NAGKAROON KAMI NG SCHEDULE NI honey bunch kung kailan kami magkikita sa condo. Bingyan ko na rin siya ng susi para anytime na darating siya ay maka-diretso na siya roon. Wala kaming schedule na magkikita kami sa condo dahil birthday ng kanyang kaibigang si Nora. Naipakilala na rin niya ako sa mga kaibigan ni honey bunch noong nakaraan after namin na mag-kaayos. Nang maging malinaw na uli ang relasyon namin. Invited din ako sa party kaya doon na lang kami mag-kikitang dalawa. May meeting pa akong pupuntahan bago mag-dinner kaya baka late na akong makapunta. Ang mahalaga naman ay makarating ako dahil panay remind sa akin ni honey bunch. Ngayon ay nasa meeting ako, ito yung meeting na hindi natuloy dahil sa lutang ako. Maganda naman ang takbo ng usapan kaya sigurado na magugustuhan ito ng b

