Chapter Seven.

1575 Words
Chapter Seven: First Meet. Angelie's Point Of View. kasalukuyan akong nag aayos ng sarili ko like naligo ako nag toothbrush kumain ganun. For clarification kumain muna ako bago mag toothbrush uminom ako ng binigay sakin Ni Mommy Aries and gaya ng inaasahan gumana naman sya at gumanda ako maganda naman talaga ako kahit walang ganito judgemental lang tlaga ang iba sa kanila I'm beautiful no matter what. "Oh gelay ayos na ayos ah san lakad mo?" nakita kasi Ako ni Kuya Rodney na nag susuklay sa harapan ng salamin. "secret basta may pupuntahan lang ako saglit" saad ko "Haha date ba yan?" dagdag pa nya oo ata date namen ni Aldrin. "Hahaha hindi ahh kaibigan ko lang yun" humarap ako sa kanya pero pwede na ding maging date yun. "sa pag kakaalam ko si Ricabella at Lawrence lang kaibigan mo" di pwedeng madagdag si aldrin ah? "As Angelie Maria Villanueva kasi tssk nako naman may nakilala kasi ako na ganito yung itsura ko alangan naman di ko gamitin yung mahika diba? Eh di baka mapatakbo yun sa takot ng dahil saken atakihin pa yun kasalanan ko pa" paliwanag ko at tumayo ako mula sa kinauupuan ko. "Ahh sigeh na nga dyan kana" lumabas si Kuya Rodney ng bahay. Tanging pulbo lang ang nilagay ko sa muka ko di naman kasi ako mahilig mag make up or maski liptint dahil lagi kong inaalala yung sinabi sakin ni mama nung bata pa ako. *FLASH BACK* pinakelaman ko yung gamit na pang make up ni Mama like lipstick face Powder at kung ano ano pang nasa make up kit nya pero kahit isa walang tumalab sa muka ko wala pa ding pinag bago. Pumasok si Mama sa kwarto namin dali dali kong tinago ung make up sa likodan ko I'm 9 years old by that time. "Gelay ano yang nasa muka mo?" bungad nito sakin pag pasok na pinto. "Ahh Ma-make up po mama" yumuko ako lumapit si mama sakin sa kama. "Eh ano yang nasa likodan mo?" taas kilay syang nag tanung sakin. Nilabas ko yung make up kit ni Mama "Sorry po Ma" saad ko halos maluha luha ako akala ko kasi papaluin ako ni Mama or what. "okay lang yan gelay pero tandaan mo ah.." "ano po yun ma?" "Ang Babaeng walang make up ay parang kalikasan ang sarap pag masdan dahil sa natural nitong kagandahan" paliwanag ni mama. *END OF FLASH BACK* Habang nakatitig ako sa Make up ni tita na nakita ko dito sa sala naalala ko yung sinabi na mama. Biglang nag chat sakin si Aldrin "Hi Angelie nandito na ako ikaw ba nasan kana?" "ahh papaalis palang" Nag out na agad ako at dali daling lumabas ng bahay para pumara ng tricycle medyo matagal kasi kung lalakadin ko pa. Sa awa ng diyos biglang dumating ang isang tricycle yun na din yung nag hatid sakin papunta sa kinaroroonan ni Aldrin my love. "Hi" bati ko sa kanya. Nakatalikod kasi sya habang nakasandal sa puno nandito kami sa Playground. Humarap sya sakin "Ah Hellow Angelie" napakamot sya sa ulo nya may kuto na ata toh. "Kumain kana?" dagdag pa nya lol pre di ka nakakainlove. "Hindi pa eh ikaw ba?" binalik ko sa kanya yung tanung nya. "Hindi pa den tara kain tayo libre ko" "ikaw bahala kala ko pa naman first meet natin ito first date pala haha" Nginitian nya ako "No kakain lang tayo in a restaurant near us it's not date" paliwanag nito nahalata sa muka nyang naguguluhan sya. "Ah ganun ba? Hehe sigeh tara na" niyaya ko na sya wala eh pahiya tayo. "Wag Assuming Self" bulong ko sa sarili ko. Habang nag lalakad kami palalabas ng Park parang nag kamali ata sya ng direksyon di naman kasi kami jan pupunta diretso lang. "A-Aldrin" sigaw ko medyo malayo kasi sya sakin. Humarap sya tumakbo ako papunta sa kanya "bakit?" tanung nya na halos mag kasalubong mga kilay nya. "Doon ung daan diba?" tinuro ko yung daan na papunta sa Mall. "yeah i know kukunin ko lang sana yung kotse ko ayaw ko kasing mag lakad" Nag patuloy kami sa pag lalakad papunta sa pinagparadahan nya ng kotse hinahagis hagis pa nya yung susi habang nag lalakad kami. Nang makarating kami sa sasakyan nya pumasok si Aldrin sa Driver Seat pero di muna nya sinara ang pintuan nito nirestart nya lang saglit yung expensive car nya. Nng marestart na ito lumabas sya tsaka ngumiti sakin "Okay na lika na sakay ka na" Sasakay na sana ako sa backseat ng bigla nyang harangin yung kamay ko "No di ka dyan sasakay dito ka sa harap baka mag muka pa akong driver mo eh" Tumango na lamang ako at umikot papunta sa kabilang pintuan ng sasakyan. Sinundan ako ni Aldrin at sya na din ang nag bukas ng pintuan para sakin. "ahh salamat" Sumakay na sya ng sasakyan nya sya dn ang nag maneho papunta kaming Sm. ______________________________________ Kasalukuyan kaming nag hahanp ng makakainang restaurant Hanggang sa makarating kami ng Jollibee at dun na din kami kumain no choice kasi punuan yung iba pang restaurant na nandito sa loob ng Mall. "Ako na oorder diba sabi ko naman ililibre kita?" Saad nito at umalis na sa harap ko. Biglang tumunog yung cellphone ko hudyat na merong nag text sakin. 