Chapter 4

1334 Words
Sinundo ako ni Tatay Pedro ng eksaktong five o'clock. Malayo pa lang ang sasakyan ay natanaw ko na ito. Nag park kasi siya sa loob ng school para di makaabala sa ibang motorista sa labas. Pagka-upo ko pa lang sa sasakyan ay tinanong na niya ako. "Bakit parang busangot ang mukha mo hija? First day pa lang ng klase." Bungad nito sa akin. Di naman ako napikon sa sinabi ni Tatay Pedro, naiinis talaga ako maghapon dahil sinimulan ni professor Ekz. "Kainis talaga siya, kaya Ekis siya sa akin." Sambit ko pero mahina lang na ang akala ko ay ako lang nakakarinig, eh napalakas pala kaya narinig ako ni Tatay Pedro. "Sinong ekis sa iyo hija? Yan bang ieekis mo ang dahilan kaya pumapangit ang mala anghel mong mukha?" Tanong nito sa akin. "Paano naman po ilang minuto lang po ako nalate kanina dahil hinanap ko ang classroom ay tinawag na akong Miss late ng professor ko. Nakakahiya kaya sa mga kaklase ko. Kabago bagong teacher ganoon agad ang ugali. Napaka arogante mayabang at akala mo sinong perpekto. Hayst! " Di ko na napigilan ang sarili ko dahil sa inis talaga. Tatawa tawa naman si Tatay Pedro. " Siguro gwapo ang teacher mo hija? " Sambit nito. Kaya tinanong ko si Tatay Pedro. " Ano po ibig ninyong sabihin Tay Pedro?" Balik tanong ko dito. "Kasi kung pangit ang teacher mo eh malamang nilait mo din ang hitsura niya. Wala kang binanggit sa hitsura kaya malamang magandang lalaki siya." Tumawa na talaga si tatay Pedro. Siya naman ay napaisip. Oo nga kung pangit ito eh nakatikim din ito ng panlalait sa hitsura niya. Gwapo naman kasi talaga si Sir. Ang malalim nitong mata na mas na emphasize dahil sa abuhing kulay into. Ang matangos na ilong at mapulang labi. Ang kanyang mapanga na shape ng mukha na nagbigay diin na manly look dito. In fairnes, pwede pa nga siyang maging modelo. "Kahit pa po gaano siyang kagwapo eh ekis po talaga siya sa akin." Sambit ko at niyaya ko na si Tatay Pedro. "Tara na po Tay! Mag - aaral pa po ako baka bukas eh panibagong pamamahiya na naman ang matanggap ko sa ekis na iyon. May graded recitation agad bukas. Bakit kasi dito pa ako pinatapon nila Daddy." Kasunod ang malalim na buntong hininga. Mabilis naman silang nakauwi sa malaking bahay. Malaki pero tatlo lang silang nakatira dito. Naghihintay na si Nanay Rosing sa kanila. Ito na nagbukas ng gate para di na siguro bumaba so Tatay Pedro. Maliit pa lang siya ang mag-asawa na ang namamahala dito sa bahay. Trusted sila ni Mommy at Daddy. Minana ni Mommy itong bahay sa magulang niya. Maagap namatay sila lolo at lola. Ayaw naman nila itong ibenta kaya pinatauhan na lang nila. Nasa Manila kasi ang mga negosyo ni Daddy. Business administration ang pinakuhang course sa akin dahil gusto nila ako ang mag manage ng mga negosyo namin balang araw. Ayaw niya sana pero walang choice ako lang ang nag-iisang anak nila. Bakit kasi di na nag buntis si Mommy para di ako ang lagi nilang nakikita. Sunod naman lahat ng luho ko kaya lang nga dahil bumagsak ako last year sa lahat ng subjects ko heto ang inabot ko. Nandito ako walang night life. Kung meron man di ako pwedeng mag drive dito ng sasakyan. Kinuha nila Mommy at Daddy ang license ko. Iniisip nila baka itakas ko ang sasakyan dito. Kung gusto ko naman talaga lumayas, malaya kong magagawa kaya lang alam ko mahahanap at mahahanap nila ako. Sa daming pera ni Daddy madali lang iyon. Kahit yung mga failed subjects ko kaya niyang gawaan ng paraan pero nagmatigas si Daddy. Kaya sabi ni Mommy magpakabait na daw ako. Mabait naman ako, kaya lang mabarkada ako. Dito malayo na ako sa mga kabarkada ko kaya sa chat na lang. Gusto nga nilang pumunta dito sinabi ko na lang na hindi pwede dahil mahigpit ang mga bantay ko. Ayaw ko naman mapahamak pati sila Nanay Rosing at Tatay Pedro. Pero ngayon kailangan ko ng bawasan ang pakikipag chat sa kanila para di na ako tanghaliin ng gising. Tapos na ang bakasyon at may pasok na ako at bawal malate kaya dapat matulog akong maaga at maagang gumising. _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Pagkatapos ng last subject ko ay nagtungo muna ako sa faculty room, para kunin ang ibang gamit ko. Bilang professor kailangan ko ring mag - aral. Pag aaralan at magbabasa din ako ng mga ididiscuss ko sa klase. Kahit sobrang pagod ay wala akong choice, ito ang ginusto ko kaya paninindigan ko. "What a day!" Sabay buntong hininga. Hindi biro ang pinasok kong trabaho. Kailangang mataas ang patience dito. Dahil sa dami mong mamimeet na estudyante. Kung gaano sila kadami ganoon din ang iba't ibang personality nila. "O baka kakaiba lang ang isang iyon." Kakaiba kasi ang personality ng isa kong student si Wyeth. Palaban at ang daming dahilan. Kakaiba din ang ganda niya kaya medyo natigilan ako kanina ng kumatok siya para sabihin na kung pwede siyang pumasok. Madami naman akong nakikitang magaganda pero kakaiba ito sa lahat. Hindi ko masabi kung paano naging kakaiba. Kanina nga sinabi pa niyang gusto niya ang bar hopping. Ako nga lalaki, hindi ko gusto ang ganoong lugar. Sa tuwing niyaya ako ng mga kaklase ko noong College ay umaayaw ako. Sabi nila baka introvert daw ako. Sa tingin ko naman ay hindi. Magkaka-iba lang talaga kami ng trip pero may mga bagay naman na nagki-click kami. Minsan ding sinasabihan nila akong bakla dahil kahit may maghubad na sa harapan ko ay balewala. Hindi ko lang talaga gusto at wala pa sa isip ko ang mag girlfriend. Noong nasa high school pa ako meron ngang nagpapadala ng mga love letters pero wala hindi ko mas lalo gusto ang ganoon. Kahit noong College, madami ang direkta na akong sinasabihan pero sinasabi ko rin na wala pa sa isip ko ang pumasok sa relasyon at turn off ako sa babae na humahabol sa lalaki. Kaya madalas after classes, umuuwi na ako ng bahay. Doon ako nagbabad at nagbabasa na lang ako o kaya advanced reading kaya naman nakatapos ako na may honor. Sabi nga nila Dad mas matalino ako kay Kuya Eleazar. Siguro nga kaya ayaw kong diktahan nila ako. Paglabas ko ng faculty room ng biglang may nabunggo ako. "I'm sorry Ma'am --" "Alice na lang." Sagot nito sa akin. "Bago ka ba dito? Tanong naman nito ngayon sa akin. "Yes Ma'am Alice, it's my first day." Saad ko dito. "Alice na lang, masyado ka namang professional." Sambit nito. "Okay Alice, I'm Ekzekiel but they call me Ekz." Tugon ko dito. "Nice meeting you kahit aksodente pa ang pagkakakilala natin." Wika nitong muli. Ngumiti lang ako para di na humaba ang usapan namin. "Sige Alice, una na ako." Wika ko dito at diretso na akong lumakad palabas ng faculty room at tumuloy sa parking lot. Madami pa akong dapat ayusin. Mga data ng students ko. Pinaandar ko kaagad ang sasakyan at nagmamadaling umuwi. Parang may pamilya akong naghihintay pero wala dahil mag-isa lang ako. Ilang linggo na pala akong wala sa bahay. Naiisip ko din si Mommy dahil baka nag - aalala na ito ng sobra sa akin. Pero nagmessage naman ako sa kanya na nasa mabuti akong lagay. Darating naman ang araw na maiintindihan nila ako. Kung bakit ko ito ginagawa. Wala pa akong kakilala dito sa mga kapitbahay ko maliban kay Manang Linda. Okay lang wala rin akong time para makipag-kwentuhan sa kanila. Mas okay na sa akin ito, ang tahimik akong namumuhay dito. Pagdating ko sa bahay, nagpahinga ako saglit bago ako nag shower. Magluluto pa ako ng pang - ulam ko ngayon at pag may sobra ibabaon ko bukas. Kumain agad ako pagkaluto ko at nagsimula ng harapin ang aking libro at record book. May graded recitation ako kaya kailangan handang handa ako. Late na akong natapos kaya paghiga ko sa kama ay agad akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD