BUONG BYAHE NAMIN AY TULOG SI honey bunch. Hindi na ako nakabili ng mga isda at karne dahil ayaw ko naman siyang gisingin. Mamaya na lang pagdating namin doon. Kami na lang ni Tatay Pedro. Nasa Matagumpay City na kami ni honey bunch. Malapit na sa bahay nila. Tulog pa rin Siya. Nang nasa tapat na kami ng gate saka ko lang siya ginising. "Hon, gising na. Nandito na tayo." masuyo ko itong hinaplos haplos sa kanyang mukha. Dahan dahan itong nagmulat ng kanyang mga mata at nagulat ng makita ang gate nila. "Nandito na tayo hon? Ang bilis naman!" hindi ito makapaniwala na naririto na kami sa labas ng kanilang malaking gate. "Sorry hon kung tinulugan kita." dugtong pa nito. "Okay lang hon, naiintindihan ko naman. Ilang araw na puno tayo ng schedules. Don't worry sisiguraduhin kong mar