1 text massages from Ricabella. Inopen ko ito. "Gelay nasan ka? Pinuntahan ka kasi namin ni Lawrence sa bahay ng tita mo pero wala kA sabi nya umalis ka daw" "Nasa Sm ako kasama ko si Aldrin wag na kayo pumunta at baka mag taka pa sya" reply ko sa text nya Di na sya nag reply sakin siguro wala ng load or else maya maya pa ay nanjan na si Aldrin dala yung inorder nya para saming dlawa. "thank you" bungad ko sa kanya. "As always? Welcome" naupo na sya sa harap ko. Natapos na kaming kumain at napag pasyahan namin na mag lakad lakad muna kami sa loob ng mall. Habang nag lalakad kami nag tanung sya sakin "Ahh Angelie nga pala san ka nag aaral?" Nagulat ako sa tanung nyang iyon " Secret" "Eh ito na lang pwede ba na iba n lang itawag ko syo ang weird kasi kung Angelie eh" Siguro ayaw nya akong tawaging Angelie kasi ayun yung Name ko as panget na kaklase nya. "Bakit naman?" "kpangalan mo kasi kaklase ko tuwing binabanggit ko pangalan mo ay naalala ko sya" "Ah ganun ba? Bakit type mo kaklase mo?" "No" mabilis nyang sagut di naman masaket. "Ahh okay so Maria na lang itawag mo sakin" ______________________________________ Nag paalam na ako sa kanya na uuwi na ako di na din ako nag pahatid sa kanya dahil baka malaman nya kung saan ako nakatira. ______________________________________ Nang makarating ako sa bahay inabot ko kay tita yung 1k na binigay sakin ni Aldrin. Bago ako mag bihis. Sa totoo lang nakukunsensya talaga ako sa ginagawa ko kasi Nag sisinungaling ako di lang sa mga taong kilala ako thru social media at kay Aldrin bukod dun nag sisinungaling din ako sa sarili ko. Tinatago ko yung tunay na ako yung tunay na pang labas ko di ako nag papakatotoo sa sarili ko. Alam ko naman na balang araw na malalaman din ng lahat ang sikreto ko ayun yung araw na kinatatakutan ko. Yan yung mga iniisip ko habang naliligo ako. Pag katapos kong maligo ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko upang mag bihis. Pag katapos kong mag bihis ay pumunta muna ako sa likodan ng bahay namin para mag pahangin at para kausapin na din sa Mommy Aries. "Mommy aries" paulit ulit ko na binanggit ang pangalan nya hagang sa dumating sya. Meron akong narinig na boses "Gelay wag mo ko dito kausapin sa loob na lang dun na din ako mag papaliwanag" Alam kong yung boses na yun ay walang iba kundi kay Mommy Aries. Dumiretso na ako sa kwato ko at nilock ko ito pati na din ang bintana sinara ko na din ang kurtina para siguradong walang makakarinig o walang makakakita samin ni Mommy Aries. Kailangan nating makasigurado guys noh baka may makaalam ng sikreto ko totally di na ito sikreto kasi alam nyo na este alam na ng mga kaibigan ko at ng family ko pero wag naman sana nating hayaan na maging trending diba? Baka ibash pa ng mga tao itong kapatingitan este kagandahang meron ako. Dami kong daldal noh ghe na nga guys kakausapin ko na si mommy aries "Ah mommy Aries sa tingin nyo po ba tama parin po ba itong ginagawa ko?" "Gelay kahit kailan di pa nagiging tama ang kasinungalingan" What if itama ko? Ang talino ko talaga guys o dito na kayo sakin. "Alam ko naman po yun eh" naupo ako sa double deck wala namang upuan dito sa loob ng kwarto eh. "At Gelay pinapaalalahan kita ah walang sikreto ang di nabubunyag balang araw malalamn din ng lahat ang totoo" Umalis na si Mommy Aries siguro bumalik na sya sa Fairy World para mag pahinga or what. Pero tama nman talaga sya guys balang araw dadating din yung araw na pinaka kinatatakutan ko hindi dahil may mga Zombies ahh kundi dahil mabubunyag ang sikreto ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba lahat ng sakit pero deserve ko yun alam ko sa sarili ko na deserve ko yung sakit na mararamdaman ko in the future. Pero hayaan mo na sa future pa naman 'yun. -END OF THE CHAPTER.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD