NAGTUNGO KAMING APAT SA SIMBAHAN, magkasama pa kami ni honey bunch sa sasakyan mamaya pa naman pag-uwi kami mag ti tig-isa ni honey bunch ng sasakyan. Siya na ang magdadrive ng kotse na dala ni Tatay Pedro. Meron na siyang lisensya ngayon, di tulad dati na confiscated ng parents niya. Madami na yata akong ihihingi ng tawad sa mga nagagawa kong kalokohan tulad na lang kanina bago kami umalis ng bahay. Ayaw ko namang sisihin si honey bunch, ako rin naman ang dali kong matukso. Pero mas madalas ako naman ang nauuna na manukso dito. First time namin na magsisimba ng magkasama sa Cathedral ng Matagumpay City. Isa ito sa hindi namin nagawa noon. Iba talaga ang pakiramdam na kahit saan pwede kaming magpunta na magkasam. Sa aming pamilya na lang namin hindi nagagawa. Napa isip tuloy ako bakit

