MAGKAKAHARAP KAMI NILA MOMMY AT DADDY ngayon dito sa hapag kainan, kakauwi lang nila kahapon mula sa isang business trip. Ipinatawag ako ni Dad kanina kay Yaya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa akin basta sabi lang ni Yaya ay pinapatawag ako ng dalawa. Wala ng kawala at kailangan ko na silang kaharapin. Bumaba ako mula sa aking silid papunta sa aming komedor, hindi pa ako naka ready para pumasok. Wala pa naman message sa akin si Diana kaya hindi rin ako nagmamadali. Late na rin naman akong naka – uwi kagabi at hindi rin ako tinigilan ni Ekz kahit pinatay ko ang laptop ko. Nag tyaga na gamit ko lang ay phone. Iba talaga trip niya kapag galit si little buddy. Minsan tuloy mahirap pa lang matuto ito ng mga bagong pamamaraan dahil ako rin ang apektado. Hindi naman ako galit natutuwa

