ILANG ARAW KAMING HINDI NAGKITA NI honey bunch. Bukas na ang punta namin ng Matagumpay City, parehas kaming busy at pati ang bebe time namin ngayon ay masasakripisyo. Di bale bawi naman dahil ilang araw kaming mag kasama. Simula bukas, Wednesday ay magkasama na kami hanggang Sunday at sa huling araw kami uuwi. Five days and four nights kaming magkakasama kaya naman napakasaya ko. Maipapakita ko na sa kanya ang surprise ko. Matagal na rin itong naghihintay sa pagdating niya. Kaya tulad ng dati ay naka plano na ang lahat. Lahat dapat ay tatatak sa aming isipan, mas lalo na kay honey bunch dahil para sa kanya ang lahat. Naka ready na din ang mga dadalhin ko kahit ilang araw pa bago kami umalis. Nailagay ko na rin sa sasakyan ang mga ito. Ang hindi ko na lang pa nagagawa ay ang mag paal

