MALALAKAS NA KATOK ANG gumising sa akin. Si Mommy pala ang kumakatok base sa boses na narinig ko. “Ekz, anak! Gising na, tanghali na! Naghihintay ang Daddy mo sa dining area.” Ani Mommy. “Yes Mom! Sunod po ako.” Sumagot na ako dahil hindi rin ako titigilan ni Mommy. Dumiretso ako sa bathroom para gawin ang lahat ng dapat gawin. Paglabas ko ay bihis na ako. After naming mag-usap ni Daddy ay didiretso na ako sa opisina. “Good morning Dad, good morning Mom!” bati ko sa kanila at hinalikan ko sila parehas sa pisngi. Kahit matanda na ako ay ginagawa ko pa rin sa kanila iyon bilang pagbibigay respeto. “Good morning iho! Mabuti at mabilis kang naka-sunod!” ani Mommy. “Good morning son! Mabuti pala at nabanggit ng ating kasama dito na umuwi ka daw kanilang madaling araw. Ilang araw na kitang

