi ko tuloy alam kung tama ba ang ginagawa ko. “Magiging honest po ako, hindi ko po kilala si Ad—si Ralph, I mean. Pero familiar po yung mukha niya. Pwede ko po bang makita ang iba niyang pictures para makasiguro?” may halong kaba ang pagtatanong ko. Mukha kasing masungit ang nanay niya, hindi ko itatanggi. Kumunot bahagya ang noo niya na lalong nagpakaba sa akin. Na-offend ba siya? Mali ba ang ginawa ko? “So what you’re saying is nakita mo ang anak ko simula nung mawala siya?” “I am not certain, Mrs. Guevas. Pero gusto ko po sanang makatulong,” I honestly said. “Wala pong kapalit,” pahabol at paglilinaw ko. “Hmm… Sa totoo lang, ayoko sana dahil hindi mo naman pala personally kilala ang anak ko, pero any help is…” lumungkot ang mukha ng ginang na nasa harap ko. Tumayo ito at kinuha ang ilang litrato ni Adi na nakasabit. Pagkaabot sa akin ay nalinawan ako. Si Adi nga. Para akong tinulungan ng tadhana kagabi. Paano na lang kung hindi nag-aya si Gab na lumabas? Inangat ko ang tingin sa ginang at napansin na nakayuko na ito at tahimik na umiiyak. “Nag-away kami ng anak ko bago siya nawala. Kung alam ko lang sana…” bakas na bakas ang lungkot sa boses niya. Wala naman akong masabi, wait— Right! Info!! I need info. Huminga ako nang malalim saka sinubukang magtanong. Let’s dig some things that I can use here. “Mrs. Guevas, may nakaaway po ba si Adi, no, I mean si Ralph before? Tsaka saan po ba siya huling nakita?” Hangga’t maaari ay hindi ko pinahalata na nag-iimbestiga ako. Ayoko namang sabihin na nakikita ko ang kaluluwa ng anak niya. Umiling siya at umiyak muli. “I don’t know. Pero mabait na bata ang anak ko. Gusto niya laging may kausap, pero hindi ko nagagawa ang mga bagay na iyon sa sobrang busy ko sa trabaho.” Bigla kong naalala kung gaano ka daldal si Adi kapag magkausap kami. Magfa-follow-up question sana ako ulit pero dumating na ang asawa niya na nagpabalik ng kaba ko, kaya nagpaalam na lang din ako. “Babalitaan ko po kayo. Salamat po.” **** “Police ka na ba ngayon at mag-iimbestiga ka na?” Mapang-asar na tanong ni Gabriel habang naggugupit siya ng kuko sa paa. Naikwento ko kasi ang ginawa ko kanina. “Imbestiga ba ‘yon? Kahit ang pamilya niya, hindi alam ang nangyari sa kanya. Kung pulis ako, isa ‘to sa pinakamahirap na case. Walang alam yung multo, yung pamilya niya, o sino man sa nangyari sa kanya. He’s as good as dead,” paliwanag ko. “It’s so weird…” “Alin?” “Kahapon, bago ako umalis, sabi ko ngayong araw ko siya tutulungan. I can’t believe na mami-meet ko kaagad ang nanay niya,” matamlay kong sabi. “Maybe it’s the universe giving you a sign to help him further.” Napatingin ako kay Gab. He’s been really helpful these days. And he’s right, maybe I should go to school to tell Adi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD