Chapter 6

1309 Words
PAGDATING ko ng faculty office, nadatnan ko sa table ko si Ma'am Alice. Napag-alaman ko ito na pamangkin pala ng may-ari nitong school. "Good morning Ekz!" bungad nito sa akin. "Good morning Ma'am Alice." Ganting bati ko dito. Wala kaming uniform na mga teachers sa College Department pero may proper attire na dapat sundin. At marahil pamangkin ito ng may-ari kaya hindi ito nasisita ng HRMO sa uri ng pananamit nito. Mababa ang neckline nito na kita na ang malulusog na dibdib at maikli ang suot nitong palda na kapag umupo ay masisilipan na. "Meron akong baon ditong carbonara, napadami ang luto ko kaya nagdala ako. Heto o, para sa iyo talaga 'yan. Sana ay magustuhan mo. " Aniya habang namimilipit na akala mo ay teenager na nakita ang crush. " Ganoon ba Ma'am Alice. Thank you." Sabi ko na lang dito para umalis na. " You're welcome. I told you yesterday, Alice na lang ang itawag mo sa akin. " Tugon nito. " Okay Alice. I hope you don't mind I need to go now.. May kailangan pa akong gawin. " Paalam ko dito. " Di ba break mo pa, as per your schedule.? " Saad nito sa akin. Totoo naman ang sinabi niya na break time ko. Pero ayaw ko naman mag-stay dito kung nasa harapan ko siya at parang inaakit ako. " Yes, it's my break time but I have to go to the library. May kailangan akong hanapin na book. " Habang sinasabi ko ito ay nililigpit ko na ang gamit ko. " By the way thanks to this."Tukoy ko sa carbonara. Pero iniwan ko ito sa lamesa ko. Bawal din kumain sa library at dahilan ko lang iyon para maka-alis sa harapan niya. Habang papunta ako sa library, may nadaanan ako sa quadrangle. Tahimik itong nakapikit at nakasandal sa puno ng sampalok. Wari ko ay natutulog ito. " Magdadahilan pa na nasiraan ang sasakyan nila, malamang napuyat ito kaya late na naman kanina." Bulong ko sa sarili ko. Napakaganda talaga ng mukha nito lalo na pala kapag nakapikit at di nagsasalita. Para itong anghel na bumaba mula sa langit kung mukha ang pag-uusapan. Kanina sinagot sagot na naman ako sa klase, ewan ba parang di mauubusan ng ikakaywiran. Palaban ang babaeng ito. Tsk, tsk. Sayang. "Huh? Anong sayang ang pinagsasabi mo diyan Ekzekiel?" Sabi ng isipan ko sa sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito nakita ko lang itong estudyante kong si Wyeth. Napailing na lang ako. Pero hindi din ba ako masyadong harsh sa kanya sa klase? Siya na lang lagi kong napapagalitan. Nilagpasan ko na ito at nakita ko na sumusunod na naman si Alice. Ang mga klase ni Alice ang ayaw ko sa babae yung masyadong obvious kung magpacute kahit hindi. Dali - dali kong tinahak ang daan papuntang library para hindi na ako guluhin ni Ma'am Alice. Ang totoo wala akong kailangan gawin doon pero dahil sa presensya ng gurong ito, napilitan akong totohanin ang pagpunta sa library. Hindi ako manhid para hindi ko maramdaman na may gusto siya sa akin, pero hindi babae ang dahilan kung bakit ako naritito. Gusto kong magtrabaho malayo sa mata ng magulang ko lalo na kay Daddy. Pagkapasok ko sa library kita pa rin sa isang sulok ng mata ko na nakasunod si Ma'am Alice kaya naghanap ako ng pwesto na isa lang ang bakante para hindi ito makalapit at mahiya sa mga estudyante na naroroon. Mukhang effective naman ang ginawa ko dahil ng makita nito na wala siyang uupuan ay lumabas na rin ito. Itinuloy ko na lang ang pagbabasa, kabawasan na rin ito sa gagawin ko mamayang pag - uwi ko ng apartment. Hihintayin ko na ang time ng susunod kong subject. _ _ _ _ _ _ _ _ _ Samantala tumunog na ang bell. "Nakatulog pala ako," wika ko sa sarili. Kinuha ko ang compact ko sa bag para makita ko ang mukha ko sa salamin at naglagay din ako ng powder. Ng makita kong okay na, tumayo ako sa naglakad papunta sa classroom ng sunod kong subject. Si Ma'am Alice Bartolome ang professor ko sa subject na ito. Kung manamit akala mo kulang ang tela. Kaya tuwang - tuwa ang mga kaklase kong lalaki sa kanya. Maganda si Ma'am Bartolome at maganda din ang katawan dahil agaw atensyon ang suot nitong pang - itaas na kita na ang kaluluwa. Mas tama ngang tawagin na kulang ito sa pansin. Mas gusto niyang tawagin ang mga boys. Ewan bakit ganito mga professor dito. Yung isa sobrang tapang at eto naman sobrang l*ndi. Pangit man sabihin pero iyon ang best word to describe her. Nakinig lang ako sa klase niya. Sakto lang at least di ako masyadong pressured dito. Unlike sa dalawang nauna kong subjects. May kaklase nga kami na late ng dumating pero agad niya itong pinapasok, si Vincent. Kaklase ko rin ito kanina. Dito sa tabi ko ito naupo. Di ko alam na classmate pala kami sa subject na ito. Sabagay absent pala siya kahapon, first day ng pasukan. "Wow, classmates din pala tayo dito," wika nito sa akin. Nasa akin ang atensyon ni Vincent kaya naman nakasimangot ang professor namin. "What's your name?" Tanong nito kay Vincent na nasa gilid na pala namin. "Vincent Sandoval po ma'am," sagot nito sa aming professor. "If I'm not mistaken you're the star of the varsity team of our school, am I right?" patuloy ni Ma'am Alice. "Yes Ma'am," sagot naman nitong katabi ko. "Kapag nasa klase ko kayo, all eyes on me. Ayaw ko ng may nag-uusap. Ako lang ang magsasalita. Magsasalita lang kayo kapag tinanong ko kayo..Maliwanag ba?" wika nito sa buong klase. "At ikaw Miss ?" baling nito sa akin kaya sumagot ako. " Billanueva po ma'am," dugtong ko sa kanya. " Umakto ka ng tama. Hindi ito ang oras para magdaldalan," sita nito sa akin. " I didn't say anything ma'am," pangangatwiran ko dito. " Aba at sumasagot ka pa! Sinabi ko bang magsalita ka?" naiinis ng saad nito sa akin. Di na lang ako sumagot at baka mamaya pag-initan din ako nito tulad ng isa kong professor. Deadma na lang. Natapos ang klase namin na mainit ang ulo. Kaya paglabas namin, sinabayan ako ni Vincent. " I'm sorry dahil sa akin, nasabihan ka ni ma'am kahit wala ka namang ginagawa." Hinging paumanhin sa akin. " Naku wala iyon. Huwag mo ng isipin. I'm used to it. Nakita mo naman kahit sa subject natin kanina, mainit din ang dugo ni professor Ekz." Tugon ko dito. " Di mo kasi pinapansin si Sir kaya nagpapansin lang sa'yo iyon," sagot nito sa akin. " Simula pa lang kahapon, ganoon na sa akin 'yon..Bahala silang magsitanda kaagad. Masyado silang maiinit." Sabi ko dito. " Lunch na. Sabay na tayong mag lunch?" Yaya sa akin ni Vincent. Ayaw ko sana, pero wala naman din pa akong friends dito na makakasabay at saka mukhang mabait naman ito hindi tulad ng iba na matatakot ka kapag tumingin. Sabay kaming nag - lunch sa canteen. Gusto pa nga akong ilibre kaya lang tinanggihan ko at sinabihan ko na kapag pinilit niya na siya ang magbayad ay di ko na siya sasabayan. Madami pa kaming napag-usapan ni Vincent at niyaya pa niya akong manood ng practice nila tuwing breaktime ko daw. Tumango na lang ako para di na humaba. Di naman ako mahilig manood ng basketball. Kung sinabi pa niya na may alam siyang bar baka doon pumayag pa ako. Kaya lang wala naman akong kaibigan na babae. Dahil late akong pumapasok ng classroom lahat ng kababaihan ay nasa harapan at ako sa likod dahil doon may bakante kaya wala pa akong friends na babae. Sa nakikita ko kasi classmates na sila before kaya ganoon sila mag-ka-ka-close, mahirap ng sumali sa kanilang grupo. Naghiwalay na kami ni Vincent dahil ang next subject namin ay di na kami mag-ka-klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD