Chapter 5

1319 Words
MAAGAP akong natulog kagabi, nag-log out ako sa messenger at viber ko para walang istorbo. Maagap ako ngayong nagising dahil ayaw kong malate sa klase ni Professor Ekz. Malaking points yung 5 na ibabawas. Ano ba kasing naisipan no'n? Ready na rin ang breakfast kaya kumain na ako. Agad kong tinawag si Tatay Pedro para maihatid na ako sa school. Hindi na niya bibigyan ng pagkakataon para mainsulto siyang muli sa harap ng mga kaklase niya . Habang tumatakbo ang sasakyan, bigla itong nagpagewang gewang kaya agad inihinto ni Tatay Pedro ang sasakyan. At bumaba ito para silipin ang mga gulong. "Wyeth hija, na flat ang dalawang gulong. Iisa lang ang reserba dito. Kailangan ko itong bitbitin itong gulong sa vulcanizing shop. Matatagalan pa ito. Sumakay ka na lang muna para di ka malate sa eskwelahan mo." Suggest ni Tatay Pedro. Hindi naman niya ito pwedeng sisihin dahil di rin nito iyon ginusto. " Kapag mamalasin ka nga Naman, hayst." Wika niya sa sarili. Bumaba siya ng sasakyan at nagpasyang mag-abang na lang ng tricycle. Hindi uso dito ang grab at taxi. Si Tatay Pedro naman ay nagkalas na ng gulong para maipagawa na rin sa bayan. Sa alanganing lugar pa man din sila nasiraan, kaya kadalasan sa mga dumadaang pampasaherong dyip at tricycle ay punuan na. Maya-maya ay may tumigil na tricycle at isa na lang ang kulang. Pinauna na siya ni Tatay Pedro para makahabol pa sa klase. Dahil pampasahero ito mas unang ibinaba ang mga kasakay niya kesa sa kanya.Wala siyang magawa kundi ang umasa na hindi siya mahuhuli sa klase. Kaya pagdating sa tapat ng university agad siyang bumaba at nagbayad. Ang saklap wala ng panukli ang driver kaya naghanap pa ito ng pagpapalitan. Three minutes na lang bago mag-time, nasa labas pa siya ng campus. Kaya halos patakbo na siya, di na niya inisip na naka suot siya ng sapatos na may mataas ang takong. Pagsapit sa building tumunog na ang bell. Nasa third floor pa ang classroom. Nagmadali pa rin siya at umaasa na di siya late. Pagbungad niya sa pintuan, "Miss Billanueva, you're late again!" Bati agad ng kanyang Professor. Kahit hingal na hingal at tumatagaktak ang pawis, "I-i'm s-sorry S-sir I did my best just to arrive on time to your class. But something came up. Nabutas po ang tires ng kotse namin. Sumakay na nga po ako sa tricycle para makaabot po dito." Mahabang paliwanag ko sa aking professor. "Still you're late, Miss Billanueva! Even if your car breaks down or you have to ride in a passenger vehicle, leaving early will ensure you won't be late. " Sagot ng aking magaling na professor. Gusto ko na nga siyang palakpakam eh. " Okay Sir! " Sagot ko dito. Pero sa isip ko naiinis na talaga ako dito. Pumunta na ako sa likuran dahil doon na lang may bakante. Wala namang seating arrangement. Mas okay na rin dito at malayo kay professor sungit. " Okay class, like I mentioned yesterday, we will have a graded recitation today. I will pick up the names from your class cards who will recite. Is that okay?" Sabi ng magaling namin na professor. " Okay, who will be the first to recite? Mr. Santos, please stand up." Wika nito. Tumayo naman ang tinawag nito na nasa may harapan ko. " Yes Sir." Sagot nito at tumayo nga. "Mr. Santos, what is business administration all about?" Tanong ni Professor Ekz. " Business administration is the work of managing an organization's resources, time and people." Confident na sagot nito. " Very good Mr. Santos! You did your homework. You may take your sit." Puri nito sa kaklase ko. Kaya ko rin naman yon. " You want to add something, Miss Arizala?" Tawag nito sa isang kaklase ko. " Yes po." Pacute nitong sagot. "Business Administration may include supporting and overseeing teams, problem-solving, developing and implementing plans, and meeting goals." Sagot nito at pangiti-ngiti pa. " Good. You may take your sit." Sabi nito sa kaklase ko. " Miss Billanueva!" Tawag nito sa akin. Tumayo naman ako agad. "Why did you choose business administration?" Tanong nito sa akin na titig na titig sa mukha ko. Baka naman ganoon siya sa lahat ng tinatawag niya. "I did not choose business administration, it's my parents. If you want to know the answer, you may call them at this num----" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita si Professor Ekz. Narinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko. "I'm not joking here Miss Billanueva!" Putol nito sa akin sa malakas na tono. "I'm not joking, Sir. That's my answer. You asked me and I answered your question. Was that a joke for you?" Muli kong sagot dito. Hindi naman talaga ako nag-jo-joke, iyon naman talaga ang totoo. Dahil kung papipiliin ako, mas gusto kong mag Tourism. At least doon maiikot ko ang Pilipinas at maging ang ibang panig ng mundo. "Your grade for today is 60 less minus five points because you're late. Don't put a strain on my patience, Miss Billanueva!." Saad nito na may pagbabanta sa akin. Sasagot pa sana ako kaya lang baka maubos ko na ang pasensiya nito. Tumunog ang bell bilang hudyat na tapos na ang aming klase. " Iba ka talaga! Parang di ka takot kay Sir." Bulong ng isa kong kaklase habang palabas kami ng classroom. Tiningnan ko lang ito at di na ako umimik. "Magtatanong tapos kapag sinagot magagalit." Bulong ko sa sarili ko. Di na ako nagmadali dahil nasa ibaba lang nito ang room namin at as usual si Professor Ekz na naman ang teacher ko. Mas nauna itong nakadating sa classroom, kaya kahit dumaan ako sa harap niya di na ako tumingin at bumati. Baka mas madagdagan pa ang inis nito sa akin. Pag-upo ko, kinausap ako ng kaklase ko. Ngayon lang may kumausap sa akin. "Hi, I'm Vincent. What's your name? I think you're new here." Saad nito. "Hello, I'm Wyeth. Yes I just transferred here." Sagot ko dito. " What's your business there, the two of you? Would you like to share it with us?" Tanong ni Professor Ekz. " Nothing Sir." Sagot ni Vincent. " I just asked her name, Sir." Dagdag pa nito. Di na ako sumagot at di ko na rin tiningnan ang professor namin na napakabata pa eh parang menopausal na. Lagi na lang galit. Itinuon ko na lang sa harapan ang tingin ko habang nakikinig. Mabuti dito walang minus kapag late. Kaya lang ibang sungit pa rin nito sa akin. Bakit kasi siya pa ang professor ko sa dalawang subjects? After naman ng subject ko dito ay malaya akong makakapag-relax dahil vacant period ko ito. After two hours pa ang next subject ko. Tatambay na lang ako sa may quadrangle, tulad ng ginawa ko kahapon. May mga nag P-P.E sa isang part ng quadrangle kaya naaaliw akong panoorin sila. Mga freshman students siguro sila. Halos major subjects na lang ako at bungi-bungi pa ang time ko. Last yung pang three thirty hanggang five pm. Maagap lang kaming pinalabas kahapon dahil first day. Tumayo agad ako, pagkarinig ng bell. "Did I say you may leave the class?" Rinig kong sabi ni Professor Eks. Kaya napatingin ako dito at sa paligid ko. Ako lang ang nakatayo at hawak na ang gamit. "I'm sorry, I heard the bell ring, so i thought it's okay to leave." Sabi ko habang umuupo uli. Kakaupo ko pa lang, ng magsalita itong muli. "Guys, you may leave the class. See you tomorrow." Pagkasabi nito ay nauna na ito sa amin. Ako tuloy ang huling lumabas. Tatanda ako kaagad dito sa professor ko. Kung sana ay nagtino Ako last school year, e di sana wala ako ngayon dito. Agad akong pumunta sa quadrangle at naupo sa may ilalim ng malaking puno ng sampalok. Inilabas ko ang baon kong sandwich at saka sumandal sa puno habang ngumunguya. Dito ako nakaramdam ng kaginhawahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD