SANDALI LANG KAMING NAG-USAP ni honey bunch kagabi dahil antok na daw siya. Kahit ako ay napagod sa pakikipag – usap kanila Daddy at Mommy. Nagawa ko pang magsinungalin sa kanila. Alam kong mali ang di pagsasabi ng totoo, kaya lang ay kailangan kong gawin iyon para na rin kay honey bunch. Ngayon ay naghahanda na ako para sa pag – alis namin. Four am ang lakad namin para hindi kami abutan ng traffic sa NLEX, kahit expressway ito ay nagkakaroon din ng pagbagal ng trapiko dahil sa mga ginagawang kalsada dito. May ilang nirerepair na. Kaya para di kami maapektuhan ay aalis kami ng kaunti pa lang ang nagbabyahe. Gising na rin si honey bunch at hinihintay na lang ako. Nagpalit ako ng sasakyan dahil maliit kung kotse lang ang dadalhin namin. May mga sariwang isda at karne pa kaming bibilhin p

