PASADO ALAS SIYETE NA AKO NAKAALIS ng opisina, hinatid pa ako ni Ekz sa meeting place namin ng mga kaibigan ko kahit naka buntot lang ang sasakyan niya sa akin. Hindi talaga ako tinigilan ng boyfriend ko hanggat hindi kami mag bebe time. Heto late na ako, panay na message ni Amaya. Siya pa lang naman ang nasa place dahil malapit lang iyon sa pinang – galingan niya. Nakakahiya lang dahil ako ang nag set ng lakad na ito at ako ay late kaya kinokonsensya ko pa si Ekz kanina. Ayaw noon kasi ng late sa mga usapan. Kaya dapat bago mag seven ay nasa venue na ako. Ang dami pang bilin sa akin kanina. “Hon, promise me that you won’t drink ha.” Tinaasan ko nga ito ng kilay kanina. Naka- ilang ulit na kasi na parang sirang plaka. Hindi na naman ako umiinom last na yung birthday ni Nora. Lalo at gust

