Chapter 2

1381 Words
MAAGAP na nagising ang binata. Kailangan niyang bumili ng mga kailangan niya dito sa bahay. Tulad ngayon kailangan niya ng mainit na tubig at maiinom na mainit na kape pero wala siya. Kumuha na siya ng ballpen at papel para isulat lahat. Kama, unan, blanket, lamesa, upuan, rice cooker, electric kettle, washing machine, kitchen utensils, electric stove, kawali, casserole, timba, batya, tabo, mga sabon pampaligo at pang laba. Mabuti at nadala niya ang ilang gamit niya pero mauubos din ang mga ito. At may shower kaya di niya kinailangan kagabi ang timba at tabo. Pero dito sa baba kakailanganin niya iyon. Groceries pa pala. Yung ref saka na lang kung talagang kakailangin niya dahil mag - isa lamang siya. Mayaman sila pero kaya niyang mag -adjust kaya nga madami siyang savings dahil matipid siya. Hindi niya pwede ubusin ang pera niya dahil wala pa siyang trabaho. Importante sa kanya ang may savings siya. Sa labas muna siya kakain ngayong araw. Baka abutin siya ng tanghali sa pamimili. Dumaan muna siya kay Manang Linda para malaman ang address dito. Kakailanganin niya iyon sa pagbili ng kama dahil di naman kakasya sa kotse niya iyon. Agad naman na ibinigay ni Manang Linda sa kanya ang address. Isinulat nito sa isang papel kaya kinopya niya at saka sinave sa phone niya para mailagay niya as home address. Madali na naman mahanap kung saan ang pamilihan. Madali ng hanapin lahat nga nasa internet na kaya di na masyadong mahirap. Pwede nga mag - order siya online pero mas gusto niya na siya mismo ang pumili. Hapon na ng makauwi siya. Kaya sa mall na rin siya kumain. Pagdating niya sa apartment, dumating na rin ang binilhan niya ng kama, meron din washing machine at sinamahan na rin niya ng refrigerator. Di kasi siya makakapag stocks kung wala siya nito. Pinababa niya at pinapasok na rin dahil sa may kabigatan ang ibang gamit at pagod na rin siya. Maghapon ba naman siyang nag - ikot. Mabuti di nagsawa kanina ang sales lady sa kakatanong niya. Mas mabuti na ang matanong kaysa bibili lang tapos pag - uwi di na gagana. Mas hustle 'yon. Nilagyan niya ng cover ang kama pero hindi pa ito nalalabhan. Bukas na lang dahil di na matutuyo ngayon. Hindi naman siya mamamatay kung gagamitin niya ito ng wala pang laba. Nagpahinga lang muna siya ng maalala niyang kailangan pala niya palitan ang phone number niya. Bumili siya sa bayan kanina para di na siya tawagan ng pamilya niya. Ang daming missed calls at text galing sa kuya niya at sa Mommy niya. Alam niyang nag - aalala ito ngayon sa kanya kaya bago alisin ang sim card ay nagpadala muna siya ng mensahe sa mga ito. Ayaw niya rin naman mag -alala ang mga ito sa kanya. Hindi rin masama ang loob niya. Choice niya ito, di lang pasok sa mga plano ng Daddy niya. "Nakahiga ka na sa salapi pero umalis ka pa. Doon may trabaho na hindi na kailangan mag - apply at makipag paligsahan sa iba dahil may position ka kaagad. Syempre sa akin lang iyon dahil anak ako. Pero kung ibang tao ang mag - aapply tulad ko din sila Ngayon." Pagka-usap ni Ekz sa kanyang Sarili. Pinapakiramdaman niya ang kanyang sarili kung may guilt ba sa kanyang puso? Guilt sa pag - alis? Wala. Pagsisisi sa pagtalikod sa magandang buhay? Wala. Ang ikinalulungkot lang niya ay ang malungkot ang Mommy niya at ang sagutan nila ng kanyang Daddy na hindi niya ginagawa noon. May address na siya ng tirahan niya ngayon kaya magsesend na siya ng application sa Matagumpay University. Lahat ng mga dapat niyang gawin ay unti - unti ng nasasaayos. In two weeks time ay start na ng pasukan. Baka bukas o sa makalawa ay makatanggap agad siya ng tawag para sa interview. Positive siyang tatawagan agad, impressive ang kanyang curriculum vitae na ngayon ay mas pinaganda sa tawag na comprehensive resume. Hindi lang siya basta graduate sa isang university bagkus nagtapos siya na may latin honor. May built in cabinet ang kwarto kaya di na siya bumili ng cabinet, instead plantsa ang binili niya ng makita niya ito. Kakailanganin niya sa mga susunod na linggo dahil ngayon maaayos pa ang mga damit niya. Para maging busy lahat ng dapat ayusin ay ginawa na niya. Kaya ng matapos naging mukhang bahay na ito. Yung sala na lang ang plain mabuti at nandito ang sofa nila Manang Linda. ____________ Kinabukasan, maaga pa lang ay nilabhan na niya ang binili niyang kobre kama, punda at kumot. Bahagyang nangati nga ang katawan niya. Okay lang iyon at least nasasanay na siya sa bagong kapaligiran. Habang pina- paikutan niya ito sa washing machine ay nagsaing na siya. Madali lang naman dahil may takalan na kasama, kung ilang takal ang bigas ganoon din ang tubig. Tapos isasalang lang din. Nag - isip pa siya ng iluluto kaya nanood muna siya sa Y T kung paano magluto ng adobo. Lahat nga ngayon makikita mo na sa internet. Niready niya lahat ng ingredients at ng makuha na inisa isa na niya itong hiwain. Ang manok naman ay napa chopped na niya nung binili niya ito. Sinilip muna niya ang nakasalang sa washing machine. Dahil gusto niyang malinis ito ay pinaikot niya uli. Saka bumalik sa kusina. Iginisa niya ang bawang at sibuyas sa mainit ng mantika. Nang golden brown na ang bawang nilagay na niya ang Karne at hinayaan na lumabas ang sariling katas nito. Hinayaan lang niya na maluto ito sa sariling mantika at ng masigurong luto na ang karne saka niya nilagyan ng toyo, asin, paminta, kaunting tubig. Hinayaan lang niya muna itong kumulo at saka lang siya naglagay ng kaunting suka. At pinakulo na lang ng pinakulo hanggang sa kumaunti na ang sabaw nito saka lang niya hinango sa kalan. Sakto luto na ang kanin kaya nagpasya muna siyang mag - almusal at pwede na ring tanghalian. Di pa kasi siya kumain ng breakfast inuna niya ang paglalaba at ngayon nga kumain muna siya bago magbanlaw. Matutuyo pa naman ito kahit kumain siya. Tanghali ng makatapos siya ng gawaing bahay. Hindi siya mahilig mag online games at manood sa mga kung anu - ano sa social media. Kaya nagpasya na lamang siya na buksan ang kanyang email para mag check kung may reply na ang school. Actually inaasahan naman niya na sasagot talaga ito, iyon nga lang kung good news or bad news. Kaya laking gulat niya ng mabasa niya naka schedule na siya for interview. Dear Mr. Ekzekiel S. Alonte, Thank you for applying for the position of Full time teacher in Matagumpay University. We would like to invite you to come to our office to interview for the position. Your interview has been scheduled on May 15 at 9 am at 143 Santibañez Street. Matagumpay City. Please reply to this email if you have concerns, question or need to reschedule. Sincerely, Adam Salvatore Napasuntok siya sa hangin sa labis na katuwaan. Kailangan niyang sagutin ang email para malaman nila na interested talaga siya. Dear Mr. Adam Salvatore, Thank you for the invitation to interview with the HR personnel at Matagumpay University. I will be available to meet the team at your proposed day and time. You may also contact me directly at 0009 000 0001 for any further updates or changes. Sincerely, Ekzekiel S. Alonte Ipinadala niya kaagad ang kaniyang reply letter. Excited siya at talagang thankful siya dahil umaayon ang pagkakataon. Maagap siyang natulog dahil iyon lang din naman ang pwede niyang gawin. Wala pang alas nueve ay nasa eskwelahan na siya para sa kanyang job interview. Kinakabahan siya pero confident siya na maipapasa niya ito. Hanggang sa natapos ang interview at waiting na lang siya sa result. Lumabas si Dean Morales na isa sa nag - interview sa kanya. "Mr. Alonte, I wanted to personally reach out and congratulate you. We were impressed by your qualifications, experience, and the positive impression you made during the interview process." Bati nito kay Ekz. "Thank you Dean." Iyon lang ang nasabi niya dito. "See you next week for your orientation. I'll go ahead. Again, congratulations!" Sabi ng Dean at tumalikod na ito sa kanya. "Yes! I made it!" Masaya niyang wika sa sarili. Mabuti walang tao sa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD