Chapter 3

1467 Words
"Wyeth hija, bangon na! Baka malate ka ng pasok. Sige na bumangon ka na Dyan!" Tawag sa kanya ni Nanay Rosing. "Okay po nay, ito na babangon na po," sabay hikab. Umaga na siya nakatulog dahil sa kaka chat sa mga kaibigan niya. Nag - inat pa sya ng katawan at ilang stretching para magising ang dugo niya. Fourth year student na siya ng business administration at ngayon ang first day niya sa school ng Matagumpay University. Transferee sa nasabing university. Dapat maaga siyang pumasok dahil hahanapin pa niya kung saan ang classroom. Nagpasya na siyang maligo at nagbihis saka nagtungo sa kusina. Doon nakahain na ang kanyang almusal. Si Nanay Rosing at Tatay Pedro ang kasama niya lang sa bahay. Nag-iisang anak siya. Katiwala nila ang mag-asawa, ang magulang niya ay nasa Manila. Dahil sa hilig niya sa barkada kaya heto napatapon siya dito sa probinsiya. Okay lang naman sa kanya para malayo na rin siya sa mata ng parents niya. Para di rin siya laging napapagalitan. Kaya lang hindi ito ang buhay na kinalakihan niya. Sa Manila madaming bar at disco. Noong nasa Manila siya kapag papasok may dala siyang extrang damit para after school pwede silang pumunta sa bar. Twenty years old na siya noon kaya pwede ng makapasok sa mga bar. Hindi rin naman halata ang edad niya sa pangangatawan nito lalo na at naka civilian clothes. Noon nga nasa high school pa lang napagkakamalan na siyang tunay na dalaga. Bar hopping at disco ang libangan nila ng mga kaibigan niya. Mayroon na ring boyfriend ang mga ito at siya ay nanatiling single. May mga nanliligaw pero wala siyang magustuhan. Magagandang lalaki rin naman at campus crush pero walang dating sa kanya. Baka di pa lang niya natatagpuan ang magpapatibok ng kanyang puso. Dapat last year pa siya nakatapos ngunit sa mga failed grades niya eh napag - iwanan na siya ng mga ito. "Tatay Pedro, tara na po! Nanay Rosing papasok na po ako." Tawag niya sa mag - asawa. " Okay hija, papainitin ko na ang sasakyan at sumunod ka na. " Sagot sa kanya ni Tatay Pedro. __________ Maaga pa lang ay ready na si Ekz para sa pagpasok niya sa University. Nakaluto na siya ng pang - almusal at nagbaon din siya para sa pananghalian niya. Gusto niyang makatipid para may maipon pa rin sa kita niya. Sumakay na ito sa sasakyan niya. Alas siyete pa lang ng umaga, maaga pa para sa first subject nito sa university. Pero mas okay sa kanya ang makarating ng maaga para preparado siyang mabuti bago magsimula ang klase. Fourth year students ang hawak niya. From 8-5 ang schedule niya sa araw - araw. Excited at kinakabahan din siya dahil ilang taon lang naman ang tanda niya sa mga magiging estudyante nito. Twenty - five years old pa lang siya at dahil baby face siya at magandang lalaki iisipin na estudyante lang din siya sa paaralang iyon. Bitbit ang kanyang record notebook at ang libro para sa subject niya. Pagdating niya sa classroom ay kakauniti pa lang ang mga estudyante. Maaga pa naman at dahil ito ang first subject niya mas minabuti nito na naroroon na siya sa loob bago dumating ang oras ng klase. "Good morning Sir." Bati ng mga estudyante na naroroon. "Good morning." Sagot naman niya sa mga ito. Hanggang sa tumunog na ang bell at hudyat na para magsimula ang klase. Dahil first day nila, introduce yourself muna ang pinagawa niya dito. Isa isang pinatayo sa harapan para magpakilala. __________ Nagmamadali si Wyeth dahil mag eight na at yon ang umpisa ng first subject niya. Hindi pa niya alam ang room kaya nagtanong pa siya sa mga nadaanan niyang estudyante. "Naku Wyeth, first day late agad. Hayst!" Salita niya sa sarili habang tinutunton ang classroom nila na nasa third floor pa. Halos kandarapa na siya sa pag-akyat sa hagdanan. Huminga muna siya ng malalim at saka kumatok sa pinto para makuha ang atensyon ng professor at payagan siyang makapasok. "Good morning, Sir! I apologize for being late. May I come in? Tanong nito sa batang bata na professor. Nasa unahan kasi ito at iba ang suot nito sa kanilang mga estudyante. Parang nagulat naman ang kanyang professor kaya di agad nakasagot. Pinagmasdan pa siya nito." Good morning. Okay come in, but next time be on time. Find your seat. " Tugon nito sa kanya, halos lahat ng upuan sa harap ay puno na kaya napunta siya sa likuran. "Class, just to add to my rules in this classroom: every time you come late, it means minus five points on your quizzes. I am serious about time! " Sabi nito sa klase pero pakiramdam ni Wyeth para sa kanya iyon. Kaya napasimangot siya. "Do you have any problems, Miss late with what I've said?" Tanong nito kaya nagpalinga - linga naman si Wyeth. "Ikaw Miss, huwag mo ng hanapin. Ikaw ang tinutukoy ko. What is your name?" Sabi sa kanya ni Professor Ekz. "Me?" Tanong niya sabay turo sa kanyang Sarili. "Yes it's you! Ikaw lang naman ang pumasok ng late dito." Sagot naman nito sa kanya at nagtawanan pa ang mga kaklase niya. Tumayo si Wyeth at sinabi niya ang pangalan. "I'm Wyeth Billanueva and, as I said earlier, I apologize for arriving late . Regarding my reaction to your rule, I don't agree with it. What if there's an emergency that's out of our control? Because we want to attend your class, even if we're late you will give us a minus five. That's unfair, Sir!" Sagot nito sa professor kaya napatango naman ang ilang kaklase nito lalo na ang mga kalalakihan. Di makapaniwala si Ekz na ganito itong babaeng ito. Ang lakas ng loob na sagutin siya. "Of course Miss Wyeth, I will understand if there's an emergency. It will depend on the reasons. And if there's an emergency, you may excuse yourself from my class. Everyone, do you understand that?" sabi nito sa buong klase. " I hope Miss Billanueva we're clear about it. You may sit." Sabi nito sa dalaga. Umupo na si Wyeth at nakinig na sa nagsasalita. Parang di na niya kailangan magsalita, for sure kilala na agad siya ng lahat. " Okay na ang malinaw, five points din iyon.Ang gwapo nga ibang sungit naman." Bulong niya sa sarili. 'Miss Billanueva, it's your turn to introduce yourself." Sabi nito kay Wyeth. Dahil sira na ang araw ng dalaga sumagot siya kay Professor Ekz. "Kailangan pa po ba Sir? I think they know me." Sagot nito sa kanyang professor. "Yes, you have to introduce yourself." Direktang sagot nito sa dalaga. "Good morning again classmates. I really apologize for coming late." Simula nito. " My name is Wyeth Marie Alonzo Billanueva. You may call me Wyeth. I am a transferee here at Matagumpay University. I'm twenty two years old. Bar hopping is something I enjoy doing. I live with my Nanay Rosing and Tatay Pedro. I'm glad to meet you and looking forward to getting to know everyone here better." Wika nito sabay tingin sa kanyang Professor. Parang nahirinan naman si Ekz sa huling sinabi ng dalaga. O siya lang ang nagbigay kahulugan dito. Tama lang na tumunog ang bell para sabihing tapos na ang unang klase. "Class, dismiss. You may read ahead for chapter one of our textbook. Tomorrow, there will be a graded recitation. You may go. " Announced nito bago magsilabasan ang mga estudyante niya. Kaagad lumabas si Wyeth at nagmamadaling naglakad para sa pangalawang subject niya. Kailangan mahanap niya agad at baka may kakambal sa kasungitan ang nauna niyang professor. Nasa baba lang pala ng building ding iyon ang second subject niya. At sa kamalasan si Professor Ekz na naman. Hindi siya sigurado sa name dahil di namam niya naabutan ito kanina ng magpakilala. More on major subjects na lang siya kaya possible na ito pa rin ang kanyang professor. Mabuti pala at nauna siya ngayon dito. At least di na siya mapapahiya. Narinig niya na binabati ito ng mga kaklase niya. Nagtama ang mga mata niya pero agad binawi ng dalaga. Bad trip pa rin siya dito. Wala siyang nakitang familiar faces dito mula sa first subject niya kanina. "Good morning, class. I am your teacher for this subject, Business Economics. My name is Ekzekiel S. Alonte. You may call me Professor Ekz for short. I am twenty five years old. I am new to teaching. If you want to clarify something about our subject, you can talk to me. I'm looking forward to getting to know all of you. So, please bear with me." Pakilala nito sa sarili. At syempre isa isa na namang tinawag. Ang kaibahan lang tinawag niya ang dalaga sa pangalan nito dahil narinig na niya ang pangalan nito sa unang subject niya dito sa university.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD